SULYAP SA KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA Hindi madali ang pagpili ng wikang pambansa ayon kina Dayag at del Rosario (2016) ang Pilipinas ay bansang pulo-pulo maraming wika ang umiiral naging mainit ang paksang ito noong 1934 kumbesnsyon. Lope K. Santos – nagmungkahi na dapat ibatay sa isa sa wikang umiiral sa Pilipinas ang wikang pambansa. Manuel L. Quezon – pangulo ng Pambansang Komonwelt ng Pilipinas Saligang Batas 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3 “Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaron ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mg aumiiral na katutubong wika. Hanggat hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika”. Nobyembre 13, 1936 – Pinagtibay ng pambangsang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184 na may pamagat na “Isang Batas na Nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa at Nagtatakda ng mga Kapangyarihan at Tungkulin Nito.” Disyembre 30, 1937 – ipinroklama n I Pangulong Quezon na wikang Tagalog ang batayan ng wikang pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Pamantayan sa pagpili ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambanasa: Wika ng sentro ng pamahalaan Wika ng sentro edukasyon Wika ng sentro ng kalakalan Wika ng nakakarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan Hunyo 4, 1946– pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940. Agosto 13, 1959 – pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. 1972 – nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal kaugnay ng usaping wika. Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2: “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsasagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na mapagtibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilaning Filipino.” 1987 – ayon Saligang Batas 1987, pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang implementasyon sa paggamit ng wikang Filipino. Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin sa salig na umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Ang Wikang Pambansa at Edukasayon Ang edukasyon ay isang proseso ng komunikasyon. Ang wika ng edukasyon ay dapat na naaayon sa mithiin ng mga nakakarami sa lipunan (Eastman, 1983; sa Boras-Vega, 2010) Ayon sa Artikulo XIV, Sek. 3 ng Konstitusyon 1935, Tgalog ang wikang pambansa ngunit hindi opisyal na wika. Wikang Opisyal – itinadhana ng bats na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin ito ang wikang gagamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong pasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno (Almario, 2014).