[New School] Panitikan ng Pilipinas: Salamin ng isyu ng lipunan JUL 25, 2021 8:15 AM PHT JENNIFER LOMBOY New School features opinion pieces by young writers aged 19 and below, highlighting youth issues and perspectives. Maraming pangyayari sa Pilipinas ang nananatiling nakatago. Makikita na nakakubli sa bawat sulok ng ating bansa ang mga isyung panlipunan na nararapat lamang na pagtuunan ng pansin. May iba’t ibang boses ng paghihirap, paninikil, pagpatay, diskriminasyon, hustisya, korapsyon, pangangamkam, at iba pang uri ng pang-aabuso sa karapatang-pantao. Isa pa, malawak ang kabuuang sakop ng ating bansa, maraming tao ang walang sapat na kakayahan patungkol sa mga nangyayari sa lipunan. Dahil dito, malaki ang naging kontribusyon ng pag-aaral ng panitikan ng Pilipinas. Maituturing ito bilang bahagi ng yaman ng ating bansa. Isa sa mga instrumento upang maging mulat ang mga tao sa mga kasalukuyang nangyayari sa paligid. Hindi lang basta tinatawid ng panitikan ng Pilipinas ang kaisipan ng tao, tinutulungan din nitong maging malay sa kasalukuyang kaganapan ang mga mambabasa, na maaring maging daan sa mapagpalaya at makataong kaisipan. Inaangat o binibigyang-pansin ng panitikan ang mga kasariang nasa laylayan. Sa katunayan, wala namang mas mataas na uri ng kasarian, lahat ng ito ay pantay-pantay lamang. Ngunit, patriyarkal na lipunan ang Pilipinas. Inilahad ni Stearman (2004) sa kaniyang aklat na Modern World-Feminism na dominante ang kalalakihan sa ating lipunan, magmula sa pagkakaiba ng pisikal na anyo hanggang sa pagtingin sa iba’t ibang bagay. Mahalaga ang pag-aaral ng panitikan ng Pilipinas dahil dito nagkakaroon ng kalayaan ang mga awtor na alisin ang hindi pantay-pantay na pagtingin sa kasarian ng bawat tao. Ito ay nagsisilbing boses ng mga kasariang marhinalisado. Bilang suporta, ang mga mensahe ng ilan sa mga babasahin ay taliwas sa itinalagang pamantayan ng lipunan. Ito ay nagpapakita ng katapangan sa usaping isinasantabi ng iilan. Pagkat lalaki ka, Anak, Matuto kang umiyak. Mapait langgasin ng luha ang gunita O ang bagong sugat ng huling pagkadapa Subalit malinis at subok ang bias Ng luha sa pagtanggal ng mga mikrobyo Sa isip, puso at buong pagkatao. – Sipi mula sa “Pagkat Lalaki Ka” ni Michael Coroza Makikita sa bahagi ng tulang ito ang pag-alis sa nakasanayang pananaw ng lipunan; kung saan hindi nararapat umiyak ang mga kalalakihan. Kadalasang nagmumula pa ito sa pamilya na dapat ay bumubuo sa pagkatao ng isang bata. Maririnig sa ating mga magulang na kapag umiyak ang isang batang lalaki, may kasunod agad itong pagatake sa piniling kasarian ng iba. “Hindi umiiyak ang lalaki, bakla lang ang umiiyak, anak.” Dahil sa maling pagpapalaki, madadala ito ng isang bata hanggang sa siya ay tumanda. Kaya naman, karamihan sa mga lalaki ay takot magpakita ng emosyon. May batayan din pala ang pagiging isang lalaki? Sa totoo lang, walang masama sa pagpapakita ng emosyon, hindi ito maituturing na kahinaan dahil ang pag-iyak mismo ay nagpapakitang malakas ka. Ang mga lalaki ay tao rin naman, nananatiling bulag lamang ang lipunan sa dapat ay normal lang na katangian. Ang artikulo na binasa ko ay tungkol sa Panitikan ng Pilipinas: Salamin ng isyu ng lipunan. Ang mga isyung panlipunan na nararapat lamang na pagtuunan ng pansin. Tulad ng paghihirap, paninikil, pagpatay, diskriminasyon, hustisya, korapsyon, pangangamkam, at iba pang uri ng pang-aabuso sa karapatang-pantao. Na kaya bigyan natin ng pansin kasi malawak ang kabuuang sakop ng ating bansa, maraming tao ang walang sapat na kakayahan patungkol sa mga nangyayari sa lipunan. Dahil dito, malaki ang naging kontribusyon ng pag-aaral ng panitikan ng Pilipinas. Maituturing ito bilang bahagi ng yaman ng ating bansa. Hindi lang basta tinatawid ng panitikan ng Pilipinas ang kaisipan ng tao, tinutulungan din nitong maging malay sa kasalukuyang kaganapan ang mga mambabasa, na maaring maging daan sa mapagpalaya at makataong kaisipan. Habang binabasa ko ang artikulong ito, kailangan natin bigyang pansin ang mga kasarian dahil mahalagang pahalagahan natin ang bawat isa. Sa katunayan, walang mas mataas na uri ng kasarian, lahat tayo ay pantay-pantay lamang. Ngunit, ang Pilipinas ay isang patriarchal society. Nakasaad sa aklat ni Stearman (2004) ang Modern World-Feminism, na ang mga lalaki ay nangingibabaw sa ating lipunan, mula sa pagkakaiba ng pisikal na anyo hanggang sa pagtingin sa iba't ibang bagay. Kailangan nating pagaralan ang panitikan ng Pilipinas dahil dito may kalayaan ang mga may-akda na alisin ang hindi pantay na pagtingin sa kasarian ng bawat tao. Ito ang nagsisilbing boses ng lahat ng kasarian. Sa artikulo, habang nagbabasa sa tula ni Michael Coroza na nagsasabi tungkol sa pag-alis sa tradisyonal na pagtingin sa lipunan; kung saan hindi dapat umiyak ang mga lalaki. Na dapat nating tandaan na pwedeng pwede ang lalaki umiyak kasi tao naman sila. Kung umiyak ang lalaki mahina ba sya? Hindi, malakas siya. At sa tingin ko lahat ng lalaki ay dapat magpakita ng kanilang mga emosyon dahil iyon ang dapat na paraan upang ipakita ang kanilang tunay na sarili at damdamin. Bilang isang babae, sa tingin ko ay hindi mahina ang lalaking umiiyak; Sa tingin ko sila ay malakas at makapangyarihan sa pamamagitan ng kanilang mga iniisip at emosyon. Kaya tandaan na tayo ay pantay-pantay at iyon ang dahilan kung bakit mayroon tayong pagkakapantay-pantay ng kasarian.