Simposyum at komperensiya Ang simposyum ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na kung saan ang mga partisipante ay mga paham o eksperto sa kani kanilang mga larangan. Tinatalakay ng mga eksperto o paham ang kani kanilang opinion o pananaw sa particular na paksa ng pagtatalakay. Karaniwan na nagkakaroon ng talakayan matapos na ang tagapagsalita ay makapagbahagi na ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang talumpati. - Ang symposium ay isang pampublikong pagpupulong o pagtitipon kung saan may malayang talakayan o palitan ng mga kaisipan. Kung saan may ilang tagapagsalita na nagbibigay ng maiikling panayam tungkol sa isang paksa. Ito’y isang paraan upang matalakay, mailahad ang ideya at mapalawak ang kaisipan sa paksang pinag-uusapan. Ang simposyum ay isang patitipon, pagpupulong, o panayam kung saan ang mga kalahok ay tumatalakay sa isang particular na Paksa. Kadalasan may iilang taong eksperto na gumaganap bilang tagapagsalita tungkol sa paksa. Maaaring iba iab ang paksang pinaguusapan, ngunit nakakonekta pa din ito sa isa’t isa. Ang mga sumusunod ay ang mga kahalagahan ng simposyum Nagbibigay ng impormasyon Ang mga impormasyon ay ibinibigay ng mga eksperto Ina-update ang kaalaman ng mga tao Mga uri ng symposium; Panel Symposia - ay nakikipag-ugnayan sa isang pangkat ng mga panelista sa isang interactive na talakayan. Walang mga pamagat na nauugnay sa mga pagtatanghal ng mga panelista. Ang mga panukala para sa mga talakayan sa panel ay dapat na may kasamang malinaw na paglalarawan ng mga paksang tatalakayin at mga pamamaraang gagamitin upang pamahalaan ang talakayan sa mga panelista at sa madla. Presenter symposia - ay nagsasangkot ng isang serye ng mga may-akdang papel sa isang paunang preset na tema. Sa isang Presenter Symposium, ang mga pamagat at may akda / nagtatanghal ay naiugnay sa bawat pagtatanghal. Ang tagataguyod ng symposia ay maaaring kasangkot sa mga co-authored na presentasyon. Ang mga kapwa mayakda ay nakalista sa naka-print na programa. Mga dapat isalang-alang sa pagsasagawa ng simposyum: 1. Bubuo ang mga tagapamahala ng mga hakbang bago isagawa ang simposyum. Magdaraos ng paunang pulong bilang paghahanda upang matalakay ang detalye ng gaganaping simposyum. Pag-uusapan sa pulong ang petsa, lugar, komite, at mga taong magiging bahagi ng komitr, maging ang pagmumulan ng pondo kung kailangan. Ipaaalam sa madla ang tungkol sa mga detalye nito sa pamamagitan ng liham, poster, o patalastas. Ihahanda ang bulwagan kung saan gaganapin ang simposyum. 2. Pagtatalaga ng isang modereytor na magiging: Tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan. Tagapagpakilala ng mga tagapagsalita. Tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan Tagapaglinaw sa mga tanong at detalye Tagapagbigay-buod sa talakayan 3. Sa simposyum, kailangang may mga tagapagsalita na : Magbibigay ng maikling panayam hinggil sa paksa Tatalakay sa paksang ibinigay sa kanila sa itinakdang oras at haba ng pagsasalita. Gawing tiyak, malinaw at makabuluhan ang pagtalakay sa paksa. Sasagot sa mga katanungan ng madla at paglilinaw sa paksa sa oras ng lahatang diskusyon o open forum. 4. Sa simposyum, kailangang may lahatang diskusyon o open forum. Dito ay Malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga tagapakinig para sa ikatatagumpay ng isang simposyum at maging produktibo ito. Inaasahan mula sa kanila ang: Mabuting pakikinig Paggalang sa mga tagapagsalita at kapwa tagapakinig Maayos na paraan sa pagtatanong Matalinong pagbibigay ng reaksyon Kumperensya - ay isang pagtitipon ng mga tao sa isang tukoy na paksa, maging sa panlipunan, relihiyon, pampulitika, korporasyon, akademiko, o iba pang interes. Sa pangkalahatan ay pinangangasiwaan ito ng isa o higit pang mga tao na may mataas na antas ng kadalubhasaan o kaalaman sa paksang pinagtutuunan. Ang komprehensya ay nangangahulugang kaganapan o pagtitipon ng maraming tao, para sa isang particular na dahilan, tulad ng pagpupulong o paguusap sa isang bagay na mahalaga. Ang komperensya ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong kung saan ang mga kasali o partisipante ay binibigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng kani kanilang pagtalakay sa ibat ibang paksa. Ang komperensya ay may higit na malawak na delegato kung ihahambing sa simposyum. Mga hakbang sa pag buo ng komperensya 1. Pagpapasya ng tema 2. Pagpasya sa mga maaaring makasama sa pangkat para sa pagpaplano o pangangasiwa 3. Paghahanda ng plano sa budget at mga pagkukunan nito 4. Pagpapasya sa araw at lugar na pagdarausan ng Gawain 5. Pagpili ng mga tagapagsalita 6. Pagpapatala at promosyon Uri ng kumperensiya Kumperensya ng master - ginagawa ito para sa mga hangarin na pang-akademiko at ang layunin ay para sa lektor (na may perpektong antas ng pagdadalubhasa) upang magbigay ng isang disertasyon sa isang paksa na nauna nang pinag-aralan ng mga dadalo. Dialogue conference - Ang pagpupulong ng diyalogo ay nagsasangkot ng isang pagpapalitan ng mga ideya sa pagitan ng tagapagsalita at ang dumalo sa buong eksibisyon. Kumperensya sa siyensya - Ito ay isang pampubliko o pribadong pagpupulong sa pagitan ng mga espesyalista mula sa isang partikular na sangay na pang-agham, upang makabuo, pag-aralan at palitan ang data ng interes para sa layunin ng pagpapakalat. International conference - Ang mga ito ay mga pagpupulong sa pagitan ng mga kinatawan ng mga internasyonal na samahan upang ipakita ang mga isyu at mga problema ng karaniwang interes at upang maghanap ng mga solusyon sa pamamagitan ng pinagkasunduan. Press conference - Ito ay isang pulong para sa mga layuning pang-impormasyon kung saan tinawag ang media upang maikalat ang mga puntong ipinakita. Ito ay isang mapagkukunan na karaniwang ginagamit ng mga personalidad at awtoridad na nais o dapat ay pananagutan para sa kanilang mga aksyon o ng katawan na kinakatawan nila. Video conference - Ito ay isang kumperensya na isinagawa ng two-way means: telepono, video o video call. Ang isang pulong sa negosyo ng Skype ay maaaring isaalang-alang ng isang kumperensya ng video.