Uploaded by Nhia Algenio

BAYANIHAN 3RD WORLD

advertisement
ALGENIO, NHIA CYRELLE S.
Nagsimula ang bidyo sa pagpapakita ng natatanging simbolo na nagrerepresenta sa
bawat kategorya sa Pilipinas katulad na lamang ng bulaklak,dahon, hayop at ang Pambansang
Bayani. Naipapakita ng Bayanihan 3rd world na patungkol ito sa dalawang manunulat na
nagnanais na ipakita ang mga pangyayari na nasangkop si Dr. Jose Rizal kasama na din kung gaano
naipakita ang pagkabayani ng iba pa niyang kasamahan patungkol sa mga isyu na
ikinakaharap.Nauna na napaisip sila kung ano ang nais nilang ipaksa na naaayon sa mga
naranasan ni Rizal.Nais nilang maging kakaiba ang teksto kaya naman nagkaroon sila ng puspusan
pag-iisip at nadako sila retraksyon ni Rizal. Sa pamamagitan ng mga ginamit nilang tauhan ay
nakuha nilang maipaliwanag ang patungkol dito. Isa-isa nila itong ininterbyu kaya naman
nakalakap pa sila ng madaming isyu patungkol dito.Isa na doon ang katanungan kung mahal ba
talaga ni Rizal ang kaniyang kasintahan at dito nalaman na maaaring nagawa ni Rizal ang
retraksiyon upang mapapayag ang pari na magkakasal sakanila.Ayon naman kay Paciano ay kahit
pa sa kahit anong anggulo na katulad na lamang ng pagtataksil ng mamamayang Pilipino ay
magagawa niya pa din lumaban para sa bayan.Binigyan din ng katanungan ang hindi pag-unlak ni
Rizal sa himagsikan at napagtanto din na maaaring hindi siya sumali dahil ayaw niyang gamitan
ito ng dahas panatag na sa paglaban gamit ang masining niyang pagsulat.Sa kabila nito ay tila
madami pa din katanungan na nakapaloob na siyang magsisilbing katanungan na lamang sa
mahabang panahon. Sa huli ay ipinakita nila ang imahinasyon na kasagutan ni Rizal na sa tingin
nila ay magiging kasagutan din ni Rizal.
Download