Uploaded by Trixie Angela Ladwingon

ISANG GABI LIMANGDAANG TAON

advertisement
ISANG GABI NG LIMANGDAANG TAON
Hindi ako naniniwa sa hindi ko nakikita
Sa mga kwentong kwalye, sa mga sabi-sabi
Hindi ako naniniwala sa hindi ko nadarama
Sa mga nakasulat lang,
Maging sa mga binabasa
Hindi ako naniniwala sa mga bulong
Sa mga hindi maintindihang sinusulong
Hindi ako naniniwala dahil malabong sa aking tabi’y andito ka
Kung ang sabi ng nakasulat ay naroon ka din sa tabi niya
Paanong ang isa ay nagiging tatlo,
Paroo’t parito, hay nakakalito
Sabi nila, sa mga paghihirap ay kasama ka
Bakit sa kalungkutan pakiramdam ko’y nag-iisa
Isang kahangalan ang tumawag sa’yo
Wala namang sagot, mapapagod lang ako
Sabi nila ako’y magpasalamat din
Sa tuwing may biyayang sa buhay ko’y dumarating
Nakapagtataka naman, kailangan pa yun?
Mag-isa lang naman akong bumagsak, umahon
Nang dumating ang pandemya lalong kinalimutan ka,
Araw-araw na pagkain ang siyang aking problema
Saan kukunin ang sa mesa ay ilalagay
Kung sa panalangin lang ako sasalalay?
Sa gitna ng krisis, maraming nawala
Trabaho, kaibigan… Nakakalungkot,
Pati ating kapamilya
Puro hinagpis, luha at sakit ang nanaig
Nalimot ko na din na sa problema’y wag padaig
Lahat halos ay nawalan
Iba-iba ang kinahinatnan
Iniwasan kong tumawag
Kahit na sa kadalasa’y nababagabag
Hindi ko mawari aking gagawin
Maniniwala ba o ipipilit ang katotohanang akinIsang gabing ako’y hapong-hapo
Nag-iinit, mahina at tila nawawala sa mundo
Tumawag ako ng mahina Siguro sa kanya’y nagsimula ng maniwala
Ang sasabihin ay di mawari
Pano kaya sisimulan
Kaytagal kong pinag-isipan
Wala pang unang salita ako’y humikbi
Tila sa aking ama ako na’y nakauwi
Kapatawaran aking unang hiningi
Pagpapatawad sa madaming pagkakamali
Hindi man siya sumagot agad
Yakap Niya’y naramdaman ko ng banayad
Pagkatapos ng tahimik ba usapan
Ako’y nakaidlip, hindi ko namalayan
Pagkagising tila ako’y bagong tao
Ang Diyos sa aki’y naging totoo.
Bumuti aking pakiramdam, nabuhayan ako
Naging masigla pati aking puso.
Naniniwala na ako sa hindi nakikita
Sa mga nakasulat,
Sa mga binabasa,
Naniniwala na ako sa mga bulong
Kung bakit Kristiyanismo’y sinusulong
Limandaang taon sa mundo ito’y nabuhay
Kagabi lang ako nagising, nang lumapit na sa hukay
Isa itong pagsising hindi ko malilimutan
Isang karanasang habambuhay ako’y tuturuan
Sa mga katulad kong ang paniniwala’y mahina
May awa ang Diyos, tayo ay magtiwala
Minsan sa buhay mas madami tayong duda
Ito ay alisin pati takot at pangamba
Masarap mabuhay kasama si Kristo
Gawin mo siyang kabigan, iyong katoto
Siya ma’y talikuran mo, yayakapin ka Nya
Siya ang Ama, Anak at Espiritu Santo
Sa iisang Diyos, maniwala ka ng buo..
Download