Republic of the Philippines UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM Morong, Rizal GRADUATE SCHOOL Ipinasa ni: Twinkle L. Dela Cruz Ipinasa kay: Sir. Arnel P. Bias Subject: FIL 205 Program: MAT - Filipino ________________________________________________________________ Activity 1 : Thumbs Up! Thumbs Down! (Repleksyong Papel) “ TRADISYON NG PAGSASALIN “Language is only a tool “,karamihan sa mga hapon ay naniniwala sa kasabihan na ito na kung saan ang wika ang pangunahing instrumento sa pakikipagugnayan, dahil dito mas binigyang pansin ng bansang Japan ang pagpapahalaga sa sariling wika at kultura sa pamamagitan ng ilang batas na nagpapaunlad at nagpapatibay dito. Tulad na lamang sa artikulong Tradisyon ng Pagsasalin sa Japan na makikita ang pagbibigay pansin sa sariling kultura sa kabila ng pagsasalin na isinagawa gamit ang iba’t ibang wika. Ayon sa artikulong Tradisyon ng pagsasalin sa Japan malinaw na naipakita ang programa ng pagsasalin sa bansang Japan tulad na lamang ng pakikiipagugnayan at pag-aangkat sa iba’t ibang bansa na may kinalaman sa pilosopiya, histograpiya ,agham , teknolohiya, kultura at iba pa. Ilan sa mga bansang kanilang binigyang pansin ukol sa mga nasabing pag-aangkat ay ang Tsina , India , at ilang mga bansa sa gitnang silangan at kanluranin. Tulad ng nabanggit , ilan sa mga programa na pinapairal ng bansang Japan ay ang modernisasyon at istandardisasyon. Bilang pagbibigay pansin at hakbangin sa modernisasyon, ipinapadala ang mga delagado at mga magaaral sa mga bansang kanluranin upang magsawagawa ng mga pagsasalin sa wikang kanluranin. Sa Japan ang modernisasyon ay ang pagkuha ng bagong kaalaman tulad ng mga salitang teknikal o abstrak . Makikita na ang mga hapon ay tunay na pinapahalagahan ang kanilang pag-aaral sa pagsasalin, kaya naman mapapansin na binibigyang prayoridad talaga nila ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman. Ang pagsasalin ng bansang Japan gamit ang iba’t ibang wikain ay naging daan upang mapagyaman ang kanilang bokabularyo. Nabanggit din ang istandardisasyon upang mas maging madali at umangat ang komunikasyon ng bawat isa. Ang mga programang ito ay higit na makatutulong sa ating bansang Pilipinas upang lumalim ang ating kaalaman at kasanayan sa pagsasalin gayundin upang palawakin ang ating kaisipan hingil sa mga literatura at kultura ng ibang bansa . Malaking bagay ang pagkakaroon ng ugnayan sa mga bansa tulad ng mga kanluranin upang maging isang mahusay at epektibong tagapagsalin sa iba’t ibang larangan. Makatutulong ang modernisasyon ito sa Pilipinas upang mamulat at makilala natin kung paano ang pinangalagaan , pinahalagahan at pinaunlad ang tanging yaman na mayroon ang kanilang bansa tulad ng literatura , kultura , agham at iba pa. Ito ang magsisilbing paghahanda ng bansa sa pangangalaga ng ating nakagisnan na literatura , kultura at iba pa. Napakadaming aspeto ang binigyang pansin sa artikulo na ito. Una , ang modernisasyon ay nagbukas ng pinto sa bansang Japan upang makilala ang mga akdang pangkasaysayan , aspetong panlipunan at iba pa na matutunghayan sa bawat bansa. Pangalawa, ang pagsasalin sa iba’t ibang wika tulad na lamang ng ginagawa ng bansang Japan ay higit na makatutulong upang mapagyaman ang kanilang kaalaman sa pagsasalin ng ibang wika na tungo sa pagkakaroon ng kontribusyon sa modernisasyon . Pangatlo , malaki ang naging impluwensya ng iba’t ibang bansa sa pagpalalawak ng pagsasalin ng bansang Japan. Pang-apat , sa kabila ng pagsasalin sa iba’t ibang wika , nabanggit na hindi nakalimutan ng bansang Japan ang pangangalaga sa kanilang kultura bagkus ay mas lalong pinaigting ang pagmamahal at pangangalaga dito kahit na may pagbabagong naganap dahil nahaluan ng kulturang banyaga ay hindi ito naging banta. Bilang isang guro, ang isa sa suliranin kinakaharap ng mga mag-aaral ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng kaalaman pagdating sa talasalitaan o bokabularyong tulad ng Filipino. Isa sa dapat taglayin ng isang tagapagsalin ay ang pagkakaroon ng lubos na kaalaman sa dalawang wikang gagamitin at kabilang dito ang wikang Filipino, kung ang isang mag-aaral ay hindi nagtataglay nito , isa ito sa mga maaaring maging balakid upang hindi maging epektibo ang kanyang sulatin na isinasalin. Kaya naman upang matugunan ito ay maaring bumuo ng isang biswal na kagamitan. Ang pagbuo ng mga guro ng biswal na kagamitan na nakasulat sa dalawang wika tulad ng komiks ay makatutulong upang mas mahikayat ang mga mag-aaral na magbasa na maaring magamit sa pagpapayabong ng kanilang kaalaman sa dalawang wika. Bukod dito ay magkaroon ng mga pagsasanay na hahamon sa kanilang isipan at kakayahan sa pagsasalin tulad ng mga larong may kinalaman sa mga salita gamit ang wikang Filipino. Activity 2 : Isalin sa Filipino ang mga sumusunod na pahayag Sisimulan ko sa ilang mga personal na bagay. Kung ikaw ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na magbasa sa kabila ng kasagsagan ng usapin sa paggamit ng Filipinas bilang pangalan ng bansa, Sumulat ako ng isang pyesa na may pinamagatang “ The Myth of the Filipino Language”. Bakit ang salitang Filipino sa pamagat ay naglalaman ng panipi? Dahil gusto kong bigyang diin na hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang ang Filipino bilang isang wika. Kapag tinanong mo ang mga karaniwang guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino ukol sa pagkakaiba ng “Filipino” at “Pilipino “ay hindi maiiwasang makakakuha ka ng iba’t ibang mga kasagutan. Mga kasagutan na ibinatay sa kanilang sariling palagay dahil walang sulatin ang siyang nagpapaliwanag kung ano ang Filipino, bilang isang pambansang wika.