__________________________________________________________________________________________________ Pangalan: _____________________________ Petsa: _______________ Marka_____________ Mga Isyung Kaugnay sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at Sekswalidad I. Pagpapakilala ng Aralin Ang Sekswalidad ay kaugnay ng pagiging ganap na babae o lalaki ng isang tao. Bagaman nalalaman ang kasarian ng tao mula pa pagsilang, malaya ang kaniyang pagtanggap sa kaniyang katauhan tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos. Mga Isyung Kaugnay sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at Sekswalidad 1. Pakikipagtatalik bago ikasal (Pre-Marital Sex) Ito ay gawaing pagkikipagtalik ng isang lalaki sa isang babae na wala pa sa wastong edad o nasa hustong edad na subalit hindi pa kasal. 2. Pornograpiya Ito ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa. 3. Pang-aabusong Seksuwal Pagsasagawa o pamumuwersa ng isang tao ng gawaing sekswal sa isa pang tao, partikular na sa mas mahina. 4. Prostitusyon Ito ay ang pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera. Dito, binabayaran ang pakikipagtalik/gawaing sekswal upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal. Tandan na sa paggamit ng ating sekswalidad, marapat lamang na alam natin ang tunay na layunin at tunguhin nito na hindi lamang ito para sa pansariling kasiyahan o para sa makamundong pagnanasa. Ang paggamit ng sekswalidad sa pagpapakita ng pagmamahal ay mabuti ngunit, dapat itong isagawa sa tamang panahon. II. Mga Gawain A. Unang Gawain Panuto: Humanap ng balita sa radyo telebisyon, dyaryo o internet tungkol sa isyu na kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad. Isulat o idikit ang detalye nito sa loob ng kahon at magbigay ng reaksyon ukol dito. B. Ikalawang Gawain PANUTO: Gumawa ng isang graphic organizer ukol sa mga konseptong iyong natutunan sa araling ito. ___________________________________________________________________________________________________________ Unang Linggo 1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad 2. Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad. Note to the Teacher: Ipaliwanag ang iba’t ibang mga isyung moral ukol sa seksuwalidad at dignidad ayon sa iba’t ibang pananaw upang higit na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral upang masuri nila nang maigi ang mga isyu at makagawa ng posisyon ukol sa mga ito. (Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili) __________________________________________________________________________________________________ Ikatlong Gawain Panuto: Ibigay ang mga pananaw sa mga sumusunod na pahayag. 1. Tama lang na maghubad kung ito ay para sa sining. _____________________________________________________________________ 2. Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang nagmamahalan. _____________________________________________________________________ 3. Ang pagkalulong sa prostitusyon ay nakaaapekto sa dignidad ng tao. _____________________________________________________________________ 4. Ang pang-aabusong seksuwal ay taliwas sa tunay na esensiya ng sekswalidad ____________________________________________________________________ 5. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung may mabigat na pangangailangan sa pera. _____________________________________________________________________ 6. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay kailangan upang mapatunayan pagmamahalan. _____________________________________________________________________ ang 7. Ang pagtingin sa mga malalaswang babasahin o larawan ay walang epekto sa ikabubuti at ikasasama ng tao. _____________________________________________________________________ 8. Ang tao na nagiging kasangkapan ng pornograpiya ay nagiging isang bagay na may mababang pagpapahalaga. _____________________________________________________________________ 9. Ang paggamit ng ating katawan para sa sekswal na gawain ay hindi masama ngunit maaari lamang gawin ng mga taong pinagbuklod ng kasal. _____________________________________________________________________ 10. Wala namang nawawala sa isang babae na nagpapakita ng kaniyang hubad na sarili sa internet. Nakikita lang naman ito at hindi nahahawakan. ____________________________________________________________________ V. Pagtataya A. PANUTO: Tukuyin ang sumusunod na kahulugan mula sa mga salitang pagpipilian. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kwaderno. A. Pang-aabusong seksuwal B. Pre-marital sex C. Pornograpiya D. Prostitusyon E. Seksuwalidad ___________________________________________________________________________________________________________ Unang Linggo 1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad 2. Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad. Note to the Teacher: Ipaliwanag ang iba’t ibang mga isyung moral ukol sa seksuwalidad at dignidad ayon sa iba’t ibang pananaw upang higit na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral upang masuri nila nang maigi ang mga isyu at makagawa ng posisyon ukol sa mga ito. (Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili) __________________________________________________________________________________________________ 1. 2. 3. 4. 5. Ito ay ang binabayaran na pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal. Ito ay gawaing pakikipagtalik ng isang babae at lalaki na walang basbas ng kasal. Ito ay isinasagawa ng isang tao na siyang pumupuwersa sa isang pang tao, partikular ang mas mahina upang gawin ang isang gawaing seksuwal. Ito ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa. Ito ay isang malayang pagpili at personal na tungkuling ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang katauhan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos. B. Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Tama lang na maghubad kung ito ay para sa sining. 2. Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang nagmamahalan. 3. Ang pagkalulong sa prostitusyon ay nakaaapekto sa dignidad ng tao. 4. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay kailangan upang makaranas ng kasiyahan. 5. Ang pang-aabusong seksuwal ay taliwas sa tunay na esensiya ng seksuwalidad. 6. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung may mabigat na pangangailangan sa pera. 7. Ang pagtingin sa mga malalaswang babasahin o larawan ay walang epekto sa ikabubuti at ikasasama ng tao. 8. Ang tao na nagiging kasangkapan ng pornograpiya ay nagiging isang bagay na may mababang pagpapahalaga. 9. Ang paggamit ng ating katawan para sa seksuwal na gawain ay hindi masama ngunit maaari lamang gawin ng mga taong pinagbuklod ng kasal. 10. Wala namang nawawala sa isang babae na nagpapakita ng kaniyang hubad na sarili sa internet. Nakikita lang naman ito at hindi nahahawakan. VI. Repleksyon / Pagninilay Napagtanto ko sa araling ito na… Naramdaman ko na…. Ako ay nangangakong… VII. Sanggunian Dy, Manuel Jr. B., Ph.D. Hidalgo, Fe, A., Ph. D. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon. Pasig: FEP Printing Corporation Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) . ___________________________________________________________________________________________________________ Unang Linggo 1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad 2. Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad. Note to the Teacher: Ipaliwanag ang iba’t ibang mga isyung moral ukol sa seksuwalidad at dignidad ayon sa iba’t ibang pananaw upang higit na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral upang masuri nila nang maigi ang mga isyu at makagawa ng posisyon ukol sa mga ito. (Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili) __________________________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________________________________ Unang Linggo 1. Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad 2. Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad. Note to the Teacher: Ipaliwanag ang iba’t ibang mga isyung moral ukol sa seksuwalidad at dignidad ayon sa iba’t ibang pananaw upang higit na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral upang masuri nila nang maigi ang mga isyu at makagawa ng posisyon ukol sa mga ito. (Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili)