Uploaded by ulol metro

KABANATA II GUIDE

advertisement
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang Kabanata II ng pananaliksik ay kinapalolooban ng ma kaugnay na pag-aaral at
literatura na makatutulong sa mga mananaliksik kaugnay sa kalagayan ng kanilang
isinasagawang pag-aaral. Katulad ng napag-usapan natin noong unang talakayan, mas
mainam na may mga nakalimbag na na kaugnay na pag-aaral at literatura sa paksang pipiliin
mo dahil limitado lamang ang oras ng pagsasagawa natin nito. Nahahati ito sa 5 bahagi:
banyagang literatura, lokal na literatura, banyagang pag-aaral, lokal na pag-aaral at ang
kahalagahan ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
KAUGNAY NA LITERATURA
Ang tinutukoy na mga literatura dito ay ang artikulo sa mga propesyunal na dyornal,
magasin, peryodiko, at iba pang publikasyon. Maaari ring mula sa mga encyclopedia, almanac
at iba pang kaparehong reperensya. Itinala ni Dr. Robert Larabee sa kaniyang artikulong “The
literature review” ang mga kahalagahan ng literatura sa pananaliksik.
 Natitipon ang mga naunang gawa na makatutulong sa pagsasakatuparan ng
iyong pananaliksik.
 Pinakikita ang pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik upang mapagtibay
ang pananaliksik.
 Natutukoy ang mga kakulangan mula sa mga naunang gawa at paano ito
makatutulong o makaaapekto sa sariling pag-aaral.
 Nagbibigay ng paunang pagtingin, silip o silay sa paksa o teoryang lilitaw sa
pananaliksik na may kaugnayan sa mga literaturang nasaliksik.
KAUGNAY NA PAG-AARAL
Ito ang mga pananaliksik at mga disertasyon na isinagawa ng mga naunang
mananaliksik na may kaugnayan sa iyong pag-aaral. Sa pamamagitan nito, makikita mo kung
bakit marami nang naisagawang pag-aaral katulad ng sa iyo o bakit kakaunti lamang ang mga
nagawang pag-aaral? May dahilan ang mga iyon, maaaring hirap sa mga datos na malilikom,
hindi ganoon pinagtutuunan ng pansin o kulang ng pinansyal ang mga mananaliksik upang
ipagpatuloy ang isang pag-aaral. Ang lahat ng iyan ay makaaapketo sa iyong pananaliksik,
doon pa lamang mapaiisip ka na kung dapat ka bang magpatuloy sa iyong nasimulan o
kailangan mong umangkop sa pangangailangan ng iyong pag-aaral.
PARAAN NG PAGSASAAYOS NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Isa sa mga dapat tandaan sa paggawa ng bahaging ito ay hindi mo pwedeng basta
na lamang ipasok sa isang talata ang mga nakalap mong impormasyon para masabing
nagsaliksik ka. Kailangang may maayos pa rin itong daloy ng mga kaisipan. Mayroong iba’t
ibang paraan upang ilahad at isaaayos ang mga nalikom mong literatura at pag-aaral. Sa
bahaging ito, magbibigay tuon lamang tayo sa dalawa; chronological at thematic. Paano nga
ba nagkakaiba at nagkakapareho ang dalawa?
CHRONOLOGICAL
Isinasagawa ito sa pagtatala ng mga datos batay sa panahon kung kailan nailimbag
ang mga pag-aaral o pananaliksik na iyong nalikom. Halimbawa, tatalakayin mo ang tungkol
sa epekto ng wikang kanluranin sa pag-iisp, pag-uugali at pananaw ng mga kabataan. Maaari
mong ipakita sa iyong kaugnay na literatura ang pagtalakay kung kalian ba unang nakilala ng
mga Pilipino ang wika ng mga kanluranin. Mula doon, isunod mo na kung ano-anong
pangyayari ang mas nakapagpatindi dito nang sumunod na mga taon. Kung papansinin,
nakatuon ang pagtalakay sa mga pagbabagong nagaganap habang tumatagal. Maaari rin
namang may naunang pananaliksik tungkol patuloy na paglago o pagbagsak ang nais mong
talakayin, kung ganoon, babalikan mo ang mga naganap mula nang simulant ang pag-aaral
na ito at ang mga pagbabago sa paglipas ng panahon.
THEMATIC
Sa paraang ito isinasaayos ang mga datos batay sa paksang tatalakayin hindi sa
panahon ng pag-usbong ng mga pag-aaral. Halimbawa ang pananaliksik mo ay tungkol sa na
“Pagtataya sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na itinuturing na visual learners sa
panahon ng pandemya”. Maghahanap ka ngayon ng mga pag-aaral at literatura na may
kaugnayan sa iyong pag-aaral at isasaayos sa paraang thematic. Paano natin gagawin iyon?
Sabihin nating mayroon kang 5-10 na mga sanggunian, nang binasa mo ang mga ito,
natuklasan mong maaari mo itong hatiin sa 2-6 na mga tema.
MGA TEMA
SANGGUNIAN
Kalikasan o katangian ng mga Visual learners
1,5,6
Mga epektibong paraan ng pagtuturo sa kanila
2, 4, 6
Mga alternatibong paraan ng pagtuturo sa kanila
1, 3, 5
Mga matatagumpay na pakitang turo
5
Makikita natin na mula sa nakalap mong anim (6) na mga sangugunian, nahati mo ang
mga paksa sa apat (4). Sa ganitong paraan mas maayos ang daloy ng mga kaisipan sa iyong
pananaliksik.
ANO-ANONG MGA BAHAGI ANG DAPAT MAKITA SA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAGAARAL?
Alin man sa dalawa ang piliin ng isang mananalik, maaaring ilagay ang mga sumusunod
na bahagi.
 Kasalukuyang pangyayari – Ang bahaging ito ay mga impormasyon na
kinakailangan upang ipaalala sa mga mambabasa kung bakit mo ba napili ang
paksang ito? Ano-anong pangyayari sa kasalukuyan ang nagtulak sa iyo upang
gawin ang pananaliksik. Para itong panimula o introduksyon.
 Kasaysayan – Daloy ng mga pangyayari mula pa noon na maaring hanggang
sa nagyon ay makokonsidera pa rin sa patuloy na paglaganap ng napiling
paksa.
 Paraan ng pagpili – Ano-ano lang ba ang mga hakbang na isinagawa ng mga
mananaliksik? Gumamit ba sila pangunahing hanguan? Nagbasa lamang ba sila
ng mga aklat? May iba pa bang hakbang na ginawa.
 Standard – Mismong paraan na ito ng paglalahad ng mga impormasyon
PAALALA SA PAGSULAT
Mahalaga na ang mga pipiliing pag-aaral at literatura ay nailimbag noong huling
sampung taon. Iyon na kasi ang mga pag-aaral na dumaan sa balidasyon at hindi rin naman
masyadong huli na sa mga pagbabago. Sa siyensya, kadalasang nailimbag sa huling 4-5 taon
ang kahingian dahil sa mga pagbabago at mga bagong natutuklasan.
Ang paglalagay ng mga nakalap na impormasyon ay maaari lamang pagsamahin sa
isang talata kung magkaugnay ang mga ito. Ibig sabihin kung ibang paksa o taon na ang
tinatalakay sa isang datos, kailangan mo na itong ilipat sa susunod na talata. Pansinin natin ang
halimbawa sa ibaba.
Sa pananaliksik nina Ocbian et al (2015), na may pamagat na “Acceptability of
Mother-Tongue Reading Big Books in Bulusan Dialect” lumalabas ang kanilang
pagtugon sa kakulangan ng kagamitang nakasulat sa mother-tongue (L1). Ang
Katanggapan ng kanilang pananaliksik ay hinati sa tatlong pagtataya: (a)
suitability/appropriateness of the materials to the pupils, b) physical aspect or visual
appeal, at c) quality of the story. Lumalabas sa kanilang pag-aaral na ang kanilang
mungkahing anim (6) na Big Books para sa mga nasa Baitang 1 ng Distrito ng Bulusan ay
nagkamit ng Berbal na Interpretasyon sa kabuuan na VMA o (Very Much Acceptable)
Lubusang katanggap-tanggap
Ang pananaliksik naman nina Espinar at Ballado (2016) na may pamagat na
“Content Validity and Acceptability of a Develop Worktext in Basic Mathematics 2” ay
nagtataya naman sa katanggapan at Baliditi ng isinagawang workteks sa Matematika.
Ang pagtataya ay hinati sa dalawa: (1) Acceptability na minarkahan ang sumusunod
na kraytirya; (a) Clarity, (b)Usefulness, (c) Sustainability, (d) Adequacy, (e) Timeliness, (f)
Language, Style, Format, (g) Illustrations, (h) Presentations; at (2) Validity na minarkahan
naman sa mga sumusunod na kraytirya; (a) Learning Objectives, (b) Learning Inputs, (c)
Learning Applications, at (d) Learning Enrichment. Ang Acceptability ay nakakuha ng
Berbal na Interpretasyong (Very Much Accepted) Lubusang katanggap-tanggap,
samantalang ang Validity ay nakakuha ng Berbal na Interpretasyong (Very Much Valid)
Lubusang Balido.
Ihiniwalay ng mga mananaliksik ang kanilang mga datos batay sa paksang tinalatakay
ng magkaibang mga tao. Sa ganitong paraan, mas maipaliliwanag ang interpretasyon sa isang
paksa nang hindi nalulunod sa mga impormasyon ang mambabasa. Upang mas maging
magaan at maging isa tayo ng sinusunod na pormat, na sa ibaba ang pagkakasunod-sunod
ng mga datos.
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang bahaging ito ay tumatalakay sa mga akdang pampanitikan na binasa at
kinalap mula sa mga aklat, tesis, lathalain, website at mga artikulo na may kinalaman
sa pananaliksik.
Banyagang literatura
Lokal na literatura
Banyagang pag-aaral
Lokal na pag-aaral
Kahalagahan ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral
KAHALAGAHAN NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang bahaging ito ang magbibigay linaw sa mga mambabasa kung paano nakatulong
sa mga mananliksik ang mga datos na kanilang nakalap. May mga nakita ba silang mga
interesanteng bagay? Nasubok ba sila sa pagkalap ng mga imporasyon? May mga gusto ba
silang linawin o paalalang nais iwan bago sila magtungo sa susunod na bahagi ng pag-aaral.
ESTILONG A.P.A
Dahil ang kabanata II ay tungkol sa paglikom at pagsasaayos ng mga datos na
makatutulong sa pag-aaral ng mga mananaliksik, mahalaga ang paraan ng pagsipi o
dokumentasyon. Isa sa mga iniingatan ng mga mananaliksik ay ang pagkilala sa mga naunang
gawa ng ibang mananaliksik kaya napakahalaga na lagi natin itala kung saan o kanino natin
kinuha ang mga datos na ginamit sa ating pag-aaral.
Ang American Psychological Association (A.P.A) ang isa sa mga sinusunod na paraan
ng dokumentasyon sa panahon ngayon. Higit kasing tuloy-tuloy ang paraan ng pagbabasa
kung ito ang gagamitin. Ito ang tinatawag na talang-parentetikal (parenthetical citation).
Narito ang pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng dokumentasyon sa estilong A.P.A na
itinala ni Rolando Bernales sa kaniyang aklat.
1. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng
publikasyon ang isulat sa loob ng panaklong.
Ayon kay Stern (1992), kanyang nakikita ang gampanin ng paggamit ng
Unang Wika (L1) sa pagkakatuto ng Ikalawang Wika (L2), na sinang-ayunan
naman nila Cook et al (1979), ang pagkatuto ng unang wika’y hindi lamang
tungkol sa sintaksis at bokabularyo, bagkus ay pangkaligiran at emosyonal.
Kung mayroon namang ko-awtor na higit pa sa dalawa, kailangang may et al. matapos
ang kaniyang pangalan at sa kuwit na naghihiwalay dito, bago ang taon ng publikasyon
na na sa loob ng panaklong.
Inilahad nila Gagne et al (1992), ang limang basikong asampsiyon tungkol
sa Disenyong Instruksiyonal: (a) nakatutulong sa pagkatuto ng isang indibidiwal; (b)
ang disenyong instruksiyonal ay mayroong mga hakbanging kapuwa pangmedyo
matagalan at pangmatagalan; (c) ang sistematikong disenyo ng instruksiyon ay
nakaapekto nang malaki sa kauswagan ng isang tao; (d) marapat na isinagawa sa
pamamagitan ng dulog na sistema; at (e) ang disenyong instruksiyon ay marapat
na base sa kaalaman sa kung paanong natututo ang tao
2. Kung hindi nabanggit ang manunulat sa mismong teksto, banggitin ito sa hulihan ng
pangungusap kasama ang taon ng publikasyon
Marami nang pag-aaral ang isinagawa upang matukoy ang nilalaman at
katangian ng disenyo na kaugnay ng kabisaan at ng mga kagamitang
nakalimbag (Saroyen at Geis, 1988)
3. Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawqa at ang taon ng
publikasyon.
Ang pananaliksik naman nina Espinar at Ballado (2016) na may pamagat
na “Content Validity and Acceptability of a Develop Worktext in Basic
Mathematics 2” ay nagtataya naman sa katanggapan at Baliditi ng isinagawang
workteks sa Matematika.
4. Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing awtor sa mismong
teksto, banggitin na lamang ang unang awtor sa loob ng panaklong st sundan ng et al.
bago ang taon ng publikasyon.
Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang panwika ay hindi
pinaghihiwalay kundi nililinang sa integratibong paraan (Bernales, et al, 2001)
5. Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang apleyido, banggitin
ang inisyal ng mga awtor bago ang kani-kaniyang apelyido at sundan ng taon ng
publikasyon.
Ang pananaliksik… ay pangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong
sitwasyon para sa layubin ng prediksyon at eksplanasyon (E. Trece at J.W. Trece,
1977)
6. Kung pamagat lamang ang impormasyong nakuha, banggitin ang pinaikling bersyon
ng pamagat at sundan ng taon ng publikasyon. Ipaloob sa panipi o iit alisado.
Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng
regular na publikasyon na sumasalamin ng responsableng pamamahayag at ng
misyon-bisyon ng kolehiyo (CSB Student Handbook, 1996).
7. Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang bolyum, banggitin ang
bilang ng bolyum kasunod ng pangalan ng awtor o mga awtor, ngunit tutuldok (: ) ang
gamiting bantas upang paghiwalayin ang unangb entri sa taon ng publikasyon.
Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas, muling ipinahayag ni Mabini ang
kaniyang paghihimagsik. Isinulat niya ang El Liberal na isang panunuligsa sa
mga bagong mananakop (Bernales 4: 2002)
8. Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banggitin na lamang
ang mga akda at paikliin hangga’t maaari. Ipaloob sa panipi o iitalisado ang mga
pamagat.
Sa mga aklat ni Bernales (Sining ng pakikipagtalastasan at Mabisang
komunikasyon), tinukoy ang mga pangunahin at unibersal na katangian ng
wika
9. Kung ang datos mula sa isang awtor ay nakuha mula sa akda ng ibang awtor, dapat
banggitin ang dalawa.
Tinukoy ni Halliday (1961; sa Bernales, et al., 2000) ang pitong tungkulin
ng wika.
10. Kung ang datos o impormasyon ay hango sa internet, banggitin na lamang ang link
kung walang awtor. Kung batid mo ang awtor, banggitin.
Sa www.humankinetics.com, walo ang tinukoy na hakbang ni
Blankernship sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Download