10 N O T Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 1 ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS I. Panimula Paano ka ba magmahal? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Paano mo minamahal ang Diyos at ang iyong kapwa? Pamilyar ka ba sa dalawang pinakamahalagang utos? Ito ay ang: ibigin mo ang Diyos nang buong isip, puso at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili. Ang pagmamahal ang pinakamahalagang utos. Sa gawaing pampagkatutong ito pag-uusapan natin ang pagmamahal sa Diyos. II. Kasanayang Pampagkatuto 1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos. EsP10PB-IIIa-9.1 2. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongretong pangyayari sa Buhay. EsP10PB-IIIa-9.2 III. Mga Layunin Pagkatapos ng Gawaing Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang: a. makikilala ang kahalagahan ng Pagmamahal sa Diyos b. makapagbibigay ng mga pangyayari sa buhay na kung saan nakatutulong ang pagmamahal sa Diyos c. maisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos. IV. Pagtalakay Ang Pagmamahal sa Diyos Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano ang iyong naging pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong pakiramdam? Tila hindi mo napapansin ang paglipas ng oras sapagkat doon umiikot ang iyong mundo. Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Ito ay nagsisimula sa simpleng palitan ng usapan at maaaring lumalim kung patuloy ang kanilang ugnayan. Mas nagiging maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may kasama itong pagmamahal. Ang tao ay likas na maka-Diyos. Mula sa kanyang kapanganakan, hinahanap na niya ang kaniyang pinagmulan. Marahil ay tatanungin mo ang iyong sarili saan nagmula ang ating buhay. Ang Diyos ang pinagmulan ng tao at ang patutunguhan nito. Nilikha tayo ng Diyos. Marapat na Siya ay mahalin. Higit pa dito, siya ang pinagmulan ng pag-ibig kaya sinasabing ang Diyos ay pag-ibig. Juan 3:16 Dahil mahal na-mahal ng Diyos ang sanlibutan kaya ang anak niyang kaisa-isa’y kanyang ipinagkaloob at nang sinuman ang maniwala sa kanya’y di mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggang. Ipinapahiwatig ng berso na minamahal ng Diyos ang kaniyang anak. Ang tao na mananalig sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Bilang pagmamahal ng Diyos, binigyan tayo ng talino at lakas. Gamit ito, makakamit natin ang ibibigay niyang buhay na walang hanggan. Ngunit papaano natin gagamitin ang mga ibinibigay niyang talino at lakas sa atin upang makamit ang buhay na walang hanggan? Ang tao ay nilikha ng Diyos na may misyon na dapat na gawin. Sinasabi sa Bibliya na ang tao’y kamanggagawa ng Diyos upang maisagawa ang kaniyang plano para sa sangkatauhan. Pinagkalooban niya tayo ng talino at lakas upang makagawa hindi lamang para sa pansariling pag-unlad kundi pati na din sa pagkakamit ng kabutihang panlahat. Upang maisagawa ang misyong ito gagamitin natin ang pinagkaloob niyang talino at lakas sa atin upang maisabuhay ang paggawa. Upang mas higit na maunawaan, ang pagmamahal ay isa sa mga pagpapahalagang maaaring taglayin ng isang tao. 2 Dahil ang pagmamahal ay ispiritwal, mahirap itong ipakita kung hindi lalapatan ng gawa. Importante ang paggawa dahil hindi lamang upang matugunan ang ating mga pangangailangang material kundi upang maisakatuparan natin ang ating misyon dito sa lupa. Ang misyong maghahatid sa atin sa pagiging makamanggagawa ng Diyos sa kanyang mga plano sa sangkatauhan. Sa konklusyon mahalaga ang pagmamamahal ng Diyos dahil inililigtas niya tayo. Makabuluhan na mahalin natin siya dahil sa ibinigay niyang buhay na walang hanggan. Masasabi natin na dapat pa din nating tandaan na manalig at sundin ang kanyang mga kagustuhan dahil kung sinuman ang maniniwala sa kaniya ay pagkakalooban niya. Naririto ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos. 1. Panalangin – Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa pananalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa Kaniya. Kung hindi natutupad ang hinihiling sa panalangin, huwag agad panghinaan ng pananampalataya dahil may dahilan ang Diyos kung bakit hindi Niya ibinibigay ito sa tao. Maaaring hindi pa ito dapat mangyari, o di kaya’y maaaring makasama ito sa taong humihiling. 2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay – Sa buhay ng tao, napakahalaga ang pananahimik. Ito ay makatutulong upang ang tao ay makapagisip at makapagnilay. Mula rito mauunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. Makatutulong ito upang malaman ng tao kung ano ang ginagawa niya sa kaniyang paglalakbay, kung saan siya patutungo. 3. Pagsisimba o Pagsamba – Anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang pagsisimba o pagsamba saan man siya kaanib na relihiyon. Ito ang makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman na napulot sa pagsisimba/pagsamba. 4. Pag-aaral ng salita ng Diyos – Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o aral. Tulad ng isang tao na nais makilala nang lubos ang taong kaniyang minamahal, inaalam niya ang lahat ng impormasyon ukol dito. Hindi lubusang makikilala ng tao ang Diyos kung hindi siya mag-aaral o magbabasa ng Banal na Kasulatan o Koran. 3 5. Pagmamahal sa Kapuwa – Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang ugnayan sa kapuwa. Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang kapuwa. Hindi masasabi na maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa. Mahalagang maipakita ng tao ang paglilingkod sa kaniyang kapuwa. 6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad – Malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng mga babasahin na may kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao. Mula sa iba’t ibang paraan, napalalalim ng tao ang kaniyang ugnayan sa Diyos. Kaya’t dito ay makikita ng tao na hindi maaaring ihiwalay ang espiritwalidad sa pananampalataya. Ang espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng pananampalataya at ang pananampalataya naman ang siyang nagpapataas ng espiritwalidad ng tao. Dito ay nagkakaroon nang malalim na ugnayan ang Diyos at ang tao. Tumatanda ka na, marami ka pang mararanasan sa buhay, mahalagang sa edad mong iyan ay simulan mo ng paunlarin ang iyong pananampalataya sapagkat ito ang iyong magiging kalasag sa pag-unlad. V. Mga Gawain Gawain #1 Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa bawat bilang. Bilugan ang letra ng pinaka angkop na sagot. 1. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang A. kawangis ng Diyos B. kamukha ng Diyos C. kamanlilikha ng Diyos D. katuwang ng Diyos 2. Huwag mo nang hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasaiyo ang katangian na nasa ibang tao. Ang ibig sabihin ay: A. higit na mabuti ang magpakatotoo ka. B. ang bawat tao ay mayroong mga katangiang natatangi lamang para sa kanya. C. ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang gusto. D. marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba. 4 3. Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya ang A. kasipagan. B. katalinuhan. C. kabutihan. D. kagandahan. a. 4. Ano ang diwa nag pahayag na ito ni Leo Buscaglia? “Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos. Kung paano mo isasabuhay ang biyayang iyan ay iyong ihahandog sa Kanya.” A. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay. B. Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat tayo sa Kanya. C. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos. D. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito. 5. Ano ang kahulugan ng pahayag? Ang mga biyayang bigay ng Diyos ay isang paraan ng pasasalamat sa Kanya. A. Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba. B. Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos. C. Kailangang paunlarin natin ang ating sarili habang buhay. D. Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa pagunlad ng sarili at pagtulong sa kapwa. Gawain #2: Word Hunt Panuto: Hanapin ang 15 salitang may kaugnayan sa pananalig at pagmamahal sa Diyos. Ilan sa mga ito ay pahalang, pababa at pahilis (diagonal). Isulat ang iyong mga makikita. P A M A M A H I N G A Z M S A P L A N G I T J P P P E A G A G S S P K T B A P A D K D G A G I A A I I G A G I R A M K S M G P W B I G N T I R A A Q B P A A L B A I A P A M P P A A Y L I I A N S I S A W C S P A A Y G Y I Y S 5 A H A B F A P S A G U L O Y L A X M H T A L C L N A N O S L Y D D A A N D P O Y R M R L S A B W N C B Z Y Q G K L Y R A M A M A M H R L S D H E S U S D P A S K O T Y P Gawain #3 Panuto: Basahin mong mabuti ang kwento at sagutin ang mga tanong. PAGPAPALA Lumubog ang bangkang sinasakyan ng isang lalaki; mabuti na lamang at nakahawak siya sa isang life jacket kaya’t nakuha niyang makalutang sa tubig nang buong araw. Hinampas siya ng alon at ipinadpad sa isang islang walang naninirahan. Matapos siyang makabawi ng lakas ay nagtayo siya ng maliit na bahay na yari sa mga dahon at sanga ng punong nasa isla. Inilagay niya sa kanyang munting tirahan ang lahat na gamit na kanyang nailigtas. Sa araw-araw ay nananalangin siyang iligtas ng Diyos. Araw-araw din siyang tumatanaw sa malayo upang mag-abang ng mga barkong daraan. Minsan, mula sa kanyang paghahanap ng makakain ay nagulat na lamang siya nang makitang ang kanyang munting tahanan ay nasusunog. Huli na upang iligtas ang mga kagamitang nasa loob nito. Wala nang habol… Ano pa ang maaaring gawin? Wala na, ito na ang pinakamasamang nangyari. Hindi niya alam naging pagpapala pa para sa kanya ang sunog na ito sapagkat namataan ng kapitan ng isang barkong dumaraan ang usok na likha ng sunog kaya kinabukasan ay bumalik ang barkong dala ang kinakailangang gamit at siya ay tinulungan. 6 Sagutin Mo. 1. Sa paanong paraan ipinakita ng lalaki ang kanyang pananampalataya sa Diyos? 2. Paano siya natulungan ng kanyang pananampalataya? 3. Paano mo ito maiuugnay sa iyong sariling karanasan. VI. Pagsusulit Panuto: Subukin mong sukatin ang iyong kaalaman sa paksang tinalakay. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi. 1. Walang dapat asahan ang tao kung hindi ang kanyang sarili upang umunlad sa buhay. 2. Ang guhit ng tadhana ang dapat maging pamantayan ng tao sa pagharap sa buhay. 3. Pananalig sa Diyos ang kalasag ng tao sa mga hamon ng pang-arawaraw ng pamumuhay. 4. Katangi-tanging pagpapahalaga ng mga Pilipino ang pananalig sa Diyos. 5. Kapag may pananampalataya sa Diyos, hindi na kailangan ng taong kumilos at magtrabaho pa. 6. Nakikipag-usap ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan. 7. Ang pagbabasa ng Banal na Aklat o Koran ng relihiyong kinabibilangan ay nagsisilbing gabay sa buhay. 8. Puno ng pag-asa ang mga taong may mahinang pananampalataya. 7 9. Ang ispiritwalidad ay tumutukoy sa mga bagay na nakikita at nahahawakan. 10. Walang pinipiling kalagayan sa buhay ang pagkakaroon ng matatag ng buhay ispiritwal. Repleksyon/Pangwakas Panuto: 1. Gumawa ng Personal Daily Log (Pansariling pang-araw-araw na talahanayan) na nagpapakita ng pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos para sa susunod na dalawang linggo. a. Itala rito kung nagpapakita ng mabuting ugnayan sa Diyos. b. Maglakip ng patunay sa iyong ginawa. c. Ipakita at ipabasa ito sa iyong mga magulang. Bigyan sila ng pagkakataon na makapagbigay ng payo o komento sa iyong ginawa. Anyayahan sila na ito ay lagdaan. MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA Nilalaman Organisasyon Presentasyon 10 puntos 5 puntos 5 puntos Kabuuan 20 puntos MY PERSONAL DAILY LOG Mga Araw Ugnayan sa Diyos Patunay Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo 8 Komento at Lagda ng Magulang