Uploaded by ABADIANO, ANNE BERNADETTE J.

Mga-Bahagi-ng-Tektso

advertisement
Mga Bahagi ng Teksto
1.
Introduksiyon
- Ang introduksiyon ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging
kaakit-akit upang maganyak ang mambabasang basahin ang buong katha.
Ito ay maaaring pangungusap o talata. Ito ay dapat ibagay sa haba ng katha.
Ito’y dapat maging malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil
maaasahan ang atensyong ibibigay ng mambabasa.
- Mahalaga ang pagsisimula sa pagsulat ng makabuluhang komposisyon.
Nakasalalay dito ang pagtatagumpay ng isang sumusulat ng komposisyon
na maakay ang kanyang mambabasa upang tuluyang basahin ang akda.
Ang haba ay ibagay sa haba ng komposisyon. Kung maikli lamang ang
komposisyon, ang isang talataan o maging isang pangungusap ay sapat
nang introduksiyon.
Mga Paraan ng Pagsisimula

Pasaklaw na Pahayag
- Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunudsunurin mula sa di gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang
mga detalye. Ito’t karaniwang makikita sa araw-araw na pahayagan.
Halimbawa: Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip
ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng walumpung sibilyan sa kasong
illegal recruitment sa isinagawang entrapment kamakalawa sa Antipolo City.Pilipino Star Ngayon, Nobyembre 14, 2004

Pagbubuod
- Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang
talakay.
Halimbawa: Ang stroke at heart attack ang nangungunang killer ng tao sa
buong mundo -Pilipino Star Ngayon, Nobyembre 14, 2004

Pagtatanong
- Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
Halimbawa: Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa
gitna ng malamig na simoy ng Nobyembre? Mayroon pa ngang pulu-pulutong
na ulan at panakanakang kidlat sa kalangitan. -People’s Journal Tonight,
Nobyembre 14, 2004

Tuwirang Sinasabi
-
Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o
bantog na tao.
Halimbawa: “Ako’y isang taong mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling
gawain at isasagawa ko ito….” -The Philippine Star, Setyembre 15, 2001

Panlahat na Pahayag
- Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga
salawikain, sa mga kawikaan at maging sa mga pamilyar at pang-arawaraw na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
Halimbawa: Ang ginawang kabutihan ay madaling makalimutan subalit ang
nagawang kasalanan ay baon-baon hanggang libingan. Tunghayan ninyo ang
kasaysayan ni Carmelita Tagonon ng Surigao del Norte. Tawagin na lamang
natin siyang Lita.

Paglalarawan
- Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigaydeskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.
Halimbawa: Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang
bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y
mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita
ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang
siya’y taga ibang pook. (mula sa “Paglalayag… sa Puso ng Isang Bata” ni
Genoveva E. Matute)

Pagsalungat
- Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang pagkakaiba
mas matindi ang bisa.
Halimbawa: Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon,
malaki na talaga ang pinagbago ng bayan naming ito dahil kabaligtaran na ang
makikita mo.
2.
Gitna o Nilalaman
- Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng
mga pangunahing kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng
maayos ang pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng
paksa.
- Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyon, alalahaning dapat na
mapanatili ang kawilihan ng mga mambabasa. Ang nakalilito at malabong
pagpapahayag ng mga ideya ay makababagot sa mga mambabasa.
Kailangang mapagsama ang mga kaisipang magkakatulad, magkakauri at
magkakaugnay upang maging maliwanag at hindi nakalilito ang
pagpapahayag.
Mga Paraan
I.
Pakronolihikal
- Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa
pinakamatagal hanggang sa pinakasalukuyan.
Halimbawa: Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi
ng kanyang inay hanggang sa kasalukuyan niyang buhay.
II.
Paanggulo
- Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng
bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong
paglalagom. Sa isang isyu, ang tatlong anggulo ay sapat na para makabuo
ng isang komposisyon.
Halimbawa: Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay
maaaring kunin sa; mga kriminal mismo na pagtutol di pagsang-ayunan; bawat
sektor ng mamamayan na magkaroon ng iba’t ibang pagpapasya. Sa
pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa bilang ng reaksyong nakuha ang
kongklusyon ay madaling magagawa.
III.
3.
Paespesyal o Paagwat
- Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagaybagay dito’y alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang
mga bagay-bagay ay hindi gaanong kilala o “vice versa”.
Wakas o Kongklusyon
- Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang
wastong pagsisimula, nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na
pagwawakas. Mawawalan ng saysay ang kagandahan ng komposisyon
kung ang sumulat nito ay nakalimot sa katangian ng isang maayos na
pagwawakas. Ang maayos na pagwawakas ay lumalagom sa mga
kaisipang inilahad sa komposisyon.
- Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa
at di kasiya-siya. Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa
batay sa mga katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi.
Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga
mambabasa.
Ilang mungkahing paraan sa pagbuo ng wakas ng komposisyon ay ang mga sumusunod:

Tuwirang Sinasabi
Halimbawa: “The US Presidential election teaches us to become more aggressive and
make an intensive drive to continue with our efforts to modernize the country’s
electoral system,” ani Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara de Reperesentantes
ang anumang butas upang ipatupad ang batas modernisasyon. -Taliba (Nobyembre
5, 2004)

Panlahat na Pahayag
Halimbawa: … Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang masarap ay
pumapalit din kalaunan, wika nga.

Pagbubuod
Halimbawa: Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila
iyon makakamtan.

Pagpapahiwatig ng Aksyon
Halimbawa: … Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang
gaanong magugutom. Kung ganoon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya
ang pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao.

Pagtatanong
Halimbawa: Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng ating bayan at
karamihan sa ating kababayan ay lugmok sa kahirapan, ano ang puwede mong gawin
para makatulong? Ano ang dapat gawin ng mga pinuno ng ating bayan para maibsan
ang matinding pagdurusa? Ano sa palagay ninyo?

Pagsisipi
Halimbawa: (Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o
tuluyan, na angkop sa tinatalakay na paksa.)
Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y
magiging matapat sa’yo. Purihin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”
Sanggunian:
Academia.edu. (n.d) Mga bahagi ng Teksto.
https://www.academia.edu/35934323/Mga_Bahagi_ng_Teksto
Mga bahagi ng Teksto. https://www.scribd.com/doc/157107198/Mga-Bahagi-Ng-Teksto
Study Everything. (n.d) Mga bahagi ng Teksto. https://studyeverything.blogspot.com/2014/06/mga-bahagi-ng-teksto.html?m=1
Download