Uploaded by airenpamat27

COT-Q1-BANGHAY-ARALIN-SA-MUSIC4

advertisement
BANGHAY ARALIN SA MAPEH 4-MUSIC
I - Layunin: 1.Nakilala an gang iba’t ibang uri ng mga notes at rests.
( Whole, half, quarter at eight note/rest )
2.Nakakabasa ng mga notes at rests.
( Whole, half, quarter, at eight note/rest )
CODE: MU4RH-Ia-1
II – Paksang-aralin: Pagkikilala sa iba’t ibang uri ng mga notes at rests
Sanggunian:
*MELC : pahina 251, Teacher’s Guide: Yunit 1, pahina 2-5, Learning Materials:
Yunit 1, pahina 5-7
Kagamitan:
* marker pen, flashcards,flashdrive,laptop
*Integrasyon: Mathhematics, Art, Esp, Health, Arpan, English
III - Pamamaraan:
A.Balik-aral: (Pangkatang Gawain)
Pangkat 1: (RHYTHM)
1. bigkasin sa wikang English ang mga bilang sa loob ng rhythmic pattern.
2. Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.
3.bigkasin ng “Boom” ang mga sumusunod rhythmic pattern.
Pangkat 2: (KODALE SIGN)
Isagawa ang kodale sign sa musika sabay sabay ang pag awit ng sofa-syllables sa
sa musika. ( 3X )
Pangkat 3: (TONAL)
Awitin ang awiting “Pilipinas kong Mahal” Bigyang pansin ang tamang tinig
at tono. Ipaalala ang maayos na pag awit tulad ng iyong nararamdaman sa
sa awiting ito.
B.Pagganyak: ( Ipaawit ang awiting “Bahay Kubo.”)(with slide)
Mga Tanong:
1.Ano ang mga gulay at prutas ang nabanggit sa awiting “Bahay Kubo”?
(Ang mga gulay at prutas na nabanggit sa awitin ay: singkamas, talong, sigarilyas,
mani, sitaw, bataw, at patani.)
2.Ano ang kahalagahan ng pagkain ng mga gulay at prutas?
(Ito ay mahalaga sa kalusugan ng ating katawan,)
3.Tungkol saan ang awit?
(Ang awit ay tungkol sa mga halamang gulay at prutas na nasa paligid ng
Bahay kubo)
4.Bakit mahalaga ang pagkain ng mga masustansyang pagkain?
(mahalaga at dapat kumain tayo ng masustansyang pagkain upang magiging
manatiling malusog ang ating katawan.)
C.Paglalahad:
Iparinig ang awiting “Kalesa” (with slides/lyrics)
“KALESA”
IKalesa’y may pang-akit na taglay, maginhawa’t di maalinsangan
Nakakahalina kung pagmasdan, kalesa ay pambayang sasakyan.
Kabayo’y hindi natin problema, pulot at damo lang ay tama na
Matulin din sa kalsada, tumatakbo maginhawa wala pang gasolina.
IIKalesa ay panghatid twina, nang panahon nina Maria Clara
Mga bayani nitong bayan, sa kalesa dinuduyan.
Kalesa’y nakakaaliw, lalo na kung gumagabi
At kung kasama ko aking giliw, mangangalesa na kami.
IIIKalesa’y may pang-akit na taglay, maginhawa’t di maalinlangan
Nakakahalina kung pagmasdan, kalesa ay pambayang sasakyan.
Kabayo’y hindi natin problema, pulot at damo lang ay tama na
Matulin din sa kalsada, tumatakbo maginhawa wala pang gasolina.
CODA:
Matulin din sa kalsada, tumatakbo maginhawa wala pang gasolina.
Matulin din sa kalsada, tumatakbo maginhawa wala pang gasolina.
Matulin din sa kalsada, tumatakbo maginhawa wala pang gasolina.
D.Pagtatalakay:
Mga Tanong:
1. Anong uri ng transportasyon ang kalesa?
(Ang kalesa ay isang sasakyang panlupa.)
2. Sa anong uri ng pamayanan makikita ang kalesa?
(kadalasan nakikita ang mga kalesa sa pamayanang rural)
3. Ano ang mabuting naidudulot sa kapaligiran ang paggamit ng kalesa?
(Itoy ay nakatutulong sap ag-iwas ng pulosyon ng hangin)
4. Sa anong paraan maipakikita ang pagpapahalaga sa kapaligiran?
(Maipapakita ang pagpapahalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng paggamit
ng mga bagay na hindi nakakasira sa kalikasan.)
5. Ano ang napansin ninyo sa tunog ng awiting “Kalesa”?
(Ang napansin ko sa awiting “Kalesa” ay nagkakaroon ng maikli at mahabang
tunog.)
6. Bakit nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog ang isang awitin?
(Ang isang awit ay nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog dahil sa uri
ng mga notes na ginagamit.)
E.Paglalahat:
Gawain 1: (Pangkatang Gawain) (sumannguni sa RUBRICS)
Pangkat 1: ( kilalanin at guhit ang uri ng mga notes at rests )
Halimbawa:
NOTE
REST
Whole note =
Whole rest =
Pangkat 2: Awitin ang “Leron leron Sinta” at isabay ang beatbox na tunog.
Pangkat 3: Isayaw ang saliw ng awiting “Tayo ay magsamasama” (with video)
TANDAAN:
NOTE
BILANG NG COMPAS
Whole note
4
Half note
2
Quarter note
Eight note
1
1/2
REST
Whole rest
Half rest
Quarter rest
Eight rest
IV-Pagtataya: Panuto: Sagutin ang sumusunod.
1.
2.
3.
4.
5.
Iguhit ang quarter note =
Ano ang katumbas na bilang ng dalawang eight note?
Anong note ang katumbas ng dalawang quarter note?
Ilang bilang ng kumpas mayroon ang dalawang quarter rest?
Iguhit ang whole rest =
V-Takdang-Aralin:
Pag aralan ang awit na “Magandang Araw” Lagyan ng kaukulang bilang ng kumpas ang
bawat note at rest.
Prepared by:
MARDONIO B. OFQUILA
Teacher
Download