Uploaded by Czarina Ibanez

toaz.info-esp-9-2nd-quarter-exam-pr 615e6874e740faa9d5b88ea6d6ed8e3b

advertisement
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot
at bilugan ito.
1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?
a. Karapatan
c. Kalayaan
b. Isip at kilos-loob
d. Dignidad
2. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas
ang antas ng pamumuhay?
a. Karapatan sa buhay
c. Karapatang maghanapbuhay
b. Karapatan sa pribadong ari-arian
d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
3. Ang mga karapatan ay:
a. Ang mga bagay na dapat gampanan ng bawat nilalang.
b. Ang mga bagay na nararapat sa bawat nilalang.
c. Mga dapat gampanan na tungkulin.
d. Mga pangangailangan ng iilan.
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama tungkol sa pananagutan o tungkulin?
a. Maaaring magbigay ng kaligayahan kung maisasagawa mo nang maayos ang paggawa ng mabuti sa kapwa.
b. Ang bawat karapatan na tinatamasa mo bilang tao sa lipunan ay may katumbas na tungkulin.
c. Ito ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.
d. Lahat ng nabanggit
5. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay
na kailangan niya sa buhay.
b. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan.
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
6. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa
sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
7. Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?
Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay nanilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma.
Namumuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing matanggap niya
ang kaniyang pensiyon mula sa Social Security, naglalakad siya ng higit sa isang milya upang ibigay niya
ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan (tithing). -Kier Mich, 2012, ph. 145-146
a. Karapatan sa pribadong ari-arian
b. Karapatan sa buhay
c. Karapatang gumala sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay
8. Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris) ang ipinakita
ng tauhan?
Itinakas ni Josue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece
upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.
a. Karapatang mabuhay
b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
c. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
d. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
9. Ano ang pinakamainam na gawin upang maipakita ang iyong karapatan?
a. Mananahimik na lang ako parang walang gulo.
b. Ipagtatanggol ko ang aking dignidad sa mga taong naninira
c. Sisiraan ko rin ang mga taong naninira sa akin
d. Kukomprontahin ko ang mga taong naninira.
10. Hindi ka nakalahok sa Brigada Eskwela ng inyong paaralan dahil inalagaan mo ang iyong bunsong
kapatid na maysakit ngunit ikaw ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na
paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang iyong ipinakita?
a. Impormasyon
c. Sama-samang Pagkilos
b. Konsultasyon
d. Pagsuporta
11. Ano ang buod ng talata?
Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakato upang matupad din ng pamayanan,
pamahalaan, o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap
isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga
obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.
a. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
b. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito
sa tao.
c. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad ng tungkulin.
d. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibidwal ang sarili.
12. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?
Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
Pag-iwas sa eskandalo
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay
13. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
a. Iniiwasan ni Mila na kumain ng karne at matatamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
c. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulas ng car racing.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batangkalye.
14. Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?
a. Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino
c. Mula sa kaisipan ng mga pilosopo
b. Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao.
d. Mula sa Diyos
15. Lahat ng batas ay para sa ___________________?
a. Awtoridad
c. Hayop
b. Tao
d. Halaman
16. Ang Likas na Batas Moral ay hindi ________________. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano ang
gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao.
a. Kompyuter
c. Instruction manual
b. Remote control
d. GPS
17. Ang kaisa-isang batas na sinasang-ayunang ng lahat ay______________
a. Maging Makatao
c. Maging Maka-hayop
b. Maging Makamasa
d. Maging Maka-bansa
18. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat
mamamayan?
a. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga
mamamayan.
b. Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas.
c. Sa pamamagitan ng pagtayo ng maraming imprastraktura sensyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
d. Sa pamamagitan ng pagtatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat
mamamayan.
19. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
a. Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon
b. Nag-iiba ang likas na batas moral batay sa kultura at kinagisnan.
c. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat.
d. Maraming anyo ang likas na batas moral.
20. Ang tama ay pagsunod sa mabuti, ito ay totoo dahil __________________.
a. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon. c. Angkop sa pangangailangan at kakayahan
b. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.
d. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang.
21. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
a. Ito ay ayon sa mabuti.
c. Makapagpapabuti sa tao.
b. Walang nasasaktan
d. Magdudulot ito ng kasiyahan
22. Paano mo maisasabuhay ang pagiging makatao?
a. May pagmamahal sa ari-arian ng pamilya
c. Pagiging matulungin sa kapwa
b. Pagkampi sa kaibigan kahit mali
d. Magbigay oras sa sarili
23. Halimbawang ikaw ay isa nang ganap na doctor, ano ang tamang gawin ayon sa
prinsipyong “First Do No Harm”?
a. Gawin lagi ang tama
b. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.
c. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba.
d. Ingatan na huwag saktan ang tao.
24. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa sumusunod
ang tunay na diwa nito, maliban sa isa.
a. Protektahan ang mamamayan at may kapangyarihan.
b. Ingatan ang interes ng marami.
c. Itaguyod ang karapatang-pantao.
d. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.
25. Sa paanong paraan natutuhan ang Likas na Batas Moral?
a. Mula sa nakikita sa mga kaibigan
c. Naiisip na lamang.
b. Itinuro ng bawat magulang
d. Mula sa ibinubulong ng konsensiya
26. Ano ang mabubuo mong konsepto mula sa talata?
Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan, sa
bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura- ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang
karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang
karapatang personal, ay hindi maipagmaipagtatanggol nang may mataas na antas na determinasyon.
-(Pacem in Terris)
a. Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.
b. Isang panloloko at paglabag sa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa aborsyon.
c. Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas at plano na nagtataguyod ng
paglabag sa karapatan sa buhay.
d. Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.
27. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa.
a. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa.
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa.
d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain.
28. Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng
mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
29. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
30. Sa pamamagitan ng paggawa, nakakamit ng tao ang sumusunod maliban sa isa.
a. Nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan
b. Napatataas ang tiwala sa sarili.
c. Napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain.
d. Nalilimutan ang oras sa pamilya dahil abala sa paggawa
31. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi ng kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang
pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama?
a. Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
b. Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Hindi nararapat nap era ang maging layunin sa paggawa.
d. Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang sarili.
32. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na
kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.
d. Lahat ng nabanggit
33. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang
paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
b. Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang
mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya
ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapuwa.
d. Kapuwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya
ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
34. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na
kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.
d. Lahat ng nabanggit
35. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa. Alin ang hindi mo dapat
isagawa?
a. Ang paggawa para sa aking kapuwa at kasama ang aking kapuwa.
b. Ang paggawa ko ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ko nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot ko sa aking kapuwa.
d. Ang paggawa ko ay pagpakilala ng kagalingan ko sa pag likha.
36. Paano ka makatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng paggawa?
a. Gimawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at lapatan ng modernong disenyo.
b. Gumawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit
ng mga banyaga.
c. Mag-export ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.
d. Gumawa ng mga pelikula tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na ilalahok sa mga timpalak sa
buong mundo.
37. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao gawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
38. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.
a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kaniyang komunidad dahil sa kaniyang pulidong
trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng
mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para
sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang
siya sa kaunting barya na ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang maipambaon sa paaralan dahil gusto
niyang makatapos.
d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na
siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon siyang naiwang utang at hindi nabayaran.
Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon.
39. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng
kaniyang kapuwa?
a. Bolunterismo
c. Pakikilahok
b. Dignidad
d. Pananagutan
40 Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikalahok?
a. Pananagutan
c. Dignidad
b. Tungkulin
d. Karapatan
.
41. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
b. Mas higit niyang nakilala ang kaniyang sarili.
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
42. Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
a. Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat.
b. Isang malayang pagpili. Hindi maaaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa ito.
c. Maaaring tawaging bayanihan, damayaan, o kawanggawa
d.Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa.
43. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng kapuwa.
b. Upang magampanan ang mga Gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahann na makatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.
44. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan.
Ang pahayag na ito ay:
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
b. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
c. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa
pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon.
d. Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
45. Ano ang makakamit ng lipunan kung ikaw at ang bawat isa ay magsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo?
a. Pagkakaisa
c. Pag-unlad
b. Kabutihang Panlahat
d. Pagtataguyod ng Pananagutan
46. Ano-ano ang dapat makita sa iyo bilang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagmamahal, Talento, at Kayamanan
c. Talento, Panahon, at Pagkakaisa
b. Panahon, Talento, at Kayamanan
d. Kayamanan, Talento, at Bayanihan
47. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga sapagkat
a. Maisasakatuparan ang isang Gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
b. Magagampanan ang mga Gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
c. Maibabahagi ang sarling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Lahat ng nabanggit
48. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hanggat kaya mo at
mayroon kang kayang Gawain para sa ikabubuti ng iyong lipunan.
a. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilika ayon sa wangis ng Diyos.
b. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibong kasapi nito at ginagawa niya ito bilang
pampalipas-oras.
c. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kaniyang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang
ginagawa.
d. Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroon silang hinihintay na kapalit.
49. Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
a. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aral sa kanilang lugar
upang matutong bumasa at sumulat.
b. Si Jerick ay pumupunta sa bahay-ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
c. Tuwing eleksiyon ay sinisiguro ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang karapat-dapat na mamuno.
d. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang makiisa sa layunin nitong
mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.
50. Ano ang mabubuo mong konsepto mula sa larawan?
a. Bolunterismo
b. Paggawa
c. Karapatan
d. Dignidad
Download