9 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Suliranin sa Sektor ng Agrikultura i Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis – Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: James Arnold R. Babor Editor: Germelina V. Rozon Tagasuri: Marites A. Abiera Tagaguhit: Typesetter Tagalapat: Vanesa R. Deleña Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Joelyza M. Arcilla EdD Marcelo K. Palispis EdD Nilita L. Ragay EdD Carmelita A. Alcala EdD Rosela R. Abiera Maricel S. Rasid Elmar L. Cabrera Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph 1 Alamin Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pagaaralan habang wala ka sa paaralan. Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Most Essential Learning Competency: Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda at paggugubat. AP9MSP-IVd-7 Mga Katuyuan K – Naipaliliwanag ang dahilan ng suliranin sa agrikultura. S – Nakagagawa ng isang collamga simpleng solusyon sa suliraning agrikultura. A - Napahahalagahan ang mga mungkahing paraan o likas na gawain sa agrikultura. 2 Subukin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ng mga gawain na nakakasira sa ating kagubatan? a. Illegal na pagmimina c. Pagtatapon ng basura b. Kaingin System d. Lahat ng nabanggit 2. Ano ang mabuting paraan para mapangalagaan natin ang kagubatan? a. Sumali sa illegal na pagtotroso. b. Makipag-ugnayan sa pamahalaan tungkol sa modernong paraan ng pagtatanim. c. Manghuhuli ng mga endangered species sa kagubatan. d. Lahat ng nabanggit 3. Paano natin mapangalagaan ang pagkasira ng kagubatan? a. Magtanim ng mga punong-kahoy. b. Iwasan ang illegal na mga gawain tulad ng pagtotroso. c. Magsumbong sa mga awtoridad kapag may mga di-kanai-nais na mga gawain sa kagubatan. d. Lahat ng nabanggit. 4. Ito ay isang uri ng pangingisda kung saan ginagamitan ito ng malalaking lambat na may pabigat at ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit man o malaki. a. Dynamite Fishing b. Thrawl Fishing c. Traditional Fishing d. Lahat ng nabanggit 5. Bakit lumiliit ang mga lupang pansakahan sa kasulukuyang panahon? a. Dahil sa paglaki ng populasyon. c. Pagpapatayo ng mga industriya. b. Paglawak ng panirahan at komersiyo. d. Lahat ng nabanggit 6. Alin sa mga sumusunod na suliranin sa palaisdaan na nagsasaad na ang pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa mga yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang likas sa kabuuan? a. Epekto ng populasyon sa pangisdaan b. Lumalaking populasyon sa bansa c. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyo na maningisda d. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda at mga magsasaka 7. Alin sa mga sumusunod na nagpapahiwatig ng kahalagahan sa agrikultura? a. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmulan ng pagkain. b. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto. c. Pinagkukunan ng kitang panlabas. d. Lahat ng nabanggit. 3 8. Alin sa ibaba ang mga estratehiyang makatulong sa pag-unlad ng isang bansa? a. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. b. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. c. Bumuo o sumali sa mga kooperatiba. d. Lahat ng nabanggit. 9. Ito ay itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa? a. Tao c. Likas na yaman b. Kapaligiran d. Wala sa nabanggit 10. Anong batas na nagbibigay modernisasyon sa aspetong agrikultural sa bansa? a. RA 8435 b. RA 8455 c. RA 8345 d. Wala sa nabanggit Balikan Ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaan sa pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan mula sa pagkain hanggang sa mga sangkap ng produksiyon. Ang kasiguraduhang sapat ang kalakasang pisikal at kasaganaan sa bawat tahanan ay maaaring may positibong epekto sa isang bansa. Samantala, kung hihigit sa pangangailangan ng bayan ang magagawa, maaari itong maging mga produkto na ikakalakal sa labas ng bansa. Sa gayon, ang sektor ay magiging isang matibay na sandigan ng bayan upang makamit ang inaasam na kaunlaran. Ibigay ang mga gawain na nakapaloob sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagpuna sa graphic organizer at magbigay din ng halimbawa. Gawin ito sa iyong kwaderno. Mga Gawain ng Sektor ng Agrikultura 1. _________________ 2. ______________ 3. ________________ 4. _______________ Halimbawa: Halimbawa: ___________ _______________ Halimbawa: __________________ Halimbawa: ________________ 4 Tuklasin Panuto: Tingnan ang mga larawan. Isulat ang mga epekto nito sa kabuhayan ng mga tao o sa kapaligiran. Ilagay ang iyong sagot sa loob ng kahon at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang mga kasagutan sa inyong kwaderno. Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Epekto sa kabuhayan ng tao o sa kapaligiran https://www.eco-business.com/news/innovative-monitoring-systems-stopillegal-logging-real-time/. Jpg Retrieved on July 24, 2020 https://reading787.wordpress.com/2016/11/10/harmful-effects-of-mansactivities-that-disrupt-the-ecosystem/jpg Retrieved on July 24, 2020 https://www.philstar.com/nation/2018/05/08/1813072/fish-kill-hitsbulacan-ponds/.jpg Retrieved on July 24, 2020 https://www.wisegeek.com/what-is-a-subdivision.htm.jpg July 24, 2020 Retrieved on 1. Ano-ano ang mga suliranin sa agrikultura? 2. Paano nakakaapekto ang mga suliraning agrikultura sa kabuhayan ng tao? Sa kapaligiran? 3. Sa iyong palagay, paano natin mapaunlad ang ating ekonomiya na walang masisirang likas na yaman? Ipaliwanag ang iyong sagot. 5 Suriin Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Malaki ang kontribusyon ng agrikultura sa ating pambansang ekonomiya. Para sa taong 2018, ang 9.28% ng kabuuang kita ng ekonomiya ay nagmula sa sektor na ito (mula sa datos ng www.statista.com). Sa pangkalahatan, kung ating titingnan ang talahanayan 1, makikita ang naging kontribusyon ng agrikultura sa kita ng bansa sa iba’t ibang panahon. Gayunpaman, kapuna-puna mula rito ang mabagal na pag-unlad kung ikukumpara sa sektor ng industriya at paglilingkod. Ilan sa mga kadahilanan ay ang sumusunod: Talahanayan 1. Share of Economic Sectors in the Philippine Gross Domestic Product From Year 2008 – Year 2018 (in %) Year Agriculture Industry Services 2018 9.28% 30.75% 59.97% 2017 9.66% 30.43% 59.9% 2016 9.66% 30.75% 59.6% 2015 10.26% 30.9% 58.84% 2014 11.33% 31.33% 57.34% 2013 11.25% 31.12% 57.63% 2012 11.83% 31.25% 56.92% 2011 12.72% 31.35% 55.93% 2010 12.31% 32.57% 55.12% 2009 13.08% 31.71% 55.21% 2008 13.24% 32.87% 53.88% Pinagkukunan: Plecher, H. (2020). Share of Economic Sectors in the GDP in Philippines 2018, retrieved from https://www.statista.com/statistics/578787/share-of-economic-sectors-in-the-gdp-in-philippines/ on July 22, 2020 A. PAGSASAKA 1. Pagliit ng lupang pansakahan. Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang mapalakas ang pagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 108.8 milyon noong 2019 mula sa tantiya ng Commision on Population. Kaakibat ng suliraning ito ang conversion o pagpalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan ng pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at halaman (Adler, 2020). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran. 2. Paggamit ng teknolohiya Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo na sa hamon ng lumalaking populasyon. Ayon kay Cielito Habito (2005), ang kakulangan ng pamahalaan na bumabalangkas ng isang 6 polisiya na magbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa pagpapalakas ng ating agrikultura sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan. 3. Kakulangan sa mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka. Isa ito sa mga nakita nina Dy (2005), at Habito at Bautista (2005) batay sa isinulat nina Habito Briones (2005) na kinakailangang matugunan. Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad nito. Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon, farm-to-market-road, at iba pa. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, ang pamahalaan ay nakapagsagawa ng mga kalsada at iba pang kaugnay na proyektong nagkakahalaga ng P909.7 bilyon. May halos 10, 000 kilometro ng mga kalsada ang natapos at makompleto nang umupo siya bilang Presidente simula Hunyo 2016. 4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura. Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyang-diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura. Ang pagsusulong sa mga batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang maaaring hindi kayanin ng departamento nang mag-isa. Ang suliranin sa irigasyon, enerhiya, komunikasyon, impormasyon at edukasyon ay mga tungkulin na maibibigay ng mga ahensya, ang pangunahing responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit. Halimbawa, ang Land Bank of the Philippines ay partikular na makatutulong upang makapagpautang sa mga magsasaka upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil, at iba pa. 5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones (2005) ay naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored import sa pandaigdigang pamilihan. Ito ay nabanggit din sa website na oxfordbusinessgroup.com. Ang kawalan at pagbibigay ng bigat sa industriya ang nagpahina sa agrikultura. Mas binigiyan ng pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito, nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang pumunta sa industriya dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon at kita sa agrikultura. 6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO) kung saan madaling makapasok ang mga produktong mula sa mga miyembro nito. Dahil dito, 7 maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon. 7. Climate Change Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013. Milyon-milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at personal na mga gamit. Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa klima ng mundo kung magkakaisa ang mga bansang iwasan ang mga dahilang nagpapadala at nagpapabago sa klima ng mundo. B. PANGISDAAN 1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaapekto at nakasisira sa mga korales. Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Ito ay hinihila upang Pinagkukunan:https://rappler.com/brandrap/profiles-andmahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit advocacies/things-to-know-bottom-trawling-destroyingoceans.jpg. Retrieved on July 22, 2020 man o malaki. Dahil dito, pati ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay nasisira. Sinusugan ito ni Micheal Alessi (2002) na nagsabi na sa kabila ng mga polisiya sa Pilipinas, bukas sa lahat at halos hindi nababantayan ng mga namamahala ang mga mangingisda kaya marami ng reefs ang namatay o nasira. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga mangingisdang ito, darating ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga pangunahing pagkain ng mamamayan. 2. Epekto ng populasyon sa pangisdaan Binanggit rin sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon. 3. Lumalaking populasyon sa bansa Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa mga yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa kabuuan. Kung hindi magkakaroon ng patuloy na pag-unlad, halimbawa sa teknolohiya, mahihirapang makaagapay ang bansa sa lumalaking pangangailangan ng mamamayan dulot ng pagdami ng tao. Kung magkagayon, maaaring maganap ang sapantaha ni Thomas Malthus na ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain. Dahil 8 habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang ng mga yamang-dagat at lahat na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo. 4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda at mga magsasaka Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap. Dahil dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. Ayon kay Jose Ramon Albert (2013), ang mga mangingisda (41.4%) at magsasaka (36.7%) ay may pinakamataas na poverty incidence noong 2009. Ito ay kapansinpansin na mas mataas ng bahagya sa kabuuang populasyon ng mahihirap sa ating bansa (26.5%). Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2019, nangunguna ang mga magsasaka (31.6%) at ang mga mangingisda (25.2%) na may mataas na poverty incidence noong 2018. At ito ay may katumbas na na kabuuang populasyon na mahihirap sa bansa (16.6%). Ang mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang kanilang pagpunta sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran. C. PAGGUGUBAT 1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan Malawakan ang paggamit sa ating likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral. a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya. b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami. c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon. d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan. e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansiya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito. Pagyamanin Gawain A Panuto: Basahin at unwain ang mga katanungan at sagutin ito sa inyong kwaderno. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nais ipahiwatig sa nasuri mong teksto? Magbigay ng ideya tungkol sa mga datos na nasa Talahanayan 1? 9 2. Ano kaya ang dahilan na isa sa binigyang pansin ng pamahalaan ang mga proyektong nagpapalakas ng ekonomiya ng bansa? 3. Bakit nanganganib ang mga isda at korales sa karagatan kapag ginagamitan ng thrawl fishing? 4. Ipaliwanag ang ‘di-mabuting epekto ng conversion o pagpapalit ng mga kagubatan upang mgaing pansakahan. Paano ito nakasisira sa ating likas na yaman? Gawain B Punan ang cluster map ng hinihinging impormasyon. Iguhit at isulat ito sa iyong kwaderno. Magbigay ng sarili mong solusyon tungkol sa problema sa agrikultura 10 Isaisip Ang Kahalagahan ng Likas Kayang Paggamit sa Pangingisda at Pagtotroso Mula kina Balitao et al. (2012), kabilang sa kanilang iminumungkahi upang matiyak ang likas-kayang paggamit sa pangisdaan ay ang tuwirang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan, samahang mangingisda, at ang mga miyembro ng kapulisan upang matiyak ang tamang paraan ng pangingisda. Ang samahang ito ay maaarinf bumuo ng isang pangkat na ang pangunahing adbokasiya ay pangalagaan ang karagatan at iba pang anyong tubig na pangunahing pinagmumulan ng mga yamang-tubig, kasama ang mga bakawan kung saan madalas na mangitlog ang mga isda. Kabilang sa mga dapat mabantayan ay ang paggamit ng mga lambat na masyadong pino, pagbabawal sa pamaraang thrawl fishing, at paggamit ng mga pampasabog na nagdudulot ng malaking pinsala sa karagatan. Dapat ding maging mahigpit ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga lisensiya at pagkilala sa malaking kompanya na pangingisda ang negosyo. Siguraduhin na sila ay susunod sa itinatakdang pamaraan ng pangisdaan at hindi manghuhuli ng mga isdang nanganganib nang maubos. Ito ay mangangahulugan ng tunay at tapat na implementasyon ng mga panuntunan upang masiguro ang kaligtasan ng ating katubigan. Sa isyu ng pagtotroso, mahalagang maipalaam sa bawat Pilipino ang kahalagahan sa pag-iingat ng ating kagubatan. Ilan sa mga inisyatibong maaaring gawin ay sa pamamagitan ng pagpapasok sa kurikulum tungkol sa pag-iingat at likas-kayang paggamit sa mga produktong mula sa kagubatan. Maaari ding gamitin ang mga social networking sites at media upang maipabatid ang papel ng bawat isa upang mapangalagaan ang mga likas na yaman. Muling binigyang-diin nina Balitao et al. (2012) na ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang kaligtasan na ating mga yaman mula sa kabundukan. Kanila ring kinikilala ang kakayahan ng mga katutubo sa pag-aalaga sa kalikasan na nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon. Isa sa mga rekomendasyon na kanilang iminungkahi ay ang gampanin ng pamahalaan na makabuo at tunay na maipatupad ang isang polisiya na magpoprotekta sa ating mga kagubatan. Sa lahat ng ito, inaasahan din na ang mamamayan ay maging kabahagi sa paggamit ng tama at matalino para sa mga susunod pang salinlahi ng mga Pilipino. Ayong kay Micheal Alessi (2002), ang pagbibigay-karapatan sa mga mamamayan na pangalagaan ang mga natatanging yaman bilang pangunahing pinagmumulan na kanilang ikinabubuhay ay makapagtutulak sa kanila na ingatan ang mga ito. Dahil kung dito sila kumukuha ng kanilang kita, malaki ang kanilang interes na mapangalagaan ang mga ito Pamprosesong Katanungan: Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Bilang isang mag-aaral, paano mo maibabalik ang sigla n gating agrikultura? 11 2. Magbigay ng tatlong mungkahi kung paano mo mapapahalagahan ang ating agrikultura. Isagawa Gumawa ng collage mula sa ginupit na mga larawan ng lumang dyaryo at magazine na may kaugnayan sa paksang Suliranin sa Agrikultura. Buuin ang mga ginupit na mga larawan ng isang mensahe para mahinto ang problema sa agrikultura. Sundin ang template ibaba. Ilagay ito sa isang short bond paper. Mga Kagamitan Lumang dyaryo o magazine Pandikit/glue Gunting at bondpaper Pangalan: Paaralan: Krayterya Nilalaman – 25% Mensahe – 15% Kalinisan – 10% Grado & Seksyon: Petsa: 12 Total: 50% Tayahin Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel. 1. Alin sa ibaba ang mga estratehiyang makatulong sa pag-unlad ng isang bansa? a. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. b. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. c. Bumuo o sumali sa mga kooperatiba. d. Lahat ng nabanggit. 2. Ito ay itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa? a. Tao b. Kapaligiran c. Likas na yaman d. Wala sa nabanggit 3. Alin sa mga sumusunod na suliranin sa palaisdaan na nagsasaad na ang pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa mga yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang likas sa kabuuan? a. Epekto ng populasyon sa pangisdaan b. Lumalaking populasyon sa bansa c. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyo na maningisda d. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda at mga magsasaka. 4. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nakasisira sa ating kagubatan? a. Illegal na pagmimina c. Pagtatapon ng basura. b. Kaingin System d. Lahat ng nabanggit 5. Ano ang mabuting paraan para mapangalagaan nating mabuti ang kagubatan? a. Sumali sa illegal na pagto-troso. b. Makipag-ugnayan sa pamahalaan tungkul sa modernong paraan ng pagtatanim. c. Manghuhuli ng mga endangered species sa kagubatan. d. Lahat ng nabanggit 6. Anong batas na nagbibigay modernisasyon sa aspetong agrikultural sa bansa? a. RA 8435 b. RA 8455 c. RA 8345 d. Wala sa nabanggit 7. Paano natin mapangalagaan ang pagkasira ng kagubatan? a. Magtanim ng mga punong-kahoy. b. Iwasan ang illegal na mga gawain tulad ng pagtotroso. c. Magsumbong sa mga awtoridad kapag may mga di-kanai-nais na mga gawain sa kagubatan. d. Lahat ng nabanggit. 8. Bakit lumiliit ang mga lupang pansakahan sa kasulukuyang panahon? a. Dahil sa paglaki ng populasyon. b. Paglawak ng panirahan at komersiyo. c. Pagpapatayo ng mga industriya. d. Lahat ng nabanggit 13 9. Ito ay isang uri ng pangingisda kung saan ginagamitan ito ng malalaking lambat na may pabigat at ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit man o malaki. a. Dynamite Fishing b. Thrawl Fishing c. Traditional Fishing d. Lahat ng nabanggit 10. Alin sa mga sumusunod na nagpapahiwatig ng kahalagahan sa agrikultura? a. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmulan ng pagkain. b. Pinagkukunan ng material para makabuo ng bagong produkto. c. Pinagkukunan ng kitang panlabas. d. Lahat ng nabanggit. Karagdagang Gawain Kausapin sa isang panayam o interview ang iyong magulang , nakatatandang kapatid, tiyuhin o mga kamag-anak na ang hanapbuhay ay pangingisda o pagtatanim. Pumili lamang ng isang (1) tao na maaari mong kausapin para sa gawain na ito. Ipasa sa isang malinis na papel o bondpaper ang kanilang kasagutan. Pangalan Hanapbuhay: Pangingisda Pagsasaka (Lagyan ng tsek) A. Mga Paraan na ginagamit sa Paghahanapbuhay 1. 2. 3. 4. 5. B. Mga Hakbang para mapapangalagaan ang Sektor ng Agrikultura 1. 2. 3. 4. 5. 14 15 Tayahin Subukin 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. D B D B D B D D B A D C B D B A D D B D Susi sa Pagwawasto Sanggunian BOOK Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J., Nolasco, L., & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. IMAGES https://rappler.com/brandrap/profiles-and-advocacies/things-to-know-bottom-trawlingdestroying-oceans.jpg. Retrieved on July 22, 2020 https://reading787.wordpress.com/2016/11/10/harmful-effects-of-mans-activities-that-disruptthe-ecosystem/jpg Retrieved on July 24, 2020 https://www.eco-business.com/news/innovative-monitoring-systems-stop-illegal-logging-realtime/. jpg Retrieved on July 24, 2020 https://www.philstar.com/nation/2018/05/08/1813072/fish-kill-hits-bulacan-ponds/.jpeg Retrieved on July 24, 2020 https://www.wisegeek.com/what-is-a-subdivision.htm Retrieved on July 24, 2020 MODULE Department of Education. 2015. Ekonomiks - 10 Araling Panlipunan Modyul para sa Magaaral. Unang Edisyon. Pasig City. Philippines WEBSITES https://psa.gov.ph/poverty-press-releases/nid/162541. Retrieved on July 22, 2020 https://psa.gov.ph/poverty-press-releases/nid/144752. Retrieved on July 22, 2020 https://rappler.com/nation/philippine-population-2019. Retrieved on July 22, 2020 https://www.pna.gov.ph/articles/1042562. Retrieved on July 25, 2020 https://www.pna.gov.ph/articles/1086196. Retrieved on July 22, 2020 https://www.statista.com/statistics/578787/share-of-economic-sectors-in-the-gdp-inphilippines/#:~:text=In%202018%2C%20the%20share%20of,sector%20contributed%20abo ut%2059.97%20percent. Retrieved on July 22, 2020 16 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph Website: lrmds.depednodis.net