Uploaded by irishjanesotto99

IPP-KOMPOSISYON

advertisement
Sotto, Irish Jane R.
BSED SS 1-1
Enero 20, 2021
Bb. Anita Tarinay
“Kabataan sa Bagong Normal”
Mabilis ang mga pagbabago sa daigdig natin sa kasalukuyan. Dinadagsa tayo ng
masasamang balita lalo na nang dumating at pumasok sa Pilipinas ang COVID-19
virus. Ayon sa Santa Clara County Public Health na ang Coronaviruses ay isang
malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang
sipon hanggang sa mas malubhang sakit. Takot, pag-aalala at pangamba. Iyan ay ilan
lamang sa ating mga naramdaman ng umusbong ang pandemiyang lumaganap sa
buong mundo. Lahat tayo ay lubos na naapektuhan at patuloy na naaapektuhan sa
pagbabagong dala nito: ang takbo ng ekonomiya ay bumagal; pinakatutukan ang
aspetong pangkalusugan ng bawat indibidwal; maging ang sistema ng edukasyon ay
nagbabago dulot ng pandemiyang ito. Samantala nasaan nga ba ang mga kabataan
ngayon, na ang ating bansa ay mayroon malaking pagsubok na kinakaharap. Ano nga
ba ang papel ng kabataan sa bagong normal?
Ngayon sa makabagong mundo tayong mga kabataan ang isa sa inaasahan ng
lipunan at bayan upang malagpasan ang hamon ng pandemya. Ating isaisip ang
winika ng ating magiting na bayaning si Jose Rizal na, "Ang kabataan ay ang pag-asa
ng bayan". Nasa kamay nating mga kabataan ang paghulma sa papausbong na
makabagong mundo. Mundong magiging basehan ng tinatawag nating bagong normal.
Magagawa lamang natin na isangkot ang ating sarili sa mga isyung panlipunan, kung
una ay magkakaroon tayo ng kamalayan at kaalaman. At magagawa natin ito sa
pamamagitan ng wastong pagsasabuhay ng mga mabubuting aral na itinuro sa atin.
Nararapat na ating taglayin ang mga gabay ng ating mga magulang at lalong lalo na
ng ating mga guro sa paaralan. Huwag tayong mapagod hanapin ang ating puwang
kung paano makakabahagi sa pag-tulong sa bayan lalong- lalo na ngayon sa panahon
ng pandemya .Madami tayong maaring gawin, kagaya na lamang ng paggawa ng
simpleng pagtulong sa mga ka-barangay, o kaya naman at pagsali sa mga
organisasyon na kung saan ay mayroong mabuting adhikain na makatulong lalo na
ngayon sa panahon ng pandemya. Tayong mga kabataan ay hindi basta-bastang bata
lamang, sapagkat isa tayo sa mga tulay nang magiging kinabukasan ng bayan.
Nararapat na tayong mga kabataan ay magsama-sama at tulong-tulong nating
patunayan na ang kabataan pa rin ang isa sa pag-asa ng bayan kahit sa panahon ng
bagong normal. Patunayan nating hindi tayo agad sumusuko sa mga hamon ng
bagong normal at mas lalo patunayan na kaya nating mapaunlad ang susunod pang
mga henerasyon. Patunayan nating kaya nating iaangat ang Pilipinas sa
kasalukuyang estado nito. Hindi pa huli ang lahat,wag natin sayangin ang mga
opurtunidad kung saan napapakita natin dito na tayo talaga’y magdadala ng pag-asa sa
bayan. Gamitin natin ang lahat ng ating talino at mga kakayahan sa tamang paraan
sapagkat tayo ang may hawak ng susi sa kaunlaran ng ating bayan. Nasa atin ang
kinabukasan ng ating lipunan. Ang pandemiyang ito ay nagpapatunay na meroong
mahalagang papel at gampanin ang kabataan sa bagong normal na panahon. Tayo ang
matagal ng hinihintay na solusyon ng ating bansa .
KOMENTO/MUNGKAHI:

Malinaw na naipakita ang paksang diwa at naging maayos ang kaisahan nito kaya
naman mas madali itong maunawaan. Hindi lumilihis sa paksa at ang mga
impormasyon ay konektado parin dito. Wasto din ang naging paglilipat ng diwas
kaya naman wala itong mga impormasyong hindi naman kailangan. Sa kabuuan,
dahil sa pagsasaayos ng sanaysay ayon sa binigay na halimbawa, naging mas
kapukaw-pukaw pansin ito.
Inaprobahan Ni: Nymfa Badua
Download