1.0 ITRODUKSYON Ang kwentong bayan o poklor ay mga salaysay na hingil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong- bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.(Jerec Boja, 2008:34). Ayon sa aklat na Panitikan ng Pilipinas na akda ni Corazon E. Kabiglin (2013),sinabi na ang poklor ay ang salamin ng isang lipunan. Nasa poklor nakaimbak ang kaalaman, karanasan, ng isang lahi. Ngunit ang disiplina na nakaugat ang poklor ay tila malawak at hindi pa gaanong pinagaaralan.Umuugat ang poklor sa larangan ng antropolohiya na ang kahulugan ay ang pag-aaral ng sanlibutan at ang kasaysayan at kasalukuyan nito. Ngunit umuugat din ang poklor sa larangan ng sining at ang ibat’ibang disiplina kaugnay nito tulad ng sining at panitikan. Maraming dimensiyon ang poklor at kukulangin sa isang papel ang pagtatalakay ng ibat’ibang bahagi nito at kung paano ito nakakaapekto sa lipunan. Dahil dito, kadalasang isinasantabi ang poklor kapalit ang mas nakababatang kapatid nitong antropolohiya o ang mga pinsan nitong sining at panitikan. Dapat isaalang-alang na ang poklor ay makikita rin sa pinong sining dahil may aspektong poklor ang musika, at paglikha ng sining tulad ng pagpipinta o paggawa ng rebulto. Maaari ring sabihin na may poklor sa disiplinang pantaong kinetika dahil ang sayaw at laro ay may aspektong poklor at mayroon rin sa disiplinang ekonomiyang pantahanan sapagkat ang aspektong poklor ay makikita rin sa pagluluto at sa mga rekadong kinakailangan ditto. Para naman kay Transelor Michael L.Tan ng UP Diliman na ang kwentong- bayan o poklor ay mahalagang papel sa pagbubuo ng pambansang identidad lalo sa kinakaharap ngayon ng ibang pag-uunlad ng teknolohiya na nakakapagpawala ng mga orihinal na konteksto halimbawa sa kwentong -bayan. 1.1 PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pananaliksik na ito ay sumasagot sa sumusunod na katanungan: 1.Saan nakikita ang Tagoloan Lanao del norte? 2.Ano ang pinagmulan ng Tagoloan Lanao del norte? 3.Ang mga tao ba rito ay nainiwala sa albularyo? 4.Ang mga tao ba rito ay nainiwala sa kulam? 5. Ano-ano ang salawikain, bugtong at paniniwala ng Tagoloan Lanao del norte? MGA LAYUNIN : Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri at mapalawak ang kaalamang bayan sa bayan ng Tagoloan Lanao del norte. 1.2 TEORETIKAL NG BALANGKAS 1.3 KAHALAGAHAN NG PAGAARALAN 1.4 SAKLAW AT LIMITASYON NG PAGAARAL 1.5 DEFINISYON NG TERMINO 2.0 METODOLOOHIYA Sa kabanatang na ito ay ipinapakita ang paraan na ginamit sa pananaliksik. Ito ay may pamamaraan ng disenyo na stratehiyang ginamit sa pangangalap ng impormasyon, Lugar ng pananaliksik at ang nakatira ang respondante. Ang target na respondante at ang pangongolekta ng datos. 2.1 LUGAR NG PAGAARAL Ang lugar ng pananaliksik ay makikita sa Dilausan, Piagapo Lanao Del Sur at ito ay may 30 Baranggay at pumili lamang ako ng isang lugar na gusto kong bigyan ng pansin. Ang napili kong lugar ay ang Dilausan na ito ay nanggaling sa salitang “ DI LAUS” na ang ibig sabihin ay hindi mapaglaban , kahit sino pumunta sa lugar ng labanan ay hindi makapagpigil na manatili ng ilang sandali para yakapin o sulit sulitin ang magandang ipinaparamdam ng kakaibang kalikasan ng heograpiya at ang maakit na atmosperang kagubatan. Ito ay isang ika-6 na klaseng bayan ng Piagapo Lanao Del Sur. Ayon sa senso Noong 2000 ito ay may populasyon na 22,636 katao sa may 3,074 na kabahayan. Ayon sa senso Noong 2000 ang Dilausan ay may 40 katao na mamamayan.Ito ay kinasasakupan na Piagapo Lanao Del Sur at Munai Lanao Del Norte. Ang lugar ng Dilausan ay pinamumunuan ng Bae at Sulutan o Sultan bago pa ito pamunuan ng Gobyerno. Ito ay kinapapalibutan ng lupa, bundok at gubat ang kanilang ipinagmamalaking mga produkto ay ang isda, palay at mais. Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa Lugar o Baranggay Dilausan. 2.2 PANGANGALAP NG DATOS Para makolekta ang datos sa pag-aaral na ito ay nangalap ako ng impormasyon na maaaring makatulong sa aking pananaliksik. Nakpag kooperassyon sa mga matatanda, magulang at kapitbahay. Sa pananaliksik ko ay gumamit ako ng ilang katanungan, interbyu upang mapadali at maiayos ang aking pangongolekta ng datos. 2.3 IMPORMANTE Ang mga impormante ay tanging mga mamamayan matagal na naninirahan sa lugar ng Dilausan. Ang mga tao rito ay mismo sila ang pinanggalingan na impormasyon batay sa nakaranas ng Etiolohikal at Di Etiolohikal tungkol sa alamat ng Dilausan.Simula sa pagtira ng mga tao sa lugar ng Dilausan ay nakakarinig sila ng guniguni tuwing gabi. 2.4 PAGSASAAYOS NG DATOS Upang mabuo at maiayos ang aking pananaliksik ay tinipon ko ang lahat na nalikom na impormasyon o kasagutan ng mga katanungan mula sa mga napiling respondante. Ang mga katanungan ay tungkol sa mga Salawikain, Bugtong, Paniniwala at kung ano ang alam nila sa historya ng Dilausan. Sinuri ko ng mas malalim na paraan ang mga kasagutan upang mabuod ang mga datos ng pag-aaral. 2.5 PAG AANALISA NG DATOS Ang mga nalikom na datos ay pagbukod-bukurin sa apat na kategorya. Ang una ay kung alam ba ng respondante ang paniniwala o pamahiin at kung ang respondante ba ay pinaniniwalaan ang pamahiin. Ang pangalawa ay kung alam ba ang mga talasagutan o bugtong. Ang pangatlo ay kung alam ba ng respondante ang kahulugan ng mga salawikain ng mga matatanda. Ang pang apat ay alam ba ng respondante ang pinagmulan ng kaniyang sariling lugar "DILAUSAN". Ang mananaliksik ay sinisigurado mo na ang kaniyang mga respondante kung tama ba ang kanilang mga kasagutan tungkol sa mga talatanungan na nakabatay sa kaalamang-bayan. Kontekstwal na analisis ang aking ginamit sa pag-aanalisa ng mga dokumentong aking nakalap at sa pamamagitan ng analisis na ito mas lalong nabigyang liwanag ang kaalamang-bayan sa Dilausan. 3.0 4.0 5.0 6.0 KAUGBAY NG PAG AARAL INTERPRETSYON NG DATOS BUOD KONGKLUSYON