Uploaded by Anape, Maria Kristina L.

IKALAWANG GAWAIN SA FILIPINOLOHIYA- ANAPE

advertisement
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Pangalan:
Anape, Maria Kristina L.
Petsa:
Kurso/Seksyon:
BBTLEDE HE 2-1
Iskor:
April 29, 2022
IKALAWANG GAWAIN SA FILIPINOLOHIYA
Panuto: Buksan ang link at panoorin ang video tungkol sa konsepto ng Filipinolohiya. Sagutin
nang komprehensibo ang sumusunod na katanungan. (R x 5)
https://youtu.be/rt6yrl5clqE
1. Ano ang Filipinolohiya? Paano ipinaliwanag ang konsepto nito?
SAGOT:
Ang filipinolohiya ay tinatawag rin natin na araling Pilipino, ito ay nahahati sa
dalawang salita “Pilipino” at “Lohiya” na ang ibig sabihin ay pag-aaral. Ang Filipinolohiya ay ang
pag aaral ng pagka-pilipino ng mamamayan sa bansa, pinag aaralan nito kung paano magisip,
kumlilos, at magsalita ang isang Pilipino sa lipunang ating kinabibilangan. Pinapahalagahan nito
konsepto ng ating kamalayang makabansa, upang malinang ang ating kaisipan sa iba’t-ibang
larangan, sa pilosopiyang Pilipino at upang malaman ang kahalagahan ng wikang Filipino.
Magandang pagusapan ang aralin na ito upang mas madagdagan pa ang ating kaalaman o
kaisipan, kultura at lipunan upang mailabas natin ang ating pagka Pilipino sa bawat larangan.
2. Patunayan na hindi mangmang ang mga Pilipino.
SAGOT:
Hindi mangmang ang mga Pilipino dahil ang ating mga katutubo ay may sariling
sistema ng pamumuhay at edukasyon. Ang ating lahi ay dumaan sa napakaraming sibilisasyon,
natuklasan natin ang apoy, at nakapaglikha ng pamayanan na nagpapayaman at nagbibigay
halaga sa ating kapaligiran. Hindi rin tayo mangmang dahil tayo ay may nabuong Sistema ng
pag sulat o baybayin na nagging daan upang maisulat ang Doctrina Cristiana.
1
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
3. Paghambingin ang pananakop ng Kastila at Amerikano at ano ang naging epekto nito?
SAGOT:
Parehong masama ang naidulot ng panahong ito sa pamumuhay nating mga Pilipino,
tinanggalan nila tayo ng kalayaan at karapatan sa bawat aspeto ng sistema na mayroon tayo.
Ang pananakop ng kastila any sadayang napakalupit binaboy at isinawalang bahala nila ang
mga taong namumuhay sa Pilipinas. Ipinalaganap nila ang relihiyong Katilika Apostolika
Romano sa ating Sistema. Ibinigay ang iba’t-ibang impormasyon tungkol sa kanilang
pananampalataya. Samantalang sa pananakop ng Ameriklano na nagbigay rin ng malaking
takot sa mga Pilipino, ipinalaganap nila ang edukasyon. natutunan natin ang ibig sabihin ng
demokrasya, Ingles, at ang kulturang Americano. Ipinakilala rin nila ang sistemang
pampublikong paaralan kung saan ang tawag sa mga matatalinong bata ay Iskolar .
4. Bakit Ingles ang naging pamantayan ng pagiging edukado ng mga Pilipino? Ano ang naging
epekto nito?
SAGOT:
Naging pamantayan ito ng pagiging edukado dahil kinikilala natin ang mga taong
nag sasalita ng ingles bilang isang mayayaman at mataas ang estado ng buhay. Naging
pamantayan rin ito dahil ang ingles ay ginawan ring midyum sa pagtruturo sa mga estudyante sa
pilipinas. Nararapat lamang na ikaw ay marunong magsalita o makaintindi ng ingles upang
masabi o mapatunayan na ikaw ay hindi mangmang.
5. Ano ang edukasyon ayon kay Abadilla? Ipaliwanag ang kahalagahan nito.
SAGOT;
Ayon sa kanya mahalaga ang edukasyon dahil ito ay isang biyaya na nagbibigay
at sinisinop nito ang ating kamlayan pag dating sa mga bagay-bagay. Mahalaga ito ayosn sa
kanya dahil ditto nakasalalay anf kapalaran ng ating lipunan at ng mga taong nakapaloob dito.
Ang kabuluhan ng pag aaral o edukasyon ay laging nasa kabutihan at sa kapakinabangan ng
lipunan.
*Paalala: Isaalang-alang ang paggamit ng wastong ispeling at gramatika sa pagsagot.
2
Download