Uploaded by bea.pallera

ESP-7-Q2-Weeks-7-8

advertisement
1
Tulad Mo, Ako ay Tao!
Mga Inaasahang Maipamamalas
Sa modyul na ito ay kinakailangang makabuo ka ng mga kaparaanan kung
paano mo maipapakita ang paggalang at pantay na pagtingin sa iyong kapwa.
Makakatulong sa iyo ang pagbasa at pag-unawa sa nilalaman ng modyul na ito.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod
na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
a. Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anuman ang kanIyang
kalagayang panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa.
(EsP7PT-IIg-8.1);
b. Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may
pagpapahalaga sa dignidad ng tao. (EsP7PT-IIg-8.2);
c. Napatutunayan na ang (a) paggalang sa dignidad ng tao ay ang
nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa
sarili at (b) ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging
pantay at magkapareho nilang tao. (EsP7PT-IIh-8.3); at
d. Naisasagawa ang mga konkretong paraan upang ipakita ang paggalang
at
pagmamalasakit
sa
mga
taong
kapus-palad
o
higit
nangangailangan kaysa sa kanila. (EsP7PT-IIh-8.4)
Bago ka magpatuloy ay sagutin mo na muna ang mga tanong
sa ibaba.
Paunang Pagsubok
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
na
2
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat ang T kung ang pahayag ay
TAMA at M naman kung MALI sa nakalaang patlang.
1. Ang lahat ng tao ay nilikhang may taglay na dignidad o karangalan
bilang tao._________
2. Ang tao ay nilalang na kawangis ng Diyos.___________
3. Ang tao ay walang pananagutan sa kaniyang kapwa tao dahil sa may
kaniya-kaniya itong buhay._______
4. Ang dignidad ay ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ng kaniyang mga
nilalang. _______
5. Tao lamang sa lahat ng nilalang ng Diyos ang may taglay na
dignidad._____
Balik-tanaw
Gawain 1.1. Panuto: Alalahanin mo ang mga uri ng kalayaang iyong natatamasa
at ang mga responsibilidad na kaakibat ng mga ito. Punan ang talahanayan.
Kalayaan
Responsibilidad
Halimbawa:
Kalayaan sa Pagpapahayag
Pagsabi
ng
magagandang
tungkol sa ibang tao
Ngayon, ikaw naman,
1.
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
bagay
3
2.
Ayon kay Gomes, MG A. (2014) Ang tao ay malaya subalit, may nakaatang
na responsibilidad sa kalayaan. Mahalagang isaisip natin ang responsibilidad bago
ang ating kalayaan. Sa pamamagitan nito, hindi natin malalapastangan ang
kalayaan ng ibang tao.
Ngayon marahil ay alam mo na ang kakambal ng kalayaan ay
responsabilidad at pananagutan at ang tunay na Kalayaan ay ang
paggawa lamang ng kabutihan.
Pagpapakilala ng Aralin
Higit na mabibigyan ng malalim na kahulugan at pang-unawa ang iyong
mga natutuhan mula sa mga nagdaang gawain kung uunawain mo nang mabuti
ang mga nakasaad sa babasahin.
Ang tao ay nilikha ng Diyos ayon sa kaniyang wangis, ibig sabihin ay ayon sa
kaniyang anyo, katangian at kakayahan kung kaya’t nararapat lamang na
kilalanin ang kaniyang dignidad sapagkat taglay niya ang karapatan na tumanggap
ng paggalang mula sa kaniyang kapwa. May kasabihan nga tayo na “Huwag mong
gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin nila sa iyo”. Ito ay naayon sa utos ng
Diyos na “Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili”.
Kumusta? Nalibang ka ba sa pagbabasa? Ang susunod na gawain ay
maaaring magpatibay ng paglalapat mo ng iyong mga natutuhan.
Mga Gawain
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
4
Gawain 1.1. Panuto: Tunghayan mo ang nasa ibabang mga larawan ng mga
taong may iba’t-ibang katayuan sa buhay at sagutin ang mga gabay na tanong
ukol dito.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang karaniwang tawag sa kanila ng mga tao?
___________________________________________________________________________
2. Ano ang nararamdaman mo tuwing nakikita mo sila? Bakit?
___________________________________________________________________________
3. Pare-pareho ba ang katayuan nila sa buhay? Paano ito nakakaapekto
sa pakikitungo sa kanila ng mga tao?
___________________________________________________________________________
4. Kung ikaw ang nasa katayuan ng ilang nasa larawan, ano ang magiging
damdamin mo kung hindi iginagalang ng iyong kapwa ang iyong pagkatao?
Magbigay ng mga paraan kung paano naipapakita ang pagpapahalaga sa
tao.
Gawain 1.2. Panuto: Tunghayan ang sumusunod na larawan. Suriin mo ang mga
ito at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
5
___________________________________________________________________________
2. Ang mga larawan ba ay nagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa
kaniyang kapwa tao? Pangatwiranan. Paano mo naman mailalarawan ang
paggalang at pagpapahalaga sa kapwa?
___________________________________________________________________________
3. Kung ang mga nasa larawan ay nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa
karapatang pantao, paano mo ilalarawan ang lipunang kinabibilangan mo?
Gamit ang kalayaang natutunan sa nakaraang aralin, ano-ano ang
pagkakapareho at saan nagkaka pantay-pantay ang tao?
Gawain 1.3. Panuto. Bumuo ka ng mga kaparaanan na magpapakita ng
pagmamahal sa sarili at kapwa. Isulat ang sagot sa bawat kahon.
Kaugnayan
ng simbolo
sa aking
pagkatao
Simbolo
Mga Paraan
ng
paggalang
sa sarili at
kapwa
Rubrik sa Pagwawasto
Krayterya
Puntos
☺Kumpleto ang mga sagot
3-Kung taglay ang 3 pamantayan
☺Maayos ang pangungusap
2-Kung taglay ang 2 pamantayan
☺Malinaw ang pagpapaliwanag
1-Kung isang pamantayan lamang
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
6
Mahusay! Natapos mo ang mga gawain. Nagpapakita lamang
ito ng iyong kahandaan upang palawakin mo pa ang iyong pangunawa at kaalaman.
Tandaan
Kung may pagkaka-iba-iba ang tao sa kaniyang kapwa dahil sa kaniyang
katayuan sa buhay at sa iba pang mga aspeto na bumabalot sa kaniyang pagkatao,
mayroon din silang pagkaka pare-pareho. Ito ay ang pagkakaroon niya ng isip na
nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa, mangatwiran, magnilay at
magpasya na siya ring nag pabukod-tangi sa kaniya sa lahat ng iba pang mga
nilikha ng Diyos. Ito rin ang dahilan kung bakit ang tao ay may karapatan na
igalang ang kaniyang kapwa dahil na rin sa dignidad na taglay nito.
Kung ano ang likas sa iyo, likas din sa iyong kapwa. Kung mayroon kang
karapatang ipaglaban ang iyong dangal, mayroon ding karapatan ang iyong kapwa
Punsalan, Caberio, Nicolas & Reyes, (2007).
Saan ngayon nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang tao? Ang
pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa kaniyang dignidad bilang tao at ang
karapatan na dumadaloy mula rito.
Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas,
mula sa dignus, ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang
pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang
kapwa. Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan ay may dignidad. Kung kaya’t nararapat lamang na gamitin natin ang
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
7
ating kalayaan na piliin na gawin kung ano ang mabuti at nararapat sa sarili at
kapwa.
Sinabi ni Gomez, MG. (2014) maaring isipin ng ibang tao na nawalan na
sila ng dignidad kung sila ay may sakit o nagdurusa. Sa totoo lang ay hindi ito
nawala.
Kung kaya’t nararapat na panatilihin natin ang pagkakaroon ng malinis na
pangalan at pagkatao nang sa gayon ay igalang tayo ng ating kapwa.
Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit
obligasyon ng bawat tao ang sumusunod:
1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. Kailangan mong tandaan na
ang iyong kapwa ay hindi dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Ano ang magiging
epekto sa iba ng iyong gagawin? Nararapat pa ba itong gawin o hindi na?
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa
iyo. Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay anumang gawin mo sa iyong
kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang paggalang sa karapatan ng
iyong
kapwa,
pagmamahal,
pagpapahalaga
sa
buhay,
kapayapaan,
katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipagugnayan.
Ayon sa Kawikaan 22:1 (NIV), “Ang mabuting pangalan ay mas hahangarin
kaysa sa dakilang kayamanan, ang igalang ay higit pa sa pilak o ginto”
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
8
Ngayon naman ay may isa pang gawain na nakalaan para sa iyo
nang sa gayon ay mailapat mo ang lahat ng iyong natutunan sa aralin na
ito.
Pag-alam sa mga Natutuhan
Panuto. Pumili ng iyong superhero na sa tingin mo ay makakatulong sa
pangangalaga at pagpapahalaga ng iyong kapwa. Ipaliwanag sa kung paanong
paraan siya makakatulong sa pagpapahalaga at pangangalaga ng dignidad ng
iyong kapwa.
“Ang Aking Superhero"
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Sundin ang sumusunod na pamantayan:
1. Ang paglalahad ay makabuluhan at tumutugon sa paksa.
2. Gumamit ng mga salita na nagpapahayag ng tunay na damdamin.
Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa mga sumusunod:
4 -Napakahusay
2 -Katamtaman
3 -Mahusay
1- Dapat paunlarin
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto. Isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang sa bawat bilang.
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
9
_____ 1. Ang salitang Latin na dignitas ay nangangahulugan ng pagiging
______________.
A. karapat-dapat
B. ehemplo
C. mabuti
D. mapanuri
_____ 2. Ang tao ay natatangi sa lahat ng nilalang ng Diyos dahil sa
kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni
at pumili ng ________________.
A. mabuti
B. makabuluhan
C. makatuwiran
D. malaya
_____ 3. Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung
bakit obligasyon ng bawat tao ang sumusunod MALIBAN sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang
pakikitungo sa iyo.
D. Mahalin ang iyong kaaway.
_____ 4. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng
kaniyang kapwa tao MALIBAN sa:
A.Maging sensitibo sa pangangailangan ng iba.
B.Tumulong sa abot ng makakaya.
C.Pantay-pantay na pagtingin sa kapwa.
D.Maging mabuti sa taong mabuti din sa iyo.
_____ 5. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
A. Upang matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
B. Upang mabibigyan mo pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang
halaga ng talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
C. Upang makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang
maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating
pagkatao.
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
10
D. Upang mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapwa
dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang
materyal at ispiritwal.
Pagninilay
Panuto: Gamit ang iba’t ibang bahagi ng iyong katawan, isulat sa kanang bahagi
ng kolum ang mga salita o mga kaparaanan na maari mong sabihin o gawin upang
maipakita mo ang paggalang at pagpapahalaga sa iyong kapwa.
Halimbawa: Pantay-pantay na pagtingin sa kapwa
Sagot: _____________________________________________________
Halimbawa: Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya
Sagot: _____________________________________________________
Halimbawa: Makinig sa hinaing ng kapwa
Sagot:______________________________________________________
Halimbawa: Bukas palad sa pagtulong sa mga nangangailangan
Sagot:_____________________________________________________
Halimbawa: May malasakit sa kapwa
Sagot:_____________________________________________________
Rubrik sa Pagwawasto
Krayterya
Puntos
☺Kumpleto ang mga sagot
3-Kung taglay ang 3 pamantayan
☺Maayos ang pangungusap
2-Kung taglay ang 2 pamantayan
☺Tumutugma sa sinasabi ng panuto
1-Kung isang pamantayan lamang
.
Binabati kita! Ngayon ay tiyak na handa ka na isabuhay ang iyong
mga natutuhan upang maibahagi rin sa iba ang iyong kaalaman.
Marahil ay handa ka na sa susunod na aralin
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan: Ikapito at Ikawalong Linggo
Download