Uploaded by kylelynnvibar.turreda

pdfcoffee.com filkom-written-reportdocx-pdf-free

advertisement
ISANG PASULAT NA ULAT
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
FILKOM 1100
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS
NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
nina:
Asuncion, Devine Ezra C.
Capitulo, Mary Bless A.
Dela Cruz, Reichel S.
Garcia, John Noel
Morales, John David
Ramos, Lovelyn
Salvador, Dickson V.
Talon, Jomelyn O.
Zabat, Erika Amel
NENITA P. FABRIGAS
GURO
UNANG PAMANAHON
Ikalawang Semestre 2019-2020
I.
MGA MAHAHALAGANG TERMINO
CMO no. 20 series of 2013 – ang bagong kurikulum na naglalahad na wala ng
Filipino sa kolehiyo.
KWF – Komisyon ng Wikang Filipino
GEC – General Education Curriculum
SADFIL – Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino
PSLLF – Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
NCCA – National Commission for Culture and the Arts
NCLT – National Committee on Languange and Translation
II.
INTRODUKSYON
Nang pasimulan ang implementasyon ng K to 12 kurikulum sa Pilipinas taong
2011 ay naging mainit nga ang usapin sa pag-aalis ng asignaturang Filipino sa
tersarya. Planong rebisahin ng dating Chairperson ng CHED na si Patricia
Licuanan ang Old General Education Curriculum (GEC) na mayroon ang
tersarya. Ayon sa kanya mauulit ang mga naturang asignatura sapagkat ito ay
maituturo na sa senior high school.
Oktubre 3, 2012 ng maipalaganap ang petisyon na ihinto muna ang
implementasyon ng K to 12 kurikulum at ang Revise General Education
Curriculum (RGEC) sa tersarya dahil sa takot na malusaw ang Departamento ng
Filipino. At noong Agosto 29, 2012 ay naglabas ng presentasyon si Tonisito M.C
Umali na wala ng Filipino sa kolehiyo. Kung kaya naman labis na nabahala ang
Departamento ng Filipino sa De La Salle University at naglabas sila ng ng
posisyong papel na may titulong "Isulong ang ating Wikang Pambansa,Itaguyod
ang Konsultasyon na karapatan ng Filipino bilang Larangan at Asignaturang may
mataas na Antas", ang posisyong papel na ito ay opisyal na inilabas noong
Disyembre 7, 2012.
Hunyo 28, 2013 opisyal na inilabas ang CMO no. 20 s. 2013. Nakitaan ito ng
paglabag sa CMO no. 4 s. 1997, ang asignaturang Filipino ay binubuo ng 9 units
at 3-6 units. Noon namang Marso 3, 2014 ay nagpadala ng liham petisyon ang
200 propesor na may lagda at ipinadala sa CHED. Dahil sa isyung ito Mayo 2014
ay nagsimula ang protesta kung kaya't Hunyo 4, 2014 ay nagpatawag ng
konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika. Nakarating sa Korte
Suprema ang usapin sa isyung ito noong Abril 15, 2015; ang liham ay binubuo ng
45 pahina na salin mula sa Filipino. At dahil nga nabasura ang petisyon sa Korte
Suprema sa halip na 15 units ang makuhang bigat ng Filipino ay naging 9 units
na lamang ito na binubo ng 3 asignatura; FILKOM, FILDIS at FILDAL.
III.
PAGTALAKAY
Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino Para Kanino?
Ang K-12 ay isang programang sinimulan ng ipinatupad ng pamahalaan
noong taoong 2012 na naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating
bansa. Sa buong asya tanging ang Pilipinas na lamang ang mayroong sampung
taon ng basic education, kaya naman ipinatupad ng pamahalaan at ng
Kagawaran ng Edukasyon ang K-12 Kurikulum. Ito ay nagnanais na ihanda ang
mga mag-aaral pagkatapos ng High School, kung nais na nilang mag-trabaho at
hindi agad magtuloy ng kolehiyo. Sa kasalukuyan dito sa atin sa Pilipinas ay
kinakailangan magtapos ang ating kabataan o mag-aaral ng kolehiyo para
makapagtrabaho. Ngunit para kay Noynoy Aquino III ang K-12 ay ang pagbibigay
ng basic competencies na kailangan upang makapagtrabaho ang mga kabataan.
Ayon ay Zofia Leal ng Philippine Online Chronicle, noong Hunyo 28, 2013,
inilabas ng Commission on Higher on Education (CHED) at CHED memorandum
Order No. 20 o ang General Education Curriculum, Intellectual and Civic
Competencies.” Batay sa kautusan, hindi na ituturo ang Filipino bilang asignatura
sa kolehiyo kapag naipatupad na ang programang K-12 sa 2016. Tinalakay ng
nasabing memorandum ang pagpasok ng General Education Courses sa Grade
11 at 12 kung saan kabilang dito ang Filipino. Itinampok sa kanyang artikulo ang
pagtutol ng mga propesor sa iba’t ibang unibersidad kaya naman noong Hunyo
21, nagsama-sama ang mahigit na 300 na propesor at mag-aaral mula sa 43
unibersidad at kolehiyo para itatag ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng
Wikang Filipino o Tanggol Wika. Ang kanilang mga panawagan ay ang panatilihin
ang pagtuturo sa asignaturang Filipino sa bagong General Education Curriculum
sa kolehiyo; rebisahin ang CHED Memo Order 20, serye ng 2013; gamitin ang
wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at isulong ang
makabayang edukasyon.
Ayon sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo XYV, Seksyon 6, “ Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.” Maliwanag ang isinasaad ng Saligang Batas na kailangang
payabungin ang Wikang Filipino sapagkat ito an gating pambansang wika. Ito ay
bahagi ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino pagkakakilanlan na kaakibat n
gating kalayaan mula sa mga mananakop noong unang panahon. An gating
tinatamasang kalayaan ay bunga ng dugo at pawis sa pakikibaka n gating
kasaysayan at kultura. Kaya ang pinakamabisang paraan para mapayabong at
mapayaman ang wikang Filipino ay ang pag-aaral at paggamit nito.
May banta o panganib na tanggalin ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang
core subject sa mga pamantasan at kolehiyo sinabi ni Propesor Bomen Guillermo
sa panayam sa kanya ni Propesor Det Neri na; kapag natuloy, ito ang papatay sa
intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Isulong at hindi dapat alisin ang Filipino at
mga wikang Pilipinas bilang core subjects sa kolehiyo. Sa halip dapat pa nga
itong patuloy na pagyamanin at pag-aralan nang malalim sa buong buhay natin
bilang Pilipino. Nakasalalay ang tunay at maalab na “Filipino pride “ sa lalim at
tindi ng pagkakakilala natin sa ating sariling mga wika.
Sulong Wikang Filipino
Samu't-saring banta ng globalisasyon at pagkawala ng kultura ang umiiral sa
ating bansa ngayon. Unti-unting pinapatay na ng mga modernisadong tao ang
kulturang pinaglaban ng ating mga bayani noon. Nasaan ang hustisya para sa
kanilang nagbuwis ng buhay para sa ating bansa? Walang ibang magpapahalaga
sa ating kasaysayan, panitikan, at kultura kundi tayong mga Pilipino, pero bakit
mas lalo pa tayong tumatangkilik sa mga dayuhang salita? Para sa mga uso at
kasikatan lamang ba ang pipiliin mo kung ang resulta naman nito ay pagpatay sa
sarili mong bayan? Saan tayo pupulot ng pagpapahalaga kung mismong sarili
nating wika'y iyo mo ng binabasura.
Ayon kay Bienvenido Lumbera na siyang Pambansang Alagad ng Sining sa
Panitikan na dapat huwag pakinggan ang CHED sa mga memorandum na
kanilang pinatupad ng hindi lubos na pinag-aralan o pinag-isipan ang magiging
implikasyon nito sa ating bansa at higit na mas lalo sa mga gurong Filipino na
mawawalan ng trabaho sa kolehiyo at mapipilitang bumaba sa paaralang
sekondarya. Nakasaad sa CHED MEMO 20-2013 na bunga ng kolonyal na
edukasyon ay ang banta o panganib na tanggaling ang pag-aaral ng wikang
Filipino bilang core subject sa mga pamantasan ng kolehiyo. Sinabi ni Propesor
Benjamin Guillermo sa panayam
sa kanya ni Propesor Det Neri na kapag
natuloy ang pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo, ito ang papatay sa
intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Gaano na ba kalawak ang alam natin sa
paggamit ng wikang Filipino o higit na nga bang masyado na tayong dalubhasa
sa ating kaya't ganun na lamang agaran na maglabas ng kautusan na tanggalin
ang wikang Filipino sa kolehiyo. Ang wika ay palatandaan ng pagkakaroon ng
identidad ng isang bansa, kaoag ang wika ay ginamit sa edukasyon ay lubos na
makakatulong sa pagpapalalim sa mga ideya ng pagmamahal sa bayan at
pagpapahalaga sa bayan. Ayon kay Bienbenido Lumbera na ang paggamit ng
wika upang makalikha ng akda na naglalaman ng karanasan ng mga
mamamayan sa isang bansa ay lubos na kapaki-pakinabang at makakatulong sa
bawat isa. Ayon din sa kanya na ang panitikan at wika ay mahalagang bahagi ng
karanasan ng estudyanteng nagdaan sa isang paaralan dahil dito nahuhubog
ang bawat isa na gumawa ng mga akda at mapahubog ang kakayahan sa sa
mga pagsusulat gamit ang sarili nating wika. Ito rin ay naguugnay sa estudyante
sa kaniyang pamilya at komunidad na kaniyang pinanggalingan.
Ang lipunan natin ay hinubog ng dalawang kolonyal na pananakop ng Kastila
at Amerikano na dapat ang kamalayan ay nakatuon sa paniniwalang dapat
tinatanggap lamang sa natin ang binibigay sa atin ng mga may kapangyarihan na
lumalaganap parin hanggang ngayon lalong-lalo na sa tuwing darating ang
eleksyon sa ating bansa ay abot-abot ang pamimigay ng biyaya sa bawat lugar
sa atin. Naitanim na sa mga kamalayan natin yung Imperiority Conplex na ginigiit
lagi na dapat ay iadjust natin ang kanilang edukasyon sa umiiral na pamantayan
ng kanluran. Nagkakaroon tayo ng pag-iisip na laging kinukumpuni ang ating
sistema ng edukasyon na dapat ay kolonyal na edukasyon ang siyang umiral sa
ating bansa.
Nakakalungkot
at
pinapatunayan
na
unti-unting
kinakalimutan
at
pinapabayaan natin ang wikang Filipino at mas lalong hindi katanggap- tanggap
na limutin ang ating wika. Sa pagbaliwala sa wika ay parang pinapatay na rin
natin ang pamanang kultura ng ating bansa dahil ito ay nagsisimbolo bilang sa
atin na dapat pagyamanin at paunlarin. Ganito ba ang dapat na iiwan sa mga
susunod na henerasyon? Alam nating lahat na kapag dumating ang oras na yon
ay marami ng namatay na wika, kaya't habang maaga pa ay huwag sana nating
pabayaang mangyari ang mga ganung sitwasyon. Ibalik at mas lalo
pangpaglinangin ang wikang Filipino bilang core subject sa pamantasan ng
kolehiyo.
Mga Posisyong Papel ng Iba’t Ibang unibersidad kaugnay ng Filipino sa
Kolehiyo
Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang mga Sabjek sa
Kolehiyo
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
CHED Sentro ng Kahusayan sa Panitikan
CHED Sentro sa Filipino
18 Hunyo, 2014
“Kaming mga propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
ay matinding tumututol sa pagbabago ng siyam na yunit na kahingian sa wikang
Filipino sa General Education Curriculum ng Commission on Higher Education
(CHED) sa pamamagitan ng ipinalabas ng CHED Memorandum Order No. 20,
Series of 2013. Naniniwala kaming ang panukala ng CHED Memorandum Order No.
20, Series of 2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan,
karunungan, at diwa ng kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng
mga naunang salinlahi ng Pilipino”
“Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang
Filipino sa Kolehiyo… Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring
ituro kapuwa sa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang
wika…”
“Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang
lehitimong dominyo ng karunungan...”
“Pangatlo, ang bagong GE Curriculum ay tahasang pagbabalewala sa
kasaysayan ng wikang pambansa, at ang mapagtakang papel ng wika sa
pagpapaunlad ng isang bayan.”
“Ang Wika Filipino ay Kasaysayan ng Pilipinas.”
“Ang Wikang Filipino ay identidad ng Filipino.”
“Ang Wikang Filipino ay susi ng Kaalamang Bayan.”
“Pang-apat, ang pagtatanggal ng siyam ng yunit ng Filipino sa kolehiyo ay
isang anyo ng karahasang pangkamalayan. Nilulusaw nito ang pagpapahalaga sa
mga kasaysayan at kabihasnang tanging Filipino ang makakapagpaliwanag…”
“Ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa kolehiyo! Ibasura ang CHED
Memorandum Order No. 20, Series of 2013!”
Pahayag ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila
sa Paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa
“Malaki an pangangailangan sa paglilinaw at pagsusulogng ng adbokasiyang
pangwika sapagkat mula pa noong Enero 2013 ay nakikipagdiyalogo na ang
Departamento ng administrasyon ng pamantasan upang hilingin na panatilihin sa
kurikulum ng DLSU ang asignaturang Filipino, ngunit hanggang sa kasalukuyan, sa
kabila ng lahat ng ating pagsisikap na ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon
ng asignaturang Filipino bilang wikang panturo sa alinmang asignatura sa bagong
kurikulum… hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang wikang
Filipino… Samakatuwid, ang intelektwalisasyonng wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan
ay
matitiyak
lamang
kung
may
asignaturang
Filipino
na
may
inter/multidisiplinang disenyo sa kolehiyo.”
“Una, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay
nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement n gating
pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong
mamamayan sa mga kumonidad na ating pinaglilingkuran.”
“Ikalawa, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
Integration,
ang
pagakakaroon
ng
asignaturang
Filipino
na
may
inter/multidisipinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto
ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural…”
“Ikatlo, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o
kaya’y component ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100
hayskul sa buong mundo…”
“Ikaapat, kiikilala ang kahuyasan ng DLSU-Manila sa larangan ng pagtuturo at
pananaliksik sa Filipino gaya ng pinatutunayan ng dalawang ulit na paggawad ng
rekognisyon ng CHED sa Departamento na may ganitong karangalan…”
“Ikalima, sa mga nakaraang dekada ng pag-rial ito, malaki na ang naiambag
ng Departamento sa pamamagitan ng mga regular na proyektong gaya ng Seryeng
Panayam, Pambansang Seminar, Community Engagement, at International
Conference, na nakapagdulot ng positibong impact di lamang sa ating pamantasan,
kundi lalo’t higit sa libo-libong mga mamamayanng lumahok at lumalahok sa mga ito.
Hinggil sa usaping pangwika, ang Departamento ang isa sa pinakamasigasig sa
mga grupong nagbuo sa Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(TANGGOL WIKA)…”
“Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa DLSU ang
aktibong pakikisangkot ng mga guro ng Departamento at bawat mag-aaral na
Lasalyano sa mga kolaboratibong pananaliksik na isinusulong ng ibang mga
departamento gaya ng Natural Language Processing Department (CCS) kaugnay ng
paglinang ng Machine Translation Software sa Filipino, pagsasalin ng iba’t ibang
material tulad ng survey instruments mula sa iba’t ibang disiplina at larangan…”
“Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may
sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng Pamantasang
ito sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong
komunikasyon pang-akademiko man o pangkultura…”
“Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ding
pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa…”
“Isulong ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo! Gamiting wikang
panturo ang FIipino sa iba’t ibang asignatura! Itaguyod ang makabayang
edukasyon!”
Posisyong Papel ng Departamento ng Filipino ng
Central Luzon State University (CLSU) sa Pag-aalis sa Filipino
Bilang Asignatura sa Kolehiyo Hatid ng CMO 20, s 2013
Gayundin ang Paggamit sa Filipino Bilang Wikang Panturo
“Layunin ng posisyong papel na ito na ilatag ang paninindigan ng
Departamento ng Filipino ng CLSU kaugnay ng lantarang pagbabalewala sa
FILIPINO nilang asignatura sa kolehiyo bunga ng CMO 20, s. 2013 gayundin ang
paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga GE courses.”
“Tanggap at nauunawaan naming na ang mga asignaturang Filipino sa
kolehiyo kaugnay ng umiiral na CHED Memo No.59,s.1996 at CHED Memo
No.04,s.1997 ay ibababa sa senior hayskul… Subalit naniniwala kami bilang mga
guro sa kolehiyo na hindi magiging ganap ang adhkaing ito sapagkat hindi
masasaklawan ng mga asignaturang ito ang mga asignaturang Filipino sa kolehiyo,
idagdag pa na limitado ang oras na ilalaan ditto upang magkaroon ng de-kalidad na
edukasyon ang mga nasa senior high school... Marami sa kanila ang nagtuturo ng
Filipino kahit ito’y labas sa kanilang larangan o espesyalisasyon at isa ring
katotohanan na iba ang dulog ng pagtuturo sa kolehiyo kaysa sa hayskul.”
“Dahil dito, naninindigan ang Departamento ng Filipino na panatilihin kundi
ma’y magkaroon ng tatlong bagong asignaturang Filipino sa kolehiyo na ang tuon ay
nasa kultura pa rin…”
“Ipinaglalaban namin ito hindi lamang sa usapin o isyu na maraming guro ng /
sa Filipino ang mawawalan ng kabuhayan o hanap-buhay kundi sa malalim pang
mga kadahilanan.”
“Una, nakatadhana sa Artikulo 14, seksyo 6-9 ng Konstitusyon ng 1987 ang
ganito: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.
“Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.”
“Ikalawa,
kung
susuriing
Pangkagawaran Blg.
25,s.1974
mabuti
na
ang
nilalaman
ng
Kautusang
naglalaman ng mga panuntunan
sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon Bilingguwal na lalong pinalakas at
ipinagpatuloy ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 s.1987, maliwanag na
nakalahad na may magkahiwalay na paggamit ang Filipino at ang Ingles… Bunsod
nito, marapat lamang na ituro sa Filipino ang mga GE Courses na inilatag ng CHED
Memo No. 20 s, 2013 sapagkat Culture Based Education ang tuon nito.”
“Ikatlo, kaugnay ng nalalapit na ASEAN Integration mas nararapat na higit
na palakasin ang kaakuhan ng ating kultura sa pamamagitan ng sarili nating wika
upang higit na maramdaman at maisapuso an gating pagka-Pilipino…”
Panatilihin ang Asignaturang Filipino sa Kolehiyo: Huwag Patayin ang
Pambansag Karapatan ng Wikang Filipino, Mga Guro ng Filipino, Kabataang
Filipino at Mamamayang Pilipino
“Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad
ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADFIL), Samahan ng
mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa
Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”
“Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na
Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang
Memorandum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo 28 serye 2013. Bagaman
sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga
asignaturang binalangkas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication
na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid naming na pag-aagaw-
agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles… Sa hakabng na ito, tila
unti-unting nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa
mga koehiyo at unibersidad sa Pilipnas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino,
partikular na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita…
malinaw na isinaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang
Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas…”
“…nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: General
education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and
the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community
and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the
necessity of appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the
general education program increasingly become more pressing.”
”Sa halip na alisin, hindi ba’t nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na
magiging pundasyon nito.”
“Pangunahing gawian ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay an
pagpapaunlad at pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang
mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng
Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at
Pansining sa Wikang Filipino na may temang: Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol
sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan
ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12…”
“Kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo.”
Tinig ng mga Guro: Payabungin, Paunlarin, at Palawakin ang Asignaturang
Filipino sa Kolehiyo
Posisyon Papel ukol sa CHED Order No. 20 Series of 2013
Paninindigan ng:
Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila
Fakulti ng Sining at mga Wika
“Bilang Kaguruan ng Filipino ng Pamantasang Normal ng Pilipinas na
Pambansang Sentro ng Kahusayan sa Edukasyong Pangguro, kami ay mariing
tumututol sa pagtatanggal ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa General
Education Curriculum… Ang kahusayang taglay sa sariling wika ay papanday sa isip
at hahaplos sa puso ng mga huhubuging mag-aaral upang maging buo at ganap sa
hamon ng makabagong siglo.”
“Sang-ayon sa nilalaman ng Saligang Batas ArtikuloXIV, seksyon 6 at 7 na:
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na kumonikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.”, ang CHED Memo no. 20 ay
malinaw na paglabag sa nilalaman ng Konstitusyon…”
“Bukal ng karunungan ang Filipino bilang isang larangan ng humuhubog ng
kabuuan kaakibat ang pagpapahalaga sa ating pagkamamamayang Pilipino.”
“Ang pag-aalis ng Filipino sa kolehiyo ay malinaw na pagkitil sa nasimulan at
pinagyayamang kalinangang bayan…”
“… Sapagkat tiyak na lalakas at tatalas ang mga mag-aaral na Pilipino na
pinanday ng sariling wika, ang wikang Filipino.”
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)
kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo
Direktor: Aurora M. Batnag
Misyon ng PSLLF
1. Itaguyod ang mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, lalo na sa edukasyon at pananaliksik;
2. Magsagawa ng mga aktibidad gaya ng forum, seminar at worksyap upang
malinang ang kasanayan ng mga guro, empleyado, mag-aaral, mananaliksik
at iba pang mamamayan sa paggamit ng wikang Filipino;
3. Makapag-ambag sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa pamamagitan ng
pagsusulong ng pananaliksik sa wikang Filipino;
4. Makapaglimbag ng mga sangguniang aklat, pananaliksik atbp. sa wikang
Filipino;
5. Makapag-ambag sa pangkalahatang pagsisikap sa pagpapabuti ng kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas
Kilala rin bilang PSLF o PSLLF; isang propesyunal na organisasyong
nagtataguyod ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino, pangunahin sa
edukasyon at sa pananaliksik. Ang PSLLF ay isa rin sa mga kasapingorganisasyong tagapagtatag ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(TANGGOL WIKA) na nanguna sa matagumpay na pakikibaka para mapanatili ang
mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
Pinagtibay naman ng humigit-kumulang 200 guro na delegado sa isang
Pambansang Kongreso ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang
Filipino (PSLLF) – na pinangunguluhan noon ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) – noong Mayo 31, 2013 ang isang resolusyon
na tungkol sa “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG
ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA” (inilakip ng PSLLF sa isang posisyong
papel na isinumite sa CHED noong 2014). Ang resolusyon na ito na pangunahing
inakda ni Dr. Lakandupil Garcia (noo’y isa sa mga opisyal ng PSLLF) ay ekspresyon
ng kolektibong reaksyon ng mga guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala na sa
bagong kurikulum ng kolehiyo, na noon ay inihahanda pa lamang ng CHED, ang
asignaturang Filipino. Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggigiit
ng mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat:
“sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng
Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin,
pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya.”
Noong Hunyo 28, 2013 lamang inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of
2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim
ng K to 12: “Understanding the Self; Readings in Philippine History; The
Contemporary World; Mathematics in the Modern World; Purporsive Communication;
Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.” Ang dating balita ay
kumpirmado na: walang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12,
kumpara sa 6 hanggang 9 na yunit ng asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO No.
04, Series of 1997, bukod pa sa dati-rati’y 3-6 yunit ng Panitikan. Sa Seksyon 3 ng
CMO No. 20, Series of 2013 ay naging opsyonal na lamang din ang Filipino bilang
midyum sa pagtuturo, mula sa dating pagiging mandatoring wikang panturo nito sa
ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996. Bandang 2014 na nang magkaroon ng kopya
ng CMO No. 20, Series of 2013 ang marami-raming propesor ng Filipino at
Panitikan.
RESOLUSYON NG NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTSNATIONAL COMMITTEE ON LANGUAGE AND TRANSLATION (NCAA-NCLT)
NA HUMIHILING SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED),
AT KONGRESO AT SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS,
NA AGARANG MAGSAGAWA G MGA HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG
GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS TERSIYARYA
ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO.
SAPAGKAT inalis ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ng
asignaturang Filipino sa antas tersiyarya sa pamamagitan ng CHED Memorandum
(CMO) No. 20, Series of 2013 na may petsang 28 Hunyo 2013 na nagsasaad ng
bagong General Education Curriculum (GEC);
SAPAGKAT mabubuwag ang maraming Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo
at unibersidad sa buong bansa dahil wala nang ituturong asignatura ang mga guro
ng Filipino sa antas tersiyarya;
SAPAGKAT humigit-kumulang
10,000 full-time at
20,000 part-time na
guro
ng
Filipino ang nakatakdang mawalan ng trabaho o mabawasan ng kita bunsod ng
nasabing CMO;
SAPAGKAT higit pa sa kapakanan ng mga gurong nakatakdang mawalan ng
trabaho o mabawasan ng kita, ito ay labag sa Konstitusyong 1987 gaya ng isinasaad
sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na ". . . dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon.";
SAPAGKAT sa konteksto ng napipintong Association of Southeast Asian Nations
(ASEAN) Integration, lumalaki ang pangangailangan na patibayin natin ang ating
wikang pambansa upang mapanatili nating buhay ang sariling identidad, gaya ng
ginagawa ng ating mga kasama sa ASEAN, kaagapay ng inaasahang integrasyong
panrehiyon; at
SAPAGKAT puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa antas tersiyarya ang asignaturang
Filipino;
KAYA NGAYON, inspirado ng resolusyong pinagtibay ng National
Commission for Culture and the Arts-National Committee on Language and
Translation (NCCA-NCLT) noong 23 Mayo 2014 sa Intramuros, Maynila, kami'y
nakikiisa sa pagpapahayag ng kahilingan sa CHED, Kongreso, at Senado na
agarang magsagawa ng mga hakbang na kailangan upang isama sa bagong GEC
sa antas tersiyarya ang mandatory na 9 yunit ng asignaturang Filipino para sa lahat
ng mag-aaral, anuman ang kurso.
Tanggol Wika
 Nabuo sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle
University- Manila (DLSU).
 Binubuo ng 500 delegado, mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad at
organisasyong pangwika at kultura.
 Isa sa tagapagsalita si Bienvido Lumbera – Pambansang Alagad ng Sining.
 Noong Hunyo 2, 2014 ay nakipagdiyalogo sa dalawang komisyuner ng
CHED na si Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista.
 Si Dr. Rowell Madula ang nakaisip ng pangalan ng grupo.
 Mula noong maitatag ang Tanggol Wika ay naglabas na ng iba’t ibang
posisyong papel mula sa iba’t ibang unibersidad.
 Abril 15, 2015 nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika sa Korte Suprema sa
pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio
Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep.
Terry Ridon at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang unibersidad.
 Naglabas ang Korte Suprema ng TRO noong Abril 21, 2015
 Agosto 9, 2017 nag tanggalin ang TRO at ipa-dismiss ng Korte Suprema ang
petisyon ng Tanggol Wika.
Adbokasi ng Tanggol Wika
 Ang pagtataguyod hg asignaturang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon,
at Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng edukasyon ang
pangunahing adbokasiya ng Tanggol Wika
 Pokus ang Tanggol Wika sa pagsasabatas ng House Bill 223 (Filipino at
Panitikan sa Kolehiyo)
Argumentong nilapag ng Tanggol Wika sa Korte Suprema
1. Walang makabuluhang argumento ang mga Anti-Filipino – ang kampong
Tanggal Wika – sa pagpapatanggal ng Filipino at Panitikan.
2. Dapat may Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang asignatura na
nasa JHS at SHS ay may katumbas pa rin sa kolehiyo.
3. Ang Filipino ay disiplina, asignatura bukod na larangan ng pag-aaral at hindi
simpleng wikang panturo lamang.
4. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro at
linangin ito bilang isang asignatura
5. Bahagi ng college readiness standards ang Filipino at panitikan.
6. Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang
asignatura, bukod pa sa pagiging wikang panturo nito.
7. Binigyan ng DepEd at CHED ng espasyo ang mga wikang dayuhan, kaya
lalomg dapat na may espasyo para sa wikang pamabansa.
8. Pinag-aaralan sa ibang bansa ang Filipino at may potensyal itong maging
isang nangungunang wikang global – kaya lalong dapat itong pag-aralan sa
Pilipinas.
9. Malapit ang Filipino sa mga bansang kasapi ng ASEAN, kaya’t mahalagang
wika ito sa konteksto mismo ng ASEAN Integration.
10. Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa Filipino sa National
Achievement Test (NAT)
11. Filipino ang wika ng mayorya, ng midya, at ng mga kilusang panlipunan
12. Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21.
13. Hindi pinaunlad, hindi napaunlad ay hindi mapapaunlad ng pagsandinig sa
wikang dayuhan ang ekonomiya ng bansa.
14. May sapat na materyal at nilalaman na mantuturo sa Filipino at Panitikan sa
kolehiyo.
Mga nilabag ng CMO no. 20 s. 13
 Probisyong pangwika Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987
 Probisyong pang-edukasyon tungkol sa preserbasyon ng yamang kultura ng
bansa na nasa Artikulo XIV , Seksyon 14 at 15 at 18 ng Konstitusyon ng
1987.
 Probisyong pang-edukasyon tungkol sa pagiging bahagi ng mandatoring
pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa Artikulo
XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1987.
 Ang CMO no. 20 ay lumalabag sa probisyong pampagawa na nasa Artilulo II,
Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 na nasa Konsyitusyon ng 1987.
 Probisyon ng Batas Repubika 7104 o Commission on the Filipino Language
Act
 Batas Pambansa Blg. 232 o Education Act of 1982
 Batas Republika 7356 o An Act Creating the National Commission for Culture
and the Arts Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts ,
and for Other Purposes.
Petisyon sa Korte Suprema ng Tanggol Wika
Dinala sa Korte Suprema ng mga tagapagtanggol ng wikang Pilipino ang
paglaban nila kontra sa Commission on Higher Education Memorandum No. 20
series of 2013 (CMO No. 20) na naglalayong tanggalin ang wikang Filipino sa
kurikulum.
Pinangunahan ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(Tanggol Wika) ang nasabing pagtutol sa CMO No. 20 ng kanilang isumite sa Korte
Suprema ang kanilang petisyon para ibasura ang nasabing memorandum.
Ayon sa mga petisyuner, nilabag ni CMO No. 20 ang mga probisyon sa
Konstitusyon kaugnay ng Pambansang Wika, kultura ng bansa, pambansang
edukasyon, at polisiya sa paggawa. Nakasaad ang mga ito sa Artikulo XIV, Seksiyon
2, 3, 6, 14, 15, at 18; Artikulo II, Seksiyon 17 at 18; at Artikulo XIII, Seksiyon 3.
Gayundin, nilabag umano ng CMO No. 20 Series of 2013 ang makabayang
adhikain ng mga tagapagtatag ng Konstitusyon. Ang diin ng Konstitusyon sa
pagiging makabayan at pagkaalam sa kultura bilang sentro ng katangian ng
edukasyong Pilipino, at maka-manggagawang probisyon ng Konstitusyon – kabilang
ang mga guro at kawani sa sektor ng edukasyon – na karapatang makilahok sa
aktibidad sa paglikha ng mga polisiya.
Giit ng Tanggol Wika, hindi sila kailanman nakonsulta sa paglikha ng
nasabing memorandum order ng CHED. “Ginawa natin ang pagsasampa sa Korte
Suprema para salubungin ang mga hakbang na pag-alabin muli ang damdamin ng
mga tao para sa paglikha ulit ng kasaysayan, sa paglikha ng bagong curriculum na
para talaga sa atin at hindi para sa dayuhan,” ani David Michael San Juan, convener
ng Tanggol Wika.
Giit pa ng grupo, nilalabag ng nasabing memorandum ang Republic Act 7104
(Organic Act of the Komisyon ng Wikang Filipino o KWF, Republic Act No. 232
(Education Act of 1982), at Republic Act No. 7356 (Organic Act of the National
Commission on Culture and Arts/NCCA).
Nilabag umano ng CHED ang RA 7104 nang akuin nito ang dapat sana’y
tungkulin ng KWF na lumikha ng mga polisiya sa wika. Agosto 2014 nang maglabas
ng resolusyon ang KWF na sumusuporta sa panawagan ng Tanggol Wika na isama
ang siyam na yunit ng mga sabdyek na Pilipino sa bagong kurikulum. Naglabas din
ng kaparehong resolusyon ang National Committee on Language on Translation sa
ilalim ng NCCA noong Hunyo 2014, mas maaga sa KWF.
Kaugnay nito, nilalabag din umano ng CMO No. 20 ang RA 7356 sa hindi nito
pagsulong sa pagkamakabayan at pangkulturang edukasyong nakasaad sa batas.
Ikinababahala ng mga grupo ng mga guro ang pagtatanggal ng wikang Filipino sa
kolehiyo na magibbigay-panganib sa trabaho ng 78,000 guro sa bansa. Gayunman,
sinabi ng Tanggol Wika na higit pa rito ang mawawala sa mga mamamayang
Pilipino.
Para sa dayuhan
Sa tingin ni San Juan, hindi na nagsisilbi ang sistema ng edukasyon sa
pangmatagalang pangangailangan ng bansa, tulad ng nilalaman ng CMO No. 20. Sa
kabila nito, layunin ng naturang memorandum na tugunan ang murang lakaspaggawa at kakayahang mag-Ingles para sa mga kompanya ng dayuhang mga
monopolyo-kapitalista.
Nakapanlulumo at nakapanggagalit. Ang mga ito ang katangian ng mga
pahayag sa social media at sa emergency meeting (nitong Nobyembre 12, 2018) ng
mga tagapagtanggol ng wikang pambansa kaugnay ng desisyon ng Korte Suprema
hinggil sa mga petisyon laban sa mga negatibong implikasyon at legalidad ng K to
12 Law at CHED Memorandum 20 s2013. Ang CHED Memo 20 ang isang
malawakang palisi na nagpapahina sa General Education Curriculum (GEC) sa
pamamagitan ng pagkaltas sa mga ispesipikong mahahalagang asignatura na
naisalin sa pagbaba sa kahingiang 36 units mula 63 units.
Tunay na nakapanlulumo at nakapanggalit dahil sa mga sumusunod:
1.
Walang pagpapahalaga sa mga samahan at stakeholders na nagbitbit ng mga
petisyon na naninindigan sa mahahalagang usapin sa sistema ng edukasyon.
a.
Wala pang pormal na kopya na nakukuha ang pitong grupo o petitioners sa
Korte Suprema hinggil sa pagkatig nito sa legalidad ng K12 at CHED Memo 20 s.13.
Tuluyang kumalat na sa social media ang nasabing desisyon nitong Byernes
(Nobyembre 9, 2018) at napag-alaman din sa isang ulat na Oktubre 9, 2018 pa ito
napagtibay ng mga mahistrado;
b.
Kinonsolida sa isang blanket decision ang petisyon ng pitong mga grupo at
kilusan na may malinaw at komprehensibong argumento’t patibay sa kani-kanilang
petisyon na dumaan sa malawakang konsultasyon at masusing pag-aaral;
2.
a.
Kwestyunableng desisyon sa usaping:
Prosidyural: Walang Public Hearing/Oral Arguments Bago Naglabas ng
Desisyon
Lumipas ang halos apat na taon na maingay at sustenido ang pagkalampag ng
stakeholders, mga samahang pangwika at edukasyon hinggil sa paghiling na
magsagawa ang Korte Suprema ng kinakailangang public hearings o paglatag ng
mga argumento.
Speak in English Zone ni J.C. Malabanan
Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan
Ika-13 ng Oktubre, 2010
Taong 1898 nang sumalakay si George Dewey
Sa ngalan ng Benevolent Assimilation ni McKinley
Ang paglaya sa Kastila ay agad na nawalang saysay
Dahil sa imperyalistang likas yaman ang pakay!
At ang mga Kano at Kastila’y nagbentahan
Twenty million dollars ang naging kabayaran.
Sinimulan ng Thomasites kolonyal na edukasyon
English ang wikang nagsilbing pundasyon
Ang magigiting na bayani ay ipinabitay
Tulad nina Felipe Salvador at Macario Sakay
Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular
Sa puso’t diwa English ang idinadasal.
Ang bayan ko ay Speak in English Zone
Paghahandang yakapin ang globalisasyon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center
Pagkatapos ng World War II Parity Rights ang sumakal
At ang nagsilbing tanod ay ang mga base militar
Manggagawa at magsasaka ay nalibing sa kahirapan
At nabaon sa utang ang sambayanan.
Ngayo’y wala nang base militar wala na rin ang Thomasites
Ngunit may VFA at English speaking campaign
At ang mga paaralan hulmahan ng propesyunal
Sinanay upang maglingkod sa mga dayong kapital
Ang bayan ko ay Speak in English Zone
Alipin kami noon hanggang ngayon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center.
At ang bansang Pilipinas kahit pa agricultural
Walang makain ang mga mamamayan
Ang aming isip, salita at gawa ay kolonyal
Lahi kami ng alipin sa sarili naming bayan.
Nalulong sa KPop ang kabataan ni Rizal
Sa pagdodota animo’y mga hangal
Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular
Sa puso’t diwa English ang idinadasal.
Ang bayan ko ay Speak in English Zone
Paghahandang yakapin ang globalisasyon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center
Ang bayan ko ay Speak in English Zone
Alipin kami noon hanggang ngayon
Ang pagbabago ang tanging solusyon
Durugin ang kolonyal na edukasyon!
Sariling wika ang ang siyang magpapalaya
Sa sambayanang gapos ng tanikala!
IV.
KONGKLUSYON
Marami ang tumutol sa inilabas ng CHED na CMO No. 20 s.2013 na
nagtatanggal sa asignaturang Filipino sa kolehiyo at naglabas ng sari-sarili
nilang mga opinyon at saloobin ngunit iisa lamang ang kanilang isinisigaw at
ito ay ang "Ang Wikang Filipino ay ang ating aydentidad, kung aalisin ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo ay para na ding inalis o nilusaw ang kultura,
kasaysayan, at kaluluwa ng mga Pilipino at ng ating bansa".
Maraming organisasyon ang nagsumikap upang maipaglaban ang
karapatan ng wikang pambansa, ang wikang Filipino, ngunit hindi sila
napagbigyan at binigyan na lamang ng mga asignaturang maaari nilang ituro
(FILDIS, FILKOM, FILDAL, at FILSOS).
Sa halip, ating pagyabungin at pagyamanin ang Filipino. Sabi nga ang
wikang Filipino ang tinaguriang “primus inter pares” Ang pagtuturo ng Filipino
ay isang kapangyarihan upang mapalawig pa an gating kaisipan.
Download