Uploaded by Jasmin Gamboa

CONTEMPORARY GROUP 2

advertisement
GROUP 2 (GROUP 2)
BENTE PESOS
“Sa sobrang tahimik ng paligid, tanging ang paggalaw lang ng kamay ng orasan sa kwarto
ang bumabasag sa katahimikan. Ito na rin ang gumigising kay jansen sa umaga kasabay ng
liwanag mula sa bintana na dumadapo sa mukha nito.”
(nakahiga, at tinatamad bumangon)
Siya si JANSEN, isang college student. As usual, hirap bumangon. Lalo kapag ang dahilan ng
pagbangon mo ay ang pagpasok sa eskwela.
(Habang nagbibihis, basahin ang line)
SASABIHIN NI JANSEN: Hindi naman ako bobo, pero tanggap kong tamad lang talaga ako.
Wala namang perpektong tao, lahat nagkakamali. Oh tulad ko, umagang umaga pa lang
nagkakamali na.
Dahil sa kadaldalan nya hindi nya napansin na hindi pantay ang butones ng kanyang
uniform.
“Sa hapagkainan”
(Si FREDZ kumakain ng almusal)
“Ayan naman si FREDZ, 9 years old at bunsong kapayid ni JANSEN. Napakabait na bata
n’yan,masunurin at masipag. ‘Wag na ‘wag mo lang gagalawin ang pinaghirapan n’yang
ayusing buhok.
“(Maglalapag ng nilutong almusal ang nanayTHESA kay JANSEN)”
“Sobrang tagal kumilos ng dalawa, Pagagalitan ng nanay ang mga anak dahil sobrang bagal
kumilos”
Nanay (THESA):Oh, bilisan n’yong kumain at tanghali na, baka ma-late na naman kayong
dalawa.
“Ayan ang kanilang ina dire-diretso at walang puknat ang bibig ng nanay parang armalite
ang bibig lalo kapag nasimulan ang pagsesermon. Pero kahit ganyan ‘yan, saludo ang mga
bata d’yan. Mula nang mamatay ang kanilang papa, s’ya na ang umako ng lahat ng
responsibilidad. Naigagapang nga n’ya ang pag-aaral ng mga anak sa pagtitinda lang n’ya
sa palengke.
“Papangaralan ng nanay ang mga bata”
(mag sasabi ang nanay ng mga pangaral”
“mag tatanong ang nanay kung naintindihan o nakinig ba ang mga anak”
Nanay THESA:Oh, nakikinig ka ba? Naintindihan mo ba lahat ng sinabi ko?
“sasagot si Jansen”
JANSEN: (nauutal) opo ma. Pasok na po kami.
(bibigyan ng baon ng nanay ang anak”
Nanay THESA:Oh ito yung baon n’yo
“(May kakatok na babae sa pintuan) “(makikita ng nana yang babae at aasarin ang anak)
Nanay THESA:Ano ba naman ‘yan anak. Ikaw pa ang sinusundo ng babae.
“Yan si ANGELIKA, girlfriend ni jansen. Oo girlfriend. Matagal na silang magkaibigan. At
matagal na pala s’yang gusto ng babae. Hindi naman talaga gusto ni jaassen si angelika.
Nagkainuman lamang sila. Alam mo naman kapag inuman, masyado tayong nagpapadala sa
emosyon natin.
(Paglabas ng bahay, humiwalay si FREDZ sa dalawa.)
(tatanungin ni JANSEN si FREDZ kung bakit sya humihiwalay)
JANSEN:Oh saan ka pupunta? Di ka ba sasabay sa’min?
(sasagot si FREDZ)
FREDZ:Sasabay na lang ako don sa kaklase ko.
(Sa paglalakad ni JANSEN AT ANGELICA, nagusap ang mga ito patungkol sa kung ano ang
meron sa araw na ito)
ANGELICA :Babe, wala ka bang nakakalimutan?
JANSEN :Ha?
(patanong na sabi ni JANSEN at kumapa sa bulsa)
ANGELICA:Grabe ka naman, monthsary natin ngayon.
JANSEN:Ah, oo, di ko nakakalimutan, binibiro lang kita.
Sa tindahan. Nagmamadaling nagpaload si MICAH dahil late na ito sa eskwelahan.
Si MICAH ay isa rin sa kaeskwela nila JANSEN
MICAH:Pabili, pabili po.
(di mapakali sa pagmamadali)
Dahil wala pa ang tindera, sa bente pesos na ni MICAH isinulat ang kanyang cellphone
number.
Nang lumabas na aang tintera kinausap ni MICAH ang tinder
MICAH :Ate paload po ako, pasensya na kung d’yan ko na po isinulat yung number ko. Sige
po una na po ako, hintayin ko na lang po yung load.
Makalipas ang ilang sandali ay may bumili sa tindahan at nakuha ang bente pesos bilang
sukli. Hanggang sa naibayad ito sa jeep, naisukli, at kung saan saan pa nakarating. Sa isang
karinderya.
Nag-uusap si MICAH at ang kaibigan nitong si GRACE.
GARCE :Haay naku. Buti naman at nagtext ka kanina, dahil kung hindi. Baka hindi ko na
napigilan sa pag-alis si Sir Reyes at hindi ka na nakapagpasa ng project natin.
Sasagot naman si MICAH
MICAH:Oo nga eh. Nagmamadali pa akong nagpaload kanina. Salamat Best ah.
Sasagot naman si GRACE HABANG KUMAKAIN
GRACE :Hay naku, wala ‘yon. (sabay subo ng pagkain) salamat sa treat mo ah. Sarap neto!
Sa mall. Abalang naghahanap ng regalo si JANSEN para sa monthsary nila ni ANGELICA.
Pagkakuha ng napiling regalo ay agad itong nagpunta sa counter at iniabot ang bayad nito.
Nag bayad si JANSEN ngunit sasabihin ng Cashier, sir wala po ba kayong barya.
GAB : Sir. Wala po ba kayong barya?
Sasagot naman si JANSEN
JANSEN: Wala po eh.
Walang nagawa ang cashier at sinuklian nito ang customer.
Maya maya pa ay umuwi na si JANSEN sa bahay nila bitbit ang regalo. Nagtext kasi sa kanya
si ANGELICA na sa kanila ito didiretso.
Sinalubong ni ANGELICA si JANSEN ng isang magandang bati.
ANGELICA: Hi babe, wow. Thank you. Happy monthsary. I love you. Naghanda kami ng
kaunti. Para may salu salo tayo nila Nanay THESA at FREDZ.
Napilitang ngumiti si JANSEN. At umupo na ito sa hapagkainan para sa munting salu-salo.
Makalipas ang ilang oras ay umuwi na si ANGELICA.
Dumiretso na rin ang magkapatid sa kwartong pinagsasaluhan nila. Habang magkatabing
nakahiga ang magkapatid ay pabirong naglambing si FREDZ sa kuya nito.
FREDZ: Kuya!
JANSEN: Oh?
FREDZ: Pahingi naman ako ng bente pesos oh. May bibilhin lang ako malapit sa eskwelahan
ko bukas.
JANSEN: Wala nga akong pera eh.
FREDZ: Woooh. Nakabili ka nga ng regalo kay ate ANGELICA eh (patampong sambit nito)
JANSEN: Oh! (nilabas ang bente at iniabot sa kapatid)
FREDZ: Yes! Thank you kuya!
(Ginulo ni JANSEN ang buhok ng kapatid bilang paglalambing)
Sumigaw si FREDZ dahil ayaw nga nitong nagugulo ang buhok n’ya.
FREDZ: AAAAAAAAAAAAAAHHH!
Nang tumagal, napansin ni FREDZ ang nakasulat na number sa Bente at sinabi nya ito sa
kuya niya.
FREDZ: Kuya,tignan mo ‘to oh Habang hawak ni FREDZ ang bente pesos ay napansin nitong
may nakasulat na cellphone number.
JANSEN: bakit?
FREDZ: May number na nakasulat dito sa bente. Maibibili pa ba ‘to?
JANSEN: Oo naman no.
FREDZ: Bakit di mo i-save kuya yung number tapos i-text mo. Malay mo soulmate mo ‘yan.
Hahaha.
JANSEN: Loko. Matulog ka na nga, maaga pa pasok natin bukas.
Mayamaya pa’y nakatulog na si FREDZ ngunit di naman makatulog si JANSEN. Dahil sa
hindi ito mapakali, naibaling ang kanyang tingin sa kamay ng bata na hawak pa rin ang
bente pesos. Kinuha ni JANSEN ang bente at sinubukang i-text na lang ang nasa number sa
pagbabakasakaling may makausap at dapuan ng antok. Hindi ito nagreply hanggang sa
tuluyan nang nakatulog ang binata. Ngunit laking gulat nya ng siya ay nagising dahil sa
tunog ng kanyang cellphone , di niya inakalang magrereply ang tinext niyang number.
Tuluyan na silang nagging text-mate at hindi nagtagal ay nagkapalagayan narin sila ng
loob, napagpasyahan nilang magkita at laking gulat ni Janssen na ang sumipot sa kanilang
pagkikita ay isang matandang babae at yon ay si Mary,ina ni Micah.
(basahin ang line)
Mary: Oh iho ikaw pala yan!
Janssen: Ah….. Eh….. Opo hehe, kayo po ba yung nakakatext ko?
Mary: Ah hinde, anak ko yung nakakatext mo pupunta kase akong palengke tapos inutusan
ako ng anak ko na makipagkita sayo. Sabi nya kase baka masama daw ugali mo haha
pasaway na bata.
Janssen: Kilala nyo po pala ako?
Mary: Ay iho hindi mo ba ako natatandaan? Nanay ako ni Micah yung kaklase mo. Iho halika
sa bahay nang makapag usap kayo ni Micah
Janssen: Ah …. Eh…… sige po
Sumama si Janssen sa bahay nila Mary ngunit hindi mapakali si Janssen dahil matagal nya
nang gusto si Micah ngunit di nya lang ito masabi. Nang makarating sila sa bahay ay agad
sumalubong si Micah para tulungan ang kanyang ina at para papasukin si Janssen sa Bahay
nila at doon ay nag-usap at mas nagkakilala pa sila at dahil doon ay nagging magkaibigan
sila at hindi nagtagal ay nagkahiwalay sila janssen at angelika dahil inamin ni janssen na
hindi naman nya talaga gusto si angelika at si micah ang gusto niya. At doon nagtatapos
ang kuwento ng Bente Pesos.
Download