Uploaded by onlinedti.001

Aeira Pananaliksik RRL

advertisement
Edad
Ayon sa Bise Presidente ng Philippine Association for Media and Information Literacy na
si Arniel Ping, maaga ang pagkakaalam ng mga kabataan sa media, telebisyon, at dyaryo.
Gayunpaman, wala silang sapat na kakayanan upang –iproseso ang mga impormasyaon na
nakukuha nila mula rito. Para masolusyonan ang suliraning ito ay dapat mayroong “values
formation” ang mga palabas. Payo rin niya sa mga magulang na siguraduhing angkop ang
natututunan ng mga bata sa kanilang mga edad.
Ito ay sinuportahan nila Goddard at Greesin (2007) sapagkat sa kanilang pag-aaral,
mahalaga umano ang malimitahan ang impormasyong natatanggap ng mga kabataan mula sa social
media sapagkat maaari silang makakuha ng impormasyong hindi pa angkop sa kanilang edad.
Bilang epekto, maaari nilang magamit ang impormasyon na ito sa araw-araw nilang pakikihalubilo
sa mga tao.
Kasarian
Inilaad ni Buenafor (2020) sa kanyang pag-aaral na ang media ay may maraming
kapangyarihan sa mga bata at mahalagang malaman kung ano ang nakikita at iniisip ng mga bata
tungkol sa kanilang nakikita. Kinakailangan na itaguyod ang kanilang kritikal na pag-iisip tungo
sa sapat at tamang halaga sa lipunan. Kinakailangan na kapag nanonood ka ng isang programa o
isang pelikula maaari kang makipag-usap sa mga bata tungkol sa mga ginagampanan ng lalaki o
babae at maibigay sa kanila ang katotohanang nararapat sa kanila.
Sa pag-aaral na isinagawa nila Ramota at Marc (2013), naipakita na malaki ang epekto ng
midya sa pagpapatibay ng kasarian ng isang tao. Ito ay napatutunayan sa tinatawag na algorithm.
Sa pag-aaral na ginawa nila ay napatunayang mayroong pagkakapareho ang algorithm ng mga
kalalakihan at ang sa mga kababaihan. Nakita rin sa mga resulta ng pagsusuri na mayroong
pagkakaiba nag algorithm ng mga lalaki at babae sapagkat ito ay nakabase sa kanilang mga
kasarian.
Pinag-aralan ng mga magulang
Ang antas ng pinag-aaralan ng mga magulang ay isa sa mga mahahalagang aspeto upang
maturuan ang mga kabataan sa kung paano nila dapat tanggapin at hanapin ang mga impormasyon
sa midya (Dagmang, 2017). Ito ay sa kadahilanang hindi matututukan ng mga magulang mga mga
bata kung nahihirapan din sila na gamitin ang midya.
Ito ay sinuportahan ni Tolentino (2008) sa kanyang pag-aaral na nagbibigay pokus sa
midya bilang isang instrumenting pampanitikan. Ang mga magulang ang dapat na magpakilala sa
mga pampanitikan mula sa midya sapagkat sila dapat ang mas may mataas na antas ng edukasyon
kaysa sa mga bata.
Trabaho ng mga magulang
Inilahad ni Manio (2017) sa kanyang pag-aaral na ang trabaho ng mga magulang ay may
malaking impluwensiya sa pagbuo ng modernong interes ng mga bata. Ito ay dahil sila ang
tinitingala bilang ehemplo. Bukod pa dito, nakalakihan ng mga Pilipino na maging masunurin sa
mga magulang kaya naman ang mga desisyon ng mga bata ay base sa kung paano sila
iniimpluwensiyahan at tinuturuan ng mga magulang.
Malaki ang impluwensiya ng trabaho ng mga magulang sa pagbuo ng modernong interes
ng mga kabataan. Ang tarabaho ng mga magulang ay ang nagiging pamantayan kung gaano
kadami ang kanilang oras upang matutukan at maturuan ang mga bata sa paggamit ng midya
(Masakayan, 2010). Ang mga bagay na dapat nilang tutukan ay kinabibilangan ng mga asal at
paniniwala na importante sa kabuuan ng pamilyang Filipino tulad ng pakikisama, respeto sa
magulang at nakatatanda, at ang pangangailangan ng bawat indibidwal na mapabilang sa isang
pamilya o grupo.
References
ABS-CBN News. (2020, February 4). 'Media literacy dapat itakda sa murang edad': eksperto.
ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/life/02/04/20/media-literacy-dapat-itakda-samurang-edad-eksperto
Buenaflor, L. S. (2020, December). Panimulang Pag-aaral sa Diskursong Pangkasarian sa
Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle. Researchgate.
https://www.researchgate.net/publication/352090128_Panimulang_Pagaaral_sa_Diskursong_Pangkasarian_sa_Araling_Filipino_sa_Pamantasang_De_La_Salle
Dagmang, F. (2017). Midya: Imbakan at Daluyan ng mga Tradisyon. Academia.
https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/55533141/Midya_Imbakan_at_Daluyan_ng_mga_t
radisyon-with-cover-pagev2.pdf?Expires=1648887432&Signature=EdoN2jzUqTgsXXRSQrjFQThJWW~Tlr8Ew5
3R0n~CSL9AfPJvZ9bsFdHHUr7yFBmPxUuPJ4gEsW8FLioRNSKdwmBfUiy~rJJe~Lq
WKpJbYnZ9lPzkfzJsSkqDA72oh7YJ9W~RtFMD7982Yy3ss4JS~OaHXwm0CiGI~uXVtez0VFh9tqC0LUrl1UjUodMx5LVMGbjBy
tK87Cf78sM75Ko2SsaKVgL3dBGCWB1yFVxz1pPjs9Cb7KnAp53q1ZsGv6QNMEtV1
auHcQcFdmQ~BoEqqBYaShqyxxJVhljWBDrJbklJZrNJvRk5owAD05ffqsRKRbzLzJoB
jlUDBjip~tNoQ__&Key-Pair-Id=APKAJLOHF5GGSLRBV4ZA
Manio, B. R. (2017). Ang social media bilang lunsaran ng impormasyon at talastasan: isang pagaaral tungkol sa paggamit ng social media sa pagsuri ng mga isyu sa lipunan. DSpace
Repository. http://cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1078
Masakayan, N. M. (2010). Ilang mga Hamon sa Pamilyang Filipino sa Panahon ng Internet.
Philippine E-Journals. http://www.ejournals.ph/article.php?id=7984
Perea, T. J. (n.d.). Epekto ng Social Media. Academia.
https://www.academia.edu/38491159/Epekto_ng_Social_Media
Ramota, L. and Marc, C. (2013). Ang Internet Bilang Espasyong Pulitikal sa Pilipinas:
Pakikilahok, Pamamahala, at Protesta sa Cyberspace. Ebsco.
https://web.s.ebscohost.com/abstract?direct=true&profile=ehost&scope=site&authtype=c
rawler&jrnl=01156195&AN=87877712&h=gXMojERM7K6%2fJMm2CjhHHas9%2bR
xo1waPYSd1jcBjEcj2NW1pcuuFJzLfND2X7QZu4BtV4nPj8gwYcjLblOG2DQ%3d%3
d&crl=c&resultNs=AdminWebAuth&resultLocal=ErrCrlNotAuth&crlhashurl=login.asp
x%3fdirect%3dtrue%26profile%3dehost%26scope%3dsite%26authtype%3dcrawler%26j
rnl%3d01156195%26AN%3d87877712
Tolentino, R. B. (2008). Ang Pinag-aagawang Bata sa Panitikang Pambata: Folklore,
Media at Diskurso ng Bata. Ebsco.
https://web.s.ebscohost.com/abstract?direct=true&profile=ehost&scope=site&authtype=c
rawler&jrnl=01156195&AN=39236316&h=kgibZoZ4n%2f1Jb4DeRZr46n3wM201i4A
B7QFumJg4PcUncAjTSroidkAkhFMjA6UBHn3RX8cncOIdTaLt4xU8FA%3d%3d&crl
=c&resultNs=AdminWebAuth&resultLocal=ErrCrlNotAuth&crlhashurl=login.aspx%3fd
irect%3dtrue%26profile%3dehost%26scope%3dsite%26authtype%3dcrawler%26jrnl%3
d01156195%26AN%3d39236316
Download