TAYUTAY YUNIT II TAYUTAY • Ang tayutay ay tinatawag ding patalinghagang pagpapahayag. Sa pagtatayutay, sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang magawang higit na maganda at kaakitakit ang kanyang sinasabi. Ginagamitan ng talinghaga at dikaraniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang maging kawiliwiling pakinggan ang pagtayutay na pananalita. Unawaing Mabuti at basahin sa pagitan ng mga taludtod para mahiwatigan ang diwang di-tuwirang tinutukoy ng mga tayutay. MGA KARANIWANG URI NG TAYUTAY • 1. SIMILE O PAGTUTULAD Ito’y paghahambing ng dalawang magkaiba o di magkauring bagay, tao, kaisipan, pangyayari, atbp. sa hayagang pamamaraan. Makilala sa mga salitang naghahambing na ginagamit tulad ng parang, wangis, animo’y, gaya ng, mistula, tulad, unlaping ga at iba pa. Halimbawa ng Simile o Pagtutulad • • • • • Balahibuhing animo’y lobo ang mga braso niya’t binti. Parang pulburang madaling magsiklab ang guro. Mistulang Paraiso ang lugar na ito. Kawangis ni Rose ang isang talang nagniningning sa kalangitan. Ang buhay ay tulad ng larong dama – may mga urong at sulong, may mga hakbang ng dapat pakaingatan. 2. METAPORA O PAGWAWANGIS • Paghahambing din ito gaya ng pagtutulad, nagkakaiba na lamang sa hindi na paggamit ng mga salita o pariralang pantulad sapagkat direkta nang ipinaaangkin ang katangian ng tinutularan. Halimbawa ng Metapora o Pagwawangis • • • • • Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit. Minsan, lason ang sobrang pagmamahal. Cheetah kung humagibis sa takbo ang kaibigan ko. Bagyo ang dumadaan kapag nagagalit ang guro. May giyera sa bayan kapag nag-aaaway ang magkakapit-bahay. 3. Apostrope o Pagtawag • Isang anyo ito ng panawagan o pakiusap sa isang taong hindi kaharap, nasa malayo o kaya’y patay na o sa kaisipan at mga bagay na binibigyan – katauhan na parang kaharap na kinakausap. Halimbawa ng Apostrope o Pagtawag • Pag-asa, maawa kang huwag mo akong iiwan, mahabag ka sa kaluluwang nadidimlan. • • • • Ano ka ba, kabaitan? Ikaw ba’y isang pangalang walang kabuluhan? Maglalagablab ka o pag-asa, buhayin ang apoy na sa puso’y nagniningas. Tukso, iwan mo ako dahil gusto kong makalayo! Kaawa-awang luha, huwag kang papatak, kailangan ko’y lakas. 4. PAGTATANONG (Rhetorical Question) • Ito’y katanungang hindi na nangangailangan ng kasagutan dahil nasa mga pahayag na rin ang katugunan ng katanungan. Halimbawa ng Pagtatanong • Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pag-ibig sa tinubuang lupa? • Itinulad kita sa santang dinambana at sinamba Ano’t bumaba ka sa altar ng aking pagtitiwala? • Ano pang kahilingan ang hindi pa natin nahihiling sa Diyos? 5. PAG-UYAM O IRONYA • Sa pagpapahayag ng pagpuri ay may paglibak o pagtudyo. Nararamdaman ang tunay na kahulugan nito sa diin ng pagsasalita at bukas ng mukha ng nagsasabi. Halimbawa ng Pag-uyam o Ironya • Sa ganda ng pagkakaayos ay hindi na makita ang kariktan ng mga bulaklak. • Magaling magturo ang aking guro, ni isa ay walang pumasa sa asignatura niya. • Sa lambing ng pag-iibigan ay hindi nila ikinahiya sa harap ng maraming tao ang kanilang pagbabangayan. 6. PERSONIPIKASYON O PAGBIBIGAY-KATUHAN • Sa pagtatayutay na ito, ang mga walang buhay ay pinagtataglay ng katangiang pantao, sa pamamagitan ng mga salitang nagsasaad ng kilos. Halimbawa ng Personipikasyon • Mabagal ang lakad ng buwan sa langit habang sumisilip sa ulap. • Nagluluksa ang langit sa trahedyang nangyari sa bayan ng Marawi. • Ngumiti ang halaman sa pagdampi ng masamyong ihip ng hangin at pagsinag ng araw. 7. PAGLILIPAT-WIKA (Transferred Epithets) • Katulad ito ng pagbibigay-katauhan subalit sa tayutay na ito ay hindi lamang pandiwa ang nagbibigay – buhay kundi ginagamitan din ng pang-uri. Halimbawa ng Paglilipat-wika • Nagbunyag ng lihim ang tahimik na silid-aklatan. • Maaga pa lamang ay bukas na ang maingay na palengke. • Sumigla ang matamlay na halaman nang makita ang haring araw. • Sabik na akong makapiling muli ang mapagkandiling kama. 8. PAGPAPALIT-TAWAG O METONIMIYA • Pinapalitan ang katawagan ng ibang katawagan na may kaugnayan sa salitang pinapalitan. Halimbawa ng Pagpapalit-tawag • Matamang nakikinig ang bayan sa anumang anunsiyo ng palasyo. • Ang mabangis na leon ay naging maamong tuta sa panahong may kailangan siya. • Bantayan ang buhay mo dahil maraming ahas sa paligid ang naghahangad masira ang pagkatao mo. 9. PAGPAPALIT-SAKLAW O SENEKDOKE • Ito’y pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan para sa kabuuan o pagbanggit ng kabuuan para sa bahagi lamang. Halimbawa ng Pagpapalit-saklaw • Nasasabik na ang ina na muling marinig ang mga yabag ng kanyang mahal na anak. • Kung kalian magpapantay ang ating mga paa ay nananatiling hiwaga. • Nakapitong sako ng ani ang magsasaka nang dumating ang bagyo. 10. PAGMAMALABIS (Hyperbole) • Pinalalabis o maari ding pinakukulang sa tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari sa tayutay na ito. Halimbawa ng Pagmamalabis • Sa katahimikan ay dinig ang pagbubulungan ng mga langgam. • Nakababasag ng tainga ang boses ng magandang dalagang si Wanita. • Bumabaha ng ng dugo sa mahabang pag-ulan ng bala sa sagupaan.