Name: Ma. Thereza R. Zamora Yr/Sec: BS ECE 2-5 Date: October 26, 2021 Panuto: Basahin ng mabuti at piliin ang tamang sagot. 1. Sa obra ni Francisco Balagtas na pinamagatang Florante at Laura, saan nagmula ang “ley natural”? a. Taludtod 155, saknong 399 b. Taludtod 150, saknong 369 c. Taludtod 150, saknong 399 2. Forma nito ang makatwirang utos; materya ang pagbabatid/promulgasyon o pagpapatibay; inilalathala ng isang makapangyarihan o namamahala. a. Batas b. Ley natural c. Anthropology 3. Husay ng taong naaabot niya sa kagalingan ng kabatiran o kontemplasyon pa nga ng mga katotohanan. a. Katwiran b. Birtud/galing c. Kalooban 4. Kasanayang binibigyang tibay ang tao sa tuwinang pagpili ng mabuting ipinapakilalang totoo ng matinong kaisipan. a. Katwiran b. Haling c. Birtud/galing 5. Ayon kay Gilson, sa operasyon at pagkilos ng pagpili (libertas arbitri) at kalooban sa pagsasadya (liberum arbitrium) nakararanas ang tao ng isang uri ng pananahan o pagkahumaling sa mga posibleng pagpipilian. a. Ordo Amoris b. Ordo humanus c. Ordo hominis 6. (1) Panglabas na buti, halimbawa ang yaman o mabuting pangalan; (2) buti ng katawan, halimbawa ang kalusugano kagandahang pisikal; (3) buti ng kaluluwa ang mga moral at makaisip na birtud at mga kilos na nagpapakita ng pagsasadyang matuwid. a. Passio b. Bonum c. Ratio 7. Mga kilos ng kabuuan ng tao na dala ng kanyang buhay at pangangatawan (halimbawa, pag-ikot ng dugo sa buong katawan) a. Actus homini b. Actus Amoris c. Actus humanus 8. Malayang kilos bilang resulta ng interaksyon sa pagitan ng isip at kalooban. Dulot ito ng malayang pasya at pagsasadya ng kilos-kalooban na binibigyang tunguhin ng isip. a. Actus humanus b. Actus homini c. Actus Amoris 9. Damdaming nakasandig sa pagnanasang pangkatawan; iyon ding tinatawag na pita ng laman (concupiscible) o kapusukan (irascible) ng tao. a. Haling b. Kalooban c. Huwisyo 10. Pinakamataas at pangunahing birtud ng isip at malapit na nakaugnay sa moral na husay/birtud at kagawaing pulitikal. a. Katwiran b. Huwisyo c. Isip 11. Unang prinsipyo ng pagkilos bilang tagpagpagalaw (efficient cause). Tinatawag ding matinong kagustuhan o pagnanais (rational desire) o matinong gana (rational appetite). a. Kalooban b. Haling c. Katwiran 12. Kilala rin bilag Divine Providence, kabilang ang sangnilikha na pinamumunuan ng isang Manlilikha at kanyang Intensyon. a. Eternal Law b. Divine Law c. Human Law 13. Pakikibahagi ng nilalang na may katwiran sa ley eternal. Nangyayari ito bilang ehersisyo ng Kalayaan bilang interaksyon ng isip at kalooban upang matukoy ang wastong kilos ng angkop sa dangal ng nilalang na may katwiran. a. lex hominis b. lex Divinis c. lex natural 14. Tinatawag ding positibong batas o batas sibil at batas panlipunan. Mga pinatutupad na mga batas sa lipunan ng tao na marapat suriin kung naayon sa ley natural o hindi. a. Eternal Law b. Divine Law c. Human Law 15. Nagmula sa Pagbubukas loob ng Diyos o Rebelasyon. a. lex hominis b. lex Divinis c. lex natural Sagot: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. C A A C A B A A A B A A C C B