HERMANA PENCHANG: ISANG MONOLOGO Ano ba itong si Huli! Dalaga na’t hindi pa rin saulo ang mga latin na dasal! Kaya na din napipi si Tandang Selo dahil hindi niya tinuruan ang kanyang anak na si Huli ng mga dasal. At yang kasintahan niyang si Basilio? Isa siyang demonyo na nag aanyong tao lamang upang ipahamak si Huli! Nang pumunta ako sa simbahan kanina, para nang parke ang paligid. Susmaryosep! Ang suot ng ilang kababaihan! Nakikita na ang kanilang mga kaluluwa! Hindi ba’t alam naman natin na isang sagradong lugar ang simbahan? Ngunit bakit marami pa din ang nagsusuot ng sleeveless at maiiksing palda at short sa loob ng simbahan? Hindi na sila nahiya sa Panginoon. Kanilang niyuyurakan ang mga sarili nila sa pagsuot ng mga ganitong damit. Ikaw! Oo, ikaw. Ikaw yung nakita ko kanina. Nakakadiri ka. Alam mo bang nakita din kita kanina? Kasama mo pa yung kasintahan mo. At talagang dun pa kayo naglalandian. Katulad lang siya ni Basilio. May kanya-kanyang demonyo sa kanilang mga sarili na handang sumira sa kaluluwa ng mga babae sa ano mang oras nila naisin. May ilang bata din na maiingay at nagsisitakbuhan pa. Hindi man lang nakikinig sa magulang Na panay ang sabi sa kanila na magsitigil na sila. Ang iba naman na magulang, konsintidor. Hinahayaan lang nila na kumain ang kanilang mga anak sa loob ng simbahan. Dapat ay habang bata pa ang kanilang mga anak ay tinuturuan na nila ito ng mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng simbahan dahil kung hindi ay kalalakihan na nila ito. Dapat ay saulo natin ang mga tugon sa simbahan, mga berso at mga awit. Kaya natin nararanasan ang mga sakuna na ating nararanasan ngayon — mga patayan, nakawan, agawan ng asawa, mga bagyo at lindol —i yan ay dahil hindi na tayo marunong mag dasal. Kungmarunong man ay hindi natin ito sinasa-puso. Siya nga pala saulo niyo na ba yung bagong dasal ngayon? Hindi? Ano ba naman yan! Ako din naman ay hindi pa iyon saulo. Pabago bago kasi. Naiba na siya sa nakasanayan ko. Matanda na rin ako at mapurol na ang aking memorya. O siya. Aalis na ako at magdarasal pa ako na sana’y ako’y manalo sa mahjong namin mamayakasama ang aking mga hypokritang mga kumare. Hahahaha pagpalain kayo ng Diyos.