Uploaded by airenpamat27

Pagmamalaki sa Natapos na Gawain - Copy

advertisement
Banghay Aralin
sa
Edukasyon sa Pagpapakatao VI
I-
LAYUNIN:
Naipagmamalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa
pamantayan at mabuting gawi.
II-
PAKSA:
Pagmamalaki sa Natapos na Gawain
a. Sanggunian: EsP - K to 12 CG p. 87
Code: EsP6PPP-IVg-38
b. Kagamitan: Laptop, Power Point
Pagpapahalaga: Pagawa ng mabuti sa kapwa
III-
PAMAMARAAN
A. Balik-aral/ Panlinang na Gawain
Balik-tanaw sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pabilisan sa
pagbuo ng picture puzzle. Iulat sa klase ang nabuong larawan at kung ano ang nais
ipahiwatig nito.
B. Paganyak
Ano- anu ang mga nagawa mo sa nakarang linggo o araw na ito na
maipagmamalaki mo?
C. Paglalahad
Magpapakita ng bidyo tungkol sa paggawa ng mabuti sa kapwa.
https://www.youtube.com/watch?v=GdYJr03eJjE
D. Pagtatalakay
Tungkol saan ang napanuod na bidyo?
Bakit mahalaga ang paggawa ng mga gawaing marangal at mabuti sa
kapwa?
E. Gawain
Pangkatang Gawain (Differentiated Activity)
Pangkatin ang mag-aaral sa apat at ipakita ang kanilang gagawin sa mga
sumusunod na sitwasyon:
Unang Pangkat – Luzon
Papunta kayo ng mga kamag-aral ninyo sa paaralan nang may nakita kayong
matanda na may dala-dalang mga gamit habang patawid sa kalsada. Paano
mo maipakikita ang paggawa ng mabuti sa nabanggit na sitwasyon?
Ipakita sa pamamagitan ng dula- dulaan.
Ikalawang pangkat- Visayas
Gumawa ng Slogan na nagpapakita ng paggawa ng mabuti sa kapwa.
Ikatlong pangkat- Mindanao
Ikaw ay naatasang pangulo ng SPG ng paaralan at nagkakaroon kayo ng tree
planting. Ipakita sa pamamagitan ng sayawit ang pagtatanim ng punong
kahoy. (tree planting)


Magbibigay ng rubriks sa bawat gawain
Iproseso ang Gawain ng bawat pangkat.
F. Paglalahat
a. Anong uring Gawain ang dapat nating ipagmalaki?
b. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan para ikaw ay maipagmamalaki ng
iyong mga mahal sa buhay o sa kapwa?
Closure: (Anumang gawaing marangal at Mabuti, dapat nating ipagmalaki)
VI-
PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang Tama kung ang sumusunod ay nagpapakita ng pagmamalaki
ng anumang natapos na gawain na nakasusunod sa pamantayan at tamang
gawi at Mali kapag hindi.
______1. Masayang ipinakita ni Ben sa kanyang mga magulang ang
nagawang proyektong abaniko sa kanilang asignaturang TLE.
______2. Sumisigaw si Lando at ipinagyayabang sa kanyang mga kaibigan ang
pagsali niya sa ginawang Clean Up Drive sa paaralan.
______3. Si Amber ay nagtitinda ng mga gulay sa kanilang lugar sa tuwing
walang pasok.
______4. Ipinamalita ni Jose sa buong kampus ng kanilang paaralan na siya ay
magaling sa pagguhit ng kartung pang editorial.
______5. Pagkatapos ng klase, nililinis ni Raphael ang opisina ng kanilang
punong guro para may pantustos sa kanyang pag-aaral.
G. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagmamalaki sa natapos na Gawain na
nakasusunod sa pamantayan.
Download