Ballesteros Sr. Elementary School City West District Pagadian City BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6 I- LAYUNIN a. Nasusuri ang mga isyung panlipunan na nabanggit sa aralin; b. Nasasabi kung wasto o hindi ang mga pahayag tungkol sa ilang isyung panlipunan. II- PAKSANG- ARALIN Paksa: Sanggunian: Kagamitan: Pagpapahalaga: Subject Integration: Mga Isyung Panlipunan – Kahirapan, Droga, at Diskriminasyon Curriculum Guide sa AP6 pahina 142, AP6TDK-IVe-f-6 LED Monitor, Laptop, mga larawan Pagpapanatili na ligtas ang lipunang kinabibilangan English, P.E, Science, Math, Filipino III- PAMAMARAAN A. Paganyak Tanong: Kanta: “Bawal na Gamot” ni Willy Garte a. Tungkol saan ang kanta? b. Ayon sa kanta, bakit hindi naabot ang kanyang mga pangarap? B. Paghahabi ng Layunin sa Aralin Pagbubuo ng kaisipan sa mga larawan o pahayag na inilahad. Kahoot Time Gagamit ng Kahoot Application ang guro at mga mag-aaral para sa pagsagot ng bawat tanong. C. Paglalahad Maglahad ng maikling video tungkol sa ilang Isyung Panlipunan Magpapakita ng mga larawan sa ilan sa mga Isyung Panlipunan Bubuo ang bawat pangkat ng isang konseptwal framework tungkol dito Unang Pangkat- KAHIRAPAN Panuto: Gagawa ng Konseptwal Framework at isulat kung anu- ano ang ilan sa mga sanhi o dahilan ng kahirapan. Magbigay lamang ng apat (4) na sanhi. Ikalawang Pangkat- DISKRIMINASYON Panuto: Susulat ng talata na may 4-5 pangungusap na nagpapaliwag o nagtatalakay tungkol sa diskriminasyon. Ikatlong Pangkat- DROGA Panuto: Gagawa ng Konseptwal Framework gamit ang iba’t ibang hugis at isulat kung anu- ano ang ilan sa mga epekto o bunga ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Magbigay lamang ng apat (4) na bunga. D. Pagtatalakay Pagpapakita ng mga bidyos tungkol sa Isyung Panlipunan Kahirapan Ano ang nararamdaman mo habang ikaw ay nanonood sa bidyo? Kailan kadalasan mangyayari ang mga ganitong sitwasyon? Paano natin malalagpasan ang kahirapan sa buhay? Droga/ Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot Tungkol saan ang inyong napanood? Gaano ba katindi ang epekto ng droga sa utak ng isang tao lalong lalo na sa mga kabataan? Diskriminasyon Sino sa inyo ang nakaranas sa ilan sa mga diskriminasyon na inyong nakikita? Paano mo malalagpasan o maiiwasan ang mga diskriminasyon sa iyong lipunan? E. Paglalahat Anu-ano ang ilan sa mga isyung panlipunan na ating natalakay? Bilang mag-aaral sa ika- anim na baitang, paano mo mapanatiling ligtas ang iyong sarili mula sa mga kapahamakan sa ating paligid o lipunan? F. Paglalapat Hatiin ang klase sa tatlong (3) pangkat. (Differentiated Activity) Unang Pangkat Isadula ang nakasaad na sitwasyon: “Si Joy ay isang batang mahirap. Araw- araw niyang nilalakad ang daan patungo sa kanyang paaralan para lamang makapasok. Hindi niya inalintana ang kanyang paghihirap, sa halip palagi pa niyang hinihikayat ang kanyang mga kaklase na mag-aral ng mabuti dahil naniniwala siya na ang kahirapan ay hindi hadlang para sa tagumpay.” Ikalawang Pangkat Gagawa ng pag-uulat tungkol sa nangyayaring diskriminasyon sa isang paaralan. Bigyang pansin ang epekto ng diskriminasyon sa buhay ng tao. Ikatlong Pangkat Interpretative Dance tungkol sa kantang “Bawal na Gamot”, ni Willy Garte. Tanong: Ano ang magandang aral na napulot ninyo mula sa kanta? IV- PAGTATAYA Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto ang sinasaad ng pahayag at MALI naman kung hindi. ___1. Nagsusumikap sa pag-aaral si Ben kahit minsan wala siyang baon papunta sa paaralan. ___2. Pinagtatawanan ng mga bata ang isang matabang babae na naglalakad sa kalye. ___3. Si Anton ay niyaya ng kanyang mga kaibigan na sasamang magbebenta ng ipinagbabawal na gamot ngunit hindi siya pumayag dahil alam niya na hindi maganda ang kanilang gagawin. ___4. Tumigil sa pag-aaral ang nakababata mong kapatid dahil hindi siya binilhan ng bagong sapatos ng iyong nanay. ___5. Dapat tayong maging matatag at magsusumikap sa pag-aaral para hindi tayo mapabilang sa mga batang lansangan sa ating paligid o lipunan. V- TAKDANG ARALIN Panuto: Magsaliksik ng mga napapanahong Isyung Pangkapaligiran at isulat ang mga ito sa inyong kwaderno sa Araling Panlipunan. Inahanda ni: Iniwasto ni: AIREN M. PAMAT Demonstrator LOURDES I. SINDATOC MT- I