LAWAK NG PAGPAPAHALAGA NG MGA ESTUDYANTE SA ASIGNATURANG FILIPINO KAUGNAY NG KANILANGAKADEMIK PERFORMANS ISANG TESIS Iniharap sa Lupon ng Paaralang Graduwado ng Unibersidad ng Foundation Siyudad ng Dumaguete Bilang bahagi ng Gawaing kailangan sa Pagtatamo ng Titulong MASTER OF ARTS IN EDUCATION MAJOR IN FILIPINO ni FELIPE B. SULLERA, JR. MARSO 2015 BUOD PamagatngPag-aaral: Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino Kaugnay ng Kanilang Akademik Performans May-akda: Felipe B. Sullera Jr. Titulo: Master of Arts in Education Major in Filipino Paaralan: Unibersidad ng Foundation Taon ng Pagtatapos: Marso 2015 Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang lawak ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino kaugnay ng kanilang akademik performans. Nakaangkla ang pag-aaral na ito sa Teoryang Connectionism ni Edward Lee Throndike at Operant Conditioning ni Skinner. Sakop nito ang Pinal na performans ng mga estudyante sa asignaturang Filipino. Ang mga respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyante ng nakakuhang Filipino11/21 sa unang termino ng Unang Semester ng Akademikong Taon 20142015. Ang isatadistikang ginamit sapag-aaral ay Porsyento, Weighted Mean at Pearson Moment Coefficient of Correlation. Mas marami ang respondenteng babae na kumukuha ng asignaturang Filipino11/21 sa Unang Termino kaysa sa mga lalaki. Karamihan sa mga respondente ay nagmula sa Kolehiyong Negosyo at Pamamahala (CBA) at Kolehiyong Edukasyon (CE). Karamihan sa mga respondente ay pumili ng Ingles bilang pangunahing paborito nilang asignatura. “Pocket Book” na Filipino ang higit na kinagigiliwang babasahin ng mga estudyante. Natuklasan na maataas ang antas ng kawilihan ng mga respondent sa asignaturang Filipino. Nagpapakita lamang na nagkaroon ng interes ang mga estudyante sa asignatura dahil sa pagkakaroon ng isang magandang interaksyon gamit ang iba’t ibang mga gawaing inihanda ng guro ngunit hindi nila masyadong itinuturing na paborito ang asignaturang Filipino. Malawak ang pagpapahalaga ng mga respondent sa asignaturang Filipino dahil nagganyak sila sa kaaya-ayangkatauhanngkanilangguroat gusto rin nilang makakuhang malaking marka. Napakalawak din ang pagpapahalaga ng mga respondent sa paggamit ng wikang Filipino at ang paggawa ng mga kursong pangangailangan sa Filipino. Natuklasan din nakaramihan sa mgar espondente ay nakakuha ng marka na nasa pagitan ng 90-92 o magaling, at isa lamang sa kanilaang nakakuha ng markang 99-100 o natatangi (exceptional). Natuklasan na mababa ang lawak ng kaugnayan sa pagitan ng profayl ng mga respondente at ang kanilang lawak ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino. Sa kabuuan, may katamtamang kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondent sa asignaturang Filipino at ang kanilang marka o akademik performans. PASASALAMAT Ang mananaliksik ay nagpahatid ng kanyang malaki at taos-pusong pasasalamat sa mga taong may malaking naitulong sa tagumpay ng pag-aaral na ito: Bb. Cristina P. Calisang, ang kanyang tagapayo, sa kanyang walang sawang suporta, pagwawasto at labis na panghikayat upang magtagumpay ang pag-aaral na ito. Dr. Roullette P. Cordevilla, Dekanang Kolehiyo ng Edukasyon, para sa kanyang mga puna, pagpupursige at pag-unawa. Dr. Eva Melon, Pangalawang Pangulo sa kalakarang Pang-akademya, na nagging gurong mananaliksik sa TesisSeminar, sa kanyang mg apuna, pagrerebisa, mungkahi at kaalaman para sai katatagumpay ng pag-aara lna ito. Engr. Maria Chona Z. Futalan, Guro sa Matematika, Unibersidad ng Foundation, ang “statistician” ng mananaliksik, sa kanyang patnubay, pagtulong at mga mungkahi para sa ikauunlad at ikabubuting pag-aaral na ito. Gng. Milagros B. Ruiz, superbisor sa Filipino, sa pagwawasto at pagbibigay mungkahi, at pagbigay ng mga suhestyon sa paggamit ng wastong gramatika; Dr. Aparicio H. Mequi, Dekanong Paaralang Gradwado, para sa kanyangpaalaala,payo, komento at puna; Ramona B. Sullera, ang kanyang butihin at ulirang ina sa walang hanggan an gpagmamahal, pag-aalaga, suporta, at inspirasyon na ibinibigay. Felipe Sr., ang kanyang yumao na ama sa kanyang pagtitiwala sa kakayahan at pagmamahal sa mananaliksik. Sa kanyang mga tito, tita, lola, pamangkin, pinsan, kaibigan at iilan pa sa mga mahahalagang indibidwal na nagging bahagi ng kanyang buhay na nagbigay ng inspirasyon, pagmamahal at suporta. Sa Poong Maykapal, sa Kanyang hindi masukat na pagmamahal, sa pagbibigay ng kaalaman, lakas, tatag ng loob at tiwala sa sarili para makayanan ang lahat na ito (SGD.) FELIPE B. SULLERA, JR. Mananaliksik DEDIKASYON Ang aklat na ito ay inihahandog kay: Mama RAMONA B. SULLERA Tatay FELIPE B. SULLERA, SR. Kabanata I Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito Panimula Malinaw na nakasaad at itinadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas taong 1987, sa Artikulo XIV, Sek. 6-9 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Alinsunod sa 1987 ng Saligang Batas, ipinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa alinmang antas ng pagtuturo mapapribado man o pampublikong paaralan kaalinsabay ng wikang Ingles. Ang tanging layunin ng batas na ito ay mapalaganap ang pagpapayabong ng wikang Filipino bilang wika ng literasi; paglinang at wikang Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan at patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino (Badayos, et. al., 75-76). Totoong sa tulong ng mga guro sa paaralan matutuhan ng bagong henerasyon ang pagmamahal, pagtangkilik, pagpapahalaga at higit sa lahat pagpepreserba sa katas ng wika at kulturang Pilipino na minsan nang ninakaw at niyurakan ng mga banyaga sa mga nakalipas na dantaon. Ang panahon ng globalisasyon ay isang malaking hamon para sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino na maikintal sa isipan ng mga estudyante ang mga konseptong napapaloob sa Filipino lalong-lalo na ang pagpapahalaga nito. Hindi madaling tanggapin, tangkilikin at gamitin ng kahit sinuman ang isang wika at kultura kung hindi niya ito lubos na nauunawaan at hindi rin lubos na nagagamit. Ang pagpaunawa sa kahalagahan at gamit ng wika ay nakasandig sa balikat ng mga guro mula sa elementarya hanggang tersarya. Subalit, nakalulungkot isipin na sa kasalukuyan ay iilan lamang ang mga estudyante na may marubdob na pagpapahalaga sa wikang Filipino. Kadalasan mong marinig mula sa umpukan ng mga estudyante na kapag “Filipino” salitang-ugat agad ang mamumutawi sa kanilang bibig. Hindi lamang kabataan ang nagpakita ng negatibong impresyon sa wikang pambansa maging ang iilang mga propesyunal din. Kapag ganito ang sitwasyon mahihinuha na maaapektuhan din ang kanilang pagpapahalaga sa asignatura pati na ang kanilang performans. Batay sa pagaaral na ginawa ni Calisang sa kanyang tesis kaugnay sa “Lawak ng Paggamit ng mga Estudyante sa Wikang Filipino”, napatunayan niya na kalimitang ginamit lamang ang wikang Filipino sa silid-aralan kung saan Filipino ang itinuturo at kung nakapagsalita man nahihirapan pa rin sa paglalahad ng mga kahulugan sa mga mahihirap na termino. Sa sitwasyon naman sa paggamit ng wika sa loob ng paaralan, hindi pinapansin ng kapwa guro at estudyante ang bawat isa kapag wikang Filipino ang ginamit sa pakikipagtalastasan at may halo pa itong pangungutya (Calisang 59). Batay sa napatunayan ni Calisang isang mahalagang aral ang napulot na patatagin at palawakin pang lalo ang paggamit ng wikang Filipino bilang daan sa totoong pagpapahalaga sa pagkakataong ituturo ito. Ang mananaliksik ay naniniwalang hindi problema ang malawakang pagpapaunlad at pagpapaangat sa antas ng paggamit ng wikang Filipino upang maipakita ang taos-pusong pagpapahalaga nito. Ang tanging kailangan lamang ay pagsikapan ng mga gurong nagtuturo na maikintal at maituro nila nang maayos sa bawat estudyante ang kaepektibo ng paggamit ng wika sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa isang makahulugang pagkatuto. Layunin ng mananaliksik na malaman ang lawak ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino atmasuri kung nakaaapekto ba ito sa kanilang pakikipagtalastasan, performans at pagkatuto sa klase. Katwiran Hindi na bago ang kontrobersiya kung alin sa dalawang wika (Ingles o Filipino) ang higit na lilinangin at gagamiting midyum ng pagtuturo sa paaralan. Ito ay isang katunayang hindi maikakaila dati pa nang magpalabas ng kautusan ang Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan (DECS) Blg. 52 sa panunungkulan ni Kalihim Lourdes Quisumbing hinggil sa “bilinggwalismo” (76). Maging sa Kasalukuyan hindi maitatanggi na ganito rin ang sitwasyon lalo na’t maraming mga maling paniniwala sa pagitan ng wikang Filipino at ng wikang Ingles. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng pinagtibay na Bagong Konstitusyon ng Pilipinas ng 1986, nakasaad na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa nakatadhana na batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon (75). Labis na pinagtuunang pansin ang pagkaepektibo ng nabanggit na batas na naging daan sa pagbunsod ng pagpapanukala ng mga kautusan sa iba’t ibang Kagawaran ng Pamahalaan at Edukasyon. Sa katunayan noong 1996, ipinalabas ng Komisyon ng Higit na Mataas na Edukasyon (CHED) ang Kautusan Blg. 59 na nagtadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 ( Komunikasyon sa Akademikong Filipino), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Masining na Pagpapahayag) (77). Batay sa kautusang inilabas ng CHED, labis ang naidulot nitong pagpapaunlad at pagpapahalaga sa wikang Filipino lalo na’t kabilang na ito sa kurikulum ng iba’t ibang kurso. Kung pagbabasehan ang pagpapahalagang pang-wika noon, masasabi ng mananaliksik na naging pursigido at nakibahagi ang lahat upang maging intelektuwalisado at lubusang mapahahalagahan ito. Ngunit, sa kasalukuyan nakatawag pansin sa mananaliksik ang bagong kautusang ipinalabas ng CHED na CMO No. 20, seriesof 2013 kaugnay sa pagtanggal ng siyam (9) na yunit ng asignaturang Filipino sa General Education Curriculum (GEC). Bunsod nito, mapapansing unti-unting nawawala na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa wika lalong-lalo na sa mga tagapagtaguyod nito. Paano kaya makaaapekto ang CMO na ito sa pagpapahalaga ng mga estudyante sa wikang pambansa kung pati ang ang mga asignaturang magpapalawak sa kanilang pagpapahalaga sa sariling wika ay mawawala? Ang mga nabanggit sa unahan ay ang iilan lamang sa mga dahilan kung bakit nabuo ang pag-aaral na ito sa pagnanais na matukoy ang lawak ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino kaugnay ng kanilang akademik performans. Teoretikal na Saligan Nakaangkla ang pag-aaral na ito sa Teoryang Connectionism ni Edward Lee Throndike at Operant Conditioning ni Skinner. Ang teoryang Connectionism ni Edward Lee Thorndike ay kinapapalooban ng dalawang magkaugnay na elemento sa pagkatuto, ang pampasigla (stimulus) at ang tugon (response). Ang pagkakaugnay ng dalawa ay nagiging isang gawi at maaaring palakasin o pahinain depende sa kalikasan o uri at dalas ng pagtatambal ng stimulus at response. Ibig sabihin na ang pagkatuto at ang paguugali ay mabubuo kung makahahanap ng isang epektibong pamapasigla(stimulus) na magpatatag ng koneksyon sa pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan ng estudyante upang magkaroon ng isang makahulugang karanasan sa pagkatuto. Isa itong angkop na palatandaan na ang pagpapahalaga ng estudyante hinggil sa isang asignatura ay mas mapapayabong sa pamamagitan ng paggamit ng guro ng mga pangganyak o pampasigla sa pag-aaral bilang tugon sa pagpapahalaga nila sa asignaturang kinukuha (Corpuz et. al, 93). Ang teoryang Connectionism ay mas lalong magiging epektibo at mas matatag sa pamamagitan ng tatlong alituntunin sa pagkatuto na iminungkahi ni Thorndike. Ang mga ito ay: 1. Tuntuning Kalalabasan (Law of Effect). Mapapalakas ang koneksyon kung ang kalalabasan ay positibo. Sa madaling sabi, ang pag-uugali at ang pagkatuto ay mahuhubog kung kaaya-aya ang kaligiran o sitwasyon. Sa kabilang banda, ang koneksyon sa pagitan ng stimulus at response ay hihina kapag ang kalalabasan ay negatibo. Nangangahulugan lamang ito na mas mapalalim ang pagpapahalaga kung ang pagkatuto ay may postibong kalalabasan. 2. Tuntuning Pagsasanay (Law of Exercise). Maging perpekto ang isang gawain kung may pagsasanay. Ibig sabihin, kung may palagiang pagsasanay sa paguugaling mayroon ang isang tao, may mas malaki ang posibilidad na ito’y mas mapatitibay. Gayunman, hindi mapatitibay ang isang partikular na paguugali sa pagsasanay kung wala itong kaakibat na pagtugon at nangangahulugan lamang na sa bawat pagtugon mas lalo pang mapag-ibayo ang nasanay ng gawi o kilos. 3. Tuntuning Kahandaan (Law of Readiness). Nais ipahiwatig ng tuntuning ito ang tamang pagkondesyon ng utak. Ipinalagay ng tuntuning ito na sa pagkataong mas handa ang isang tao sa pagtugon sa stimulus, mas malakas ang bigkis sa pagitan ng dalawa. Sa pagkakataong ang isang indibidwal ay handa na sa pagtugon ngunit ito nama’y hindi natugunan, magiging dismayado at ‘di kaaya-aya ang epekto nito sa isang tao. Ang ikalawang teorya na Operant Conditioningni Skinner ay naglarawan na ang pagkatuto ay resulta ng pagbabago ng ugali ng tao. Ang pagkabago ng pag-uugali ay resulta ng pagtugon ng isang indibidwal sa isang pangyayari (stimuli) na nagaganap sa kanyang kapaligiran. Kapag ang isang partikular na Stimulus-Response (S-R) na hulwaran ay napalakas (rewarded), ang isang indibidwal ay nakokondisyon sa pagtugon. Ang pagkondisyong ito ay napapalalim sa pamamagitan ng tinatawag na Reinforcement (Pampalakas) na tinukoy bilang isang pampatibay sa ninanais na tugon (Corpuz et. al, 93). Malinaw na binigyang diin ng dalawang teoryang nabanggit na ang pagpapahalaga ng isang tao sa mga bagay ay nagsisimula sa pamamagitan ng matamang pagkontrol sa kanyang kilos. Isang paraan ng pagkontrol ay ang paghuhubog ng pag-uugali ng isang tao sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mga pangganyak bilang daan sa kanyang makahulugang karanasan sa pagkatuto. Sa konteksto ng pagtuturo ng mga guro bilang isang modelo, kinakailangang maipakita nito sa kanyang mga estudyante ang kasikhayan sa pagtuturo nang maimpluwensiyahan nito ang interes ng mga estudyante na pahalagahan ang naturang asignatura at mas mapasisidhi pa sa paglilikha nito ng kapaligirang kaaya-aya sa pagkatuto. TEORYANG OPERANT CONDITIONING TEORYANG CONNECTIONISM ANG GURO BILANG MODELO PAGPAPAHALAGA SA ASIGNATURANG FILIPINO ESTUDYANTE Figyur1: Balangkas Teoretikal ng Pag-aaral ay batay sa Teoryang Connectionism ni Edward Thorndike at Operant Conditioning ni B.F. Skinner Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Kung pagpapahalaga lamang ang pag-uusapan hinggil sa Filipino, hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas kaugnay dito. Sa katunayan, alinsunod sa Sirkular Blg. 26 (Abril 12, 1940) na nagsasaad ng Pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mataas na paaralan at paaralang normal Makikita lamang na binigyang-pansin ng pamahalaan ang puspusan sa pagtuturo at pagkatuto ng ating wika, ang wikang Filipino (Badayos, et. al., 73). Sa gitna ng mga ginawa ng pamahalaan at iba pang tanggapan at departamento sa pagpapalakas ng impluwensiya ng wikang Filipino sa mamamayan ay kakikitaan pa rin ng kawalan ng pagpapahalaga sa wika ang mga tao. Ayon sa mga pag-aaral na ginawa ng sikolohiya sinasabing malaki ang impluwensiya ng motibasyon at pag-uugali ng tao upang matuto sa isang bagay kung kaya’t kinakailangan na ang guro na nagtuturo ay makalikha ng kapaligirang walang pananakot at malayo sa anumang intimidasyon nang sa ganoon ay likas na makakamit ang inaasahang pagpapahalaga at pagkatuto (39). Ayon kay Badayos ang kakayahan at malawak na kaalaman ng guro sa pagtuturo ay isa sa malaking instrumento upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili ang mga estudyante sa pagkatuto at matamang pagkalinang sa isang asignatura. Sa Social Learning Theory ni Albert Bandura makikita ang malaking papel na ginampanan ng isang modelo bilang pangunahing batayan at sangkap upang magkaroon ng isang karanasan at pagkatuto sa isang bagay ayon sa kung ano ang kanyang ipinamalas na kilos na naoobserbahan ng iba(Corpuz et. al, 105). Sa madaling sabi, dapat ang guro ay magtaglay ng kapita-pitagang katangian na magagaya ng kanyang mga mag-aaral nang sa ganoon ay maging daan upang mas lalong mapag-ibayo ng estudyante ang kanyang pagpapahalaga sa asignatura batay sa kung anong mga magagandang impluwensiyang naidudulot ng guro sa kanyang pagtuturo ayon sa konteksto ng asignatura. Ayon kay Miriam, ang pagpapahalaga ay isang personal na paniniwala hinggil isang moral o etikal na isyu. Kaya’t masasabing, ang taong higit na naniniwala na may malaking naitutulong ang pagkatuto sa asignaturang Filipino sa ikahuhubog ng kanyang sariling kakayahan at kasanayan ay may malawak na pagpapahalaga dito samantalang ang wala ay maaaring kaunti lang din ang kanyang pagpapahalaga sa asignatura. Batay sa nabanggit, kung ang isang tao ay may kaunti lamang pagpapahalaga sa isang bagay, maari itong kontrolin at hubugin upang mapagana ang kanyang sariling taglay na katangian. Kaugnay nito, batay sa teoryang Behaviorism, isinasaad na ang bata ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay nito. Binibigyang-diin ni Skinner, isang pangunahing behaviorist, na kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi (93). Sa pag-uugnay ng teoryang Behaviorism sa pagpapahalaga, binibigyang pokus dito ang pagkatutong may karampatang pagganyak at pagkontrol sa kilos ng tao tungo sa kanyang pagkatuto at pagpapahalaga. Ang guro ang siyang pinakapangunahing elemento upang matuto ang kanyang estudyante,kaya nakasalalay sa kanya ang paggamit ng mga kaparaanan sa mabisang pagkatuto. Ang pagkatuto at pagpapahalaga ng estudyante sa asignatura ay kinsasangkutan ng kaniyang emosyon, katangian, kilos at gawi na kapag maayos na napamamahalaan at nabigyang pansin sa pamamagitan ng pagkontrol sa kaniyang kapaligiran ay maging daan upang makamit ang malawak na pagpapahalaga at pagkatuto sa anumang pagkakataon (Badayos 5). Ganoon din ang paliwanag ng teoryang Makatao hinggilsa pagkatuto na may pagpapahalaga na kung saan ay binibigyang diin ang kahalagahan ng mga salik na pandamdamin. Ito'y nananalig na ang pagtatagumpay sa pagkatuto ay mangyayari lamang kung angkop ang kaligiran, may kawilihan ang mga magaaral at may positibong saloobin sila sa mga bagong kaalaman at impormasyon. Kung ang mga kondisyong ito'y hindi matutugunan, ang anumang paraan o kagamitang panturo ay maaaring hindi magbunga ng pagkatuto (9). Kaya nga, sa pagpapahalaga ng asignaturang Filipino kailangang may magandang saloobin ang mga mag-aaral sa kanilang pinag-aralan pati na rin sa gurong nagtuturo. Tungkulin ng guro na maglaan at lumikha ng isang kaayaayang kaligirang pang-klasrum at isang pagkaklaseng walang pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya nilang nailalahad ang kanilang sariling paninindigan, opinyon at kurukuro. Pangunahing binibigyang pansin ng teoryang makatao ang mga magaaral sa anumang proseso ng pagkatuto. Palaging isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mag-aaral sa pagpili ng nilalaman, kagamitang panturo at mga gawain sa pagkatuto. Hindi mapasusubalian na ang pagpapahalaga sa isang asignatura ay napakahalagang salik sa matagumpay na pagkatuto lalong-lalo na kung ito’y pamamarisan ng isang motibasyon sa pagkatuto. Sa isang klase na halos magkakapantay ang antas ng karunugan ng mag-aaral, pakaasahan na may mas higit ang pagtatagumpay sa pag-aaral dahil mataas ang kanilang motibasyon. Samantalang ang mga mag-aaral na mababa ang motibasyon o hindi seryoso sa pag-aaral ay mapapansing makapasa ma’y pilit o di kaya’y pasang-awa na lamang(Badayos 91). Ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan ay maituturing na isang hardin na iba-iba ang anyo, hugis, kulay, hilig at pagpapahalaga. May mga estudyanteng may mataas na lebel ng motibasyon at mayroon ding mababa. Sa ganitong kalagayan, kailangan ang angkop na pagpukaw sa kawilihan ng mga mag-aaral, paggamit at pagpili ng kagamitang panturo na kanilang kalulugdan. Laging isaalang-alang ang iba’t ibang pangangailangang pangkaisipan at pandamdamin ng mga bata lalo’t higit ang kanilang layuning mapagtagumpayan ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtaktakda ng mga mapanghamon subalit reyalistikong mga gawain upang mapagtagumpayan ang layunin (91). Isa itong hamon para sa isang gurong nagtuturo na mas mapalalim niyang lalo ang motibasyon sa pagkatuto ng mga estudyante nang mapahalagahan nito ang kanyang mga natutuhan ganoon din ang asignaturang pinag-aaralan. Mga Kaugnay na Pag-aaral Sa ibaba ay ang mga kaugnay na pag-aaral na may malaking kaugnayan sa pag-aaral na ito Lokal Sa pag-aaral na isinagawa nina Cabahug at Ladot hinggil sa The Academic Performance in Basic Mathematics of UPV Cebu College Freshmen,lumabas sa kanilang pag-aaral na ang mababang saloobin ng estudyante sa Matematika ay malimit masasabing isa sa mga salik na nakaaapekto sa pagkakaroon ng mababang partisipasyon at pagtatagumpay sa kurso. Binanggit din sa mismong pag-aaral na ang saloobin sa matematika ay nakaapekto sa performans kung saan ang performans gayunpaman ay nakaaapekto rin sa saloobin. Batay sa pag-aaral na ginawa ni Taeza kaugnay sa “Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Kalinga sa Pagsasalita ng Wikang Filipino”, natuklasan niya na 53% sa mga estudyante ang walang interes sa asignaturang Filipino at 40% sa mga estudyante ang nahihiyang magsalita gamit ang wikang Filipino sa loob ng klase at mababa rin ang kanilang marka sa asignaturang Filipino (13). Ito’y nagpapatunay na ang interes at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa isang asignatura ay may malaking epekto sa kanyang performans sa loob ng klase. Banyaga Sa online published dyornal ni Leonard hinggil sa Level of Appreciation, Self Concept and Positive Thinking on Mathematics Learning Achievement, napatunayan niya na ang antas ng pagpapahalaga ng mga mga estudyante sa Matematika ay may positibo at makabuluhang bisa sa pansariling konsepto sa pamamagitan ng positibong pag-iisip. Sa pagpalawak pa ng kanyang pag-aaral lumabas na ang positibong pag-iisip tungo sa asignatura ay magiging daan sa pagpapalawak pang lalo sa mga konseptong itinuturo at mga katunayan. Patunay lamang ang lumabas sa pag-aaral ni Leonard na kung naging positibo ang pagtingin ng estudyante sa isang asignatura ay nagiging madali para sa kanyang matutuhan ang mga ito at maaring magresulta sa kanyang malawak na pagpapahalaga. Lumabas sa pag-aaral ni Fulya Suksel-Sahin sa kanyang paksa hinggil sa The Effect of Instructor Enthusiasm On University Students’ Level of Achievement Motivation, na ang estudyante na nakadama ng kasikhayan sa pagtuturo ng kanyang guro ay may mataas na antas ng “achievement” kompara sa estudyanteng may mababang antas sa pagdama sa kanyang kasikhayan. Dagdag pa ni Dr. Qin Zhang sa kanyang pag-aaral kaugnay sa kasikhayan ng guro sa pagtuturo, lumabas na ang kasikhayan ng guro sa pagtuturo ay may mahalagang impluwensiya sa partisipasyon ng mga estudyante sa loob ng klasrum. Mas mataas na antas ng kasikhayan at pagiging dinamiko ng guro sa pagtuturo, mas tumaas din ang pagdama ng estudyante dito. Sa nabanggit na pag-aaral nina Suksel-Sahin at Dr. Qin Zhang, nagpatunay lamang na ang motibasyon at interes ng estudyante sa pagpapahalaga niya sa asignatura ay nakasalalay sa kasikhayan ng guro sa pagtuturo. Konseptwal na Kaligiran ng Pag-aaral Ang dayagram na makita sa figyur 2 ay naglarawan sa konseptuwal na saligan ng pag-aaral. Ang unang malayang barybol ay ang pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino. Ang ikalawang malayang varyabol ay ang profayl ng mga estudyante batay sa: kasarian; departamentong kinabibilangan; paboritong asignatura; atkinagigiliwang uri ng mga babasahin. Ipinapakita sa balangkas ng pag-aaral ang koneksyon sa pagitan ng profayl ng mga respondente at ang kanilang pagpapahalaga sa asignaturang Filipino at pinaniwalaang ang mga baryabol na nabanggit ay magdulot ng impluwensiya sa kanilang akademik performans. Unang Malayang Baryabol Di-malayang Baryabol Lawak ng Pagpapahalaga ng Estudyante sa Asignaturang Filipino Profayl ng mga Estudyante Batay sa ο· ο· ο· ο· kasarian; departamentong kinabibilangan Paboritong asignatura; at Kinagigiliwang uri ng mga babasahin Ikalawang Di-malayang Baryabol Figyur 2:Konseptwal na balangkas ng pag-aaral Grado/Marka ng Estudyante sa Asignaturang Filipino ANG SULIRANIN Paglalahad ng Suliranin Layon ng pananaliksik na ito na malaman ang lawak ng pagpapahalaga ng mga responente hinggil sa asignaturang Filipino at kaugnayan nito sa kanilang marka sa Filipino Ninanais na masagot ang sumusunod na ispisipikong suliranin; 1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa sumusunod 1.1. kasarian; 1.2. departamentong kinabibilangan; 1.3. paboritong asignatura; at 1.4. kinagigiliwang uri ng babasahin? 2. Ano ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino batay sa sumusunod: 2.1. interes/kawilihan sa asignatura; 2.2 motibasyon sa pag-aaral; 2.3 paggawa ng mga kursong pangangailangan; at 2.4 paggamit ng wikang Filipino? 3. Ano ang marka/grado ng mga respondente sa kanilang asignaturang Filipino? 4. May kaugnayan ba sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang marka/grado? 5.May kaugnayan ba sa pagitan ng profayl ng mga respondente at ang kanilang lawak ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino? Pagbanggit ng Hinuha Ho1. Walang kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang marka/grado? Ho2. Walang kaugnayan sa pagitan ng profayl ng mga respondente at ang kanilang lawak ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino? Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at mapakinabangan sa sumusunod na indibidwal o grupo: Sa mga estudyante. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mabatid ng bawat estudyante ang kabutihang naidudulot ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino bilang daan sa katatasan at kabuuang pagkahubog ng sarili hinggil sa konteksto ng asignaturang Filipino. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mabibigyang linaw ang mga salik na maaring makaapekto sa pagpapahalaga ng asignaturang Filipino at maging basehan nila upang matukoy at masuri ang sariling lawak ng pagpapahalaga. Sa mga guro. Sila ang matitiyagang tagapagbahagi ng mga kaalaman sa mga mag-aaral at makatutulong ang pag-aaral na ito upang malaman ng bawat guro ang kadahilanan ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang pagpapahalaga sa asignaturang Filipino at mag-udyok sa kanila upang makabuo at makagamit ng mga estratehiyang magpapataas sa pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino. Sa mga susunod na mananaliksik. Ang mga susunod na mananaliksik ay mahihikayat na bumuo ng isang pananaliksik na maaaring may kaugnayan sa pananaliksik na ito at makatulong sa pagpapa-unlad ng sistema ng edukasyon sa bansa. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Saklaw. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente hinggil sa asignaturang Filipino. Saklaw nito ang mga estudyanteng nakakuha ng Filipino11/21 sa lahat ng kurso ng Unibersidad ng Foundation sa Unang Termino ng Unang Semestre ng Akademikong Taon 2014 – 2015. Limitasyon. Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyanteng nakakuha lamang ng Filipino11/21 sa lahat ng Kurso ng Unibersidad ng Foundation. Isa ring limitasyon sa pag-aaral na ito ang mga estuyante na nakakuha ng mga grado na INC at mga nag-Dropped na hindi na isinali ng mananaliksik. Nakasalalay rin sa katapatan ng mga respondete ang pagsagot sa sarbey kwestyoneyr. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyong deskriptibkorelasyon. Ang pananaliksik na ito ay naglayong masuri at makuha ang relasyon o kaugnayan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino kaugnay ng kanilang akademik performans. Kaligiran ng Pag-aaral/Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa loob ng Unibersidad ng Foundation. Ang Unibersidad ng Foundation ay may kompletong premarya, elementarya, hayskul at tersarya. Partikular na isinagawa ang pag-aaral na ito sa antas tersarya. Ang asignaturang Filipino ay kasalukuyang nasa pamamahala ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ang Filipino 11/21 o Komunikasyon sa Akademikong Filipino ay kabilang sa “General Education Subjects” kaya, ang lahat ng mga estudyante na nasa antas tersarya ay kumukuha ng asignaturang ito. Samakatwid, ang kasalukuyang pag-aaral ay isinagawa sa lahat ng mga estudyante mula sa iba’t ibang departamento at kolehiyo ng unibersidad na kumukuha ng asignaturang Filipino sa Unang Semestre, Taong Pasukan 20142015. Mga Respondente Ang napiling mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyanteng nagmula sa iba’t ibang departamento at kolehiyo at opisyal na nakatala sa asignaturang Fillipino11//21 sa Unang Termino ng Unang semestre ng Akademikong Taon 2014-2015. Sila ay nagmula sa Kolehiyo ng Negosyo at Pamamahla, Kolehiyo ng Edukasyon, Kolehiyo ng Agham at Sining, Kolehiyo ng Narsing, Kolehiyo ng Kompyuter Stadeys at Kolehiyo ng Hospitality Management. Ito ay binubuo ng sumusunod: CBA – CE – CAS/CN – CCS/IT – HOSM – 68 64 13 14 22 SIE/Criminology/CA/DAFA – Kabuuan Instrumentong Ginamit 22 203 Sarbey-kwestyoneyr ang pangunahing instrumentong ginamit sa pagaaral na ito. Ito ay naglalaman ng mga tanong hinggil sa lawak ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino. Upang masiguro ang pagiging balido ng sariling instrumentong ginawa, lumapit ang mananaliksik sa kanyang tagapayo at panel ng mga eksperto at ipinawasto ang kwestyoneyr. Pagkatapos masuri ang bawat aytem ay ipinakita ito sa kanyang estatistisyan upang masuri ang baliditi ng bawat aytem. Dumaan din ito sa paunang sarbey sa mga estudyanteng nasa kolehiyo na hindi sakop sa kasalukuyang pag-aaral na tapos na ring kumuha ng asignaturang Filipino 11/21 o Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Tiniyak ng mananaliksik na balido ang lahat ng aytem na isinama sa sarbey-kwestyoneyr sa tulong ng kanyang estatistisyan. Ginamit ang “cronbach alpha procedure” upang matukoy ang “validity ng mga aytem”. Ang balyu ng reyabiliti ay 0.80, 0.75, at 0.78 para sa kanilang kawilihan, motibasyon at paggamit ng wikang Filipino. May isang bahagi sa aytem na inalis dahil ito ay may napakababang balyu lamang na 0.46 na mas mababa sa istandard na reyabiliti balyu na 0.75. Pamaraang Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mananaliksik ay naghanda ng isang kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri at masukat ang pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino. Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mananaliksik sa iba’t ibang hanguan sa silid-aklatan kagaya ng mga aklat, tesis at dyornal. Kumuha rin ng ilang impormasyon sa internet. Istadestikang Tritment ng mga Datos Sa pagbigay ng makabuluhang interpretasyon sa mga nakalap na datos, ginamit ng mananaliksik ang sumusunod: Porsyento/Bahagdan – ito ay ginamit sa paglalahad ng bilang sa kabuuan. Pormula: ππβπππ ππππ π¦πππ‘π = ππππ’π’ππ × 100 Weighted Mean – ito ay ginamit upang masukat ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino. PormulawxΜ = ∑ ππ₯ π Kung saan : wxΜ =weighted mean f = frequency π₯ = rating ∑ = summation π = total number of students Mean – ito’y ginamit sa pagkuha ng kabuuang marka ng mga mag-aaral. Pormula xΜ = ∑π₯ π xΜ = mean/average kung saan π₯ = scores/rating π = number of students Pearson r Product Moment Coefficient of Correlation – ito ay ginamit upang ipakita ang kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang akademik performans Pormula: r= N(∑xy)−(∑x)(∑y) √[N(∑x2 )−(∑x)2 )]√[N(∑y2 )−(∑y)2 )] Kung saan: x = antas ng kawilihan y = performans ng mga mag-aaral sa Filipino sa Ikalawang Markahan r = kaugnayan Upang maipaliwanag ang correlation value (r) na nakuha, ginamit ang mga sumusunod na klasipikasyon: ± 1.00 - ganap na pagkakaugnay Between ±0.80 to ± 0.99 - napakataas ang pagkakaugnay Between ±0.60 to ± 0.79 - mataas ang pagkakaugnay Between ±0.40 to ± 0.59 - katamtaman na pagkakaugnay Between ±0.20 to ± 0.39 - bahagya ang pagkakaugnay Between ±0.01 to ± 0.29 - halos walang pagkakaugnay Chi-square – ito ay ginamit upang ipakita ang kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa wikang Filipino at ang kanilang profayl. Pormula: x2 = ∑ (ππ−ππ) 2 ππ Kung saan: X2 = Chi-square ππ = observed frequency ππ = expected frequency Upang maipaliwanag ang kompyuted (x2) na nakuha, ginamit ang sumusunod: Legend: (source: http://www.acastat.com/Statbook/chisqassoc.htm) >0.5 mataas ang pagkakaugnay 0.3 to 0.5 katamtaman ang pagkakaugnay 0.1 to 0.3 mababa ang pagkakaugnay 0.0 to 0.1 napakababa ang pagkakaugnay Likert’s 5-point scale – ginamit upang ilarawan ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino. Skeyl Deskripsyong Berbal Antas/Lawak 4.21-5.00 Lubhang sumasang-ayon 3.41-4.20 Lubos na sumasang-ayon Mataas ang lawak Napakataas ng lawak 2.61-3.40 Hindi makapagdesisyon Katamtaman ang lawak 1.81-2.60 Sumasang-ayon Mababa ang lawak 1.00-1.80 Hindi sumasang-ayon Napakababa ang lawak Definisyon ng mga Terminolohiya Upang maging mas madali at ganap ang pagkaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng pakahulugan ang sumusunod na mga katawagan at terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pag-aaral na ito: Filipino11/21– ang asignaturang ito ay naglalayong mahubog ang kasanayan ng mga respondente sa Filipino na may deskripyong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Ito rin ang pinagkukunan ng mananalaksik ng basehan upang mataya at masukat ang pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino partikular na sa kanilang marka/grado. Lawak ng Pagpapahalaga– tumutukoy sa lalim ng pagbibigay ng impresyon ng respondente sa kanilang pagtanggap sa asignaturang Filipino sa panahong ito ay kanilang pinag-aaralan o kinuha. Performans – ito ang kabuuang marka/grado ng mga respondente sa asignaturang Filipino 11/21 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino). Respondente– tumutukoy sa mga estudyanteng sakop sa pag-aaral na ito at kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino 11/21. Kabanata II Presentasyon at Interpretasyon sa mga Nakalap na Datos Ang bahaging ito ay naglalarawan sa resulta ng mga pagsisiyasat gamit ang mga datos mula sa sarbey-kwestyoneyr at nilapatan ito ng interpretasyon at ibang kaugnay na pag-aaral. Talaan 1 Profayl ng mga Respondente Batay sa Kasarian Kasarian Frekwensi Porsyento (%) Lalaki 60 29.56 Babae 143 70.44 Kabuuan 203 100.00 Ipinapakita sa Talaan 1 na animnapu (60) sa mga respondente ay lalaki at isandaan at apatnapu’t tatlo (143) naman ay mga babae. Ibig sabihin karamihan ng mga respondente ay babae na may 70.44 porsyento. Ang resulta sa Talaan 1 ay nagpatunay lamang na mas marami ang respondenteng babae na kumukuha ng asignaturang Filipino11/21 sa Unang Termino kaysa sa mga lalaki. Ito’y pinatunayan sa resulta ng sarbey ng mga bansang napabilang sa Organization for Economic Co-operation and Development (OECD) 2011, mas marami ang mga babae na nagpapatuloy ng pag-aaral sa higit na pinakamataas na edukasyon kaysa sa lalaki. Sa buong mundo ipinakita na napakababa ang “ratio” nga mga lalaking nakapagtapos ng pag-aaral kumpara sa mga babae. (“YaleGlobal”). Talaan 2 Profayl ng mga Respondente Batay sa Departamentong Kinabibilangan Departamento Frekwensi Porsyento (%) CE 64 31.53 CBA 68 33.50 SIE/Criminology/CA/DAFA 22 10.84 CAS/CN 13 6.40 CCS/IT 14 6.90 HOSM 22 10.84 Kabuuan 203 100.00 Ipinapakita sa Talaan 2 ang mga departamento at kolehiyong kinabibilangan ng mga respondente.Makikitang ang may pinakamaraming bilang ng mga respondent ay nagmula sa Kolehiyo ng Negosyo at Pamamhala (CBA) na may 33.50 na porsyento, ang sumunod naman ay ang Kolehiyo ng Edukasyon (CE) na may 31.53 na porsyento. Ang resultang ipinakita sa Talaan 2 ay nagpatunay na marami sa mga respondente ang nagmula sa Kolehiyo ng Negosyo at Pamamahala(CBA) at Kolehiyo ng Edukasyon(CE). Ang resultang ito ay pinatunayan ni Chamie sa kanyang pag-aaral na kalimitan sa mga kinukuha na kurso ng mga babaeng nagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo ay yaong mga lukratibo o kapakipakinabang na kurso tulad ng pagnenegosyo. Talaan 3 Profayl ng mga Respondente Batay sa Kanilang Paboritong Asignatura Asignatura Frekwensi Porsyento (%) English 69 33.99 Filipino 57 28.08 History 11 5.42 Math 35 17.24 Science 18 8.87 Iba pang Asignatura 13 6.40 Kabuuan 203 100.00 Makikita sa Talaan 3 na sa lahat ng mga paboritongasignatura na nabanggit ang Ingles ang nangunguna na may 33.99 na porsyento, ikalawa ang Filipino na may 28.08 na porsyento at 17.24 na porsyento naman ang Math bilang ikatlo sa pinakamataas. Ito ay nangangahulugan na karamihan sa mga respondente ay pumili ng Ingles bilang pangunahing paborito nilang asignatura. Ang resultang ito ay kabaligtaran sa isang sarbey na ginawa sa “online”. Napatunayan na nangunguna ang mga asignaturang Matematika at Siyensya (Math & Science) sa mga paboritong asignmatura ng mga mag-aaral sa dahilang sila’y naniniwala na ang dalawang asignatura ay pundasyon ng kaalaman ng bawat indibidwal at magagamit nila ito upang magtagumpay sa buhay ( “What is your favorite subject?”). Talaan 4 Profayl ng mga Respondente Batay sa Kanilang Paboritong Babasahin Mga Babasahin Frekwensi Porsyento (%) Pocketbooks naFilipino 51 25.12 English Magazines 35 17.24 English Novels 25 12.32 Komiks 38 18.72 Diyaryo sa English 7 3.45 Diyaryo sa Filipino 22 10.84 Iba pa 25 12.32 Kabuuan 203 100.00 Makikita sa Talaan 4 na sa lahat ng mga babasahing inilahad, nangunguna ang Pocket Booksna Filipino na may 25.12 na porsyento.Sinundan ito ng komiks na may 18.72 porsyento.Subalit napakababa ang bilang ng mga respondenteng nagbabasa ng mga diyaryong Ingles, ito ay may 3.45 porsyento lamang. Patunay lamang ito naPocket Bookna Filipinoay higit na kinagigiliwang babasahin ng mga estudyante. Ang resultang ito ay pinatutunayan sa sarbey noong 2014 na may kaugnayan sa paboritong babasahin, lumabas sa pag-aaral na 84% sa kababaihan ay bumibili ng mga babasahing may kaugnayan sa romansa at pag- ibig na halos makikita ang mga ito sa mga “pocket books”. Samantala, 16% lamang sa mga lalaki na ang kinahihiligan ay “pocket books”.Napapansin sa pagaaral na ito na mas marami rin ang mga respondenteng babae na ang kinahihiligang babasahin ay“pocket books” (Romance Writers of America). Talaan 5 Lawak ng Interes ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino Interes/Kawilihan sa Asignatura wx Berbal na Deskripsyon Lawak ng Interes 1. Salahatng pagkakataon/panahon,magiliw akonggumagamitngwikang Filipinosaaking pakikipagtalastasansamga talakayansaloobngklase (asignaturangFilipino). 2. Maunawainangamingguropagdatingsa paggamitngtamanggramatika kayakinagigiliwankong sumagotatmakibahagisa mgatalakayan. 3.89 Sumasangayon 3. Paboritokoang asignaturangFilipinokaya nagaganyakakonggawinang mgagawainsaloobngklase. 3.72 Sumasangayon 4. Nauunawaankoang koneksyonngmgaleksyonna magagamitsapagpapalawakngakingbuhay. 4.31 Lubhang Napakataas Sumasangayon 5. Palagingmaymagandang interaksyonangaming pagkaklaseatmaymgapangkatanggawain. 4.51 Lubhang Napakataas Sumasangayon Composite 4.47 Mataas Lubhang Napakataas Sumasangayon 4.18 Sumasangayon Mataas Mataas Ipinapakita sa Talaang ito ang lawak ng interes ng mga estudyante sa asignaturang Filipino. Sa limang pahayag, makikitang ang pahayag na “Palaging may magandang interaksyon ang aming pagkaklase at may mga pangkatang gawain" ay ang may pinakamataas na weighted mean samantalang mas mababa naman ang pahayag na “Paborito ko ang asignaturang Filipino kaya nagaganyak akong gawin ang mga gawain sa loob ng klase.” Ang resulta ay nagpakita na mataas ang antas ng ipinakitanginteres ng mga respondente sa asignaturang Filipino dahil sa loob ng kanilang klase ay may magandang interaksyon at mga pangkatang-gawain. Naunawaan din ng guro ang kanilang limitasyon sa paggamit ng wika kaya hindi balakid sa kanila ang pakikilahok sa talakayan. Naunawaan din nila ang koneksyon ng kanilang mga leksyon sa pagpapalawak ng kanilang buhay. Ngunit hindi nila masyadong itinuturing na paborito ang asignaturang Filipino. Talaan 6 Lawak ng Motibasyon sa Pag-aaral ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino w x Berbal Lawak na ng Deskrip Motiba 1. Bagosisimulan ngamingguroangmga talakayansa 4.0 Sumas Mataas syon syon 7 angarawayon arawaymaymgabagonghamonsiyanginiharapsaami nkayaakonagaganyaknanakikinig atnakikibahagi. S MotibasyonsaPag- aaral 2. Maayosatkawiliwiliangatmospers/kaligiranngamingklasrumkayan aiiwasankoangpagkaantoksaloobng klase. 4.1 Sumas Mataas 7 angayon 3. Maymaayosatkaaya-ayangkatauhanangaming 4.5 Lubhan Napaka g taas guroathigitsalahatsiya’ypunongbuhaysapagkaklase 8 Sumas kayanadadalaakosakanyang kasikhayan. angayon 4. Gumagamitngmgamakabagongpamamaraanattekn 3.6 Sumas Mataas 1 angolohiyaangaminggurosa ayon pagtuturongmgaleksyonkayalubosnanapupukawan gakinginteresnamakinig. 5. Nais kong makakukuha ng malaking marka kaya ako nagpupursiging mag-aral nang mabuti sa asignaturang Filipino. Composite 4.5 Lubhan Napaka 6 g taas Sumas angayon 4.2 Sumas Mataas 0 angayon Ipinapakita sa Talaan 6 ang antas ng motibasyon sa pag-aaral ng mga respondente sa asignaturang Filipino. Makikita na ang pinakamataas na weighted mean sa mga sitwasyong makikita sa talaan na pinaniwalaan ng mga estudyanteng nakaapekto sa kanilang motibasyon sa pag-aaral sa asignaturang Filipino ay ang pagiging maayos at kaaya-ayang katauhan ng isang guro at ang pagkakaroon niya ng buhay sa pagkakalase. Samantala, ang pahayag hinggil sa paggamit ng mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa pagtuturo ng mga leksyon na lubos na pumupukaw sa interes ng mga estudyanteng makinig ay ang may pinakamababang weighted mean. Nangangahulugan lamang ang resultang ito na mas nagkakaroon ng mas mataas na motibasyon ang pag-aaral ng mga estudyante kung gumagamitng mga mga makabagong kagamitan at teknolohiya ang isang gurosa kanyang pagtuturo. Pinatunayan ito sa nailathalang pananaliksik sa online ni John Schacter hinggil sa “The Impact of Education Technology on Student Achievement,”na ang saloobin ng mga estudyante tungo sa pagkatuto at ng kanyang sariling-konsepto ay mas mapahuhusay sa tulong ng kompyuter at iba pang elektronikong kagamitang pampagtuturo (5). Talaan 7 Lawak ng Pagpapahalaga sa Paggawa ng mga Kursong Pangangailangan ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino Paggawangmga Kursong Pangangailangan 1. Nauunawaankoangdireksyonngpa gbuongakingkursongpangangaila ngankayanagawakonangmaayosa ngakingtakdaatmga proyekto. Lawak ng Pagpapahalaga Berbal na sa Paggawa ng w x Deskripsyon mga Kursong Pangangailangan 4.29 Lubhang Napakataas Sumasangayon 2. Pinaglaanankongsapatnaorasangp aggawangamingproyektoatmgatak dasaFilipinodahilinspiradoakong gawinangmgaitosapagkatnaunawa ankoang pagbuo nito. 4.19 Sumasangayon Mataas 3. Nakikitakoangkabuluhanngamingm gatakdaatproyektoatmaykaugnaya nitosakursongkinuhakokayanagag awakoitonangmabuti. 4.03 Sumasangayon Mataas 4. Alamkongmakatutulongsaakingpar aanngpagaaral(studyhabits)angpaggawangm gaproyektoattakdaatnagsisilbirinito ngdisiplinasa akingpag-aaral. 4.57 Lubhang Sumasangayon 4.27 Lubhang Napakataas Sumasangayon Composite Napakataas Ipinapakita sa Talaan 7 ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa paggawa ng mga kursong pangangailangan sa asignaturang Filipino. Sa limang pahayag makikita na lubhang sinang-ayunan ng mga respondente ang pahayag na makatutulong sa kanilang “study habits” ang pagkakaroon ng mga proyekto at mga takda at nagsisilbi itong disiplina sa kanilang pag-aaral at lubha rin nilang sinang-ayunan ang pahayag na nauunawan nila ang direksyon sa paggawa ng proyekto kaya nagagawa nila ito nang maayos. Ang dalawang nabanggit na pahayag ang may pinakamataas na weighted mean. Nangangahulugan itong napakataas ang antas ng pagpapahalaga ng mga respondente sa paggawa ng mga kursong pangangailangan sa asignaturang Filipino. Ang resultang ito ay pinatutuhanan ni Becky M sa kanyang lektyur kaugnay sa kahalagahan ng proyekto sa mga mag-aaral, batay sa kanyang mga pagsasaliksik natuklasan niya na ang paggawa ng mga proyekto at iba pang gawain ay nakatutulong sa mga mag-aaral sa paglinang ng iba pa nilang aspekto sa pagkatuto, pagbalanse ng oras sa pag-aaral, pagkamalikhain at kolaborasyon sa iba pa mga mag-aaral ( “Imp[ortance of Project”). Talaan 8 Lawak ng Pagpapahalaga sa Paggamit ng Wikang Filipino ng mga Respondente 1. Naunawaankoangkahalagahanngpaggamitng wikangFilipinosapakikipagtalastasan. 2. NauunawaankonaangwikangFilipinoaynakatutulongsapagpreserba ngatingkulturaatpa 3. IkinatutuwakoangpaggamitngwikangFilipinosaharapngakingmgakaklaseatkaibigan. 4. TaasnooakobilangPilipinokayanagugustuhankoringgamitinangwikangFilipino. 5. NauunawaankoangmgapaghihirapnadinanasngatingmgabayaningPilipinoupangmaang Composite Inilalarawan ng Talaan 8 ang antas ng pagpapahalaga sa paggamit ng wikang Filipino ng mga respondente. Makikita na ang limang pahayag kaugnay sa kanilang antas ng pagpapahalaga sa paggamit ng wikang Filipino, nauunawaan ng mga respondente ang mga paghihirap na dinanas nga mga bayaning Pilipino makamit lamang ang pagkakilanlan ng mga lahing Pilipino, taas noo rin sila sa kanilang pagiging Pilipino at totoong naunawaan nila ang kahalagahan sa paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan. Sa kabuuan, napakataas ang antas ng pagpapahalaga ng mga respondente sa paggamit ng wikang Filipino. Ang resultang ito ay may kaugnayan sa pananaliksik nina Gerner at Lambert, anila ang mga mag-aaral na may positibong pananaw o saloobin sa pag-aaral at paggamit ng pangalawang wika ay higit na makikinabang sa pagkatuto. Samantalang ang mga mag-aaral na may negatibong saloobin ay nagbubunsod sa pagpapababa ng motibasyon at sila’y hindi nagtatamo ng kahusayan sa wika at kailangan pang ipaliwanag at ipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng pagkatuto bago sila magkaroon ng interes sa pag-aaral at paggamit ng pangalawang wika (Villafuerte 75). Talaan 9 Lagom na Talaan sa Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino wx Lawak ngPagpapahalaga 4.18 Mataas 4.20 Mataas Paggawangmga Kursong Pangangailangan 4.27 Napakataas Paggamit ng wikang Filipino 4.53 Napakataas 4.30 Napakataas Salik Interes/Kawilihan sa Asignatura Motibasyon sa Pag- aaral Composite Makikita sa Talaan 9 ang mga salik na nakaapekto sa lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente. Sa apat na mga salik, ang “paggamit ng wikang Filipino” ang may pinakamataas na weighted mean at sinundan ito ng “paggawa ng kursong pangangailangan”. Ito ay nangangahulugang napakataas ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa paggamit ng wikang Filipino at nagkaroon sila ng interes sa asignatura kaya sila ay may kawilihan sa pag-aaral at paggawa ng mga kursong pangangailangan. Talaan 10 Grado ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino Grado 99-100 (Exceptional) 96-98 (Excellent) 93-95 (Superior) 90-92 (Very Good) 87-89 (Good) 84-86 (Above Average) 81-83 (Average) 78-80 (Below Average) 75-77 (Passing) Average (from ungrouped) Kabuuan Frekwensi Porsyento (%) 1 0.49 17 8.37 22 10.84 40 19.70 26 12.81 39 19.21 26 12.81 21 10.34 11 5.42 87.13 (Good) 203 100.00 Makikita sa Talaan na karamihan sa mga respondente ay nakakuha ng marka na nasa pagitan ng 90-92 o magaling, sinundan ito ng marka na nasa pagitan ng 84-86 o katamtaman ang galing/husay. Samantala, isa lamang sa mga respondente ang nakakuha ng marka na nasa pagitan ng 99-100 o pinakamahusay o natatangi sa lahat (exceptional). Makikita na distribyuted ang markang nakuha ng mga respondente sa asignaturang Filipino, at ito’y may kabuuang 87.13 o mahusay lamang. Talaan 11 Kaugnayan sa Pagitan ng Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino at ang Kanilang Grado Akademikong Performans at… Kompyuted r 0.146 Lawak ng Kaugnayan Napakababa ang Kaugnayan MotibasyonsaPag- aaral 0.132 Napakababa ang Kaugnayan Paggawangmga Kursong Pangangailangan 0.239 Katamtaman ang Kaugnayan Paggamitngwikang Filipino 0.189 Napakababa ang Kaugnayan Kabuuang Pagpapahalaga 0.218 Katamtaman ang Kaugnayan Interes Ang talaan ay naglalarawan sa kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang grado. Makikita na may katamtamang kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga sa paggawa ng kursong pangangailangan at ang kanilang grado. Samantalang sa pagpapahalaga sa pagpakita ng interes, motibasyon sa pag-aaral at paggamit ng wikang Filipino ay napakababa ang ugnayan nito sa kanilang grado/marka. Sa kabuuan, may katamtamang kaugnayan ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang akademik performans. Ang resulta ng mga datos ay nagpatunay na kapag mataas anglawak ng kanilang paggawa ng mga kursong pangangailangan, mas magiging mabuti rin ang kanilang akademik performans. Ang resultang ito ay may kaugnayansa pananaliksik nina Gottfired et. al., at Hendre at Reeve et. al, na ang estudyanteng may motibasyon na matuto at nagpakita ng totoong interes sa mga gawain sa loob ng klasrum ay may posibilidad na maging mataas din ang kanyang akademik performans (possibility of becoming an achiever) samantalang ang estudyante naman na may mababang interes sa akademiks ay may mataas na posibilidad na hihinto sa pag-aaral (“How Motivation Affects Learning & Behavior”). Talaan 12 Kaugnayan sa Pagitan ng Profayl ng mga Respondente at Lawak ng Kanilang Pagpapahalaga Pagpapahalaga at… Kompyuted Lawak ng Kaugnayan Deskripsyon x2 Kasarian 3.38 0.1279 Mababa ang Kaugnayan Departamento/Kolehiyo 1.69 0.0909 Napakababa ang Kaugnayan Paboritong Asignatura 7.43 0.1897 Mababa ang Kaugnayan Paboritong Uri ng mga Babasahin 3.85 0.1364 Mababa ang Kaugnayan Inilarawan sa Talaang ito ang kaugnayan sa pagitan ng profayl ng mga respondente at ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino. Makikitang mababa lamang ang kaugnayan ng kanilang lawakng pagpapahalaga sa sumusunod: kasarian, paboritong asignatura, at paboritong uri ng mga babasahin. Sa kabuuan, may mababang kaugnayan sa pagitan ng profayl ng mga respondente at ang kanilang lawak ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino. Kabanata III LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Sa bahaging ito inilahad ang mga natuklasan ng mananaliksik at ang mga nararapat na rekomendasyon. Pagbanggit muli ng mga Suliranin Layon ng pananaliksik na ito na malaman ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente hinggil sa asignaturang Filipino at kaugnayan nito sa kanilang marka sa Filipino Ninanais na masagot ang sumusunod na ispisipikong suliranin; 1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa sumusunod 1.1. kasarian; 1.2. departamentong kinabibilangan; 1.3. paboritong asignatura; at 1.4.kinagigiliwang uri ng babasahin? 2. Ano ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino batay sa sumusunod: 2.1. interes/kawilihan sa asignatura; 2.2 motibasyon sa pag-aaral; 2.3 paggawa ng mga kursong pangangailangan; at 2.4 paggamit ng wikang Filipino? 3. Ano ang marka/grado ng mga respondente sa kanilang asignaturang Filipino? 4. May kaugnayan ba sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang marka/grado? 5.May kaugnayan ba sa pagitan ng profayl ng mga respondente at ang kanilang lawak ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino? Buod sa mga Natuklasan Mula sa mga nakalap na mga datos sa pag-aaral na ito, napatunayan ang sumusunod: 1. Profayl ng mga Estudyante 1.1. Kasarian Mas marami ang respondenteng babae na kumukuha ng asignaturang Filipino11/21 sa Unang Termino kaysa sa mga lalaki. 1.2. Departamentong Kinabibilangan Marami sa mga respondente ang nagmula sa Kolehiyo ng Negosyo at Pamamahala (CBA) at Kolehiyo ng Edukasyon (CE). 1.3. Paboritong Asignatura Karamihan sa mga respondente ay pumili ng Ingles bilang pangunahing paboritong asignatura. 1.4. Paboritong Uri ng Babasahin Ang Pocket Bookna Filipinoay higit na kinagigiliwang babasahin ng respondente. 2. Antas ng Pagpapahalaga ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino 2.1. Interes/kawilihan sa Asignatura Mataas ang antas ng kawilihan ng mga respondente sa asignaturang Filipino. Nagpapakita lamang na nagkaroon ng interes ang mga estudyante sa asignatura dahil sa pagkakaroon ng isang magandang interaksyon gamit ang iba’t ibang mga gawaing inihanda ng guro ngunit hindi nila masyadong itinuturing na paborito ang asignaturang Filipino. 2.2. Motibasyon sa Pag-aaral Natuklasan na mataas ang lawak ng motibasyon ng mga respondente sa pag-aaral ng Filipino dahil naingganyo silang makinig sa kanilang klase dahil ang kanilang guro ay may kaaya-ayang katauhan at puno ng buhay sa kanyang pagtuturo. At higit sa lahat sila’y naganyak sa pag-aaral ng asignatura dahil gusto nilang makakuha ng malaking marka. Ito’y nangangahulugan na ang katauhan ng guro sa loob ng klasrum ay may malaking epekto sa kawilihan ng mga estudyante na matuto. Samantala, ang pahayag hinggil sa paggamit ng mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa pagtuturo ng mga leksyon na lubos na nagpukaw sa interes ng mga estudyanteng makinig ay ang may pinakamababang weighted mean. Nangangahulugan lamang ang resultang ito na mas nagkakaroon ng mas mataas na motibasyon ang pag-aaral ng mga estudyante kung gumagamit ng mga mga makabagong kagamitan at teknolohiya ang isang guro sa kanyang pagtuturo. 2.3 Paggawa ng mga Kursong Pangangailangan Sa limang pahayag, lubhang sinang-ayunan ng mga respondente ang pahayag na makatutulong sa kanilang “study habits” ang pagkakaroon ng mga proyekto at mga takda. Nagsisilbi itong disiplina sa kanilang pag-aaral.Sa pamamagitan nito sila’y nagkaroon ng disiplina sa pag-aaral. Lubha rin nilang sinang-ayunan ang pahayag na nauunawan nila ang direksyon sa paggawa ng proyekto kaya nagagawa nila ito nang maayos. Ang dalawang nabanggit na pahayag ay may pinakamataas na weighted mean. Sa kabuuan, napakalawakang pagpapahalaga ng mga respondente sa paggawa ng mga kursong pangangailangan sa asignaturang Filipino. 2.4 Paggamit ng Wikang Filipino Nauunawaan ng mga respondente ang mga paghihirap na dinanas ng mga bayaning Pilipino, makamit lamang ang pagkakilanlan ng mga lahing Pilipino. Taas noo din sila sa kanilang pagiging Pilipino. Totoong naunawaan nila ang kahalagahan sa paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan. Sa kabuuan, napakataas ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa paggamit ng wikang Filipino. 3. Marka/Grado ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino Karamihan sa mga respondente ay nakakuha ng marka na nasa pagitan ng 90-92 o magaling, sinundan ito ng marka na nasa pagitan ng 84-86 o katamtaman ang galing/husay. Samantala, isa lamang sa mga respondente ang nakakuha ng marka na nasa pagitan ng 99-100 o pinakamahusay o natatangi sa lahat (exceptional). Natuklasan na distribyuted ang markang nakuha ng mga respondente sa asignaturang Filipino, at ito’y may kabuuang 87.13 o mahusay lamang. 4. Kaugnayan sa Pagitan ng Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino at ng Kanilang Grado May katamtamang kaugnayan ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang akademik performans. Ang resulta ng mga datos ay nagpatunay na kapag mataas anglawak ng kanilang paggawa ng mga kursong pangangailangan, mas magiging mabuti rin ang kanilang akademik performans. 5. Kaugnayan sa Pagitan ng Profayl ng mga Estudyante at Lawak ng Kanilang Pagpapahalaga sa Asignaturang Filipino Sa apat na nabanggit na baryabol kaugnay sa profayl ng mga estudyante, napag-alaman na ang kasarian, paboritong asignatura at mga uri ng babasahin ay may mababang kaugnayan sa kanilang pagpapahalaga sa asignaturang Filipino. Samantala, napakababa naman ang kaugnayan sa pagitan ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino at ang departamentong kinabibilangan ng mga respondente. Sa kabuuan, may mababang kaugnayan sa pagitan ng profayl ng mga respondente at ang kanilang lawak ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino. Kongklusyon Mula sa mga resultang napatunayan, nabuo ang sumusunod na kongklusyon: 1. Profayl ng mga Respondente Natuklasan na mas marami ang respondenteng babae kumpara sa lalaki. Mas marami rin ang mga respondenteng nagmula sa dalawang malalaking kolehiyo ng unibersidad, ang Kolehiyo ng Pamamahala at Negosyo (CBA) at ang Kolehiyo ng Edukasyon (CE).Ang nangungunang paboritong asaignatura ng mga respondente ay Ingles at pumapangalawa ang Filipino. Iilan lamang ang nagkagusto sa Kasaysayan (History). “Filipino Pocketbooks”ang pangunahing paboritong babasahin ng mga respondente at iilan lamang sa kanila ang nagbabasa ng diyaryong Ingles. 2. Lawak ng Pagpapahalaga ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino Natuklasan na napakataas ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino 3. Marka/Grado ng mga Respondente sa Asignaturang Filipino Natuklasan na karamihan sa mga respondente ay nakakuha ng marka na nasa pagitan ng 90-92 o magaling. Samantala, isa lamang sa mga respondente ang nakakuha ng marka na nasa pagitan ng 99-100 o pinakamahusay sa lahat (exceptional). 4. Kaugnayan sa Pagitan ng Pagpapahalaga ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino at ng Kanilang Grado Natuklasan na may katamtamang kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang akademik performans. 5. Kaugnayan sa Pagitan ng Profayl ng mga Respondente at ang Kanilang Lawak ng Pagpapahalaga sa Asignaturang Filipino Natuklasan na mababa lamang ang kaugnayan ng kanilang lawak ng pagpapahalaga sa sumusunod: kasarian, paboritong asignatura, at paboritong uri ng mga babasahin. Sa kabuuan, may katamtamang kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa asignaturang Filipino at ang kanilang akademik performans. Rekomendasyon Mula sa mga napatunayan sa pag-aaral na ito, malugod na iminungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod: 1. Nararapat na magkarooon ng mabisang pagsasanay ang mga guro sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya nang sa gayon magagamit nila ito sa kanilang epektibong pagtuturo. 2. Nararapat na panatilihin ng mga guro ang pagkakaroon nang maayos na katauhan sa loob ng klase dahil nakatutulong ito sa lawak ng kawilihan at pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignatura. 3. Mainam din na bihasa ang mga guro sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo upang mas kawili-wili ang mga talakayan. SANGGUNIAN A. Aklat Badayos, Paquito B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika, Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. Makati City: Grandwater Publications and Research Corporations, 2008. 75-77. Print Corpuz, Brenda B. at Lucas, Maria Rita D. Facilitating Learning: A MetaCognitive Process. Quezon City: Lorimar Publishing Inc, 2007. 93-94. Print Badayos, Paquito B. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Aklat sa Filipino 1 – Antas Tersarya).Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2009. 39-41. Print B. Mga Hindi Nailathalang Publikasyon Bantayao, Lorna C. “Lawak/antas ng Kamalian ng mga Estudyante sa Pagsulat ng Komposisyon sa Filipino Kaugnayan sa Performans.” Thesis: Unibersidad ng Foundation, Siyudad ng Dumaguete, 2009. Print Calisang, Cristina P. “Lawak ng Paggamit ng Wikang Filipino ng mga Estudyante at ng mga Guro sa Unibersidad ng Foundation.” Thesis: Unibersidad ng Foundation, Siyudad ng Dumaguete, 2009. 59. Print C. Artikulo Angeles, Butch Ignacio D. “Bilinggwalismo saEdukasyon sa Pilipinas.” The Modern Teachers Journal. August 2000. Dimatulac, Anelie B. “Bilanngwalismo: Ingles Ba ay Dapat o Filipino?” The Modern Teachers Journal. August 2000. D. Elektronikong Hanguan Becky M. “Importance of Project”.Posted February 24, 2010 in Practical Teacher Resources, Science Projects, Uncategorized. Tagged:project, science education. <https://justcallmemsfrizzle.wordpress.com/2010/02/24/theimportanceof-projects/> Cabahug, L., Ladot, C(2005). The Academic Performance in Basic Mathematics of UPVCebu College Freshmen From School Years 2000- 2001 to 2003-2004: A Basis ForAdmission toDegree Programs. Web <https://docs.google.com/document/d/11WDVc5CZ45Wdnmal QzGYTC_-fGnkCKVb5d-v5khoHBg/mobilebasic?pli=1> Encyclopedia of Women and Gender: Sex Similarities and Differences Volume 1.Web <https://books.google.com.ph/books?id=7SXhBdqejgYC&pg= PA161&lpg=PA161&dq=which+is+more+appreciative+men+or+ women?&source=bl&> Joseph,Chamie. “Women More Educated Than Men But Still Paid Less”. YaleGlobal, 6 March 2014. Web <http://yaleglobal.yale.edu/content/women-more-educated-menstill-paid-less-men> Leonard, “Level of Appreciation, Self Concept and Positive Thinking on Mathematics Learning Achievement.”Vol.6 No.1, 2012.Web <www.tijoss.com/6thVolume/Leonard.pdf> Ormrod, J.E.. “How Motivation Affects Learning and Behavior”. Apr 30, 2014. Web <http://www.education.com/reference/article/motivation-affectslearning-behavior/> Ripple, Richard E..“Affective Factors Influence Classroom Learning”. <http://www.ascd.org/ASCD/pdf/journals/ed_lead/el_196504 ripple.pdf> Sahin, Fulya.“The Effect of Instructor Enthusiasm on University Taeza, Jeyson T. “Mga Suliraning Kinakaharap ng mga Kalinga sa Pagsasalita ng Wikang Filipino”. <https://www.academia.edu/4016854 /Mga_Suliraning_ kinakaharap_ng_mga_kalinga_sa_Pagsasalita_ng_wikangFilipino Zhang, Qin.Ph.D. Instructor's Corner #3:“Teaching with Enthusiasm: EngagingStudents, Sparking Curiosity, and Jumpstarting Motivation”. Volume 9 , Issue 1 - February 2014. Web. <http://www.natcom.org/CommCurrentsArticle.aspx?id=4678> Students’ Level of Achievement Motivation”. Web <http://www.researchgate.net/publication/230794156_The Effect_of_Instructor_Enthusiasm_on_University_Students_ Level_of_Achievement_Motivation> The Romance Genre <http://www.rwa.org/p/cm/ld/fid=582> “What is your Favorite Subjects?”: An Essays. Web <http://www.signalscu.com/archives/27549/> Apendiks A Sulat Pahintulot para sa Dekana Roullette P. Cordevilla, ED.d. Dekana – Kolehiyo ng Edukasyon Unibersidad ng Foundation Mahal na Dekana: Maalab na pagbati po sa inyo! Ako po ay kasalukuyang sumulat ng tesis hinggil sa “ Lawak ng Pagpapahalag ng mga Estudyante sa Asignaturang Filipino Kaugnay ng Kanilang Akademik Performans” bilang bahagi ng pangangailangan sa pagtamo ng Masterado ng Edukasyon sa Filipino. Kaugnay po nito, ako po ay taos pusong humingi ng iyong pahintulot na makapagsagawa ng isang sarbey hinggil sa pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino na kasalukuyang nakatala ngayong Unang Termino sa Unang Semestre ng Akademikong Taon 2014-2015. Nawa ang inyong positibong tugon ay lubos na makatutulong sa ikatatagumpay ng pananaliksik na ito. Gagamitin lamang po ng mananaliksik ang mga datos para sa pag-aaral at manatili po itong konfidensyal. Maraming salamat po saiyong positibong pagtugon. Sumasainyo, (SGD .)Felipe B. Sullera Jr. Mananaliksik Pinagtibay (SGD.) Cristina P. Calisang (SGD.) Aparicio H. Mequi, Ph. D. Tagapayo Dekano ng Paaralang Gradwado (SGD.) Roullette P. Cordevilla, Ed. D. Tsirman ng Paaralang Gradwado Apendiks B Sampol Sarbey-kwestyoneyr Hinggil sa LAWAK NG PAGPAPAHALAGA NG MGA ESTUDYANTE SA ASIGNATURANG FILIPINO Mahal na respondente, Ang pangunahing layunin ng kwestyoneyr na ito ay upang makuha ang inyong mga tugon o sagot hinggil sa lawak ng inyong pagpapahalaga sa asignaturang Filipino. Ang mga datos na makukuha ay maaasahang manatiling konfidensyal at gagamitin lamang sa pag-aaral na ito. Pangkalahatang Panuto: Pakipunan ang mga kakailanganing impormasyon sa sumusunod na mga aytem. Sagutin ito nang may sensiridad at buong katapatan. I. Profayl Pangalan:________________________ Kurso/Pinagdalubhasaan:_________ Kasarian:________________________ Taon/Antas:_____________________ II. Panuto: Lagyan ng tsek () ang kahon na angkop sa iyong sagot. PUMILI LAMANG NG ISA 1. Ano ang iyong paboritong asignatura? English Filipino History Mathematics Science Magmungkahi ng iba: _________________ 2. Ano ang iyong higit na kinagigiliwang babasahin? Pocketbooks sa Tagalog English magazines Kathambuhay sa Ingles (English novels) Komiks Diyaryo sa Ingles Diyaryo sa Filipino Magmungkahi ng iba: _________________ III. Panuto: Basahin at sagutin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng tsek( ) ang kahon na naaayon sa iyong sariling pananaw. Gamitin ang leyenda sa ibaba. LEYENDA Antas 5 4 3 2 1 Diskripsyong Verbal Lubhang Sumasang-ayon Paliwanag Napakataas ng lawak ng pagpapahalaga Sumasang-ayon Mataas ng lawak ng pagpapahalaga Hindi Makapagdesisyon Katamtaman ang lawak ng pagpapahalaga Hindi Gaanong Sumasang-ayon Mababa ang lawak ng pagpapahalaga Hindi sumasang-ayon Napakababa ng lawak ng pagpapahalaga A. Interes/Kawilihan sa Asignatura 1. Salahatng pagkakataon/panahon,magiliw akonggumagamitngwikang Filipinosaaking pakikipagtalastasansamga talakayansaloobngklase (asignaturangFilipino). 2. Maunawainangamingguropagdatingsa paggamitngtamanggramatika kayakinagigiliwankong sumagotatmakibahagisa mgatalakayan. 3. Paborito ko ang asignaturang Filipino kaya nagaganyak akong gawin ang mga gawain sa loob ng klase. 4. Nauunawaan ko ang koneksyon ng mga leksyon na magagamit ko sa pagpapalawak ng aking buhay. 5. Palaging may magandang interaksyon ang aming pagkaklase at may mga pangkatang gawain. B. Motibasyon sa Pag-aaral 1. Bagosisimulan ngamingguroangmga talakayan sa arawarawaymaymgabagonghamonsiyanginiharapsaa minkayaakonagaganyaknanakikinig atnakikibahagi. 2. Maayosatkawiliwiliangatmospers/kaligiranngamingklasrumkaya Lubha ng Suma sangayon Suma sangayon Hindi Maka pagdesis yon Hindi Gaan ong Suma sangayon Hindi Suma sangayon naiiwasankoangpagkaantoksaloobng klase. 3. Maymaayosatkaayaayangkatauhanangaming guroathigitsalahatsiya’ypunongbuhaysapagkakla sekayanadadalaakosakanyang kasikhayan. 4. Gumagamitngmgamakabagongpamamaraanatte knolohiyaangaminggurosa pagtuturongmgaleksyonkayalubosnanapupukaw angakinginteresnamakinig. 5. Nais kong makakukuha ng malaking marka kaya ako nagpupursiging mag-aral nang mabuti sa asignaturang Filipino. C. Paggawa ng mga kursong pangangailangan 1. Nauunawaan ko ang direksyon ng pagbuo ng aking kursong pangangailangan kaya nagawa ko nang maayos ang aking takda at mga proyekto. 2. Pinaglaanan ko ng sapat na oras ang paggawa ng aming proyekto at mga takda sa Filipino dahil inspirado akong gawin ang mga ito sapagkat naunawaan ko ang pagbuo nito. 3. Nakikita ko ang kabuluhan ng aming mga takda at proyekto at may kaugnayan ito sa kursong kinuha ko kaya nagagawa ko ito nang mabuti. 4. Alam kong makatutulong sa aking paraan ng pag-aaral (study habits) ang paggawa ng mga proyekto at takda at nagsisilbi rin itong disiplina sa aking pag-aaral. D. Paggamit ng wikang Filipino 1. Naunawaan ko ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan. 2. Nauunawaan ko na ang wikang Filipino ay nakatutulong sa pagpreserba ng ating kultura at pagkakilanlan. 3. Ikinatutuwa ko ang paggamit ng wikang Filipino sa harap ng aking mga kaklase at kaibigan. 4. Taas noo ako bilang Pilipino kaya nagugustuhan ko ring gamitin ang wikang Filipino. 5. Nauunawaan ko ang mga paghihirap na dinanas ng ating mga bayaning Pilipino upang maangkin ang kasarinlan kaya pinahahalagahan ko rin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nito kung kinakailangan. Lubha ng Suma sangayon Suma sangayon Hindi Maka pagdesis yon Hindi Gaan ong Suma sangayon Hindi Suma sangayon Apendiks C Paraan ng Pagmamarka ng Unibersidad Foundation Marka sa Porsyento Puna Numerikal na Marka 99-100 Exceptional 1 96-98 Excellent 1.25 93-95 Superior 1.50 90-92 Very Good 1.75 87-89 Good 2.0 84-86 Above Average 2.25 81-83 Average 2.5 78-80 Below Average 2.75 75-77 Passing 3.0 74 (Down) Failed 5.0 INC Incomplete 7.0 WD/DR Withdrawn/Dropped 8.0 Kurikulum Vitae Personal na Datos Pangalan: Felipe Beranio Sullera, Jr. Petsa ng Kapanganakan: Setyembre 19, 1990 Lugar ng Kapanganakan: Cadaruhan, Borbon Cebu, Cebu City Kasalukuyang Tirahan: Purok 5 East Balabag, Valencia, Negros Oriental Kasarian: Lalaki Magulang: Ramona B. Sullera Felipe Sullera, Sr. (deceased) Edukasyon Kolehiyo: Unibersidad ng Foundation Bachelor of Secondary Education sa Larangan ng Filipino Marso 2012 Sekondarya: Mataas na Paaralan ng Negros Oriental Marso 2007 Elementarya: Mababang Paaralan ng Tabunan Marso 2003 Karanasan sa Pagtuturo Instruktor sa Filipino Hunyo 2012- kasalukuyan Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Foundation, Dr. Miciano Road, Taclobo Siyudad ng Dumaguete Quality Analyst Tagapagsalin sa wikang Filipino Setyembre 2013- kasalukuyan JTIGlobal – Teletech, Siyudad ng Dumaguete