[I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Naiipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing paghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya C. Kasanayang Pampagkatuto Nabibigyang katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya. Nagagamit ang angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya Nailalahad ang mga katangian ng mga bayani at naihahalintulad sa sarling karanasan Naiisa-isa ang kultura ng Kanlurang Asyano mula sa mga akdang pampanitikan nito II. Paksang-Aralin Nilalaman/Paksa: Panitikan ng Kanluraning Asyano Sanggunian: Module/LAS Kagamitan: Mga larawan, Biswual, presentation Estratehiyang Ginamit: Discovery Learning (Sa pamamagitan ng pagsusuri ng akda at pag-aanilasa ng mga larawan) Integrasyon: Aralaig Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Panimulang Gawain 1. Panalangin Tumayo ang lahat para sa maikling panalangin. (Tatawag ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin) (Tatayo ang mga mag-aaral at pangungunahan ng naatasang mag-aaral ang panalangin) 2. Pagbati Magandang Umaga/Hapon sa inyong lahat! 3. Pamantayan sa loob ng Silid-Aralan Bago umupo ang lahat pinaaalala ko lamang ang mga Health Protocol na pinatutupad ng IATF. Kung Magandang Uamaga/Hapon din po binibini. saan panatilihin ang 1 meter social distancing, pagsusuot ng face mask at maari kayong gumamit ng alcohol sa mga bagay na inyong hinahawakan. Maaari na kayong umupo. Salamat! 4. Pag-alam ng Liban sa Klase Sino ang liban sa ating klase ngayong araw, Angela? (Sasabihin ng mag-aaral kung sino ang liban sa klase.) B. Balik-Aral Ano ang tinalakay natin noong nakaraang linggo? Ito po ay tungkol sa mga akdang pampanitikan, epiko, kultura at paghihinuha. Magaling! Sino makapagbibigayng kahulugan ng paghihinuha? Ang paghihinuha po ay paghuhula ng maaaring kasunod na pangyayari ng isang teksto na napakinggan o nabasa. Mahusay! Ano naman kaya ang kultura? Ang kultura po ay kaugalian, paniniwala maaari rin pong pananamit o pagkain. Tama! Ano ang dalawang uri ng kultura? Materyal at Di materyal. Tama! Ang kulturang di materyal ay tumutukoy saan? Mga bagay po na nakikita at nahahawakan natin. Mahusay! Ano naman ang kulturang materyal? Ito po ay mga paniniwala, tradisyon at kaugalian. Epiko po. Tama! Anong uri ng mga akdang pampanitikan ang inyong nalaman noong nakaaraang linggo? Magaling! Nakatutuwa dahil may natutunan kayo sa inyong nakaraang aralin. Bigyan ninyo ng limang palakpak ang inyong mga sarili. C. Pagganyak Bago natin simulan ang ating aralin may gagawin muna kayong isang gawain. Alam niyo ba yung Blind Item? Okay! Ang Blind Item ay isang balitang [karaniwan ay tsismis] kung saan iniuulat ang mga detalye ng usapin habang hindi inilalantad ang mga pagkakakilanlan ng mga taong sangkot. Ngunit ang Blind Item na gagawin natin ngayon ay hindi tungkol sa mga tsismis ito ay pawang katotohanan lamang. Hindi po. Naunawaan ba ang aking panuto sa larong inyong gagawin? Opo. Kung ganoon, 5 padyak 4 na palakpak. 5 padyak 4 palakpak. Unang clue, ang kanyang mga akda ay nagsiwalat ng karahasan, korupsiyon, at masasamang gawain ng mga prayle at opisyal na Espanyol. Dr. Jose Rizal Pangalawang clue, siya ay ipinanganak noong Hulyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Unang clue, siya ay tinaguraang Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino“ at kilala sa tawag na Supremo. Andres Bonifacio Pangalawang clue, siya ang nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan. Unang clue, siya ay maituturing na Mahatma o sa salitang sanskrit , Dakilang nilalang at bilang bapu o ama. Mohandas Gandhi Pangalawang clue, siya ay pangunahing politikal at ispirituwal na pinuno sa Bansang India na nagbigay inspirasyon sa mamamayan ng India upang magkaroon ng kasarinlan. Unang clue, siy ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. Isinilang noong Nobyembre 24, 1880 sa Riyadh. Ibn Saud Pangalawang clue, ang kanyang pamilya ay kabilang sa mga pinunong tradisyunal ng kilusang wahhabi ng Isalm (ultra orthodox) Okay! Bigyan ninyo ng 5 palakpak, 5 padyak at ang galing galing ko ang inyong mga sarili. 5 palakpak, 5 padyak ang galing galing ko. D. Pagtatalakay Bago tayo dumako sa ating aralin atin munang alamin ang mga na kahulugan ng mga salitang makikita/mababasa natin sa aaralin. PROPAGANDISTA- sila ang miyembro ng kilusang propaganda na may layuning labanan ang mga kastila sa pamamagitan ng panulat. AKTIBISTA- bahagi ng lipunang sibil kung saan nakikibaka upang marining ng pamahalaan ang hinaing ng mga mamamayan ng sa ganon ay magkaroon ito ng agarang aksyon o solusyon. ORADOR- mananalumpati. Ngayong nalaman niyo na ang mga talasalitaan alamin naman natin ang mga layunin na dapat ninyong matamo ngayong araw. (Ipapaskil ang layunin at ipapabasa sa mga magaaral) (Babasahin ng mga mag-aaral ang layunin) Nabibigyang katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya. Nagagmit ang angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya. Nailalahad ang mga katangian ng mga bayani at naihahalintulad sa sarling karanasan Naiisa-isa ang kultura ng Kanlurang Asyanomula sa mga akdang pampanitikan. Matatamo niyo lamang ang mga layuning ito kung kayo ay aktibing makikilahok sa ating talakayan. Handa na ba kayong makinig at matuto? Kung kayo ay handa na, 3 padyak 3 palakpak handa na po. Nabibigyang katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya. Nagagmit ang angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya. Nailalahad ang mga katangian ng mga bayani at naihahalintulad sa sarling karanasan Naiisa-isa ang kultura ng Kanlurang Asyanomula sa mga akdang pampanitikan. Opo. 3 padyak, 3 palakpak handa na po. Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa mga kuktura at bayani ng Kanlurang Asya. May makapagbibigay ba ng halimbawa ng kultura ng Pilipinas? Magaling! Ang pagmamano ay isang kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita ng paggalang sa mga nakakatanda. Sino pa ang makapagbibigay ng halimbawa ng kultura ng Pilipinas? Pagmamano po. Bayanihan po. Tama! Bayanihan ay isang kaugalian ng mga Pilipino na sama-samang pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan. Isang simpleng halimbawa na lang ay ang paglilipatbahay kung saan nagtutulungan ang mga kapitbahay na magbuhat ng mga gamit. Naunawaan ba? Opo. Okay! May alam ba kayong kultura na nagmula sa India? Wala po. Wala talaga? Okay! Namaste/namaskar- ito ay kaugalian ng mga Hindu na nagpapakita ng paggalang sa kapwa. Kung sa Pilipinas ay may Alibata (Magpapakita ng larawan ng alibata), sa India ay mayroon silang 3 alpabetong ginagamit ito ay Gurmukhi, Shahmuki at Devanagari. (magpapakita ng larawan ng mga alpabeto ng India) Naunawaan po ba? Opo. 3 padyak 5 palakpak. 3 padyak 5 palakpak Ano ang kahulugan ng katangian? Pagkakakilanlan po. Tama! Ang katangian ay maaaring maunawaan bilang marka na nakikilala sa isang tao, bagay o pangyayari. Ang isang bagay, sitwasyon o isang tao ay maaaring magkaroon ng higit sa isang natatanging katangian. Ito ay maaaring kakayahan, pisikal na ugali o sikolohikal na katangian. Halimbawa ng katangian: Matapang Mabait Maitim/Maputi Maganda/Pangit Mataas/Mababa Malakas Matigas/Malambot Naunawaan ba? Opo. Okay! Kung naunawaan maaari ka bang magbigay Masipag. ng halimbaawa ng katangiang iyong taglay o taglay nag iyong kaklase. Mahusay! Maaari mo bang gamitin sa pangungusap ang masipag? Si Ana ay masipag mag-aral kung kaya’t mataas ang kanyang mga marka. Magaling! Magbigay ka pa nga binibini ng halimbawa ng katangiang iyong taglay o taglay ng iyong kaklase? Matulungin. Maaari mo bang gamitin ang matulungin sa pangungusap? Si Sofia ay matulungin kaya’t siya ay ipinagpapala. Mahusay! Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili. Kilala niyo ba kung sino siya? (Magpapakita ng larawan ni Dr. Jose Rizal) Opo. Siya po ay si Dr. Jose Rizal. Tama! Siya ay si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal. Ipinanganak noong Hulyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Siya ay itinuturing na Pambansang Bayani ng Pilipinas. Isa siya sa mga magigiting na Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas hindi sa paraang dahas, kundi sa pamamagitan ng mga salita. Ano ang mga librong kanyang isinulat na tumutuligsa sa pamamalakad ng mga kastila noon? Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ano kaya ang katangiang taglay ni Dr. Jose Rizal? Ikaw Ginoo? Siya po ay matalino. Magaling! Ano pa binibini? Siya po ay matapang. Tama! Siya rin ay matapang. Ano pa kaya ang katangian ni Dr. Jose Rizal? Makabayan po. Magaling! Siya rin ay makabayan dahil inalay niya ang kanyang buhay kapalit ng kalayaan ng ating bansa sa pamamagitan ng pagsulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nagpamulat sa mata ng mga Pilipino. Sino naman siya? Siya po ay si Mohandas Gandhi. Tama! Siya ay si Mohandas Karamchad Gandhi ipinanganak noong Oktubre 2, 1869. Siya ay pangunahing politikal at ispirituwal na pinuno sa Bansang India , nagbigay ng Inspirasyon sa mamamayan ng India upang magkaroon ng kasarillan. Siya rin ay maituturing na Mahatma o sa salitang sanskrit , Dakilang nilalang at bilang bapu o ama. Ano kaya ang katangian ang taglay ni Mohandas Gandhi? Tama! Matapang din si Mohandas dahil siya ay nagbigay ng inspirasyon para magkaroon ng kasarinlan ang bansang India. Ano pa kaya ang taglay niyang katangian bukod sa pagiging matapang? Matapang po. Matalino po. Magaling! Si Mohandas Gandhi ay katulad rin ni Dr. Jose Rizal siya ay matalino, matulungin at matapang. Gaya ng ginamit ni Dr. Jose Rizal para labanan ang mga kastila, pagsulat din ang ginamit ni Monhandas na armas para mamulat ang mamamayan ng India. 5 palakpak 3 Padyak. 5 palakpak 3 padyak. Siya po ay si Ibn Saud. Kilala niyo ba kung sino siya? Tama! Siya ay si Abdulaziz bin Abdul Rahman Al Saud o mas kilala bilang Ibn Saud ang kaunaunahang hari ng Saudi Arabia. Isisnilang noong Nobyembre 24, 1880 sa Riyadh, anak ni Abdul Rahman Bin Faisal. Ang kaniyang pamilya ay kabilang sa mga pinunong tradisyunal ng kilusang wahhbi ng Islam (ultra orthodox). Minsang nakulong sa Kuwait ang kaniyang pamilya. Tama! Ano kaya ang katangiang taglay ni Ibn Saud? Matalino. Magaling! Ano pa? Magaling na pinuno po. Mahusay! May makapagbibigay pa ba? Matapang po. Magaling! E. Pagpapahalaga Base sa mga nalaman ninyong katangian ngayong araw, anong katangian ngm ng mga bayani ang maihahalintulad mo sa iyong sarili. Bakit ito ang iyong napili? Mahusay! Gusto niyang maging matapang para maipagtanggol niya ang kanyang sarili. Magbigay ka pa nga Ginoo? F. Paglalahat Ano ang inyong naturunan ngayong araw? Pakiisaisa nga. Pagiging matapang po dahil kailangan po natin ito para maipagtanggol ang ating sarili sa mga ng aapi. Pagiging makabayan po dahil kung may nais man pong sumakop uli sa ating bansa maipagtatanggol po gaya ng pagtatanggol ng mga bayani noon. Ang katangian ay maaaring maunawaan bilang marka na nakikilala sa isang tao, bagay o pangyayari. Ang isang bagay, sitwasyon o isang tao ay maaaring magkaroon ng higit sa isang natatanging katangian. Ito ay maaaring kakayahan, pisikal na ugali o sikolohikal na katangian. G. Paglalapat Panuto: Ilista ang mga katangian ng mga sumusunod na bayani at mga kultura sa kanilang bansa. Bayani Katangian Kulturang kinagawian o isinasabuhay Dr. Jose Rizal Mohandas Gandhi Ibn Saud IV. Pagtataya Basahin at unawain ang teksto. Ito’y nangyari noong araw na sila’y balik-eskwela na, mga dalawang buwan pagkatapos ng bakasyon. Ayaw gumising ni Sharikar ng alas-sais. Gusto niya pang alalahanin ang kaniyang pagbisita sa bahay ng mga lolo’t lola niya sa Mysore, sa may katimugang bahagi ng Kamataka. Gustong gusto niyang inaalala ang kanyang pagbisita sa Bandipur National Park. Doon niya nakilala ang Asyanong elepante, ang buwayang Mugger at marami pa. Sa pagbisita niya iyun, naging mailap ang tigre at naisip niya sa sunod na lamang niya iyon titignan. Ngunit gusto ni Sharikar na ang “sunod” na pagkakataon ay ngayon na. Pag-uwi ni Sharikar galing sa paaralan noong hapon nakita niya ang kanyang Amman na umiiyak, nagtaka siya bakit kaya hindi pumasok sa opisina ang kanyang ina. Lumipat siya dito at sinabi ng ina “Sharikar, gusto ko ako mismo ang magsabi sa iyo. Naaksidente ang iyong Appa habang siya’y nagmamaneho papuntang opisina. Okay naman siya. Ating trabaho ngayon ang pagpili ng magmamaneho sa kanya simula ngayon papuntang opisina. Nakalma si Sharikar at sa mga sumusunod na araw dahan-dahang kinilala nila ang mga aplikante bilang tagamaneho ng Appa niya. Makalipas ang ilang taon sila’y nagdesisyon na si Raj ang bagay sa trabaho. Siya’y tatlumpong taong gulang at mahinahon magsalita. “Aalagaan niya si Appa” isip ni Sharikar. -Halaw sa maikling kwento galing India. I. Panuto: Isa-isahin ang kulturang ipinakita sa binasang akda. Isulat sa talahanayan ang sagot. 1. 2. 3. 4. 5. V. Takdang Aralin I. Panuto: Magbigay ng ilang kultura sa Pilipinas at sa India ilarawan gamit ang mga angkop nna salitang ginagamit sa paglalarawan. (2 puntos bawat bilang) Kultura ng India Hal. Namaste/Namaskar- kaugalian ng mga Hindu na nagpapakita ng paggalang sa kapwa Kultura ng Pilipinas Hal. Pagmamano- ito ay isang kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda II. Panuto: Gumawa ng Akrostik ng salitang KULTURA K U L T U R A Inihanda ni: Ipinasa kay: Bb. Chereline O. Villafranca Bb. Monaliza M. Paitan