Quarter 3, Module 3 ▪Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang higit na nagudyok sa mga Asyano na magkaroon ng mga pagbabago at higit na magpunyagi sa pangunguna ng mga lider ng Asyano na matamo ang minimithing kalayaan para sa mga bansa lalo na si Timog at Kanlurang Asya. ▪Nasyonalismo ▪Imperyalismo ▪Militarismo ▪Pag-aalyansa ng mga bansa ▪Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Agosto 1914. Bunga ito ng pagaalyansa ng mga bansang Europe o kilala rin sa tawag na mga Kanluranin dahil sa kanilang pagnanais na maangkin ang mga teritoryo sa Asya at maisakatuparan ang kani-kanilang interes. ▪Bukod sa mga alyansa ay naging mahalagang pangyayari rin ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand na tagapagmana ng trono bilang emperador sa Austria-Hungary, dahil nagresulta ang pangyayaring iyon sa pagdeklara ng digmaan. ▪ Si Archduke Francis Ferdinand kasama ang kanyang asawa ilang minuto bago ang asasinasyon ▪Pumanig sa Allies at nagpadala ng mga sundalo bilang suporta sa mga Ingles. ▪Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga Hindu at Muslim sa panahong iyon sa pangunguna ni Gandhi sa pamamagitan ng mapayapang paraan na “satyagraha” o non-violence. ▪Sa bansang Iran naman, ay inatake ang Ottoman Empire o imperyo ng mga Islam ng mga bansang Russia at Great Britain dahil sa pakikipagalyado nito sa Germany. ▪Ngunit sa taong 1919, lumagda ang punong ministro ng Iran sa isang kasunduan na ibigay ang malawak na kapangyarihan sa bansang Great Britain sa pagkontrol ng ekonomiya, politika, at pangmilitar sa bansang Iran. ▪Natapos ang Unang Digmaang Pandaigdig noong natalo ang Central Powers sa Versailles, France. ▪Hudyat ng pormal pagtatapos ng digmaan. na ▪Ngunit, naging epekto ng digmaang ito ay ang pagpasok ng mga Europeo o Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya dahil bumagsak na rin ang noo’y kinatatakutan nilang Imperyong Ottoman. ▪Nagbunga iyon ng pagkatuklas sa mina ng langis sa Kanlurang Asya noong 1914, kaya mas lumakas pa ang interes ng mga Europeo sa mga bansa sa Kanlurang Asya. Syria Lebanon Palestine ▪Pinamamahlan ng mga dayuhan ang aspektong pang-ekonomiya ng ilan sa mga bansa sa Kanlurang Asya, ngunit may mag bansa pa rin na naging malaya, katulad ng pamumuno ni Haring Ibn Saud sa Saudi Arabia. ▪Pagkatapos rin ng Unang Digmaang Pandaigdig, mas lalong umigting ang pagnanais ng bansang India sa kanilang kilusang nasyonalismo na siyang naging daan ng pagkakaisa ng mga pangkat ng Hindu at Muslim. ▪Hindi nila sinusunod ang kautusan ng Ingles, nagkaroon ng mga demonstrasyon o rally, at boykot o hindi nila pagtangkilik sa mga produktong Ingles kaya sa huli ay nabigyan sila ng autonomiya ng mga Ingles. ▪Tulad ng Unang Digmaang Pandaigdig, nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe noong Setyembre 1939. ▪Naging pinakamadugong digmaan ito sapagkat mahigit 85 milyong katao ang namatay kung saan sangkot ang halos lahat ng bansa sa buong daigdig. Great Britain America Soviet Union Gremany Italy Japan ▪Maraming mga digmaan at mga kasunduan ang naganap tulad ng paghahati ng mga teritoryo. Dito rin naganap ang pambobomba gamit ang makabago at mapaminsalang “Atomic Bomb”. Ngunit natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang napabagsak ng Allies ang Axis Powers. ▪Kasunduan na pinangunahan ng United States. Ito ay nagsasaad na lilisanin ng Russia at Great Britain ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya ang bansang ito. ▪Inalis ng Russia ang kaniyang tropa sa Iran, ngunit nagdulot ito ng Azerbaijan Crisis. Ito ang unang dininig ng Security Council ng United Nations (UN). ▪Ito ang kinasangkutan ng United States at ng kanyang mga kaalyado kontra sa Russia at ng mga kaalyado nitong bansa. ▪Bilang kolonya noon ng England, naaapektuhan din ang India matapos ang digmaan dahil binigyan nito ng suporta ang England sa pakikipagdigmaang kinasangkutan nito. ▪Nangunguna sa pagprotesta ukol sa pagbibigay suporta ng India sa England dahil ayaw nila ng digmaan. ▪Naging mahalagang pangyayari ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya, dahil umaasa ang mga Asyano na pagkatapos nito ay makakamit nila ang kanilang minimithing kalayaan.