Uploaded by Shantel Santos

Lakbay sanaysay.docx

advertisement
Ikaw ay isang photo at travel journalist sa isang kompanyang gumagawa ng iba’t ibang uri
ng magasin. Nahingan kang gumawa at sumulat ng pictorial essay o lakbaysanaysay tungkol sa
isang maganda at makasaysayang lugar na napuntahan mo sa Pilipinas na itatampok bilang
pangunahing artikulo para sa isang isyu ng travel magasin ninyo. Ito’y isang malaking break para
sa iyo. Gawin ang makakaya upang mabuo ito nang maganda at kahika-hikayat.
Tanawin sa Sagada Mt. Province Ni
yixing
Nais kong ibahagi ang isa sa mga napuntahan kong lugar sa Pilipinas na may
napakagandang kapaligiran at tanawin na kadalasang dinarayo ng mga turista.
Ang Sagada.
Mula Cavite ay bumyahe kami ng tito, lola at kapatid ko papuntang Quezon City
upang doon sumakay ng van na may byaheng Sagada. Matagal din ang naging
byahe namin at natulog lang ako. Paggising ko ay nakahinto kami sa isa sa mga
dadaanan bago mismo makarating sa Sagada at ito ay ang Banaue Rice Terraces.
Napakaganda at maaliwalas ang hangin doon. Isa ito sa mga ipinagmamalaki ng
Pilipinas dahil sa gandang tanawin nito at madaming turista ang gustong makita
ito.
This study source was downloaded by 100000833251709 from CourseHero.com on 04-20-2022 04:24:56 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/125500761/Lakbay-sanaysaydocx/
Pagkatapos namin kumuha ng litrato sa sarili namin at bumili ng mga
Souvenir ay bumyahe na ulit kami papuntang Sagada. Nang makarating na
kami doon ay napakagandang tanawin ng mga bahay ang nakita namin.
Una kaming pumunta muna sa kainan kung saan ang pagkain ay naiiba sa
kadalasang kinakain ko. Ang kanin nila doon ay kulay itim at madaming klaseng
luto na hindi ko gusto ang lasa at itsura kaya hindi ako nakakain ng maayos nung
panahon na iyon. Kumain naman ang mga kasamahan ko kahit kaunti. Matapos
kaming kumain ay sinamahan kami ng tour guide papuntang Sagada Pottery kung
saan tinuruan kami kung paano gumawa ng mga palayok.
Matapos doon ay nagpunta kami sa lawa kung saan nagpahinga lamang kami.
Nakalimutan kong sabihin na nakasakay kami sa jeep papunta sa mga destinasyon
dito sa Sagada. Matapos doon ay sinamahan naman kami ng tour guide papunta
sa Hanging Coffins kung saan may kalayuan din ang binyahe ngunit hindi ka
magsisisi dito dahil makikita mo ang mga kabaong na nakasabit talaga at
magandang kunan ito ng litrato. Kadalasan itong dinarayo ng turista dito sa
Sagada.
Matapos ang mahabang araw na iyon ay humanap kami ng matutulugan sa gabi
kung saan nakahanap naman kami. Maganda ang bahay na natuluyan namin,
gawa sa kahoy ang bahay ngunit makinis at maganda. Malamig doon sa Sagada
kaya balot na balot kami ng kumot kahit na nakajacket pa kami. Kinakailangan
namin noon gumising ng madaling araw para makakilos ng maayos dahil aakyat
kami sa bundok para abangan ang pagsikat ng araw. Naligo kami noon gamit ang
mainit na tubig at nagbihis kami at nagjacket ulit dahil sobrang lamig talaga doon.
Sumakay na ulit kami sa jeep patungo doon sa bundok na aakyatin namin. Nang
makarating kami doon ay nagsimula na kami umakyat ngunit sa kalagitnaan
This study source was downloaded by 100000833251709 from CourseHero.com on 04-20-2022 04:24:56 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/125500761/Lakbay-sanaysaydocx/
palang ay tumigil na kami dahil ang lola ko ay hindi na kinaya ng tuhod. Doon
nalang kami nag-abang ng pagsikat ng araw at maganda din naman ang tanawin
doon matapos namin magkuha ng litrato ay bumaba na din kami at nagsimula
naman pumunta sa Sagada Cave.
Kaming dalawa lamang ng tito ko ang nakapasok doon sa Sagada Cave dahil
masyadong delikado ang pagpasok at pabalik doon. Nung papasok palang kami ay
kinakabahan na ko dahil nakakarinig na ko ng mga tinig ng mga paniki. Ngunit sabi
naman ng tour guide ay wag lamang daw kami masyadong maingay upang hindi
mabulabog ang mga ito. Bumaba kami sa cave gamit ang ginawang hagdanan na
gulong na tinali-tali lamang. Inaalalayan naman kami ng tour guide kaya wala
masyadong problema. Ng makapasok naman kami sa pinakaloob-looban na cave
ay tumambad naman ang nakapagandang tanawin. Para kang nasa loob ng
tyokolate at ang mga bato dito ay parang malalambot ngunit kung hawakan ay
matigas naman. Napakaganda dito at wala na kong masabi.
Kumuha kami ng litrato doon at bumalik na kami. Matapos namin kumain ulit ay
nagsimula na kaming bumyahe pauwi. Nadaanan namin ang Baguio City noon
kung saan namataan ko din ang Colorful Houses in La Trinidad Benguet at ang
Igorot Park. Hindi na kami tumigil pa doon at namasyal dahil pagod na rin kami
kaya dumeretso na lamang kami pauwi. Ayun lamang. Masaya ang dalawang araw
kong pamamasyal doon at isa ito sa mga hindi ko makakalimutang napuntahan
ko. Nais kong makabalik muli rito kung wala ng pandemya.
Powered by TC PDF ( www.tc pdf.org)
This study source was downloaded by 100000833251709 from CourseHero.com on 04-20-2022 04:24:56 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/125500761/Lakbay-sanaysaydocx/
Download