Uploaded by CHRISTINE IVY SERRANO

Araling Panlipunan 9 Modyul 7

advertisement
9
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan
at Epekto nito sa Ekonomiya
i
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto nito
sa Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jolnor E. Soreno
Editor:
Germelina V. Rozon
Tagasuri:
Gemma F. Depositario, Ed.D.
Tagaguhit:
Typesetter
Tagalapat:
Vanesa R. Deleña
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V
Joelyza M. Arcilla EdD
Marcelo K. Palispis EdD
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD
Rosela R. Abiera
Maricel S. Rasid
Elmar L. Cabrera
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address:
Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #:
(035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address:
negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin
Sa naunang modyul, pinag-aralan natin ang kahulugan, konsepto at dahilan ng
implasyon. Ngayon, aalamin natin kung ano naman ang epekto ng implasyon sa iba’t ibang
larangan ng ekonomiya ng bansa.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Most Essential Learning Competency:
Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng impormal na sektor at mga patakarang
pang-ekonomiyang nakatutulong dito. AP9MSP-IV-h16
Mga Layunin
1.
Nailalarawan ang mga gawain sa impormal na sektor.
2.
Nakabubuo ng cycle matrix chart na nagpapaliwanag sa epekto ng impormal na sektor.
3.
Napahahalagahan ang pagsunod sa mga patakarang pang-ekonomiya tungo sa
pagkamit ng pambansang kaunlaran.
1
Subukin
A. Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad ng pangungusap. Isulat ang salitang
TAMA o MALI sa patlang. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
______1. Ang underground economy ay nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga maralitang
Pilipino.
______2. Hindi legal ang lahat ng transaksiyon at bilihan na nagaganap sa ilalim ng
underground economy.
______3. May mataas ang kalidad ng mga produkto na ipinagbibili sa black market.
______4. Ang mga produkto at serbisyo sa underground economy ay may mataas na
halaga.
______5. Ang mga nagtitinda sa mga bangketa at mga kalsada ay bahagi ng underground
economy.
______6. Sa ilalim ng ganitong uri ng ekonomiya, ang mga negosyante ay may malalaking
puhunan.
______7. Ang underground economy ay may di-mabuting epekto sa mga negosyante na
nagbabayad ng buwis.
______8. Ang mga kasambahay at tsuper ay kasapi rin ng underground economy.
______9. Nagiging lunsaran ng korupsiyon ang ilang transaksiyong nagaganap sa
underground economy.
______10. Ang mga mamimili na bumibili sa black market ay dapat na magiging mapanuri.
Balikan
Panuto: Kompletuhin ang nilalaman ng graphic organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin
ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
?
?
?
?
?
Sektor ng
Paglilingkod
2
?
Mga katanungan.
1. Ano ang ibig sabihin ng sektor ng paglilingkod?
2. Isa-isahin ang bumubuo sa sektor ng paglilingkod?
3. Sumasang-ayon ka bang ang malaking bilang ng sektor ng paglilingkod sa bansa
ay maaaring isang indikasyon ng kaunlaran ng ekonomiya?Pangatwiranan
Tuklasin
Suriin ang mga larawan na nasa ibaba at sagutin ang pamprosesong tanong.
Photos courtesy of Jolnor E. Soreno
Jimalalud National High School
Pamprosesong Tanong:
1. Patungkol saan ang mga larawan?
2. Paano ito nagsisimula?
3. Paano mo maiuugnay ang mga larawang ito sa ekonomiya at pamumuhay ng mga
tao?
3
Suriin
ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG
Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula
ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng
hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries).
Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya.
Subalit ang pormal na pagsisimula ng mga ekonomiya at iskolar sa pagggamit ng konseptong
ito ay nagsimula noong 1970’s dahil sa isinagawang pag-aaral ni Keith Hart, isang
antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong
naninirahan sa Acra, Ghana. Ginamit ni Hart ang konseptong ito upang ilarawan ang uri ng
hanapbuhay ng mga tao rito. Ito ay sinang-ayunan ng International Labour Organization (ILO)
batay sa kanilang isinagawang First ILO World Employment Mission sa Kenya, Africa noong
1972. Batay sa resulta ng kanilang misyon, nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay
na nasa labas ng regular na industriya o ng itinatakda ng batas.
Kaugnay nito, ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa ng resolusyon
upang magkaroon ng pandaigdigang batayan sa paglalarawan ng impormal na sektor. Sa
isinagawang 15th International Conference of Labor Statisticians noong Enero 19-28,1993 sa
Geneva, Switzerland, ayon sa ILO, ang impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na
katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo
na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok
dito. Ang mga gawain dito ay naisasagawa dulot ng mababang antas ng organisasyon, hindi
pagsunod sa itinatakdang kapital at pamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon. Ang
mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga
kamag-anak o malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang
itinakda ng pamahalaan.
Kaugnay nito, noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Ofice(NSO) ng
Informal Sector Survey(ISS). Ito ang kauna-unahang pambansang sarbey tungkol sa
impormal na sektor sa Plipinas. Batay rito, lumabas na mayroong halos 10.5 milyong tao ang
kabilang sa impormal na sektor. Ang tinatawag na self-employed ay humigit-kumulang 9.1
milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3 milyong katao. Maliban pa rito, sa
isinagawang Labor Force Survey(LFS) ng taong ding iyon(Apri 2008), lumabas na mayroong
36.4 milyong tao ang kabilang sa lakas-paggawa at 30% nito ay kabilang sa mga informal
sector operator. Sa kabuuang bilang na ito, 2/3 ay mga kalalakihan at, kung ibabatay naman
sa edad o gulang, ¾ o 75% ay nasa 35 gulang pataas.
Sa kabilang dako, ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana,isang kawani ng National
Economic and Development Authority(NEDA), na pinamagatang “The Informal Sector and
Non-Regular Employment in the Philippines”, sa isang kumperensiya sa Tokyo, Japan noong
Disyembre 15-17,2009, kaniyang binigyang-diing ang impormal na sektor ay nakatutulong
sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay nagdudulot
din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan.
Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic
Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay
nasa 30%. Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang talahayan sa ibaba na mula sa ulat ng
4
Congressional Planning and Budget Department(House of Representatives)noong
Nobyembre 2008. Ito ay nagsasaad ng Informal Sectors Share in Asian Countries sa loob ng
mga taong 2001-2006 ayon sa datos ng BLES NSO 2007.
INFORMAL SECTOR SHARE IN GDP IN SELECTED ASIAN COUNTRIES
Countries(Years)
Percent of
Percent of Non-
Total GDP
Agricultural GDP
Philippines(1995)
25.4
32.5
Philippines (2001-2006)
20-30
Korea (1995)
15.9
16.9
Indonesia (1998)
25.2
31.4
Pakistan (1997)
21.2
28.7
India (1990-91)
32.4
48.1
-
Source:Charmes 2000,Bles,2007
Samantala, ayon namam sa IBON Foundation, isang non-government
organization(NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, politikal, at ekonomiko
ng bansa, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa
tinatawag na “isang kahig isang tuka” upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing
panahon ng pangangailangan at kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din nito ang pag-iral
ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa
ganitong uri ng sitwasyon.
Maliban pa rito,ayon sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily Inquirer(PDI)
noong Enero 21,2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal
na sektor sa GDP ay 40%.Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang underground
economy o hidden economy.
Ilan sa mga halimbawa ng mga taong kabilang sa sektor na ito ay ang mga nagtitinda
sa kalsada o sidewalk vendor), pedicab driver, karpintero, at mga hindi rehistradong
operasyon ng mga pampublikong sasakyan (colorum). Kabilang din sa sektor na ito ang mga
gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng prostitusyon, ilegal na pasugalan, pamimirata
(piracy) ng mga optical media gaya ng compact disc(CD) at digital video disc(DVD).
Kaugnay nito,ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal na sektor:
➢ Hindi nakarehistro sa pamahalaan;
➢ Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita,
➢ Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan
para sa pagnenegosyo.
Sa pangkalahatan, hindi lamang sa ating bansa mayroong impormal na sektor. Ito ay
nagaganap kahit sa iba pang bansa sa daigdig. Ayon nga kay Hedayet Ullah Chowdhury,
Assistant Professor, Kazakhstan Institute of Management, Economics, and Strategic
Research, sa kaniyang papel na nailathala sa Philippine Journal of Development ang
paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon. Ang pag-iral nito sa iba’t
ibang bansa ay kakikitaan lamang ng pagkakaiba-iba nito ayon sa lawak, dami at
pangkalahatang sisitema ng operasyon. Gayunpaman, hindi maikakaila ang kontribusyon nito
5
sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay
sa mga mamamayan.
Dahilan at Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya
Maraming mga magkakaugnay na salik ang itinuturong dahilan kung bakit patuloy na
lumalaganap ang impormal na sektor sa iba’t ibang bansa. Sa pangkalahatan, sinasalamin ng
pag-iral ng impormal na sektor ang hindi pantay ang pag-unlad ng mga sektor ng ekonomiya.
Maliban pa rito, ang kakukangan ng sapat na hanapbuhay o kung hindi naman ay ang tamang
pagpapatupad ng batas tungkol sa paggawa ay ilan sa dahilan sa pag-iral ng impormal na
sektor.
Samantala, ayon sa aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon”(2012) nina Balitao
et al, ang sumusunod ay ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit pumapasok ang mga
mamamayan sa impormal na sektor:
➢ Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan;
➢ Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang tinatawag na bureucratic red tape.Sa
aspektong ito ay pumapasok ang labis na regulasyon ng pamahalaan;
➢ Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at
programa ay hindi naipapatupad nang maayos.
➢ Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o
puhunan;at
➢ Mapangibabawan ang matinding kahirapan.
Maliban pa rito, ang migrasyon ng mga tao mula sa kanayunan patungo sa Metro Manila at
iba pang malalaking lungsod ay isa ring dahilan kung bakit patuloy na lumalaki ang impormal
na sektor.
Gayumpaman, masasabi rin nating ang paglaganap ng impormal na sektor ay
nagpapakita ng pagkakaroon ng ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upang mapaglabanan
ang hamon ng kahirapan. Ipinapakita rin nito ang pagiging matatag laban sa mga suliranang
pangkabuhayan, gaya ng mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho, maliit na pasahod,
at mababang antas ng edukasyon.
Sa kabilang dako, ang pag-iral ng impormal na sektor ay nagdudulot ng sumusunod
na epekto sa ekonomiya:
➢ Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis-Dahil ang mga kabilang sa
impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi rin sila nagbabayad ng buwis
mula sa kanilang kinikita o operasyon. Ito ay nangangahulugan ng malaking
pagbabawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa
pangongolekta ng buwis.
➢ Banta sa kapakanan ng mga mamimili-Dahil ang mga bumubuo sa impormal
na sektor ay hindi rehistrado at hindi sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas
tungkol sa kanilang operasyon,maaaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi
pasado sa quality control o standard ayon sa itinakda ng Consumer Act of the
Philippines, kung kaya’t ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring
mapahamak, maaabuso, o mapagsamantalahan.
➢ Paglaganap ng mga ilegal na gawain-Dahil sa kagustuhan na kumita nang
mabilisan,ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na
kung minsan ay mga gawaing ilegal o labag sa batas. Halimbawa ng mga
6
gawaing labag sa batas ay ang prostitusyon,pagbebenta ng ipinagbabawal na
gamot, at ang pagkakaroon ng mga ilegal na pasugalan. Isa sa pinakamaiinit na
isyu ngayon ay ang pamimirata partikular na ang software piracy. Ayon sa
Microsoft Corporation, ang software piracy ay tumutukoy sa ilegal o walang
permisong pangongopya ng mga computer software na kung saan nilalabag ng
isang tao ang karapatang pagmamay-ari ng lumikha o orihinal na nagmamayari nito (Intellectual Property Rights---IPR).
Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kauugnay sa Impormal
Ang ilan sa mga batas, programa, at mga patakarang pang-ekonomiya na may
kaugnayan sa impormal na sektor ay ang sumusunod:
1. REPUBLIC ACT 8425
Ang batas na ito kilala din bilang Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997.
Ito ay nilagdaan noong Disyembre 11,1997 at pormal na ipinatupad noong Hunyo 3,1998.
Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga
disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa
aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal. Isinulong ng
batas na ito ang tinatawag na Social Reform Agenda(SPA) na naglalayong iahon sa kahirapan
ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. Upang maisakatuparan ang mga
probisyon ng batas na ito ay itinatag ang National Aniti-Poverty Commission(NAPC) bilang
ahensiyang tagapag-ugnay at tagapayo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa mga
bumubuo sa impormal na sektor. Isa sa mga kasapi ng NAPC ay mula sa sektor ng mga
kababaihan bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya.
Maliban pa rito, ayon sa Seksyon 3 ng R.A. 842, 5 ang mga bumubuo sa basic at
disadvantaged sectors ng lipunang Pilipino ay ang sumusunod; magsasaka, mangingisda,
manggagawa sa pormal na sektor, migrant workers(OFW), kababaihan, senior citizens,
kabataan at mga mag-aaral (15-30 taong gulang), mga bata (minors-18 taong gulang pababa),
urban poor (mga taong naninirahan sa mga lungsod na ang kita ay lubhang mababa), mga
manggagawa sa impormal na sektor, mga katutubo, mga may kapansanan (differently-abled
persons), non-governmental organization (NGO’s) at mga kooperatiba.
2. REPUBLIC ACT 9710
Ang batas na ito ay nilagdaan noong Agosto 14,2009 at kinilala bilang Magna Carta
of Women. Ayon sa batas na ito, ang National Commission on the Role of Filipino
women(NCRFW) ay naging Philippine Commission on Women (PCW).Ito ay isinabatas bilang
pandaigdigang pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations (UN) para sa
Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women’s
(CEDAW),Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang
pambansang kaunlaran. Sa ilalim ng batas na ito ay inaalis ang lahat o anumang uri ng
diskriminasyon laban sa kababaihan, kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang
sibil, politikal, at pang-ekonomiya gaya na lamang ng karapatan para makapaghanapbuhay
at maging bahagi ng lakas-paggawa, katiyakan para kasapatan ng pagkain at mga
pinagkukunang-yaman, abot-kayang pabahay, pagpapanatili ng kaugalian at
pagkakakilanlang kultural (cultural identy) at iba pang panlipunang aspekto. Ang batas na ito
7
ay malaking tulong sa impormal na sektor sapagkat ayon sa datos na inilabas ng National
Statistics Office (NSO), halos kalahati ng mga bumubuo sa sektor na ito ay kababaihan.
3. PRESIDENTIAL DECREE 442
Ito ay mas kilala bilang Philippine Labor Code na naisabatas noong Mayo 1,1974.
Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa. Ito ay
naglalaman ng mga probisyon para sa “espesyal na manggagawa”-----kabilang ang mga
Industriyal homeworker, kasambahay, batang mangagawa, at kababaihan---na kabilang sa
impormal na sektor, Batay sa Book 2, Title II of the Labor Code. Ito ay may probisyon tungkol
sa pagsasanay na dapat ipagkaloob sa mga manggagawa upang mapaghusay pa ang
kanilang mga kasanayan.
4. REPUBLIC ACT 7796
Ito ay ang Techinical Education and Skills Development Act of 1994 na nilagdaan bilang
batas noong Agosto 25,1994. Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang
partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng industriya, paggawa, lokal
na pamahalaan, teknikal, at bokasyon na mga institusyon upang mapaghusay ang mga
kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa.
Sa ilalim din nito ay itinalaga ang Techinical Education and Skills Development Authority
(TESDA) bilang ahensiya ng pamahalaang itinatag upang makapagbigay ng edukasyong
teknikal.
5. REPUBLIC ACT 8282
Ito ay tinatawag din bilang Social Security Act of 1997. Itinatadhana ng batas na ito na
tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at
seguridad ng mga manggagawa. Higit sa lahat kung sila ay dumanas ng pagkakasakit,
kapansanan, panganganak, pagsapit sa katandaan (old age), at kamatayan. Upang
maisakatuparan ito ipinag-utos na lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor maging
ang kabilang sa impormal na sektor ay maging bahagi ng Social Security System (SSS) bilang
ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin para itaguyod ang Panseguruhan ng
Kapanatagang Panlipunan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga personal na
kontribusyon ng mga manggagawa ito ay magsisilbi nilang pondo at maaaring magamit sa
oras ng kanilang pangangailangan.
6. REPUBLIC ACT 7875
Ito ay naging batas noong Pebrero 7,1995 at kinilala bilang National Health Insurance
Act of 1995. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health Insurance Corporation
(Philhealth) na naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang
maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan. Nakapaloob sa programang ito na
ang pamahalaan ay magkakaloob ng subsidy sa mga mamamayan na walang sapat na
kakayahang pinansiyal sa oras na sila ay magkaroon ng pangangailangan medikal at
pangkasulusugan gaya na lamang ng operasyon at hospitalization program.
Maliban pa sa mga nabanggit na bansa,may iba pang ipinatutupad para sa mga
partikular na sektor ng manggagawang Pilipino tulad ng Magna Carta for Small Farmer (R.A.
7607), Magna Carta for Small Enterprises (R.A. 6977). At Barangay Microbusiness
8
Enterprises Act (R.A. 9178). Samantala, ang sumusunod ay ilan sa mga programa at proyekto
ng pamahalaan para sa mga mamamayan na bumubuo sa impormal na sektor:
1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Labor and Employmant
(DOLE) na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay
ng mga mamamayan partikular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na
hanapbuhay.
2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM(SEA-K)
Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Socila Welfare and
Development(DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng
mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling
negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring
magpautang sa mga kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Association(SKA’s).
3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE
FISHERFOLKS.(ISLA)
Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing
ikinabubuhay ay pangingisda.Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagsasanay upang mas mapahusay pa nila ang
kanilang hanapbuhay.Maliban pa rito,nagtatayo ng mga training center para sa mga
mangingisda at kanilang pamilya upang sanayin sa Iba pang alternatibong mga gawaing
pangkabuhayan na maaari nilang pagkunan ng karagdagang kita.
4. CASH-FOR-WORK PROGRAM(CWP)
Ito ay programa ng Department of Social Welfare and Development(DSWD),na kung
saan sa ilalim nito,ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran
kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at
rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar.
Ang programang ito ay ipnatutupad ng pamahalaan bilang pansamantala o
alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan o kita ng mga taong nawalan ng hanapbuhay
dulot ng mga nabanggit na sitwasyon.
Tunay ngang maganda ang mga batas, programa, at proyekto ng pamahalaan para sa
impormal na sektor. Ngunit, ang kaukulang implementasyon nito para sa kapakanan ng mga
mamamayan at kabuuan sa ekonomiya ng bansa ang kinakailangang mabigyan ng
kasiguraduhan. Kinakailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga mamamayan upang
makamit natin ang minimithing pambansang kaunlaran. Gayumpaman, hindi rin natin masisi
ang mga tao kung sila ay maging bahagi ng impormal na sektor sapagkat ayon kay Bernardo
Villegas, isang kilalang ekonomistang Pilipino,” Gugustuhin pa ng mga tao ang lumabag sa
batas kaysa magutom o mamamatay”. Kung kaya’t, upang maiwasan ito, marapat lamang na
ang mga mamamayan at pamahalaan ay magkaisa para sa implementasyon ng mga
magagandang batas, programa, at patakarang pang-ekonomiya para sa kabutihan ng lahat.
9
Pagyamanin
Gawain A:
WORDS/CONCEPT OF WISDOM/Sabi Nila! Isulat Mo!
Panuto: Punan sa boxes ang mahahalagang konseptong sinabi ng ilang piling tao o
organisasyon tungkol sa impormal na sektor mula sa tekstong iyong nabasa.
1
W. ARTHUR LEWIS
2
HEDAYET ULLAH
CHOWDHURY
3
CLEOFE S. PASTRANA
4
INTERATIONAL LABOR
ORGANIZATION (ILO)
5
CIELITO HABITO
Ibon FOUNDATION
6
7
8
HOUSE OF
REPRESENTATIVES
INFORMAL SECTOR
SURVEY / NATIONAL
STATISTICS OFFICE (NSO)
Gawain B
MULTIPLE CHOICE:
PANUTO: Isulat sa notebook ang letra na naglalaman ng pinakatamang sagot:
1. Alin sa mga batas na kikila bilang Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997?
A. Republic Act 8425
C. Republic Act 7796
B. Republic Act 9710
D. Presidential Decree 442
2. Alin sa mga batas na nilagdaan noong Agosto 14,2009 at kinilala bilang Magna Carta of
Women?
A. Republic Act 8425
C. Republic Act 442
B. Republic Act 7796
D. Republic Act 9710
10
3. Alin sa mga batas ang kilala bilang Philippine Labor Code na naisabatas noong Mayo
1,1974?
A. Republic Act 8425
C. Republic Act 7796
B. Republic Act 9710
D. Presidential Decree 442
4. Alin sa mga batas ang kilala bilang Technical Education and Skills Development Act of
1994 na nilagdaan bilang batas noong Agosto 25,1999?
A. Republic Act 7796
C. Republic Act 8080
B. Republic Act 8282
D. Republic Act 81 81
5. Alin sa mga batas ang kilala bilang Social Security Act of 1997?
A. Republic Act 7875
C. Republic 442
B. Republic Act 8282
D. Republic Act 1072
6. Alin sa mga batas ang kinilala bilang National Health Insurance Act of 1995?
A. Republic 7875
C. Republic Act 8282
B. Republic Act 8080
D. Republic Act 8181
7. Alin sa mga sumusunod na programa ang ipinatutupad ng Department of Labor and
Employment na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga
pagsasama ng mga mamamayan partikular na para sa mga self-employed at walang
sapat na hanapbuhay.
A. DOLE INTEGRATED LIVEHOOD PROGRAM
B. CASH FOR WORK PROGRAM
C. Integrated services for Livelihood Advancement of the fishfolks
D. Self-Employment Assistance Kaunlaran Program
8. Alin sa mga sumusunod ang pangkabuhayang programa ng Department of Social
Welfare and Development?
A. CASH- FOR WORK PROGRAM
B. DOLE Integrated Livelihood Program
C. Self_Employment Assistance Kaunlaran Program
D. Integrated Services for Livelihood Advancement of ther fishfolks
9. Alin sa mga sumusunod na proyekto para sa mga munisipalidad o bayan na ang
pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda?
A. CASH FOR WORK PROGRAM
B. DOLE Integrated Livelihood Program
C. Self-Employment Assistance Kaunlaran
D. Integrated Services for Livelihood Advancement of the fishfolks
10. Alin sa mga programa ng Department of Social Livelihood Development, na kung saan
sa ilalim nito, ay mga biktima ng kalamidad o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at
rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar?
A. CASH FOR WORK PROGRAM
B. DOLE Integrated Livelihood Program
C. Self-Employment Assistance Kaunlaran
D. Integrated Services for Livelihood Advancement of the fishfolks
11
Isaisip
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.
1. Bakit hindi lubusang ipinagbabawal ng pamahalaan ang pag-iral ng underground
economy?
________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Paano maiiwasan ang paglaganap ng hindi legal na mga transakiyon sa mga pamilihan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Bakit dumarami ang mga taong nakikilahok sa mga gawain nila?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Isagawa
Sa pamamagitan ng cycle matrix chart, ipaliwanag sa epekto ng impormal na sektor sa
ekonomiya ng ating bansa.
Epekto
ng
Impormal
na Sektor
12
Tayahin
MULTIPLE CHOICE:
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat item o aytem at piliin ang letra ng tamang
sagot. Gamitin ang iyong notebook o kwaderno upang isulat ang iyong mga sagot.
1. Sino ang nagsusuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong naninirahan sa
Acra, Ghana?
A. Cleofe S. Pastrana
C. Cielito Habito
B. Keith Hart
D. Arthur Lewis
2. Alin sa mga sumusunod ang uri ng trabaho na inilalarawan ni Keith Hart?
A. pagtatrabaho sa mga minahan
B. pagtatrabaho sa mga Super Mall
C. Uri ng trabaho na hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya
D. Uri ng trabaho na bahagi ng makabagong sektor ng industriya
3. Alin sa mga sumusunod na lugar sa Africa na nagsasagawa ng pag-aaral ni Keith Hart?
A. Timbukto
B. Zimbabwe
C. Acra,Ghana
D.Libya
4. Alin sa mga sumusunod na organisasyon ng United Nations na sumasang-ayon sa
konsepto ni Keith Hart tungkol sa uri ng hanapbuhay?
A. ILO
B.FAO
C.UNESCO
D.ADB
5. Kailan isinagawa ang 15th International Conference of Labor Statistics?
A. January 19-28,1993
C. January 19-28,1995
B. January 19-28,1994
D. January 19-28,1996
6. Sino ang nagpapasimula sa paggamit ng konsepto ng impormal na sektor?
A. Cleofe S. Patrana
C. Cielito Habito
B. W. Arthur Lewis
D. Keith Hart
7. Sino ang nagsasagawa ng kauna-unahang sarbey tungkol sa imporma na sector sa
Pilipinas?
A. Department of Labor and Employment
C. National Statistic Office
B. Department of Health
D. Philippine Sport Comission
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kadahilanan kung bakit pumapasok ang
mga mamamayan sa impormal sektor?
A. Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaaan
B. Mapangibabawan ang matinding kahirapan
C. Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o
puhunan.
D. Pinayagan ng Cental Bank of tne Philippines
13
9. Alin sa mga sumunod ang hindi kabilang sa epekto ng ekonomiya dahil sa pag-iral ng
impormal na sektor?
A. pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis
B. banta sa kapakanan ng mga mamimili
C. paglaganap ng mga ilegal na gawain
D. may quality control o standard
10. Alin sa mga sumusunod na batas na nilagdaan noong Agosto 25,1994, na ang layunin na
hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya
ng industriya, paggawa, local na pamahalaan, teknikal, at bokasyonal na mga institusyon
upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad
ng yamang tao ng ating bansa?
A. Republic Act 7796
C. Republic Act 7875
B. Republic Act 8282
D. Republic Act 8425
Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng iyong pananaw tungkol sa impormal na sektor.
Ipaliwanag mo ang slogan na nagawa mo.Gawing batayan ang ruriks na sumusunod.
Rubric sa Pagmamarka
Nilalaman ng slogan ……… 20
Pagkamalikhain…….15
Tamang paggamit ng salita ….15
Kabuuan ………….50
14
15
MGA PAMPROSESONG TANONG.(SAGOT)
1. Ito ang sektor na gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon,
kalakalan at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa.
2. A. Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan – binubuo ito ng mga
paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng
telepono, at mga pinapaupahang bodega.
B. Kalakalan – mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at
paglilingkod.
C. Pananalapi – kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang institusyong
pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange
dealers at iba pa.
D. Paupahang bahay at Real Estate– mga paupahan tulad ng mga apartment, mga
developer ng subdivision, town house, at condominium.
E. Paglilingkod ng Pampribado – lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong
sektor ay kabilang dito.
F. Paglilingkod ng Pampubliko – lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.
3. Ang kasagutan ay maaaring magkaiba-iba.
Pananalapi
Paupahang
Bahay at Real
State
Kalakalan
Paglilingkod
ng
Pampubliko
Transportasyon
,
Komunikasyon,
at mga
SEKTOR NG
Paglilingkod
ng
Pampribado
PAGLILINGKO
D
I. SUBUKIN
7. Tama
6. Mali
2. Tama
1. Tama
9. Tama
8. Tama
4. Mali
3. Mali
5. Tama
10. Tama
Susi sa Pagwawasto
16
ISAISIP
(Ang kasagutan ay maaaring magkaiba ayon sa kaalaman ng mag-aaral.)
ISAGAWA
(Ang kasagutan ay maaaring magkaiba.)
TAYAHIN
7. C
6. B
2. C
1. B
9. D
8. D
4. A
3. C
5. A
10. C
Pagyamanin
W. ARTHUR LEWIS
HEDAYET ULLAH
CHOWDHURY
CLEOFE S. PASTRANA
INTERATIONAL LABOR
ORGANIZATION (ILO)
CIELITO HABITO
Ibon FOUNDATION
HOUSE OF
REPRESENTATIVES
INFORMAL SECTOR
SURVEY / NATIONAL
STATISTICS OFFICE (NSO)
Sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormanl na sektor. Inilarawan niya ito bilang
uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries).
Ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon. Ang pag-iral nito sa iba’t
ibang bansa ay kakikitaan lamang ng pagkakaiba-iba nito ayon sa lawak, dami at pangkalahatang
sisitema ng operasyon. Gayunpaman, hindi maikakaila ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa, partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa mga mamamayan.
Ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa
mga mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong tutugon
sa ating mga pangangailangan.
Ang impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na
nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o
trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito.
Kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay
40%.Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang underground economy o hidden economy.
Ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa tinatawag na
“isang kahig isang tuka” upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng
pangangailangan at kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng
hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng
sitwasyon.
Ayon dito ay ang Impormal na sektor ay nakapagdagdag ng kita ng GDP ng bansa.
Batay rito, lumabas na mayroong halos 10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor. Ang
tinatawag na self-employed ay humigit-kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa
1.3 milyong katao. Maliban pa rito, sa isinagawang Labor Force Survey(LFS) ng taong ding
iyon(Apri 2008), lumabas na mayroong 36.4 milyong tao ang kabilang sa lakas-paggawa at 30%
nito ay kabilang sa mga informal sector operator. Sa kabuuang bilang na ito, 2/3 ay mga
kalalakihan at, kung ibabatay naman sa edad o gulang, ¾ o 75% ay nasa 35 gulang pataas.
B.
7. A
6. A
2. D
1. A
9. D
8. C
4. A
3. D
5. B
10. A
III. Tuklasin
(Mga Suhestiyong kasagutan lamang. Maaaring magkaiba ang sagot.)
1. Ang larawan ay tungkol sa iba’t ibang gawain na makikita sa palengke tulad ng pagtitinda.
2. Nagsismula ito dahil nais nilang matustusan ang kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng
pagtitinda.
3. Ang mga ito ay nagpapakita na maraming tao ang gumagawa ng paraan upang matustusan ang
pangangailagan kahit sa simpleng paraan lamang.
Sanggunian
Aklat
EKONOMIKS: ARALING PANLIPUNAN MODYUL PARA SA MAG-AARAL
17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net
Download