Sa paglipas ng maraming taon, maraming pagbabago na ang kinaharap ng tao, partikular na sa pamamaraan sa buhay—ang kultura. K a a g a p a y n g p a g l a g o n g k u l t u r a a n g p a g - u s b o n g d i n n g w i k a n a sumasalamin sa pagkakakilanlan ng isang bansa. Pinagtitibay ng wika a n g k o n e k s i y o n n g b a w a t i s a p a g k a t i t o ’ y n a g s i s i l b i n g d a l u y a n n g komunikasyon. At dahil ang tao bilang nilalang na may intelektuwal nak a p a s i d a d , a y n a h a s a n g p a n a h o n s a m g a b a g a y - b a g a y n a m a y kinalaman sa wika, na marahil mas nakatulong sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Isang halimbawa nito ang pagkamulat sa mga iba’t-ibang salita. Ang salita sa pinaka-simpleng kahulugan ay tumutukoy sa yunit ng wikana binubuo ng mga pinagsama-samang letra o titik upang makabuo ng isang ideya. Ang hindi mabilang na dami ng mga salitang natutunan at matututunan pa ng tao ay patuloy na makapagiimpluwensiya sa iba’t-ibang larangan, lalo na ngayon sa tulong ng makabagong teknolohiya. Sa b i s a n g i b a ’ t - i b a n g m e d i a p l a t f o r m s mas napabibilis ang proseso sapalitan ng mga mensahe at impormasyon kung kaya’t naging kaakibat nito a n g p a t u l o y n a p a g - u s b o n g n g m g a b a g o n g s a l i t a n g i s i n a s a m b i t a t isinasabuhay ng nakararami sa pang-araw-araw. Ang pagtangkilik sa mga salitang ito ang nagbibigay-saysay sa Salita ng Taon. Ayon sa Filipinas Institute of Translation (FIT), ang NGO na nangunguna sa pagpili nito, ang Salita ng Taon ay maaring “bagong imbentong salita,” “bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika,” “lumang salita na may bagong kahulugan,” at “patay na salitang muling binuhay.” “Nadadagdagan ang mga salita dulot ng maraming elemento ng lipunan. Pinatutunayan nito na buhay ang wikang Filipino,” ayon kay Prof. Michael Coroza, isa sa mga opisyal ng FIT. Sinasalamin rin ng mga napiling Salita ng Taon ang mga kontrobersiya at iskandalo sa pulitika, mga bagong usong dala ng teknolohiya, pop culture, at mga usaping naging tatak ng nagdaang taon. Sa kabila ng pandemya, ang teknolohiya, partikular na ang mga plataporma ng social media, ang kalauna’y naging dahilan kung bakit patuloy na umuusbong ang mga salita na nagkaroon ng mga iba’t-ibang kahulugan. Napapabilis din ang pagkalat ng mga impormasyon at nabibigyan ng pagkakataon ang tao upang magbigay ng iba't-ibang opinyon o mga komento tungkol sa iba'tibang mga usapin. Samakatuwid, nakakulong man sa kani-kanilang mga tahanan ay hindi pa rin nawala ang tsismis. Kaakibat nito, dulot ng kulturang dala ng modernisasyon at teknolohiya ay umusbong ang salitang “Marites.” “Marites” ang makabagong bansag sa mga tsismosa ay isa sa pinaka ginagamit na salita ngayong taon. Ang “Marites” ay salitang pinaiksi ng “Mare ano ang latest?”. Ang isyu tungkol sa mga Marites ay nangunguna na sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Kaya naman, kailangan nang harapin at talakayin kung ano nga ba kahalagahan nito sa mga Pilipino at sa wikang Filipino. Napakakontrobersyal at impluwensyal ng salitang ito dahil maaari itong magkaroon ng maganda o masamang kahulugan para sa mga gustong gumamit nito. Batay sa mga datos na nakuha, nahinuha ng mga mananaliksik na ang salitang Marites ay kilala bilang mga tao na nag-aabang at nagpapalaganap ng mga impormasyon naminsan ay may mabuting naidudulot gaya na lamang ng paghahatid ng mabilis at makabuluhang impormasyon. Dahil sa kanila, napapabilis ang pagkalat ng impormasyon na maaaring magamit ng kanilang kapwa lalo na sa gitna ng pandemya. Ngunit sa kabilang banda, minsan ang mga impormasyon na kanilang pinag-uusapan o hinahatid ay hindi totoo. Ito ay nagdudulot ng mga walang saysay na usapan na nakapokus sa mga kahinaan, kabiguan, o kasawian ng isang tao. Samakatuwid, para sa mga Pilipino, ang salitang Marites ay ginagamit bilang libangan at pampalipas oras lamang o kaya naman upang ilarawan ang mga tsismosa na salot sa lipunan. Nandyan rin ang mga tinatawag na “conyo language” na ginagamit ng mga millenials o gen-Z partikular sa mga syudad sa mga bagong salitang ginagamit ngayong taon. Ang CARPS na mula sa salitang carpet na may kasingkahulugang rug sa salitang Ingles o R U G (Are you game?). Halimbawa ng salita ay “bro are you carps?”. SALT na sa Filipino ay asin o As in ,“Ang init naman dito sa pilipinas! Salt pare”. ANUNA na mula sa salitang “ano na” pero slang type, “Anuna? Sasama ka?”. Ang salitang STARBS o Starbucks na kape o sa Ingles coffee na katunog ng copy “Pwede starbs ko homework mo?”. DEINS na Filipino slang ng salitang "hindi naman" o “hindi”, “Deins ako sasama”. SAGS mula sa salitang saging -> peel it (balatan mo)= PILIT, “Sags yung tawa mo” o pilit yung tawa mo. PICS o pictures na may kasingkahulugang image na nag shortcut ay I M G (I am game), “carps ka ba? Pics ako”. TIMBS o timba na sa Ingles ay bucket na katunog ng bakit?, “Timbs mo kinuha homework ko?”. Ngunit ang taglish o conyo na pinag samang wika ng Ingles at Filipino sa pagasasalita ay isang kahihiyan para satin dahil di man’ lang natin matapos ang ating pangungusap gamit ang ating sariling wika. Ang pag gamit ng taglish ay isang pahiwatig na hindinatin alam ang sarili nating wika ayon kay Francis Co (2021). Dapat natin iwasan ang pag gamit ng taglish o conyo dahil nagiging sanhi ito ng di pagkakaintindihan ng nagsasalita at nakikinig. Ayon (Kanclayf) sa k a n y a n g pag-aaral, ang pagsalita ng taglish ay nagiging sanhi ng “language b a r r i e r ” . Nagkakaroon tayo ng limitasyon o pagkukulang na bokabularyo sa dalawang wika at nagiging sanhi ito ng language barrier. Hindi naman masama ang pagsasalita or pag gamit ng Ingles. Kailangan natin matutunan ang wikang Ingles upang tayo ay makapag komunika pag tayo aynasa labas ng bansa. Pero iba ang conyo, dahil nababago ang ibig sabihin at nawawala ang diwa ng ating wika. Ugaliin natin na gumamit ng isang wika. Pag nag salita tayo ng Filipino, tapusin natin ito ng Filipino dahil ito ay maaaring maging repleksyon kung anong klaseng mamamayan tayo. Ang mga namamayaning mga salitang ito ay magsisilbing indikasyon na patuloy na umuusbong at umuunlad ang ating wikang pambansa. Mag-iiwan ito ng bakas na sa bawat henerasyon, may mga salita na mabubuo at maaraming maging salamin sa realidad.