Uploaded by chookstosauce

Tagalog Dialect & Filipino in Education Essay

advertisement
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERISTY
BatStateU Alangilan, Batangas City
Bachelor of Science in Electrical Engineering
Fili 102 – Filipino sa Iba’t – ibang Disiplina
2nd Semester, AY 2021-2022
Pangalan: Duenas, James Mhay Crister R.
Puntos:__________
Seksyon: EE-2201
Petsa: 03/07/22
A: Pagbubuod ng Artikulo
Ang dayalekto ng Tagalog sa Roxas, Oriental
Mindoro: Epekto ng language contact (The
Pamagat ng artikulo
dialect of Tagalog in Roxas, Oriental
Mindoro: Effect of language contact)
Ang pangunahing paksa ay ang language
Pangunahing paksa/suliranin/tanong ng
pananaliksik
contact sa Isla ng Mindoro at kung bakit
naiiba ang Tagalog ng Roxas sa mga karatig
Lugar nito.
Ang mga tiyak na paksa ay:
Mga tiyak na paksa/suliranin/tanong ng
pananaliksik

Epekto ng language contact

Kaibahan ng
salitang Tagalog ng
Roxas sa karatig Lugar nito

Language ng mga katutubo sa Isla ng
Oriental Mindoro
Ang paraan ng pagtutipon ng datos ay sa
pamamagitan
Paraan ng pagtitipon at pagsusuri ng
datos
ng
pagsasarbey,
at
sa
pamamagitan ng pagkuha ng informat na
nakatira mismo sa lugar na kanyang pagsasarbeyan. May pinasagutan din sa mga
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERISTY
BatStateU Alangilan, Batangas City
Informat na wordlist na naglalaman ng 485
na salitang Tagalog-Manila na itutumbas nila
sa Tagalog na kanilang sinasalita.
Buod ng mga pangunahing kaisipan/datos
Ang Tagalog-Roxas ay naiiba sa dayalektong
sinasalita sa kabuuan ng Oriental Mindoro.
Dahil ayon sa pag-aaral ang Roxas ay kilala
bilang pook daungan at kung saan dito ay
sinasalita ang magkakaibang linguahe, ayon
sa pag-aaral ang preliminaryong patunay sa
kaibahan ng Tagalog-Roxas bilang epekto
ng interaksiyon ng dayalektong ito at mga
wikang Hanunuo, Bantoanon, Onhan,
Romblomanon, at Aklanon. Mula sa datos ay
nakita ang impluwensiya ng mga
wikang ito sa leksikon ng Tagalog-Roxas
dala ng mga gawaing pangkalakalan,
transportasyon, at migrasyon. Partikular na
kinikilala ang ambag ng migrasyon
mula Romblon at Panay, kabilang ang Aklan,
patungong Mindoro upang maging
manggagawa sa sakahan noong panahon ng
Amerikano, at ang masiglang sistema
ng transportasyong pandagat sa Roxas
patungo sa mga islang ito. Kinikilala rin
ang ambag ng komunidad ng mga Hanunuo
Mangyan at kanilang wika, bagama’t
nakita sa mga resulta ng pag-aaral na higit na
mababa ang bilang ng mga salitang
Tagalog-Roxas na maaaring nagmula rito,
kumpara sa mga salitang maaaring
nagmula sa apat na wika
B: Pagsulat ng Sanaysay (1-2 pahina, TNR, 12, 1.5)
1.
Base sa aking karanasan nung ako ay nasa elementarya at sekondarya pa
lamang, aking nawiwika pa ang sinasabi ko nung mga panahon na iyon habang nagtuturo
ang mga guro ko sa mga tiyak na kurso, *diba araling panlipunan to pero bat gumagamit
ng English*, *mas maiintindihan ko sana ng lubusan ang mga leksyon na ito kung
magtatagalog na lamang si ma’am*, eto ay madalas kong nababangit kapag ako ay
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERISTY
BatStateU Alangilan, Batangas City
lubusang nagugulumihanan sa mga paraan ng pagtuturo ng aking mga naging guro sa
iba’t ibang asignaturang mas bagay pa gamitin ang wikang pilipino. Pero kung ako ay
tatanungin kung ano ang gagamiting wika bilang medyum ng kumunikasyon sa pagtuturo
ng mga asignatura, siguro ako ay hindi agad makakasagot at baka ako ay magalinlangan
pa sa aking opinion. Kung ating titingnan eto sa pananaw ng mga estudyanteng katulad
ko, ang pagtuturo ng wikang pilipino sa mga tiyak na mga kurso ay may binabagayan din.
Sa aking pagkakaalam, ang Humanindades ay isang pagaaral na may
kinalaman sa pagpapakatao at ang agham panlipunan naman ay ang sangay ng agham na
nag-aaral ng lipunan at ang mga relasyon ng indibidwal sa loob ng lipunan, depenisyon
pa lamang ng dalawang ito ay talagang malalim na kaya mas marapat lang na ang gamitin
nilang wika sa pagtuturo ay filipino, dahil sa dalawang ito kailangan ng mga mag-aaral na
malawak na imahinsayon upang mas mabuting maintindihan ang mga lekson na ituturo sa
bawat pahina ng kursong ito, pero dahil tayo ay nasa modernong panahon na ngayon
syempre uunahin ng mga tao ang formalidad, pero para sa akin pwede pagsabayin
gamitin ang wikang ingles at filipino sa pagtuturo, kumbaga sa terminolohiya pwede
natin gamitin ang wikang ingles pero sa proseso naman mas mainam na gamitin natin ang
wikang pilipino dahil ito ang ating sariling wika at para mas mauunawaan narin ito
malinaw.
2.
Ang pag-aaral ng mga sabjek na karaniwang ginagamitan ng wikang ingles ay
isang pangkaraniwang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa estudyante, ang pagtuturo din
gamit ang wikang ingles ay nagpapakita ng pormalidad at propesyalismo, gayundin
nagsasaad na ang nagtuturo ng nasabing sabjek ay gamay o alam na alam ang kanyan
itinituro. Subalit ang tanong, ang pagtuturo nga ba ng mga tiyak na sabjek ay kailangan
gamitan ng wikang ingles? Lubusan nga bang naiintindihan ng mga estudyante ang
ititnuturo sa kanila ng kanilang mga guro?
Ayon sa aking nabasang artikulo, sa panayam nina Fajilan at Safra kay Dr.
Fortunato Sevilla III, ang pagtuturo ng kemistri gamit ang sariling wika ay lubos na
napapagaan ang interakson ng mga estudyante sa tuwing nagsasaad ng pag-aaral, Sinabi
din nya na ang pag-gamit ng sariling wika sa kursong kemistri mas nauunawaan ng
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERISTY
BatStateU Alangilan, Batangas City
kanyang mga estudyante ang ma leksyon, gayundin ang pag-gamit ng wikang filipino sa
pagtuturo ay napapdali ang mga diskusyon dahil hindi na kailangan pa isalin ang mga
wika mula ingles patungo sa filipino. Bilang isang estudyante, pabor sa akin ang paggamit ng wikang filipino sa pagtuturo lalo na kung ang itinuturo ay may kinalaman sa
agham, alam naman natin na ang agham ay isang pag-aaral na may kinalaman sa
matematika, sansinukob, botanika at pati na rin kemistri, at marami pang iba na
kalimitang ginagamitan ng malalalim na salita sa wikang ingles sa pagpapaliwanag at
dahil dito ang mga estudyante ay nawawalan ng pokus sa mga diskusyon, kung sana ang
medium ng komunikasyon ay ang sariling wika hindi na kakain ng oras para lamang
intindihin ang mga salitang hindi pamilyar sa mga estudyante, kung sa pananaw naman
ng mga guro mapapagaan ang kanilang pagtuturo dahil ito ay nakasalin na sa ating
sariling wika na hindi na nila kailangan pang ulitin kapag naguguluhan ang mga
estudyante, base sa aking karanasan, mas nagiging aktibo pa ang mga estudyante sa mga
pag-aaral dahil kung gusto nila magtanong hindi na nila kailangan isalin pa ito sa wikang
ingles at hindi na rin sila magiisip na *baka mali ang aking grammar kaya hindi na lang
ako magtatanong*. Kung ito ay maipapatupad sa buong bansa, maraming mga estudyante
ang magkakaroon na inters sa agham at mga sangay nito, gaya na lang sa china na kung
saan ang pagtuturo sa mga sabjek na ginagamitan nang ingles ito ay nakasalin na sa
kanilang sariling wika.
Ayon sa artikulo, ang kahinaan ng wikang filipino bilang midyum ng
komunikasyon sa agham at teknolohiya ay ang kakulungan o kawalan ng mga kataga para
sa konsepto o kagamitan sa larangan na ito dahil hindi naging parte ng kultura at
pamumuhay ng mga pilipino noon. Nabanggit rin na nagkaroon ng kanya kanyang paraan
ng pagsulat ang mga tao at wala paring pinal na mga salita para rito. Nabanggit din na
kailangan gumamit ng wikang Espanyol na dati ng nagamit para lang maisalin ang mga
salita. Isa sa mga solusyon na nasaad sa artikulo ay ang partipasyon ng mga ahensya na
may kinalaman sa agham at filipino, at pati narin ang mga eksperto sa larangang ito
mabibigayang solusyon ang problemang naglilimita sa filipino bilang midyum nang
pagtuturo.
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERISTY
BatStateU Alangilan, Batangas City
Bagamat may kahinaan, pero sa tamang panahon siguro ay mabibigayang
pansin ang suhestisyon ni Dr. Sevilla na gamitin ang wika bilang midyum ng pagtuturo sa
mga kurso may kinalaman sa agham at para sa akin, tama lamang na gamitin ang wika sa
pagtuturo sa larangang ng agham dahil tiyak na mas mapapatibay pa ang pagpapaunlad sa
wika at mas marami pa ang estudyateng magkaka-interes sa pag-aaral.
RUBRIK NG SANAYSAY
20 PUNTOS
20 PUNTOS
Mga ideya
Organisasyon
Pagpili ng salita
Mga Kombensiyon
18 PUNTOS
Mga ideya
Organisasyon
Pagpili ng salita
Mga Kombensiyon
15 PUNTOS
Mga ideya
Organisasyon
Pagpili ng salita
Mga Kombensiyon
10 PUNTOS
Mga ideya
Organisasyon
Pagpili ng salita
Mga Kombensiyon
: Bukod tangi ang nilalaman, nagbibigay-kaalaman, napaka-kaugnay sa
paksa, puno ng mga nakakaintriga ng mga detalye, malinaw, nakatuon
:Nakakahimok at tuluy-tuloy na organisasyon, madaling sundan
: Ang pare-parehong paggamit ng matingkad na pandiwa, mga salita ay
naglalarawan, tumpak
: Namumukod-tanging kaalaman sa mga kombensiyon
: Mahusay na binuo ang nilalaman, nagbibigay-kaalaman, napaka-kaugnay sa
paksa, malinaw, nakatuon
:May
layunin,
madaling
sundan
: Madalas na paggamit ng matingkad na pandiwa, kadalasang tumpak
: Malawak na pagkaunawa sa mga kombensiyon, napakakaunting mga
pagkakamali
: Sapat na nilalaman, nauugnay sa paksa, kadalasang malinaw, nakatuon
: Inaasahan na organisasyon, sa pangkalahatan ay madaling sundan
: Madalas na paggamit ng matingkad na pandiwa, kadalasang tumpak
: Mahusay na kaalaman sa mga kombensiyon, nababasa nang may kaunting
mga pagkakamali
:Limitado ang nilalaman, nauugnay sa paksa, medyo hindi malinaw ngunit
may nakikitang pokus
: Mahina at pabagu-bagong organisasyon, mahirap sundan
: Ang mga salita ay bihirang matingkad na pandiwa, malinaw o tumpak
: Ang madalas na mga pagkakamali sa pagsulat ng mga kumbensyon,
nakakaapekto sa madaling pagbasa
Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERISTY
BatStateU Alangilan, Batangas City
5 PUNTOS
Mga ideya
Organisasyon
Pagpili ng salita
Mga Kombensiyon
: Napakalimitadong nilalaman, hindi malinaw, hindi tinukoy ang paksa
: Nakakalito, magkakahiwalay, napakahirap sundan, walang agos
: Ang mga salita ay kulang sa kalinawan at hindi epektibo o sobra-sobra
: Ang madalas na mga pagkakamali sa pagsulat ng mga kumbensyon, ay
seryosong nakakaapekto sa madaling pagbasa
Download