MTB-MLE 2 MTB-MLE – Ikalawang Baitang Ika-apat na Markahan – Modyul 4: “Nakakasunod sa kombensiyonal na paraan ng pagsulat gaya ng sulating Liham Pasasalamat.” Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Maria Beryl B. Clapis Editors: Leslie D. Lalo Tagasuri: Cindy C. Macaso • Nilalaman: Glowen G. Santos Medy A. Nota • Wika: Azenith A. Bobis • Teknikal: Nenita S. Talenjale Tagaguhit: Dylan Russel A. Omaga Tagalapat: Geraldine Joy Bumanlag Ronnel B. Felonia Management Team: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Carolina T. Rivera, CESE Assistant Schools Division Superintendent Manuel A. Laguerta, EdD Chief, Curriculum Implementation Division Victor M. Javeña, EdD Chief, School Governance and Operations Division Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP Teresita P. Tagulao, EdD, EPS Mathematics, ABM Joselito E. Calios, EPS English/SPFL/GAS Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS Filipino/GAS/Piling Larang Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS Norlyn D. Conde, EdD, EPS MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - Esp. Librada L. Agon, EdD, EPS EPP/TLE/TVL/TVE Dulce O. Santos, PhD, EPS Kindergarten/MTB-MLE Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS Special Education Program Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City Department of Education – National Capital Region Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City Telefax: 641-88-85, 628-28-19 E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com MTB-MLE 2 Ika-apat na Markahan Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4 Nakasusunod sa kombensiyonal na paraan at paglikha ng mga sulatin gaya ng Liham Pasasalamat Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang MTB-MLE 2 Modyul 4 para sa araling “Nakakasunod sa kombensiyonal na paraan ng pagsulat gaya ng sulating Liham Pasasalamat” Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MTB-MLE 2 Modyul 4 ukol sa “Nakakasunod sa kombensiyonal na paraan ng pagsulat gaya ng sulating Liham Pasasalamat”. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silidaralan. Hangad din nitong makapagbigay ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. PAUNANG PAGSUBOK Masusukat dito ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Masusukat dito ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto. MGA PAGSASANAY Sa bahaging ito, magbibigay ang guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito, ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito, titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Masusukat dito ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. MGA INAASAHAN Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang: • nakasusunod sa kombensiyonal na paraan • nakalilikha nang sulating Liham Pasasalamat. PAUNANG PAGSUBOK Handa ka na ba sa panibagong araw na ikaw ay matututo? Halina’t simulan mo na ang pagaaral sa pamamagitan ng pagsagot sa unang pagsubok. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang Liham na nasa ibaba. Sagutan ang mga tanong at isulat ang sagot sa itinalagang espasyo. 1 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 15 Barangay Talipapa Pasig City, Metro Manila Hunyo 5, 2019 Mahal kong Joy, Nais kong magpapasalamat sa ipinadala mong damit noong magtapos ako sa mababang paaralan. Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ng kapatid ko ay parang isinukat. Talagang tuwang-tuwa ako at gandangganda sa iyong regalo. Salamat na muli. Ang iyong kaibigan, Carmela Mga Katanungan: 1. Anong uri ng Liham ang iyong binasa? 2. Sino ang sumulat ng liham? 3. Ano ang pamuhatan ng liham? 4. Kanino ipinadala ang liham? 5. Ano ang layunin kung bakit isinulat ang liham? 2 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 BALIK-ARAL Balikan mo naman ang iyong pinag-aralan sa pamamagitan ng pagbasa at pagsagot sa mga tanong. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang liham na nasa ibaba. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang ng tamang sagot. #68 Gumamela St., Ortigas Ave. Brgy. Sta. Lucia, Pasig City Hunyo 5, 2015 Mahal kong Sarah, Kahit matagal na tayong hindi nagkikita hindi pa rin ako nakalilimot sa ating pagkakaibigan. Kumusta ka na ba? Ako pala ngayon ay isa ng manggagamot. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Hanggang dito na lamang. Ang iyong kaibigan, Lily 1. Anong uri ng liham ang iyong binasa? A. Liham paanyaya B. Liham pangkaibigan C. Liham pasasalamat 2. Anong bahagi ng liham ang tinutukoy dito? #68 Gumamela St., Ortigas Ave. Brgy. Sta. Lucia, 3 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 Pasig City Hunyo 5, 2015 A. Pamuhatan B. Lagda C. Bating panimula 3. Ano ang bating pangwakas ng liham? A. Hanggang dito na lamang B. Ang iyong kaibigan, C. Mahal kong Sarah, 4. Sino ang sumulat ng liham? A. Sarah B. Ana C. Lily 5. Ano ang nais iparating ng liham pangkaibigan? A. Pangangamusta sa matalik na kaibigan B. Paghingi ng saklolo sa kaibigan C. Pag-imbita sa kaarawan sa isang kaibigan ARALIN Handa ka na ba sa bagong aralin na iyong matutunan ngayong araw? Halina’t basahin mo ang isang liham na nasa ibaba at sagutan ang mga tanong. 4 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 20 D’Hope St., Rizal Ave. Brgy. Libjo, Batangas City Disyembre 20, 2012 Mahal kong Raquel, Maraming salamat sa pag-imbita mo sa akin sa iyong kaarawan. Lubos akong nasiyahan sa pagdiriwang. Gayundin, salamat sa mga larawang ipinadala mo sa akin. Kay gaganda ng kuha natin! Inilagay kong lahat sa aking album. Humahanga sina Nanay at ate sa mga tanawin na pinasyalan natin sa inyong bukid. Muli maraming salamat sa iyo. Ang iyong kaibigan, Resmin Mga katanungan: 1. Saan at kailan isinulat ang liham? Ano ang tawag bahaging ito ng liham? sa 2. Para kanino ang liham? Ano ang tawag sa bahaging ito? __________________________________________________________ 3. Bakit sumulat si Resmin kay Raquel? 5 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 4. Paano ipinadama ni Resmin ang matapat niyang damdamin? 5. Basahin at isulat ang mga bahagi ng liham na nagpapahayag ng pagpapasalamat. LIHAM PASASALAMAT Ang liham pasasalamat ay isang espisipikong uri ng nilalaman ng isang liham. Ito ay patungkol sa iyong pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang tinamo mo mula sa isang gawain, o tao. Ito ay may limang bahagi tulad ng pamuhatan, bating panimula, katawan ng liham, bating pangwakas at lagda. Gumagamit rin ng iba’t ibang uri ng pangungusap at tamang bantas. Inihahayag ng mensahe ng liham ang maaaring dahilan ng pagpapasalamat o iyong pagkagalak. 6 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 MGA PAGSASANAY Pagsasanay 1 Panuto: Ang sumusunod ay mga bahagi ng isang Liham na Pasasalamat. Isulat nang wasto ang mga ito sa wastong balangkas. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Mahal Kong Ama, 2. Taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng iyong ginawang sakripisyo para sa akin at sa mga kapatid ko. Ikaw ay naging tunay na gabay sa buhay namin. Ang iyong mga payo ay dadalhin ko lagi habang buhay. Dahil sa inyo, nabuo ang aking pagkatao, naging matatag, at naging marespeto. Salamat sa lahat, mahal kong ama. 3. #48 Malobos St., Lehena Subd. Binay City, Negros Oriental Hunyo 17, 2019 4. Raphael 5. Nagmamahal, 7 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 Pagsasanay 2 Panuto: Isulat ang bawat bahagi ng liham pasasalamat. A. Kung susulat ka sa iyong kaibigan na nasa malayong lugar. Isulat ang iyong address para sa pamuhatan. B. Sumulat ng bating pambungad para sa iyong kaibigan. C. Isulat ang katawan ng liham na nagpapasalamat sa natanggap mong regalo ng magdiwang ka ng iyong kaarawan. D. Isulat ang bating pangwakas para sa iyong kaibigan. E. Isulat ang iyong lagda. Rubrik sa Pagsulat ng Liham Pasasalamat Hingin ang patnubay ng magulang, tagapangalaga o nakatatandang kapatid sa pagwawasto ng iyong Liham gamit ang rubrik. Pamantayan 1 Nangangailangan ng Pagsasanay 2 Mahusay 3 Mas Mahusay 4 Pinakama - husay Malinaw Tamang baybay, gamit ng malaking titik at bantas 8 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 Organisasyon ng mga ideya Malinis Kabuoan Pagsasanay 3 Panuto: Buuin ang mga letra upang makabuo ng salita gamit ang mga ibinigay na palatandaan. 1. MALIHAPASALASTMA ito ay isang uri ng pagsusulat kung saan ipinapahiwatig natin ang ating pagtanaw ng utang na loob o pagkagalak. 2. MANPAUHTNA ito ay naglalaman ng kumpletong lugar ng taong sumulat at petsa kung kailan ito isinulat. 3. T A K A N W N A GN H I L A M ito ang bahagi ng liham kung saan nakapaloob ang mga bagay na nais mong ipaalam sa taong susulatan. 9 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 4. AINGTB MAUNLIPA ito ay pagbati bilang pagbibigay galang sa taong sinulatan. 5. GDLAA dito isinasaad ang pangalan ng taong sumulat. 6. TABIGN APGNKASAW ito naman ay nagpapahayag ng magalang na pamamaalam ng sumulat. Ano-ano kaya ang iyong natutunan ngayong araw? Tingnan nga natin kung ang iyong natutunan ay naaalala mo pa. Ano ang Liham Pasasalamat? Ang liham pasasalamat ay 10 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 Kailan natin ginagamit ang Liham Pasasalamat? PAGPAPAHALAGA Anu-ano ang kahalagahan ng pagsulat ng isang Liham Pasasalamat? Bakit mo dapat matutunan ang pagsulat ng Liham Pasasalamat? a. 11 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 b. c. PANAPOS NA PAGSUSULIT Panuto: Sumulat ng isang Liham Pasasalamat sa iyong kaibigan. Magpasalamat ka sa kanyang pagdalo sa: (Pumili lamang ng isa) ❖ pista sa inyong bayan ❖ pagdiriwang ng iyong kaarawan ❖ pagdalaw sa iyo nang ikaw ay nagkasakit Rubrik sa Pagsulat ng Liham Pasasalamat Hingin ang patnubay ng magulang, tagapangalaga o nakatatandang kapatid sa pagwawasto ng iyong Liham gamit ang rubrik. Pamantayan 1 Nangangailangan 2 Mahusay ng 3 Mas Mahusay 4 Pinakama - husay 12 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 Pagsasanay Malinaw Tamang baybay, gamit ng malaking titik at bantas Organisasyon ng mga ideya Malinis Kabuoan 13 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 SUSI SA PAGWAWASTO 5. bating pangwakas 5. A 3. katawan ng liham 4. C 3. B 2. pamuhatan 1. pasasalamat 2. A 1. B Balik-Aral Mahal kong Ama, Taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng iyong ginawang sakripisyo para sa akin at sa mga kapatid ko. Ikaw ay nagging tunay na gabay sa buhay naming. Ang iyong mga payo ay dadalhin ko lagi habang buhay Dahil sa inyo, nabuo ang aking pagkatao, nagging matatag at nagging marespeto. Salamat sa lahat, mahal kong ama. Nagmamahal, Raphael 4. lagda #48 Malobos St. Lehena Subd. Binay City, Negros Occidental Hunyo 17, 2019 Sanggunian A.Pampamahalaang Pampublikasyon Dr. Armin A. Luistro FSC Mother Tongue-Based Multi- lingual Education LM 2 Dr. Armin A. Luistro FSC Mother Tongue-Based Multi- lingual Education TG B.Online o Elektronikang Pinagmulan Read more on Brainly.ph https://brainly.ph/question/1023829#readmore https://brainly.ph/question/2088493 GB&sxsrf=ALeKk00Lbq4d0_uHSPUDieyZzz31PIfMyA:159 1865953187&q=liham+pangkaibigan&tbm=isch&chip s=q:liham+pangkaibigan,g_1:halimbawa 14 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4 Pagsasanay 3 Pagsasanay 1 https://philnews.ph/2020/02/18/liham-pasasalamathalimbawa-ng-liham-pasasalamat/ 15 SDO_Pasig_Q4_MTB-MLE_2_Modyul_4