Uploaded by Cristopher Alvin De Guzman

Kabanata 5.pptx

advertisement
Kabanata 5
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Isang malaking pagkakamali ang bumuo ng teorya
bago pa makapangalap ng datos. Walang
pakundangan, sisimulan nyang baluktutin ang
katotohanan upang umayon sa teorya, sa halip na
teorya ang umayon sa katoohanan.
- Sherlock Holmes, A scandal in Bohemia
Lagom – dito binubuod ang mga datos at impormasyon
nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinalakay
sa Kabanata IV
Konklusyon - mga inference , abstraksyon ,
implikasyon at interpretasyon pangkalahatang pahayag
at paglalahad batay sa mga datos at impormasyong
nakalap ng mananaliksik.
Rekomendasyon - mga mungkahing solusyon para sa
mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.
• Ito ang huling kabanata ng pamanahong papel.
• Nilalagom nito ang mga nakalap na datos at impormasyon
• Inilalahad ang mga generalization sa anyong kongklusyon
batay sa mga datos at impormasyong nakalap
• Ipinatutungkol
sa
mga
kinauukulan
ang
mga
rekomendasyon tungo sa posibleng kalutasan ng mga
suliranin.
Methods of Research and Thesis Writing
Dito nilahad nina Calderon at Gonzales (1993) ang
mga tagubilin na lubos na makatutulong sa mga
mananaliksik sa pagsulat ng Lagom, Konklusyon, at
Rekomendasyon.
Ilan sa mga ito angsumusunod:
A. LAGOM
1.
Simulan ang lagom sa isang maikling ppahayag tungkol sa pangunahing layunin ng pag
aaral, mga respondate, saklaw, limitasyon at panahon ng pag aaral, pamamaraan at
instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at impormasyon at ang disenyo ng
pananaliksik. Hindi na kailangan ng ano mang eksplanasyon o pagpapalawig.
2.
Ilahad ang lagom sa paraang tekstuwal at numerical sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga
importanteng datos.
3.
Huwag gumawa ng mga deduction, inference at interpretasyon sa lagom dahil mauulit
lamang ang mga iyon sa kongklusyon.
4.
Ang mga importanteng tuklas at haylayt ng mga datos ang dapat banggitin sa lagom, lalong
lalo na iyong mga pinagbatayan ng mga konklusyon.
5.
Ang mga datos ay hindi na dapat ipaliwanag pag muli.
6.
Gawing maikli at tuwiran ang mga pahayag sa lagom.
7.
Huwag magdaragdag ng mga bagaong datos o impormasyon sa lagom.
Pansisin ang kasunod na bahagi ng isang lagom ng isang
haypotetikal na pag-aaral:
B. KONKLUSYON
1.
Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at impormasyong nakalap.
2.
Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa Layunin ng Pag- aaral. Mawawalan ng
kabuluhan ang pananaliksik kung ang mga katanungan iyon ay hindi malalapatan ng mga kasagutan sa
kongklusyon.
3.
Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga paktwal na napag-alaman sa inkwiri.
4.
Huwag bumuo ng kongklusyong batay sa mga implayd o indirektang epekto ng mga datos o impormasyong
nakalap.
5.
Gawing maikli at tuwirin ang mga kongklusyon, ngunit tandaang kailangang maihayag ang mga kailangang
impormasyong resulta ng pag-aaral na hinihingi ng mga tiyak o ispesipikong tanong sa Layunin ng Pag-aaral.
6.
Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng mga mananaliksik na sila’y may
pagdududa o alinlangan sa baliditi at relayabiliti ng kanilang pananaliksik. Kailangan kung gayong iwasan ang mga
salitang nagpapahayag ng walang-katiyakan tulad ng siguro, marahil, malamang, baka at iba pa.
7.
Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw, at panahon ng pag-aaral.
8.
Ang mga konklusyon ay hindi dapat repetisyon lamang ang mga pahayag sa ibang bahagi ng pamanahong papel.
Samakatuwid, ang isang diwang una nang nabanggit sa ibang bahagi ay kailangan maipahayag sa ibang kaparaanan
sa isang kongklusyon.
Pansinin ang mga kasunod na kongklusyon ng isang haypotetikal na
pag-aaral na pinaghalawan ng naunang halimbawang lagom:
C. REKOMENDASYON
1. Ang mga rekomendasyon ay dapat naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa
imbestigasyon.
2. Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa ano mang suliraning hindi naman nnatuklasan
o natalakay sa pag-aaral.
3. Bagama’t ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideyal, kailangang ang bawat
isa’y maging praktikal, naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at makatarungan.
4. Dapat maging balid at lohikal ang bawat rekomendasyon.
5. Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa indibidwal, pangkat,tanggapan, o
institusyong nasa posisyongmagpapatupad ng bawat isa.
6. Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan, kailangang irekomenda ang ang
pagpapanatili, pagpapatuloy,at/o pagpapabuti ng mga iyon at/o mga hakbang o paraan
kaugnay niyon.
7. Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuloy o pagpapalawak ng
isinasagawang pag-aaral at/o paggamit ng ibang saklaw, panahon, lokaliti at populasyon
upang ma-veify, maamplipay o mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.
Pansinin ang mga kasunod na rekomendasyon batay sa unang
nailahad na mga kongklusyon ng ibang haypotetikal na pag-aaral:
Download