Panukala sa Pagpapagawa ng Health Center Para sa Barangay Upper Irasan Mula kay: Michelle Murro Montillana Purok Humay, Barangay Upper Irasan, President Manuel A. Roxas, Zamboanga del Norte Ika – 27 ng Oktobre 2017 Haba ng Panahong Gugugulin: 4 na buwan, 3 linggo at 3 araw I. Pagpapahayag ng Suliranin Isa ang barangay Upper Irasan sa mga barangay na nakapaloob sa lalawigan ng President Manuel A. Roxas. Ito ay binubuo ng humigit kumulang 105 na pamilya at 45% mula sa kabuuang bilang nito ay mga bata na nasa edad 1 hanggang 17 taong gulang at 10% naman sa kabuuang bilang nito ay mga buntis at mga bagong kasisilang na sanggol. Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng Barangay Upper Irasan ay ang mga hindi mapipigilan at hindi maiiwasang natural na sakit ng pabago- bagong panahon gaya lagnat, ubo, sipon at maging trangkaso. Nararanasan din nd mga mamayan ng Barangay Upper Irasan ang pagkabahala sapagkat malayo ang Health Center na siyang pagpapacheck-upan at pagapatinginan ng mga mamamayan lalong- lalo na ang mga kabataang nagkakasakit at mga buntis, nahihirapan na din ang mga mamayan dahil sa dagdag gastos sa pamasahe dahil sa malayong lokasyon ng Health Center. Dahil dito mas mainam na makapagpatayo at makagawa ng Health Center sa Barangay Upper Irasan. Kung ito’y mapapatayo tiyak na mas madali na para sa mga mamamayan ang pagpapagamot at pagpapatingin sa Health Center at bawas na din sa dagdag gastos sa pamasahe ng mga mamamayan. Higit sa lahat kailangang mapatayo at mapagawa anng proyektong ito sa mas lalong madaling panahon upang matiyak ang magandang kalusugan at katawan ng mga mamamayan sa at kaligtasan ng mga kabataan sa Barangay Upper Irasan. II. Layunin Makapagpagawa ng Health Center na na makatutulong para matiyak ang kalusugan at kapakanan maging ang kaligtasan ng mga mamamayan sa ano mang sakuna at sakit. At pati narin ang mas pagpapadali ng pagpapacheck- up at pagpapatingin ng mga mamaymayan sa Barangay Upper Irasan. III. Plano na Dapat Gawin 1. Pagpapasa, paghahanda, paglalabas ng budyet at maging pag- aaproba. - (1 linggo) 2. Pagbibidding na gagawin sa mga kontaktor at magongontrata sa paggawa ng Health Center. - (2 linngo) Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani- kanilang tawad para sa pagpapatayo ng Health Center kasama ang gagamiting plano para rito. 3. Pagsasagawa ng pagpupulong ng onseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa at magpapatayo ng Health Center. - (2 araw) Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontaktor par asa kabatiran ng nakakarami. 4. pagsasagawa at pagpapatayo ng Health Center sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Upper Irasan. - (4 na buwan) 5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng Health Center. - (1 araw) IV. Badyet Mga Gastusin I. Presyo o halaga ng pagpapagawa ng Health Center batay sa isinumite ng napiling kontraktor (kalakip na rito ang sweldo ng mga trabahador at ang lahat ng mga kontraktor) II. Halaga ng mga gastusin sa pagbabawas at pagpapasinaya nito. Kabuuang Halaga Halaga Php. 4,980,000.00 Php. 20, 000.00 Php. 5,000,000.00 V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito Ang pagpapagawa at pagpapatayo Health Center ay magiging malaking tulong at pakinabang ng mga mamamayan sa Ba