9 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan- Modyul 4: Kagalingan sa Paggawa (Linggo: Ikaapat) Edukasyong Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 4: Kagalingan sa Paggawa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-­sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-­ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-­akda ang karapatang-­aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-­akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Kathleen B. Emia Editor: Anna Mae I. Tejada Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr. Tagaguhit: Trisha Arella Tagalapat: Anna Mae I. Tejada Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera Donre B. Mira, Ed.D. Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-­mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph 9 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan- Modyul 4: Kagalingan sa Paggawa (Linggo: Ikaapat) Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kagalingan sa Paggawa! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kagalingan sa Paggawa! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. iii Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. iv Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! v Kagalingan sa Paggawa Alamin MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili , mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kanyang kaloob. (EsP9KP-­IIIh-­10.3) Nakapagtapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa. (EsP9KP-­IIIh-­10.4) Mga Layunin Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-­ unawa: Kaalaman: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng produkto o gawaing naisagawa. Saykomotor: Nakapagtapos ng isang gawain o produkto na may kalidad o kagalingan. Apektiv: Nakakilala at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong kanyang kaloob. 1 Subukin Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. 1. Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Baldo? A. Masipag, madiskarte, at matalino B. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili C. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa. D. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili 2. Bata pa lang si Juan Daniel, pinapangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga magulang. Alin sa sumusunod and dapat niyang isaalang-­alang upang maging madali sa kaniya na upang maabot ang pangarap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa? A. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa sarili B. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos C. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling nmakipag-­usap D. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon 3. Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang Patuloy na Pagkatuto gamit ang Panlabas na Pandama? A. Laging nakikinig sa iba’t ibang instrumenting pangmusika si Roberto del Rosaryo, imbentor ng karaoke B. Gumugugol na maraming oras si Leonard de Vinci upang pagmasdan ang mga Ibong lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon. C. Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na ecosystem. D. Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanialng specimen bago bumuo ng konklusyon tungkol dito. 4. Isang Pilipino ang nakaimbento ng Videoke. A. Sandy Javier C. Angel Alcala B. Roberto del Rosario D. Rafael Guerrero 5. Isang Amerikanong imbentor. Siya ang nakaimbento ng Electric Bulb. A. Thomas Edison C. Max Scheler B. Leonardo de Vinci D. John F. Kennedy 6. Ito Ay ang pagkakaroon ng kasiyahan sa paggawa. A. Tiyaga C. Masigasig B. Malikhain D. Disiplina 7. Ang _______ ay pinapaguran para kitain ito kaya kailangan na gamitin ito sa tama upang huwag itong mawala. 2 A. Kayamanan C. Pera B. Pag-­iimpok D. Materyal na bagay 8. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba’t iabg kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakitan sa kagalingan ng tao sa paggawa? A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan B. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-­sama sa mithiin ng lipunan D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay. 9. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang walang pagmamadali at buong pagpapaubaya. A. Pagsisikap C. Kasipagan B. Pagtiyaga D. Pagkatamad 10. Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung taglayin mo ang mga sumusunod maliban sa: A. Pagkatuto bago ang paggawa B. Pagkatuto kahit walang gumagabay C. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain D. Pagkatuto habang gumagawa Balikan Panuto: A. IKONEK MO gawin sa iyong kuwaderno. Ano-­anong mga katangian sa paggawa ang dapat kung taglayin upang ang isang gawain o produkto ay may kalidad o kagalingan. ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ Ano ang kailangan ko pang malinang_______________________ ________________________________________ Paano ko maisabuhay ito__________ ___________________________________________ ___________________________________________ 3 Tuklasin Panuto: 1. Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng maikling kuwento tungkol sa Pagiging Palatanong (Curiosita) ni Johnlu Koa na hango sa aklat Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul sa Mag-­aaral Unang Edisyon 2015 Sa pamamasyal ni Johnlu Koa sa ibang bansa, napansin niya na kakaiba ang mga tindang tinapay sa isang restaurant na pinuntahan nila. Nagtanong-­tanong si G. Koa kung paano ito ginagawa, ano-­ano ang sangkap nito, ang paraan ng pagluto nito at marami pang iba. Ang mga nakalap na impormasyon ang nagbigay-­daan sa kaniya upang dalhin ito sa ating bansa. Ito ang simula ng pagkakatayo ng “French Baker.” Noong 1989, binuksa ni G. Koa ang kauna-­unang sangay ng French Baker sa SM North Edsa at nagsimulang magtinda ng iba’t ibang klase ng tinapay sa mababang halaga. 2. Sagutin ang mga tanong: a. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili pagkatapos mong mabasa ang maikling kuwento? Ipaliwanag. b. Bakit mahalagang isaalang-­ alang katangian sa paggawa? Patunayan. c. Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkamit ng kabutihang panlahat? Patunayan. Suriin Modyul 1 Katarungang Panlipunan Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng sapat na kasanayan at ang angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at layunin sa paggawa. May mga particular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa paggawa. Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat isaalang-­alang, ngunit hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto o gawaing mag-­aangat sa iyo bilang tao. Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito naisakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos. Ang 4 kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa. Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung taglayin mo ang sumusunod na katangian: (1) nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga (2) pagtataglay ng positibong kakayahan (3) nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos Ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin. Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay niya upang gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad. Ang mga produktong kaniyang lilikhain ay bunga ng kasipagan, tiyaga,pagiging masigasig, pagkamalikhain, at pagkakaroon ng disiplina sa sarili. A. Kasipagan. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa. Ang produkto o gawaing likha ng isang taong masipag ay bunga ng kahusayan at buong pagmamahal na ginagawa. Dahil dito ang nagiging resulta ng kaniyang pagsasagawa ng gawain ay maayos, kahanga-­hanga at kapuri-­ puri, May kagalingan ang produkto o Gawain o ang paggawa sa kabuuan kung ito ay bunga ng pagmamahal at pagkagustong gawin ito nang buong husay. B. Tiyaga. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang mga kaisipang makahahadlang sa paggawa ng isang produkto o gawain tulad ng: pagrereklamo, pagkukumpara ng Gawain sa likha ng iba, at pag-­iisip ng mga dahilan upang hindi isagawa ang gawain. Ang likhang taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng inspirason, turo at gabay na kaniyang nakukuha sa ibang tao. C. Masigasig. Ito ay ang pagkakataon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Ang atensiyon o oras niya ay nakatuon lamang sa produkto o gawaing kaniyang lilikhain. Sa pamamagitan nito madali siyang nakatapos ng produkto at Gawain nang hindi nakakraramdam nang anumang pagod o pagkabagot. D. Malikhain. Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-­iisip at hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba. Dapat ay orihinal, bago, at kakaiba ang produkto. Gayundin sa pagbibigay ng serbisyo o iba pang gawain, hindi kailangang katulad ito ng iba o nang nakararami. Madaling nakikilala at natatanggap ang isang produkto o serbisyo kapag bago ito sa panlasa ng tao. Kung sakaling may ginaya o kinopya sa anumang likha, kailangang mas higit na mabuti at katanggap-­ tanggap ito. E. Disiplina sa sarili. Ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao. Maari niyang isantabi ang pansariling kaligayaha para sa kapakanan ng ibang tao. Ang kagalingan ng Gawain o produkto ng taong may disiplina sa sarili ay para sa ikabubuti ng lahat. 5 Pagyamanin Panuto: Suriin ang kahalagahan ng pagiging malikhain gamit ang iba’t ibang pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno, gamit ang sumusunod na gabay na tanong: a. Ano-­ anong pagpapahalaga sa paggawa ang taglay mo nan a kailangan mo pang malinang? b. Ano-­anong hakbang ang iyong gagawin upang maisabuhay ang mga ito? Isaisip Panuto: Sumulat ng pagninilay sa kuwaderno sa paksa gabay ang talahanayan sa Ibaba. Ano-­ano ang konsepto at Ano ang aking Ano-­anong hakbang ang kaalaman na pumupukaw pagkaunawa at aking gagawin upang sa akin? realisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-­ konsepto at kaalamang unawa at realisasyong ito ito? sa aking buhay? Isagawa Panuto: 1. Iguhit gamit ang short bond paper at idikit sa iyong kuwaderno .Gamit ang iyong malikhaing pag-­iisip, dugtungan ang mga guhit sa loob ng mga kahon upang makabuo ng isang larawan ng kahit na anong bagay. Ano kaya ang mabubuo mo? Kulayan at gawing kaaya-­ aya. Gawin ito ng buong husay. Gawin ito sa kuwaderno. 6 2. Sagutin ang mga katanungan: a. Nahirapan ka bang dugtungan ang mga guhit at makalikha ng kakaibang larawan? Ipaliwanag ang iyong sagot. b. Ano-­anong larawan ang naiguhit mo? c. Naniniwala ka bang ito ay bunga ng iyong pagkamalikhain? Ipaliwanag ayon sa iyong pagkaunawa ng katangian ng pagkamalikhain. Rubric para sa paraan ng pag drawing 5 3 1 Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang pagbuo Walang ang mga pagbuo ng larawan.ginamit kaugnayan at ng larawan. na hindi angkop at hindi wasto ang wasto mga pagbuo ng larawan.ginamit. Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang pagbuo ng mabisa ang pagbuo ng larawan. pagbuo ng larawan. larawan. 7 Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. 1. Mula sa saknong ng isang tula, ”Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay, Araw-­araw ay paggawang tila rin walang humpay;; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay;; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.” A. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis. B. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal. C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag. D. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-­asa. 2. Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiyang maaaring gamitin. A. Pagkatuto Habang Ginagawa B. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang bagay C. Pagkatuto Bago ang Paggawa D. Pagkatuto ng istratehiya 3. Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto A. Pagkatuto Habang Ginagawa B. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang bagay C. Pagkatuto Bago ang Paggawa D. Pagkatuto ng istratehiya 4. Ito ay tumutukoy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid. A. Masipag C. Tiyaga B. Malikhain D. Kasipagan 5. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso. A. Masipag C. Tiyaga B. Malikhain D. Kasipagan Karagdagang Gawain Panuto: Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa Diyos sa talento, kakayahan, at biyayang ipinagkaloob Niya na makatutulonhg upang magtagumpay sa buhay para sa sarili, pamilya, at sa bansa, Isulat sa short bond paper at idikit sa kuwaderno. 8 Rubric para sa Liham Pasasalamat Kraytirya Paksa Di-­ Pangkaraniwan 4 Angkop na angkop at eksakto ang kaugnayan sa paksa Pagkamalikhain Gumagamit ng maraming kulay at kagamitan na may kaugnayan sa paksa Kalidad ng ginawa Kalinisan Kahanga-­ hanga 3 May kaugnayan sa paksa Gumamit ng kulay at iilang kagamitan na may kaugnayan sa paksa Makatawag pansin Makapukaw interes at tumitimo sa isipan Maganda, Malinis malinis at kahanga-­hanga ang pagkagawa 9 Katanggap-­ tanggap 2 May maliit na kaugnayan Pagtatangka 1 Walang kaugnayan Makulay subalit Hindi makulay hindi tiyak ang kaugnayan Pansinin ngunit Di-­pansinin, di-­ di makapukaw makapukaw ng isipan interes at isipan Ginawa ng apurahan ngunit di-­ marumi Inapura ang paggawa at marumi 10 Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-­Ikasiyam na Baitang, Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Sanggunian Subukin (Panimulang Pagtataya) Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) 1. D 6. C 1. C 2. A 7. C 2. A 3. C 8. A 3. C 4. B 9. C 4. C 5. A 10. B 5. D Sanggunian Tuklasin Ang sagot ay maaaring magkaiba-­iba Pagyamanin Ang sagot ay maaring magkaiba-­iba Karagdagang Gawain Ang sa sagot ay maaring magkaiba-­iba. Susi sa Pagwawasto 1 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph Website: lrmds.depednodis.net