Uploaded by Zyra Rose Leachon

mesoamerica-161017135016

advertisement
Mga Kabihasnang
Mesoamerica
Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga
sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula
naman ang mga mamayan sa Mesoamerica na magsasaka.
Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at
Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon naging
makapangyarihan ang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado.
Nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec, Inca (TimogAmerica), at naging katulad ng Kabihasnang Greece at Rome ang
pagiging maunlad at na nagtulak sa mga Kabihasnan ng Mesoamerica
at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo.
Malawak ang naging impluwensya ng Maya, Aztec at Inca kung kaya’t
itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.
KABIHASNANG MAYA
Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan
Peninsula, ang rehiyon sa Timog-Mexico hanggang
Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanag
lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun,
Uaxactun Tikal, El
Mirador at Copan. Nakamit ng mga Maya ang
rurok ng tagumpay ng kanyang kabihasnan sa
pagitan ng 300 CE at 700 CE.
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang
mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga
tinatawag na “halach uinic o “tunay na lalaki”, ang
pamayanang urban na sentro rin ng kanilang
pagsamba sa mga Diyos.
Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay
nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng
malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubigang mga
lungsod-estado ng Maya.
Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga
tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at
nakakariwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang “pyramid”,
na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos, at may
mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid.
Sa Larangan ng
Ekonomiya



Kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin,
tapa, pinatuyong isda, pulut-pukyutan, at balat ng hayop.
Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin, ang
pangunahing pananim nila ay ang mais, patani, kalabasa,
abokado, sili, pinya, papaya at cacao.
Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga
Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa
pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tulad ng ulan.



Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang
600 CE. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo CE , ang
ilang sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay
itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay
bumagsak.
Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa mga
sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala
pang lubusang makapgpaliwanag sa pagbagsak ng
Kabihasnang Mayan. Ayon sa dalubhasa, maaring ang
pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy
na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito.
Maari rin ang sanhi ng paghina nito ay ang pagbagsak ng
produksiyon ng pagkain na batay sa mga nahukay na labi
ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa nutrisyon. Ang
mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan
samantalang manipis ang mga buto nito.

Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang
kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan
pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna
at Copan. Sa paghina ng Chichen Itza at Uxmal,
namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong
Yucatan hanggang sa maganap ang isang pagaalsa noong 1450.
Ang Pyramid of Kukulcan
Mayan Calendar
Paglakas at Paghina ng Imperyo ng Mayan
Imperyong Mayan
Paglakas
Paghina
Pamahalaan at Relihiyon
Tapat
ang
mga
nasasakupan sa pinuno.
Siya ay namumuno sa
pamahalaan at relihiyon.
Napag-isa
ang
mga
mamamayan
dahil
sa
iisang paniniwala.
Palagiang
nakikidigma
ang
mga
pinuno
at
kaniyang
nasasakupan
upang makahuli ng mga
alipin
na
iaalay
sa
kanilang mga diyos.
Ekonomiya at Kabuhayan
May mahusay na sistema
ng
pagtatanim
na
nagdudulot ng sobrang
produkto.
Pagkawala ng sustansiya
ng lupa. Ang paglaki ng
populasyon ay nagdulot ng
suliranin sa suplay ng
pagkain.
Mga Lungsod-Estado
Mayayaman at maunlad Nagdulot ng kaguluhan at
ang mga lungsod-estado kahirapan ang madalas na
ng Maya.
digmaan sa pagitan ng
mga lungsod-estado.
 Ang pagbagsak ng mga lunsog-estado ng Kabihasnang
Mayan ay nagdulot ng paglaho ng kanilang kapangyarihan
sa Timog na bahagi ng Mesoamerica.
Sa panahong ito, nagsimulang umunlad ang maliliit na
pamayanan sa Mexico Valley. Ang mga mamayan dito ang
nagtatag ng isa sa unang imperyo sa Mesoamerica ----ang
Imperyong Aztec.
The END…
RICHARD MARK JOSHUA MERCADO
Download