IKA-APAT NA MARKAHAN MODYUL 1 Nakagagawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Iba’t ibang Bahagi ng Pananalita Filipino 6 Ika-Apat na Markahan – Modyul 1 Nakagagawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Iba’t ibang Bahagi ng Pananalita Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: John Ray M. Calaunan Editor: Vilma T. Macatlang Tagasuri: Ma. Myla B. Maningding Dr. Roberto Z. Barongan Dr. Melchura N. Viduya Imelda F. Parayno Tagaguhit: John Ray M. Calaunan ALAMIN Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mag-aaral na nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita (F6WG-IVb-i-10) ‘ SUBUKIN Panuto: Basahin ang maikling talata at sagutan ang mga tanong. Inaanyayahsng ang mga mag-aaral sa Baitang VI na manood ng Dula-dualan na itatanghal sa Bulwagang Paaralan ng San Vicente Elementary School sa Ika- 29 ng Marso sa ganap na 1:00 ng hapon. Layunin ng pangtatanghal na iimulat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng malinis na kapaligiran. Para sa mga mag-aaral ang pagtatanghal ay walang bayad. Ang mga mag-aaral ay maaaring magsama ng kaibigan o magulang. Sagutin natin: 1. Sino –sino ang mga inanyayahang dumalo sa Dula-dulaan? 2. Saan gaganapin ang dulan? 3. Kailan at anong oras gaganapin ang nasabing dulaan? BALIKAN Ating balikan ang nakaraang paksa. Ano ang Tula? Magbigay ng halimbawa ng Tula? Tuklasin TUKLASIN nnnn Mga bata, alam niyo ba kung paano nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita? Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsiyo ng mga produkto, serbisyo, at kaganapan sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyon pangmasa o pangmadla. Ang isang patalastas ay naglalaman ng mga impormasyon o detalye tungkol sa produkto, serbisyo, at kompanya. Ito ay maaaring mabasa sa pahayagan, magasin, kalsada, poster, billboards, tarpaulin, flyers, internet, marining sa radio at mapanood. Halimbawa ng patalastas Infomercial – Isa itong anyo ng patalastas. Ito ay isang komersyal na inihaharap sa anyo ng isang maikling dokumentary, na karaniwang my kasamang walang bayad na numero ng website o telepono. Kadalasang ginagamit ito blang isang anyo nagbibigay ng impormasyon o kaalaman gaya ng pag alituntunin sap ag iwas sa sunog. Biswal na patalastas- Nagpapakita ng mga salita, pariral, sugnay o pangungusap. Napapaloob ditto ang Logo ng kompanya, tagline, pangalan ng kompanya, Detalye at address ng kompanya. Ang patalastas ang ginagamitan ng mga bahagi ng pananalita. Ang Bahagi ng pananalita ay isang kaurian ng mga salita. Ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, padamdam at pangawing. Bahagi ng Pananalita SURIIN Basahin ang patalastas. Piliin ang wastong bahagi ng pananalita ang ginamit. 1. Ang Mobile Phone ay napakakahalagang bagay sa panahon ngayon, kaya huwag nang magpahuli pa. Get one now at maging mayaman sa ______________dahil nilagyan ito ng mga learning sites na magagamit mo kahit walang internet. a. alam b. kaalaman c. nalalaman d. napag-alaman 2. Protect your eyes. ______________ ng ProteX. Ito ay may pambihirang kakayahan sa pagproteksyon laban sa radiation mula sa mga gadget. Mahalin natin an gating mga mata. Mag-ProteX na! a. gamit b. gumamit c. ginagamit d. gumagamit 3. Vitamin Cee lang ang gumagamit ng ___________ katas ng honey, kaya gustong gusto ng mga bata. Subukan na! a. puro b. matamis c. marami d. matapag 4. Mga Kaibigan! mabagal baa ng internet ninyo, ___________ hindi makasabay sa virtual classes ang mga anak ninyo? Magandang balita, narito na ang Speedy Net no hassle na ang virtual clasess ng mga anak ninyo. a. at b. sana c. kaya d. dahil 5. kaibigan! gamitin itong bagong Protek Alcho para laging protektado saan man magpunta. Hindi lang__________ ang protektado, kundi pati ang buong tropa. Ang Alkohol na protektado ang lahat. a. ka b. ko c. siya d. ikaw PAGYAMANIN Panuto: Isulat ang Tama kung ang wasto ang ginamit na bahagi ng pananalita sa patalastas. Mali naman kung hindi. __________1. Tigyawat? Ito ang sagot sa Quetis Kinis.Nagtataglay ito ng anti- fungal na hindi matapang at binabalik nito ang natural na kinis ng mukha. __________2. Proteksyon ng buong pamilya ang hanap? Gumamit ng Anti-Virus Soap. Protektado sa virus at mikrobyo mabula at mabango. Ito lang ang sabon na mahusay magalaga ng buong pamilya. __________3. Ang Malunggay na Kape ay nagtataglay ng amino acid, vitamins at minerals na wala sa ibang kape. Sakto ito tungkol sa may mga insomnia. __________4. Subukan ninyo itong Juice drink bago. Gawa ito sa sariwang prutas, kapag natikman ninyo tiyak hanap-hanapin ninyo dahil sa sarap. __________5. Aray! kinagat ako ng insekto! Wag ng mabahala may Insek-Kagatli. Ano mang kagat ng insekto siguradong mawawala at very safe gamitin. ISAISIP Tand Tandaan Mo Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsiyo ng mga produkto, serbisyo, at kaganapan sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyon pangmasa o pangmadla. Ang isang patalastas ay naglalaman ng mga impormasyon o detalye tungkol sa produkto, serbisyo, at kompanya. Ito ay maaaring mabasa sa pahayagan, magasin, kalsada, poster, billboards, tarpaulin, flyers, internet, marining sa radio at mapanood. Halimbawa ng patalastas Infomercial – Isa itong anyo ng patalastas. Ito ay isang komersyal na inihaharap sa anyo ng isang maikling dokumentary, na karaniwang my kasamang walang bayad na numero ng website o telepono. Kadalasang ginagamit ito blang isang anyo nagbibigay ng impormasyon o kaalaman gaya ng pag alituntunin sap ag iwas sa sunog. Biswal na patalastas- Nagpapakita ng mga salita, pariral, sugnay o pangungusap. Napapaloob ditto ang Logo ng kompanya, tagline, pangalan ng kompanya, Detalye at address ng kompanya. Bahagi ng Pananalita ISAGAWA Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. _________1. Ito ay isang komersyal na inihaharap sa anyo ng isang maikling dokumentary, na karaniwang my kasamang walang bayad na numero ng website o telepono. _________2. Nagpapakita ng mga salita, pariral, sugnay o pangungusap. _________3. Isang paraan ng pag-aanunsiyo ng mga produkto, serbisyo, at kaganapan sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyon pangmasa o pangmadla. _________4. Sa patalastas binubuo ito ng? _________5. Ilan ang bahagi ng pananalita. TAYAHIN TAYAHIN Sa ibaba ay halimbawa ng infomercial. Basahin at magsulat ng limang (5) salitang ginamitan ng bahagi ng pananalita at tukuyin kung anong uri ito. Salita Hal. mag-hugas 1. 2. 3. 4. 5. Bahagi ng pananalita pandiwa KARAGDAGANG GAWAIN Sumulat o gumawa ng isang patalastas gamit ang mga bahagi ng pananalita. RAW SCORE 10 8 6 4 2 INDICATORS Lahat ng Gawain pasulat ay nagawa nang may kawastuhan at ayon sa sariling kakayahan. May isa o dalawang pagkakataong hindi nakagawa at nakapasa ng mga Gawain pasulat. Katamtaman ang dalas at kawastuhan ng mga nagawa at naipasang mga pasulat na Gawain. Halatang iba ang gumawa ng mga pasulat na Gawain. May isa o dalawang pagkakataong nakagawa at nakapagpasa ng mga pasulat na gawain. SUBUKIN 1. Mag-aaral 2. Bulwagang Paaralan ng San Vicente 3. Ika-29 ng Marso, 1:00 ng hapon BALIKAN Ipakita sa guro ang nagawang at siya na ang magwawasto. SURIIN 1. 2. 3. 4. 5. B B A C D PAGYAMANIN 1. 2. 3. 4. 5. Tama Tama Mali Mali Tama ISAGAWA 1. 2. 3. 4. 5. Infomercial Biswal na patalastas Patalastas Bahagi ng pananalita 10 PAGTATAYA Ipakita sa guro ang nagawang at siya na ang magwawasto KARAGDAGANG GAWAIN Ipakita sa guro ang nagawang at siya na ang magwawasto. SUSI SA PAGWAWASTO SANGGUNIAN 1. Newsample.blog.spot.com 2. Venngage.com 3. Health.gov.ph.au 4. www.youtube.com 5. MELC, Filipino 6, p.168