BANGHAY ARALIN SA MAPEH 4 I-Layunin: 1.Nasusubok ang kaangkupang pisikal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing nagpapaunlad sa kahutukan (flexibility) ng katawan. 2.Natutukoy ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal katulad ng mga gawaing nagpapaunlad sa kahutukan (flexibility) ng katawan. 3.Naipapakita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa at patas na pakikipaglaro. Code: PE4PF-IIIb-h-18 II-Paksang Aralin: Sangkap ng Physical Fitness (Flexibility) Code: PE4PF-IIIb-h-18 Kagamitang Panturo: A.Sanggunian 1.Curriculum Guide: pahina- xxi 2.Teacher’s Guide: Yunit III,pahina 47-49 3.Learning materials: Yunit III, pahina 131-135 4.Larawan 5.Integasyon sa ibang Asignatura III-Pamamaraan: A.Balik-aral: (Pangkatin sa 3 ang klase)(Ipagawa ang mga sumusunod) 1.Buuin ang word puzzle. 2.Ipaskil sa pisara ang nabuung salita. (PITURE ng FITNESS CHALENGE LM page.124) B.Pagganyak: (Pagpapakita ng larawan)(Ipasagot ang mga katanungan) (Filipino Physical Activity Pyramid Guide LM, pp.130) Mga tanong: 1.Ano ang gingawa ng mga bata? 2.Ano ang kaugnayan ng bawat bahagi ng pyramid sa pagpapaunlad ng ibat-ibang bahagi ng katawan? 3.Gaano kadalas ang pagsasagawa ng mga gawaing makapagpapaunlad ng kahutukan (flexibility) ng katawan? C.Paglalahad/Pagtatalakay: ( Ipabasa ang Ipagpatuloy Natin sa LM, pp.130-131) Ang kahutukan ay kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan.Kinakailangan ang kahutukan ng katawan upang maisagawa ang mga pang- araw-araw na gawain tulad ng pagbangon sa pagkahiga, pagbuhat ng bagay,pagwalis sa sahig at iba pa. Ang antas ng kahutukan ng katawan ay bumababa kapag tumanda ang isang tao dahil sa palaupong pamumuhay. Kapag walang sapat na kahutukan , nagiging mahirap ang pagsasagawa ng mga pang-araw-araw na gawain. Mga Tanong: 1.Ano ang flexibility? 2.Sabihin ang mga gawain sa araw-araw na nangangailangan ng flexibility. (Pangkatang Gawain)(Paglilinang ng Flexibility sabay bilang hanggang Sampo -10.) (Select picture sa LM,pp. 131 with RUBRICS) Pangkat 1 – (Pag-unat) 1 - 10 Pangkat 2 – (Pag-abot ng dalawang kamay sa paa) 1 - 10 Pangkat 3 – (Pagkarate o pagsipa) 1 - 10 D.Paglalahat: (Pagpapakita ng mga larawan sa LM, pp.131) Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin kung alin sa mga larawan ang nagpapakita ng kahutukan ng katawan. Sabihin kung ang mga gawaing ito ay pang-araw-araw na gawain, ehersisyo, laro, o sayaw. ( Picture sa LM, pp.131(9)) 1.Ano ang flexibility? 2.Ano ang mga gawain sa araw-araw na nangangailangan ng Flexibility? 3.Gaano kadalas ang pagsasagawa ng mga gawaing Makapagpapaunlad ng kahutukan(flexibility Katawan? 4.Bakit kailangan mapaunlad ang kahutukan (flexibility)? Tandaan: Ang pagpapaunlad ng flexibility o kahutukan ng kalamnan ay nakatutulong upang mapadali ang pagsasagawa at mapaganda ang isang gawain. Ang paglinang sa mga gawaing makatutulong sa flexibility ng katawan ay inaasahan upang matamo ang inaasasahang antas ng physical fitness. IV-Pagtataya: Panuto:Tingnan ang talaan sa ibaba at Lagyan ng tsek (/) kung alin ang makapagpapaunlad ng iyong flexibility o kahutukan. (LM, Suriin natin,pp.133) V-Takdang Gawain: Gumawa ka ng talaan ng mga gawaing pisikal na makapagpapaunlad ng kahutukan o (flexibility).