Student No. Legacy of Wisdom Academy of Dasmariñas, Inc. Score: Golden City, Salawag, Dasmariñas City IKA- APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 2 PANGALAN: _______________________ BAITANG AT SEKSYON: _________________ I. Bilugan ang letra na nagsasaad nang tamang sagot. 1. Ano ang tawag sa ginagampanan ng isang tao bilang katumbas ng mga karapatang kanyang tinatamasa? A. alituntunin C. tungkulin B. karapatan 2. Alin sa mga sumusunod na tungkulin ang kaya mo nang gawin bilang isang bata? A. Magbayad ng buwis. B. Tumulong sa pagdakip ng mga magnanakaw. C. Magtapon ng basura sa tamang basurahan. 3. Isa sa mga tuntuning dapat sundin ay ang pagsunod sa batas trapiko. Ano ang mangyayari kung hindi ka susunod sa tuntuning ito? A. maiiwasan mo ang aksidente B. magiging mabuting kang mamamayan C. mapapahamak ka at magiging iresponsableng mamamayan 4. Sila Jade at James ay tuwangtuwang naglalaro sa palaruan. Ano ang kaugnay na tungkulin ang dapat nilang gawin? A. Magkalat dito B. Ingatan ang mga gamit C. Sirain ang seesaw na ginamit 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagsunod sa tuntuning dapat sundin ng bawat kasapi ng komunidad? A. Pagtawid sa tamang tawiran. B. Pagtatapon ng basura sa hindi tamang basurahan. C. Pagpapanatili nang maayos at malinis na kapaligiran. 6. Isa sa mga tungkulin na dapat gawin ng bawat kasapi ng komunidad ay ang paggalang sa karapatan ng kapwa. Iba iba kayo ng relihiyon ng iyong mga kaklase. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin? A. Igalang ang paniniwala ng iba. B. Iwasan ang mga kaklase na iba ang paniniwala. C. Awayin ang kaklase na iba ang paniniwala sa iyo. 7. Ang pagbabawal sa paggala ng mga aso ay isa sa mga batas o alituntunin sa ilang komunidad. Ano ang tawag sa alituntuning ito? A. karapatan C. tungkulin B. ordinansa 8. Para sa ikakaunlad ng isang komunidad, ano dapat ang mahalagang taglay ng bawat isa? A. disiplina C. tungkulin B. karapatan 9. Bilang kasapi sa komunidad, bakit mahalaga na gawin ang bawat tungkulin? A. upang yumaman ang komunidad B. upang maging masaya ang buong komunidad C. upang maging maayos ang pagsasama sa komunidad 10. Ang bawat isa ay may karapatang makapag- aral. Ang karapatang ito ay may angkop na tungkulin. Bilang isang mag- aaral, ano ang iyong tungkulin? A. mag- aral nang mabuti B. palaging lumiban sa klase C. makipag- away sa mga kaklase 11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tungkulin sa paaralan? A. Laging pagsusuot ng ID habang nasa paaralan. B. Pagmamano sa mga nakakasalubong na guro at punongguro. C. Lahat ng nabanggit 12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa watawat ng Pilipinas? 13. Anong larawan sa ibaba ang nagpapakita ng paglabag sa tungkulin na kailangan gampanan sa komunidad? 14. Paano mo maipapakita ang iyong tungkulin bilang isang anak? A. Maging magalang at masunurin sa mga magulang nang walang hinihiling na kapalit. B. Maging masunurin sa mga magulang kapag may kapalit na ibibigay. C. Maging masunurin sa mga magulang kapag may kailangan lang. 15. Ano ang tawag sa pagtutulungan ng mga tao sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar? A. bayanihan C. pakikiramay B. paglalamay 16. Ano ang tawag sa ibinibigay na tulong sa mga namatayan para sa gastusin sa pagpapalibing? A. abuloy C. regalo B. bonus 17. Ang mga sumusunod ay tradisyong ginagawa sa pamayanan upang magkaisa ang mga tao sa komunidad, MALIBAN SA: A. pagbabayanihan B. pakikiramay sa mga namatayan C. pagsusugal 18. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kahandaan at pagnanais na magsagawa ng tungkulin at pananagutan para sa ikabubuti ng komunidad? A. Kagalingang Pansibiko B. Kamalayang Sibiko C. Pagkilos na Sibiko 19. Paano mo maipapakita ang iyong pakikiramay sa mga taong namatayan ng Mahal sa buhay? A. paglalamay B. pagpupuyat C. pagdadalamhati 20. Ano ang HINDI magandang dulot ng pagtutulungan sa pagpapatupad ng mga gawain isang komunidad? A. Nagiging maayos at malinis ang komunidad. B. Nagkakaroon ng alitan ang mga tao sa komunidad. C. Nalulutas ang suliranin sa pagkakaisa ng mga mamamayan. 21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtutulungan para sa ikakalutas ng suliranin sa isang komunidad? 22. Si Ana ay naniniwalang mas matibay at mas maganda ang mga produktong gawa ng ibang bansa. Ano ang tawag sa kaisipang ito? A. cab mentality B. colonial mentality C. crab mentality 23. Alin sa mga sumusunod ang TAMA? A. Ang sama- samang paglilinis sa isang komunidad ay masamang gawain. B. Malulutas ang suliranin ng komunidad kung magkakahiwalay na lulutasin ng bawat isa. C. Ang pagtatapon ng mga basura sa tamang lugar ay nakakatulong sa paglutas ng polusyon. 24. Hindi nangongolekta ng mga basura sa komunidad kaya nagkalat ito sa kalsada. Ano ang magiging epekto nito sa mga mamamayan? A. Magiging maayos at malinis na kapaligiran. B. Magiging instrumento ito ng pagbabago ng komunidad. C. Magiging dahilan ito ng paglaganap ng sakit at baha. 25. Ang mga sumusunod ay tama, MALIBAN SA: A. Ang mga taong nagdiriwang ng kaarawan ay binibigyan ng abuloy. B. Pagbabayanihan ang tawag sa paglilipat ng bahay sa ibang lugar. C. Maipapakita ang pagtulong sa mga namatayan sa pamamagitan ng pagdalo sa lamay.