KABANATA II Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Depinisyon ng Gawaing Ekstra – Kurikular Ayon kay Steven Downshen, MD sa kanyang sinulat na artikulo sa Kidshealth. Org, ang mga organisasyong ito ay hindi lang tungkol sa palakasan kundi pati na rin sa iba’t ibang hilig ng mga magaaral. Halimbawa na dito ang choir, dance club at drama club na naglalayon mailabas ng mga magaaral ng kanilang mga talent. May mga organisasyon din na itinatag upang maihayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga nararamdaman gamit ang pagsulat gaya ng mga pahayagan sa paaralan. Ang iba namang organisasyon ay binuo upang tipunin ang mga taong may magkakaparehong hilig. Sa dami ng mga organisasyon, tiyak na maraming pagpipilian ang mga mag-aaral. Sa madaling salita, ang mga gawaing ekstra-kurikular ay uri ng mga gawaing kadalasan isponsor ng mga paaralan o unibersidad. Ito ay hindi kasama sa kurikulum na pang – akademiko pero kadalasang ginaganap ang mga aktibidades nito sa loob ng paaralan o unibersidad. Kadalasan nangangailangan ito ng oras maliban sa regular na araw ng pasok. Gaya ng nasabi, ang mga ekstra – kurikular na Gawain ay pwedeng magsimula kahit sa simpleng isports gaya ng basketbol at balibol, at pati na rin sa pagkanta, pagsayaw at pag – arte sa entablado. Paraan ng Pagsali sa Gawaing Ekstra – Kurikular Sa simula ng taong pampaaralan, ang mga guro ay kadalasang may mga listahan ng mga programang maaring salihan o di kaya’y gumawa ng anunsyohalimbawa, ang iyong guro sa kasaysayan ay maaring tagapayo ng kopunang pangdebate. Tumingin sa mga bulletin board at pati na rin sa mga diyaryo ng eskwelahan. Tanungin ang hilig ng mga kaibigan. Sumali kaagad o di kaya’y maghintay at tingnan kung ano ang iyong magiging iskedyul at saka sumali. Tanungin ang tagapamahala ng isang programa o organisasyon bago sumali. Ang ilan sa mga bagay na maaring tanungin ay ang mga sumusunod: Edad. Ikaw ay dapat nasa tiyak na edad o may tiyak na marka upang makasali Mga Bayarin. Kailangan bang magbayad bago makasali? Magkano? Mayroon bang bayad para sa outings, mga damit na kailangan o sa iba pa? Isa pa, maaring maging obligasyon ang pagtulong sa pagiipon ng pera ng nasabing grupo. Oras. Kung ikaw ay kasali sa mapagkumpitensyang isports mangangailangan ka ng oras upang magsanay at makipaglaban. At isa pa, nangangailangan din ng oras para maging handa sa laro sa aspetong emosyonal. Pakinabang ng mga Gawaing Ekstra – Kurikular Para sa nakararami, ang mga ekstra – kurikular na gawain ay makikita bilang isang oportunidad para masanay ang kakayahan ng pakikisalamuha sa iba’t – ibang uri ng tao. Nagkakaroon din ng isang indibidwal ng marami pang kakilala sa kanilang paaralan na kapareho niya ng hilig. Dahil dito, natututunan niya ang pakikisama sa iba at dumadami ang kanyang kaibigan. At para sa mag-aaral ng kolehiyo, ang pagsapi sa mga sa mga ganitong uri ng gawain ay makapagbibigay ng daan upang makapag eksperimento sila ng mga bagay na maaring makalinang sa kanilang magiging career interest. Maaari din magbigay daan ito sa mga estudyanteng nahihirapan sa kanilang pag-aaral upang maiangat ang kanilang tiwala sa sarili. Maraming mga ekstra-kurikular na gawain gaya ng mga dyaryong pampaaralan, potograpiya at drama ang pwedeng luminang sa kakayahan o talent ng isang estudyante. Bukod dito, maaari ito makatulong sa magiging propayl pagdating ng panahon, lalo na sa pag-aaplay sa mga kolehiyo at maging sa mga trabaho sapagkat ito ay nagpapakita na ang isang tao ay aktibo hindi lang sa kanyang pagaaral kundi pati sa ibang gawain. Ang mga grading pang-akademiko ay sadyang mahalaga sa isang propayl na pang-aplikasyon ngunit pakatandaan na tinitingnan din ng mga employer ang ating kakayahan at talento sa iba’t ibang mga larangan maging sa ekstra-kurikular. Kabilang na rin sa mga larangan na ito ay ang mga gawain na pagkatapos ng pasok gaya ng Red Cross, mga pulitikal na kampanya, pagboluntir, at marami pang iba. Sa pamamagitan ng mga gawain na ito, lalawak ang ating kakayahang organisasyonal, matututo tayo ng tamang pagbalanse sa oras at magiging masaya ang ating pag-aaral. Ayon rin kay Dowshen sa kanyang isinulat na artikulo, madalas na dahilan sa pagsali ng mga mag-aaral sa mga organisasyon ay upang may iba silang pagkaabahalan. Sinabi rin niya na ang mga taong kabilang sa mga organisasyon ay mas may mababang posibilidad na magkaroon ng masamang gawi gay ang bisyo. Ang mga Dapat Isaalang-alang sa Pagkakaroon ng Gawaing Ekstra-Kurikular Kaya naman sa pagpili ng isang ekstra-kurikular na gawain dapat isaalang-alang ang mga sumusunod: Una, dapat maging maaga. Ngayon pa lang habang bata pa ay magsimula na maging aktibo sa mga iba’t ibang gawain sa paaralan o unibersidad. Pangalawa, dapat mangarap ng isang mataas na posisyon sa isang organisasyon dahil mas magiging kamangha-mangha at hamon kung ikaw ay gagawa ng marka sa isang larangan. Pangatlo, dapat laging pagbutihin ang iyong gawain, at gumawa ng mabubuting gawain. Pang-apat, dapat maging malikhain. Pang-lima, dapat manatili ang pokus sa isang bagay at maging progresibo sa panahong nilalaan. At pang-anim, siguraduhin na gamitin ang iyong bakasyon. Gawing produktibo ang oras at gumawa ng mga bagay na maipagmamalaki. Pag-aaral tungkol sa Ekstra-Kurikular na Gawain Sa katunayan, ayon sa isang sarbey noong 2001sa isyu ng “Journal of School Health” na nilathala noong Marso 2003, humigit sa 50,000 mag-aaral ng hayskul sa Minnesota na aktibo sa mga ekstra-kurikular na gawain ang nagpakita ng mas malusog na pagkilos sa larangan ng sosyal at emosyonal na lebel kaysa sa mga estudyanteng hindi aktibo. Ang kadalasang problema lang ng mga ganitong gawain ay minsan ito ay nagiging mabigat na gawain at hindi kayang ipagsabay sa pag-aaral. Dapat maging handa ang isang estudyante bago pa magsimula ang semester sa pamamagitan ng pag-gawa ng tamang iskedyul. Dapat rin isaalang-alang na dapat maging kasiya-siya ang mga aktibidades at hindi magdulot ng kahirapan sa mga estudyante, hindi rin dapat mawala ang balanse nito sa pag-aaral. Isport Bilang isang Ekstra-kurikular na Gawain Sa larangan naman ng isports, ang pagkakaroon ng sakit sa katawan ay hindi talaga maiwasan kaya dapat na ikondisyon ang katawan bago ang Dowshen sa kanyang sinulat na artikulo, madalas na dahilan sa pagsali ng mga mag-aaral sa mga organisasyon ay upang may iba silang pagkaabalahan. Sinabi rin niya na ang mga taong kabilang sa mga organisasyon ay mas may mababang posibilidad na magkaroon ng masamang gawi gaya ng bisyo. Ang mga Dapat Isaalang-alang sa Pagkakaroon ng Gawaing Ekstra-kurikular Kaya naman sa pagpili ng isang ekstra-kurikular na gawain dapat isaalang-alang ang mga sumusunod: Una, dapat maging maaga. Ngayon pa lang habang bata ay magsimula na maging aktibo sa mga iba’tibang gawain sa paaralan o unibersidad. Pangalawa, dapat mangarap ng isang mataas na posisyon sa isang organisasyon.