Uploaded by icynethpaulassie

Dagat

advertisement
Minsan
May nakapagsabi sa akin
Naaawa raw siya sa dagat
Sapagkat,
Punong-puno na raw ito ng basura
Ng ating mga patak ng luha
Ng mga laway sa ating bawat pagsigaw
Kaya raw siguro ito maalat
At sinagot ko siya
Ang sabi ko
Mas humahanga ako kay Dagat
At sa totoo lang,
Naiinggit din ako sa kaniya
Dahil may tiwala sa dagat ang lahat
Download