Uploaded by Peter Bernaldez

Aralin 1 Ang Wika at Lipunan

advertisement
Angeline L. Berdera
BSED-Filipino 2
Aralin 1:
Ang Wika at Ang Lipunan
Pagsasanay: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
A.
1. Bakit madalas ay hindi natin napapansin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay?
- Para sa akin madalas hindi natin napapansin ang kahalagahan ng wika sa ating
buhay dahil ito ay pababago. Naiimpluwensyahan tayong mga Pilipino sa ibang wika na
mula sa ibang bansa. Ang halimbawa nito ay ang panonood ng pelikula na may iba’t ibang
lengguwaheng ginagamit kaya ito ay ginaya sa ibang tao. Dito natin mapapansin na ang
ating sariling wika ay hindi na natin napapansin. At maaring ang mga sinaunang kinagisnang
ginagamit na salita ay hindi na muli pang mgamit sa mga susunod ng panahon dahil
nahahaluan na ito ng iba pang wika o napapababaw na.
2. Sa paanong paraan napagbubuklod at napag-iisa ng wika ang isang lipunan?
-Napagbubuklod at napag-iisa ng wika ang isang lipunan sa pamamagitan ng wika
dahil ito ang nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan
sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay
lalong yumayabong. Ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang
sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan,
ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang
larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng
mga tao sa labas ng bansa. Kung wala ang wika, mahihirapan tayo kung ano ang
mensaheng gustong iparating sa ating kausap at hindi magkakaisa ang mga taong
naninirahan sa lipunan kung wala ang wika.
B.
Magbigay ng isang sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng wika sa lipunan.
-Ang guro ng sekondarya na si Gng. Allysa ay nagbibigay ng impormasyon sa
kanyang mag-aaral tungkol sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong ika 6
ng Agosto.
Download