4. Paano magagamit ang mga gawaing pangkomunikasyon ito para sa mga gawaing pangkaunlaran sa isang pamayanan? Napakadaling kumalat at lumawak ang isang impormasyon kung ito ay dadaloy sa pamamagitan ng mga gawaing pangkomunikasyon. Kung kaya ito ay ang ating gagamiting matatag na tulay at sandigan sa pagpaplano at sa pagpapayaman ng mga kaisipang magdudulot ng ginhawa at pakinabang sa isang pamayanan. Kahit sa simpleng umpukan ay lalaganap ang mensaheng nais ipahatid ng kinauukulan. Ano pa kaya kung ito ay gagawing pormal tulad ng talakayan at pulong-bayan? Halimbawa, sa pagpapatupad ng proyekto na nanggaling sa Kagawaran ng Agrikultura na kinakailangang magtanim ang mga mamamayan ng mga gulay o prutas sa kani-kanilang bakuran lalong-lalo na ngayong sa panahon ng pandemya na mas mahirap ang hanapbuhay ngunit may mataas na tayong panahon at oras. Kung ang proyektong ito ay maisasaad sa isang talayakan o pagpupulong, madali itong mapapasa sa magkakapitbahay hanggang sa buong pamayanan. Kung ang pinag-uusapan ng mga tsismis ay ang mga malulusog na pananim ng kanilang mga kapitbahay dahil sa paggamit ng organikong pataba ay mahihikayat din ang iba pang parte ng komunidad na magtanim sa layong gumaya sa kanilang kapitbahay o di kaya ay higitan pa ito. Kapag magamit ng tama at ayon sa pangangailangan ang mga gawaing pangkomunikasyon na ito ay walang duda na magdudulot din ito ng kagandahan at kapakinabangan na naayon sa totoong layon nito.