EPEKTIBO NG IMPLEMENTASYON NG ONLINE AND DISTANCE LEARNING (ODeL) BILANG PAMARAAN NG PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA IKA-21 NA SIGLO SA EDUKASYON NG NEW NORMAL Isang pananaliksik na Iniharap kay G.Owen T. Lava Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik Ipinasa nina GUTIERREZ, JOSHUA NOLIAL, CRISTINA HUNYO, 2020 KABANATA 1 Panimula “Edukasyon ay kayamanan na hindi maaaring maangkin ninuman”, ngunit, sa panahon ng New Normal kung saan ang bawat isa ay apektado ng pandemikong Covid-19, ito ay pansamantalang naisasantabi para sa ikabubuti ng lahat na mag-aaral. Gayunpaman, ang mabilis na pagsulong sa impormasyon at teknolohiya ng komunikasyon sa henerasyong ito ay nagdulot ng napakalaking pagbabago mula sa pang-araw-araw na gawain hanggang sa pansariling interes. Ang teknolohiya ay nagagamit ng mga industriya upang maihatid ang mga makabagong pangangailangan ng tao. Ang paggamit ng mga gadgets, bilang isa sa mga naging bunga ng makabagong teknolohiya, ay naging parte na ng buhay ng milyon-milyong Pilipino at patuloy na gumagabay sa pagpapagaan ng komunikasyon pati ang mga simpleng gawain kagaya ng pamimili, pagbabayad ng bill, pagkatuto, at marami pang iba. Ayon sa isang datos na isinagawa ng Statista.com, ang Pilipinas ay mayroong 44.3 milyong Pilipino ang gumagamit ng mobile phones sa taong 2020, at asahan pang tumaas nang 114.67% sa taong 2023. Ayon naman sa Datareportal.com, mayroong 73 milyong pinoy sa bansa ang naitalang gumamit o kumonekta sa internet nitong Enero, 2020 na mayroong 67% internet penetration. Ayon naman sa 2019 report ng Inquirer.net, nanguna ang bansa sa may pinakamaraming oras ng pagbababad o paggamit ng internet sa isang araw na may average na 10 oras at 2 minuto. At sinundan naman ng bansang Brazil na may 9 oras at 29 minuto kada araw. Patunay lamang ang mga ito na patuloy na rumarami ang gumagamit ng mobile phones at mga kumokonekta sa internet sa bansa araw-araw. Sa kabilang dako, nakikita namang solusyon sa pagkahinto sa pagaaral ng mga Pilipino na dulot ng pandemya ang paggamit ng mga gadgets partikular ang mga mobile phones upang hindi maging hadlang ang krisis na ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung kaya’t, kasalukuyang isinusulong ang ODeL o Open and Distance e-Learning sa ilalim ng Blended Learning Program ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd nang sa gayo’y maipagpatuloy padin ang pagtuturo kahit nasa kani-kanilang tahanan lamang. Ang pagtatakda naman o implementasyon nito ay hindi magiging madali sapagkat mangangailangan ito ng pagpaplano at paghahanda hindi lang sa bahagi ng DepEd, kundi sa bahagi ng bawat guro. Para naman sa mga magulang na walang kakayanang magbigay ng gadget at magsuporta sa kanilang mga anak sa sistemang ito ay nagbigay ang DepEd ng isa pang opsyon kung saan ay pagkakalooban nalang sila ng mga modules at learning materials para pagaralan. Ngunit layunin lamang ng pag-aaral na ito na matukoy ang mga epektibong paraan ng pagpapatupad ng OdeL sa bansa kung ito ba ay makabubuti o hindi, ngunit isaalang – alang din ang pag – alam at pagkakaroon ng mga epektibong paraan sa pagpapatupad nito upang magkaroon ng mga katanggap – tanggap na resulta na makukuha naman sa pamamagitan ng paglista ng mga potensyal na suhestyon ng mga magulang at mag – aaral na tatangkilik sa sistemang ito at paglapat nito sa pagtatakda. Balangkas ng Teorya Ayon kay Education Secretary Leonor Briones (2020), ang online learning ang solusyon upang ipagpatuloy ang pag – aaral kahit nasa tahanan. May malaking gampanin ang mga magulang sapagkat sila ang maggagabay sa kanilang mga anak habang wala sa paaralan. Ang distance learning ay naisagawa nan g ibang paaralan at maging mga kalapit na bansa. At ito ang solusyon upang maging ligtas ang mga mag – aaral laban sa mga kalamidad at pandemya. Paradimo ng Pag – aaral PANANAW (Mag – aaral) IMPLEMENTASYON (Online and Distance Learning) BENEPISYO EPEKTO POSITIBO NEGATIBO PIGURA 1 IMPLEMENTASYON NG ODeL SA SEKTOR NG EDUKASYON Paglalahad ng Suliranin Ang pamanahong papel na ito ay magbibigay impormasyon hinggil sa Epektibo ng implementasyon ng online and distance learning (odel) bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal. Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang profayl ng respondente batay sa: 1.1. Edad? 1.2. Kasarian? 1.3. Address? 1.4. Pinakamataas na edukasyong na – ateyn? 1.5. Gadgets na inaangkin? 1.6. Buwanang sweldo ng mga magulang? 2. Ano ang mga postibo o negatibong epekto ang posibleng makuha ng mga mag – aaal sa online and distance learning? 3. Anong minumungkahing mga paraan upang mas maging epektibo at mapagtibay ang pagpapatupad nito nang maiwasan ang mga potensyal na negatibong epekto nito? 4. Ano ang mga benepisyo ng online and distance learning kapag naipatupad ito nang maayos at epektibo? Saklaw at Delimitasyon Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagtukoy ng mga epektibong paraan sa pagtataguyod ng online and distance learning bilang bagong midyum ng pagtuturo at pagkatuto, at malaman ang suhestyon ng mga tao upang mas mapagtibay at maging katanggap-tanggap ito. Sa pamamagitan ng questionnaire na ipapamahagi sa mga mag-aaral na may kakayanang tumangkilik sa paraang ito. Ito naman ay isasagawa sa mga syudad, probinsya, at maging sa mga lugar na humaharap sa mga teknikal na problema kagaya ng mahinang internet connection/signal, o iba pa ngunit hindi kabilang ang pinansyal na pangangailangan. Kahalagahan ng Pag – aaral Mahalaga na pag-aralan ang epektibo ng implementasyon ng online and distance learning (odel) bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal upang malaman ang magiging mga benepisyo nito. Para sa mga mag-aaral. Dapat nila itong mapag-aralan dahil bilang isang mag-aaral nararapat na magkaroon sila ng sapat na kaalaman tungkol sa mga nagaganap at magbigay linaw ukol sa pagiimplema ng online at distance learning. At ito ay makatutulong sa mga mag-aaral dahil maipagpapatuloy na nila ang pag-aaral kahit nasaan man sila o kahit anong oras man na naisin nila. Para sa mga magulang. Magiging gabay ang pag – aaral na ito upang malinawan sa mga epekto ng online at distance learning at ang mga magulang ang my sapat na kakayahan upang suportahan ang mga anak sa ganitong sistema. Para sa mga mamamayan. Dapat nila itong pag-aralan dahil bilang isang miyembro ng komunidad dapat mayroon silang kamalayan sa epektibong implementasyon ng online at distance learning bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal ng sa gayon ay magtutulungan ang lahat upang mas matulungan ang mga walang kakayahan sa pagkonekta sa internet. Para sa mananaliksik. Dapat nila itong pag-aralan upang mapagtuunan nila ng pansin ang benepisyo ng epektibong implementasyon ng online at distance learning bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal. Para sa susunod pang mananaliksik. Upang makatulong at makapag-bigay ng dagdag impormasyon sa kanilang mga pag-aaral ukol sa “Epektibo ng implementasyon bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal.” Terminolohiyang Ginamit sa Pag – aaral Blended Learning. Programa ng Kagawaran ng Edukasyon upang patuloy na makapagbigay Edukasyon sa kabila ng pandemikong kasalukuyang nararanasan. Covid-19. Isang nakahahawang sakit na nagmula sa bansang China at nagsimula noong taong 2019, na patuloy na gumagambala sa bansa at nagdulot ng libo-libong kaso habang milyon-milyon naman sa buong mundo. Gadget. Maliit na mekanikal o elektronikong aparato na may praktikal na paggamit. Internet Penetration. Dami ng tao populasyon sa bansa na may access sa internet. Inihihihiwatig sa pamamagitan ng porsyento. ODeL. Pinaikling salita ng isang sistema o pamamaraan kung saan ang mga guro at mag-aaral ay hindi kinakailangang pumunta o magtagpo sa parehong lugar o parehong oras sapagkat gumagamit lamang ito ng electronics at gadgets upang patuloy na makapagturo ang mga guro. Pandemya. Isang malawakang pagkakahawa-hawa ng isang sakit na nakakaapekto sa maraming tao sa sa buong mundo at mabilis ang pagkalat. Teknolohiya. Ang praktikal na aplikasyon ng kaalaman sa isang partikular na larangan. Konseptwal na Pag – aaral PROCESS INPUT Paglalahad ng Suliranin 1.Ano ang profayl ng respondente batay sa: 1.1. Edad? 1.2. Kasarian? 1.3. Address? 1.4.Pinakamataas na edukasyong na – ateyn? 1.5.Gadgets na inaangkin? 1.6. Buwanang sweldo ng mga magulang? 2. Ano ang mga postibo o negatibong epekto ang posibleng makuha ng mga mag – aaal sa online and distance learning? Disenyo ng pananaliksik Deskriptib analytic Pamamaraan ng pangangalap ng datos OUTPUT Epektibo ng Implementasyon Ng Online And Distance Learning (odel) bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na Siglo sa Edukasyon ng New Normal. Surbey Kwestyuner Istatistikal na Pamamaraan Weighted mean 3. Anong minumungkahing mga paraan upang mas maging epektibo at mapagtibay ang pagpapatupad nito nang maiwasan ang mga potensyal na negatibong Kaugnay na Pag – aaral epekto nito? 4. Ano ang mga benepisyo ng online and distance learning kapag naipatupad ito nang maayos at epektibo? Kaugnay na Pag - aaral Batay sa pagsusuri nina Trust Kashora, et. Al. Na may pamagay na “E-Learning Technologies for Open Distance Learning Knowledge Acquisition in Management Accounting”, ang matagumpay na pagpapatupad ng eLearning technologies ay humaharap sa mga hamon na nangangailangan ng balangkas upang matugunan ang sumusunod: kakulangan ng mga pedagohikal na kagamitan upang suportahan ang mga guro, kakulangan ng access sa teknolohiya, kawalan ng cost analyses ng online course, online study materials at mga online assessment, ang mga hamong pinansyal, pangkalikasan at etikal na may kaugnayan sa pagtatapon ng mga outdated na computers, at ilan pang iba ay dapat isaalang-alang sa pagtatakda nito. Ayon naman kila Jackline Nyerere, et. Al. sa kanilang oag-aaral na may titulong “Delivery of Open, Distance, and E-Learning in Kenya”, ang pangunahing implikasyonng pag-aaral ay mayroong maraming potensyal sa pagpapatupad ng programa ng ODeL sa Kenya, kung saan ay maaaring magbigay ng mas kinakailangang access sa bansa. Ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng paglalaan ng badyet at probisyong mapagkukunan, maunlad na imprastraktura, pagsasanay sa mga guro at kawani ng ODeL, at pagkakaloob ng mga serbisyo ng suporta sa mga mag-aaral. Sintesis Ang teknolohiya ay sadya ngang umuunlad sa pagtagal ng panahon. Ang pagunlad ng teknolohiya ay nakakatulong sa pang araw – araw na pamumuhay ang mga mamamayan sa kasalukuyang panahon. sa mga sumunod na mga taon ay umusbong ang “online education” bilang modernong pag - tuturo at pag – aaral. Ginagamit itong estratihiya ng mga gustong matuto habang nasa trabaho upang matuto ng mga bagong kaalaman. Ginagamit rin ito ng mga may mga “medical conditions” at “disabilities” upang ipagpatuloy ang kanilang pag – aaral kahit wala sa paaralan. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagsagawa ng mga solusyon upang maipagpatuloy ang pag – aaral ng mga mag – aaral kahit mayroong pandemya. Ang implementasyon ng online and distance learning ay iprinisinta upang manatili ang mga mag – aaral sa kanilang tahanan. Habang samantalang nahinto ang pag pasok sa paaralan ay inaaanyayahan ang mga mag – aaral na manatili sa kani – kanilang mga tahanan at gamitin ang mga online learning platforms bilang alternatibong paraang ng pag tuturo at pagkatuto. KABANATA 2 Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa mga pamamaraan deskriptib-analitik. Kung saan minarapat naming alamin ang lawak ng kaalaman ng mag-aaral ng lalawigan ng Santo Domingo patungkol sa epektibo ng implementasyon ng online and distance learning (odel) bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal. Minarapat naming tukuyin ito sa pamamagitan ng pagsusurbey. Mga Respondente ng Pag – aaral Ang aming piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga magaaral ng lalawigan ng Santo Domingo. Pumili ang mga mananaliksik ng limampungpung katao (50) upang pasagutan ang mga tanong na makakatulong sa pamanahong papel ng mga mananaliksik. Dahil sila ang napiling respondente sa kanila magmumula ang mga impormasyong magbibigay linaw sa pag-aaral ukol sa epektibo ng implementasyon ng online and distance learning (odel) bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal. Instrumento ng Pag – aaral Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagseserbey sa mag-aaral ng lalawigan ng Santo Domingo. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang surbey kwestyuner na may nilalaman na mga tanong na naglalayong mangalap ng mga datos upang malaman ang kaalaman at opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa “Epektibo ng Implementasyon ng Online and Distance Learning (Odel) bilang Pamaraan ng Pagtuturo at Pagkatuto sa Ika-21 na Siglo sa Edukasyon ng New Normal.” Paraan sa Paglaganap ng Datos Ang pamamaraan sa paglaganap ng datos ay magsisimula sa paggawa ng talatanungan at sinusundan sa pagsasaayos ng instrumento para maiwasto ang mga katanungan at matiyak ang kaangkupan ng mga katanungan upang masagot ang mga problemang ninanais na lutasin. Personal na pinamahalaan ng mga mananaliksik ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok at pagbibigay ng mga katungan sa mga respondente upang makuha ang nararapat na tugon. Kinalap ang mga instrumento ng pananaliksik at inihambing ang mga sagot at binigyan ng kabuuhan. Balangkas ng Metodolohiya Naghanap ang mga mananaliksik ng mga respondenteng makakapagbigay ng napakalaking kontribusyon sa isinasagawang pag – aaral. Matapos ay ipinaliwanag sa mga napiling respondente ang kahalagahan ng pag – aaral at kung paano makikiayon sa hinihinging kasagutan. Ang mga mananaliksik ay kokolektahin ang data gamit ang surbey kwestyuneyr na kinakapalooban ng edad, kasarian, address, pinakamataas na edukadyong na – ateyn, gadgets na inaangkin at buwanang sweldo ng mga magulang. Matapos na masagutan ng mga respondente ang kwestyuneyr ay itatala, ineterpretahin at susuriin. Istatistikal Tritment Sa pagkuha ng porsyento, ang nakalap na bilang (N) sa bawat katumbas nitong pamimilian ay ididibayd ng kabuuang bilang ng respondente limampu (50) at pagkatapos ay imumultiplay sa 100 N/50x100= Katumbas na porsyento