SALVADOR, ANTHONY M. BSENTOUMN 1-B REAKSYON SA BIDYONG “DON’T ENGLISH ME” SECOND SEM’ Simula pa noon ay marami ng kabataan o estudyante ang mga hindi parin kagalingan sa wikang Ingles kahit na matagal na itong itinuturo sa paaralan. Maraming mga guro ang pinupwersa ang mga estudyante sa pagsasalita ng Ingles dahil alam nila na matututo ang mga ito kapag may presyon na kasama sa pag-aaral at marami rin naman ang gumagamit ng multilingual lalo na sa mga probinsya sapagkat alam nila na mas matututo ang mga estudyante kapag mas nagkakaintindihan ang bawat isa gamit ang una nilang linguwahe. Habang tumataas ang kanilang mga baitang ay mas lalong lumalalim pa ang kanilang karunungan gamit ang una nilang linguwahe na ituro sa paaralan upang mas maintindihan pa ang bawat salita na kanilang binabasa. Ang ibig sabihin lamang nito ay dapat na dahan-dahan lamang ang pagtuturo sa mga estudyante upang mas makasunod sila sa madaling paraan. Maraming mga tao na ang naunang ginamit ang wikang Ingles kahit na sila’y mga Filipino lalo na sa pahahon ngayon, ngunit alam natin na hindi lahat ng mga taong natutuhan ang wikang Ingles ay magaling narin sa pagbaybáy ng mga salita. Tama naman ang sinabi ni Dr. Jovy Peregrino na kahit anong gamit sa wikang Ingles bilang midyum sa pagtuturo ay hindi parin magiging magaling o dalubhasa ang mga estudyanteng nag-aaral nito, ngunit para sa’akin kapag ang isang estudyante ay may kagustuhan matuto ng wikang Ingles ay makakayanan niya ito kahit hindi ganun ka perpekto basta’t ito ay naiintidihan ng tagapakinig o nakakausap nito. Alam naman natin na sobrang dami ng mga malalalim na salita sa wikang Ingles ang hindi agad-agarang natutuhan ng bawat isa lalo na kung ito’y ay bago lamang sa ating paningin at pandinig lalo na sa pagbaybáy ng mga ito.