Posisyong Papel Ang Pananaw at Layunin ng Korporasyon sa Usapin ng Pagmimina sa Pilipinas Mayo 2017 Introduksyon Detalyadong ipinapahayag sa posisyong papel na ito ang mga pananaw at layunin ng organisasyon tungkol sa corporate social responsibility para sa usapin ng pagmimina sa bansa, kabilang na ang mga aksyong dapat bigyang-pansin upang makamtan ang layunin at pananaw na ito. Nagbibigay-daan ang papel na ito para sa upang makapagpahayag at mabigyan ng puna sa posisyon nito para sa nasabing adbokasiya. Kabilang ang papel na ito sa ilang posisyong papel na hinanda ng lupon ng kumpanya. Ang mga ito ay tinipon at binuo upang malaman ang mga napagkasunduang dapat bigyan ng pansin pati na rin ang mga pagkakaiba ng ilang mga argumento ng mga posisyong ito. Naihambing rin ang papel na ito sa , na nilimbag noong . Makakatulong ang nasabing rebyu upang mabigyang prayoridad ang iba’t ibang pagkakasundo sa usaping ito. Posisyon Taong 1995, nabagabag ang reputasyon ng Marcopper, isang kumpanyang taga-Canada na kilala sa kanilang tanso, nang naganap ang isa sa pinakamatinding sakuna ng pagmimina sa PIlipinas. Dahil sa kakulangan ng responsibilidad habang nangunguha ng tanso sa Marinduque na nakita sa iniwan nilang kemikal na basura, nagbunga ang pagbaha ng ilang pook sa ilog ng Makulapnit-Boac, paglikas ng halos dalawampung pamayanan, at pagkamatay ng mga halaman at hayop. Namatay naman ang tig-tatlong minero sa Semirara sa Antique at sa Monkayo sa Lambak Compostela dahil din sa kakulangan ng kaligtasan ng mga lugar na dapat pangunahan ng gobyerno. At noong 2012, may Talamak ang mga nangyayaring sakuna sa ating daigdig, at ang mga ito ay kadalasang dulot ng pagpapabaya ng mga tao, partikular na ang mga korporasyong kinikilala ngayon sa walang katapusang pagpapayaman at pagpapaunlad nang hindi nalalaman ang bunga ng kanilang mga kilos. Dahil dito, napapatunayan ang kahalagahan ng pagtulong ng mga kumpanyang ito sa pagtanaw ng utang na loob sa kapaligiran para sa mga likas-yaman na napapakinabangan nila dito. Upang masiguro na makakatulong ang pribadong sektor sa adbokasiya ng pangangalaga sa kapaligiran, kinakailangan ang suporta ng pamahalaan sa pagpapatupad nila ng mga batas upang mapanatili ang magandang kalagayan ng mga anyong-lupa na pinagkukuhanan nito. Sa tulong ng isang maayos na sistema, mapapatunayan na hindi kailangang ipawalang-bisa ang pagmimina sa bansa kung ito ay isinasagawa alinsunod sa protokol. Maraming salik ang binigyang-pansin sa usapin ng responsibilidad ng mga korporasyon. Isa na dito ang argumento ng mga kumpanyang nasira ang imahe sapagkat kanilang ipinipilit na ang mga hindi kanais-nais na pangyayari ay dulot ng hindi inaasahang sanhi o kalamidad katulad ng mga bagyong napag-aalamang pangunahing dahilan sa pagkamatay ng mga apektado sa insidente, na idinadahilan sa force majeure. Kahit na may katotohanan sa pinaglalaban nito, kailangan pa rin na alam ng isang organisasyon ang mga disabentaheng maaring matamo ng kalikasan at ng mga tao kapag ipinagpatuloy nila ang kanilang mga operasyon. Isa pang salik na dapat isaalang-alang ay ang kalinisan ng tubig na gagamitin ng mga mamamayan sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Sinasabi na ang corporate mining o ang pagkita ng tao mula sa likas na mineral ng isang bansa ay hindi makatwiran, sapagkat hindi naman ito nakakatulong sa pagsagupa sa matinding kahirapan na mayroon sa ating bansa ngayon. Ngunit para naman sa pinuno ng DENR na si Roy Cimatu, posible ang pagkakaroon ng balanse sa pakikinabang sa minahan at pangangalaga sa kabundukan. Kung ang konseptong ito ay naging posible sa ibang lugar dahil sa kagalingan ng mga istratehiya natin, mangyayari rin ito sa Pilipinas sa kabila ng iba’t ibang kundisyong bumabalakid dito. Isa pang dahilan na dapat nating tandaan hindi ang pagkuha ng ginto, pilak, o kung ano pang mineral ang nagiging dahilan ng ating kahirapan, kundi ang hindi wastong paggamit sa gintong ginagawa nating salapi. Ang pagmimina ay nagbibigay-daan para sa paghahanapbuhay, at dahilan ng ating pagkalugmok sa ekonomiya ang kabi-kabilang scam sa pamahalaan, kung saan nagagamit ang mga ibinabayad natin sa buwis para sa pansariling interes ng mga nasa posisyon ng serbisyong pampubliko. Isa pang salik na dapat nating pagtuunan ng pansin pagdating sa kahirapan ay ang takbo ng lipunan natin ngayon kung saan nagtutulungan ang mga kapitalista na umikot ang pera sa kanilang mga kamay, at hindi man lang ito mapakinabangan ng mga nasa laylayan. Bukod pa dito, unti-unti pa lang nating niyayakap ang pagbabago papunta sa renewable energy, malaking tulong pa rin sa ating panahon ang nonrenewable energy na dapat lang matutunang tipirin nang husto. Kung kaya, ginagabayan tayo ng Philippine Mining Act of 1995, kasama na ng ilang reporma nito sa mga nagdaang administrasyon. Bukod pa dito, bilang sagot sa suliranin ng pagmimina sa bansa, kinakailangang igalang ng pribadong sektor ang lupain na sa ilang pagkakataon ay pagmamay-ari ng mga tribo at maliliit na grupo, pati na ang karapatan nila upang pagpaalaman sa mangyayring operasyon sa kanilang pook. Isa pang rekomendasyon ay ang pagkilala rin sa small-scale mining na maaring bigyan ng limitasyon ng DENR upang masigurong makapakinabang din ang mga tribo nang hindi nag-aalala tungkol sa kalagayan ng kanilang pangangatawan. Para naman sa malalaking korporasyon, kinakailangang tanggapin lamang ang kanilang operasyon kung masisiguro nitong makakatulong siya sa paglago ng pambansang ekonomiya. Kung sakaling hindi sila sumunod sa protokol, kinakailangan nilang magbayad ng mataas na halaga. UNANG PANGKAT (11ABM-20) Abanador, Chloie U. Alvarez, Jarissa Mae M. Anenias, Ivan Luigi E. Bacat, John Leedhol A. Balatbat, Patricia L. Bermas, Nica Vernice P.