‘Kadahilanan ng Pagpili ng Strand na Science Technology Engineering and Mathematics o ng mga Piling Mag-aaral ng Baitang 11 – STEM sa Mataas na Paaralang Rizal” IPINASA NINA: AIS, KIMBERLY CALI, NOERAEL JADE CARVAJAL, ANGEL MENDOZA DEL CORRO, JOHN DALE DELOBERJES, ALTHEA MARIE GUINTO, ROI MADI, JAMERONE PAaGSUYUIN, WARREN IPINASA KAY: GNG. MARILOU R. BELTRAN TALAANNG NILALAMAN PRELIMINARYONG PAHINA Pinagtibay… .......................................................................................................................... i Dahon ng Pagpapatibay....................................................................................................... ii Paghahandog… ..................................................................................................................... iii Pasalamat/Paglalaan… ......................................................................................................... iv TALAAN NG NILALAMAN KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito o Panimula… ................................................................................................................ 1 o Paglalahad ng Suliranin… ......................................................................................... 2 o Hypotesis ................................................................................................................... 2 o Batayang Teoretikal… ............................................................................................... 2-4 o Bantayang Konseptuwal… ........................................................................................ 4 o Kahalagahan ng Pag-aaral ......................................................................................... 4-5 o Saklaw at limitasyon sa Pag-aaral… .......................................................................... 5 o Depinisyon Ng Mga Terminolohiya ...................................................................................... 5-6 PINAGTIBAY Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Science Technology Engineering and Mathematics ng mga Piling Mag-aaral ng Baitang 11 – STEM sa Mataas na Paaralang Rizal.” Ais, Kimberly Cali, Noerael Jade Carvajal, Angel Mendoza Del Corro, John Dale Deloberjes, Althea Marie Guinto, Roi Madi, Jamerone Pagsuyuin Warren Bilang Partial Requirement sa Filipino, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, inirekomenda para tanggapin at pagtibayin. Gng. Marilou R. Beltran Tagapayo Tagapayo HUNYO 2022 i DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Science Technology Engineering and Mathematics ng mga Piling Mag-aaral ng Baitang 11 – STEM sa Mataas na Paaralang Rizal.” Ais, Kimberly Cali, Noerael Jade Carvajal, Angel Mendoza Del Corro, John Dale Deloberjes, Althea Marie Guinto, Roi Madi, Jamerone Pagsuyuin Warren 11-STEM-EMERALD Tinanggap ang Pananaliksik na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino at ng Rizal High School, bilang isa sa pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Gng. Marilou R. Beltran Guro ii PAGHAHANDOG Nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga naging inspirasyon at bahagi ng pananaliksik na ito. Labis akong nagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos na siyang nanguna sa pagsasagawa at pagpapatuloy ng aking pananaliksik. Karapatdapat siyang bigyan ng papuri sa pagbibigay sa akin ng lakas, tatag, tibay ng loob, at isipan, pati sa mapagpala niyang kamay. Hindi matatawaran ang malaking naging bahagi ng aking mga magulang sa pagsuporta at paggabay sa aking paglakad. Nagpapasalamat ako sa kanila sa tulong moral, pinansyal at pisikal na ibinigay nila sa akin. Sa mga taong nagbigay ng kanilang pagsuporta at tulong sa akin sa pagpapalawak at pagpapaganda ng aking pananaliksik. iii PASASALAMAT/PAGLALAAN Ang pananaliksik na ito ay hindi mabubuo kung hindi dahil sa mga taong nagbigay tulong at kontribusyon, mga sumusuporta, nagbigay inspirasyon, at lakas ng loob sa mananaliksik upang maisakatuparan ang minimithing kaganapan. Ang pananaliksik na ito na pinamagatang Kadahilanan ng Pagpili ng Strand na Science Technology Engineering and Mathematics ng mga Piling Mag-aaral ng Baitang 11 – STEM sa Mataas na Paaralang Rizal. ay ipinapaabot ang lubos at taos puso kong pasasalamat sa mga sumusunod: Una sa lahat, nagpapasalamat ang mananaliksik sa poong Maykapal na siyang nagbigay ng tatag at lakas sa lahat. Sa kaniyang pag-iingat at paggabay sa mga gawain sa araw-araw. Sa aking mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa pag-aaral at pagbibigay sa lahat ng pagsuporta at maging sa pinansyal, upang makapanaliksik ng maayos at para sa maipagpatuloy ang pag-aaral. KABANATA 1: SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG AARAL PANIMULA Ang Science Technology Engineering and Mathematics o mas kilala sa tawag na STEM ay ipinakilala noong 2001 ng mga siyentipikong administrador sa U.S. National Science Foundation (NSF). Maraming nai-publish na ulat noong unang bahagi ng 2000s ang nagbigay-pansin sa matinding pangangailangan ng mga mag-aaral sa U.S. na pataasin ang kanilang kahusayan sa kurikulom na STEM at hanggang ngayon ay marami pa ring kumukuha ng strand na STEM dahil para sakanila ito ay ang strand na makakatulong sakanila na mapaunlad ang kanilang kaalaman. Ang strand na ito ay para sa mga mag-aaral na may hilig o may kakayahan sa pag-aaral ng matematika, siyensya, o engineering. Ang agham at matematika ay partikular na mahalaga sa STEM dahil ang teknolohiya at engineering ay nakasalalay sa kanila. Kung kailangan ng isang mag-aaral ng Architectural Engineering na magdisenyo ng isang 10-palapag na gusali, kailangan muna nilang maunawaan ang pinagbabatayan ng matematika at siyentipikong mga prinsipyo na ginagawang posible ang isang gusaling tulad nito. Sa strand na ito ay nakatuon ito sa mga isyu at problema sa totoong mundo. Itinuturo din dito ang pagkalkula ng mga bagay, itinuturo din dito ang tamang pagsukat o paggawa ng isang gusali, tahanan, at mga proyekto. Itinuturo din dito ang pag-aaral ng agham. Ang agham ay ang pagtugis at aplikasyon ng kaalaman at pag-unawa sa natural at panlipunang mundo kasunod ng isang sistematikong pamamaraan batay sa ebidensya. Sa pagaaral ng agham ay nakapaloob dito ang pananaliksik, mga datos, at ang mga eksperimento. Ang mga kasanayan sa matematika at agham na iyong natututuhan sa paaralan ay ang pundasyon ng STEM at dapat ilapat sa paghahanap ng mga solusyon 1 PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang Pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang Kadahilanan ng Pagpili ng Strand na Science Technology Engineering and Mathematics ng mga piling mag-aaral ng Baitang 11 – STEM sa Mataas na Paaralang Rizal. 1. Anu-ano ang dajilan bakit napili ng mga piling mag-aaral ang strand na STEM? 2. Paano makakatulong sa mag-aaral ang strand na STEM? 3. Bakit madaming mag-aaral ang kumukuha ng STEM strand? HAYPOTESIS Batay sa pananaliksik, masasabi namin na walang kaugnayan ang mga piling mag-aaral ng Baitang 11 - STEM sa Kadahilanan ng Pagpili ng Strand na Science Technology Engineering and Mathematics sa Mataas na Paaralang Rizal BATAYANG TEORETIKAL Ang Science Technology Engineering and Mathematics (STEM) ay tungkol sa pag-aaral sa implikasyon para sa pag-unlad ng mga manggagawa, mga alalahanin sa pambansang seguridad at patakaran sa imigrasyon. Sa pagpili ng karera, mas gusto ng mga tao ang mga trabaho kung saan makakasama nila ang iba na katulad nila. Naghahanap sila ng mga kapaligiran na magbibigay sa kanila na gamitin ang kanilang mga kakayahan at ipahayag ang kanilang mga saloobin at halaga, habang tinatanggap ang mga kasiya-siyang problema at tungkulin. Ipinapahayag ng mga tao ang kanilang sarili, ang kanilang mga interes at halaga, sa pamamagitan ng kanilang mga pagpipilian. (John Holland) Sa pagitan ng 2017 at 2029, ang bilang ng mga STEM na trabaho ay tataas ng 8 porsiyento, isang mas mataas na rate kaysa sa mga hindi STEM na trabaho - na may mga posisiyon sa computing, 2 engineering, at advanced na pamamanupaktura na nangunguna. Ipinakita ng pananaliksik na ang edukasyon ng STEM ay epektibo sa pagpapabuti ng mga resulta ng pagkatuto ng mga mag-aaral, tulad ng tagumpay sa pag-aaral sa akademya, pagganyak ng mag-aaral, saloobin, mga kasanayan sa paglutas ng problema. Ang pag-aaral ng mga paksang nauugnay sa STEM ay maaaring palawakin ang abot-tanaw ng isip. Kung matututo kang mag-isip sa paraang siyentipiko, matututunan mo ang mga pamamaraan ng pagsubok at pagkakamali. Ang susi ay malikhaing paglutas ng mga problema, pagtatanong sa mga bagay, paghahanap ng katotohanan, at laging sabik na tuklasin ang higit pa tungkol sa kung paano gumagana ang mga bagay. Ayon sa teorya ni Vygotsky, ito ay sumasaklaw sa iba't ibang tema na kapag inilapat sa STEM na edukasyon, hahantong ito sa mas malaking porsyento ng mga mag-aaral na naghahabol ng undergraduate degree at trabaho sa STEM. Ang mga mag-aaral ay higit na tinutukoy kung gaano kaakit akit ang kanilang mga unang karanasan sa pag-aaral sa pagpili ng STEM. Ang kanilang mga guro ay may pananagutan para sa isang malaking bahagi nito. Dahil kung ang kanilang mga nakaraang karanasan sa mga paksang nasa ilalim ng STEM ay kahanga-hanga ang mga mag-aaral ay mas tumatanggap o nagpapakita ng interes sa STEM strand. Ang kahalagahan ng pag-aaral ay binigyang-diin ni Vygotsky. Para maganap ang pag-aaral, naniniwala siya na kailangan ang pakikipag-ugnayan sa lipunan at kapaligiran ito ay nagtutulak at nagbibigay ng kahalagahan sa pag-aaral ay ang lipunan. Ito ay nagpapaalam sa mga mag-aaral tungkol sa mga suliraning panlipunan at pangkapaligiran, na nakatuon sa pagbibigay ng mga solusyon sa mga kaguluhan ng lipunan. 3 Dahil sa STEM Pinabubuti nito ang kanilang mga social skills at pakikisama sa lahat, pati na rin ang pagkakaroon ng mindset na nagbibigay-daan sa kanila na maging bahagi ng workforce, na kung saan kinakailangan pakikipagtulungan. BATAYANG KONSEPTUWAL INPUT PROSESO Ang mga mananaliksik ay Ang mga mananaliksik ay nagnanais malaman ang dahilan ng magsasagawa ng survey sa Mag-aaral sa pagpili ng strand na piling mag-aaral sa STEM ng mga piling mag-aaaral pamamagitan ng Google ng Grade-11 STEM ng Rizal High Forms bilang midyum ng School sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga paggawa ng kwestyuner o survey katanungan upang makakalap na naglalaman ng mga katanungan ng datos para sa paksang patungkol sa paksang pinag- pinag-aaralan. aaralan. 4 OUTPUT Inaasahan ang mga mananaliksik na makakalap ng impormasyon ukol sa kadahilanan ng mga mag-aaral ng baitang 11-STEM sa pagpili ng Strand na Science Technology Engineering Mathematics KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Para sa Mag-aaral - makapag-bigay ng sapat na kaalaman tungkol sa pagkuha ng (strand) na STEM o Science, Technology, Engineering, and Mathematics at kung ano ang dapat gawin upang mas mapalawak ang kaalaman sa naturing strand. Para sa Guro – mas mailahad nila nang maayos ang mga aralin sa kurso upang mas maintindihan ng mga mag-aaral ang mga aralin patungkol sa matematika, siyensya, at engineering. Para sa Magulang – magkaroong nang madaming kaalaman o ideya sa STEM upang makatulong sila kung sakaling nangangailangan ng tulong ang kanilang mga anak. Para sa Administrador – maging daan sana sila upang mas kahandaan at paglinang ng mga guro at pasilidad ng paaralan na tutugon sa strand na STEM. Para sa mga susunod na mananaliksik - Ang pag-aaral na may kaugnayan sa STEM ay makatutulong upang makapagbigay ng iba pang datos sa susunod pang mananaliksik na nais magsuri ng ganitong paksa at iba pang pag-aaral na may kaugnayan dito. SAKLAW AT LIMITASYON Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa kadahilan ng pagpili ng strand na STEM ng mga piling magaaaral ng Grade-11 STEM ng Rizal High School. Ang pag-aaral na ito ay kinakailangan ng (60) animnapung mag-aaral na respondente na sasagot ng talatanungan na binubuo ng (7) pitong mag aaral mula sa anim na sekyon na binubuo ng (3) tatlong lalaki at (4) apat na babae. At (6) anim naman na magaaral mula sa tatlong seksyon na binubuo ng (3) tatlong lalaki at (3) tatlong babae. Hindi saklaw ng pagaaral ang mga mag-aaral ng Junior High School at ibang strand ng Senior High School. 5 DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA Google Forms- ang Google Forms ay libreng online na software na nagbibigay-daan sa iyong gumawa ng mga survey, pagsusulit, at . Bahagi ito ng web-based na apps suite ng Google, kabilang ang Google Docs, Google Sheets, Google Slides, at higit pa. Pagganyak- Ang pagganyak ito ang kilos at epekto ng pagganyak. Ito ang motibo o dahilan na sanhi ng pagganap o pagkukulang ng isang aksyon. Pagmamanupaktura- ang pagmamanupaktura ay ang gawain ng pagbago sa hilaw na materyal upang maging magagamit na mga produkto Pagtugis- ang pagtugis ay pag-habol or pag-hangad ng isang bagay Seguridad- ang seguridad ay katangian ng isang bagay o isang taong mayroon o ligtas Workforce- ang Workforce ay ang mga taong nakikibahagi sa o magagamit para sa trabaho, alinman sa isang bansa o lugar o sa isang partikular na kumpanya o indus 6