Uploaded by gracielle.ashleysunico11

Utos-ng-Hari

advertisement
UTOS NG HARI
Jun Cruz Reyes
A. PAMAGAT
 UTOS NG HARI
 Ang maikling kwento na ito ay tumatalakay sa buhay ng isang mag
aaral at kung paano sila itrato ng mga guro na parang isang mga
hari o namumuno.
B. URI NG GENRE NG AKDA
 MAIKLING KWENTO
C. MAY-AKDA
 JUN CRUZ REYES
 Natatanging muhon ng wikang Filipino at Bulakenyo
 Assistant Professor noong 1993-2004
 Nakapaglabas ng maraming libro, isa rito ang Etsa-Puwera na
nagkamit ng unang premyo sa National Centennial Literary Contest
noong 1998 at National Book Award
 SEA Write Awardee ng Pilipinas sa taong 2014
 Magaling na guro na ginawaran bilang pinakamahusay na Assistant
Professor ng College of Arts and Letters sa UP Diliman, Most
Outstanding Faculty sa Polytechnic University of the Philippines, at
ng isang Writing Grant mula sa UP Office of the Chancellor at
Office of the Vice President for Academic Affairs noong 2003.
 Kilala sa iba’y ibang tanyag na Unibersidad at kinukuhang panelist,
judge o tagapagsalita sa mga palihan at patimpalak gaya ng
Palanca Awards at NCCA Writers Prize.
 Ginawaran siya ng Gawad Alagad ni Balagtas ng Unyon ng
Manunulat sa Pilipinas noong 2002 at hinirang bilang Most
Outstanding Alumni for Literature and the Arts ng Hagonoy Institute
noong Diamond Anniversary nito.
 Nagbibigay ng libreng workshop sa kanyang bahay sa Bulacan.
 Editor-in-Chief din siya ng Dyaryo Hagonoy
 Sa kasalukuyan, siya ang senior adviser ng Center for Creative
Writing sa PUP at utak sa likod ng Biyaheng Panunulat.
D. PAG UNAWA
Ang “Utos ng Hari” ay isang maikling kwento na tumutukoy sa
karanasan ng isang mag aaral. Pinapakita dito kung paano kontrolin ng
mga guro ang isang estudyante. Ang kwentong ito ay tungkol sa kay Jojo
na kinakikitaan ng pagkapasaway at pagkamatigas ng ulo. Lagi niyang
sinusuway ang mga bilin ng kanyang mga guro sapagkat alan niya sa
sarili niya kung anong tama para sakanya.
Sa unang bahagi ng kwento ay pinapapunta ng kanyang guro si
Jojo sa kanyang opisina para ito’y pagsaabihan dahil sa ipinakita niyang
ugali sa kanilang klase. Pati na rin ang kanyang kaibigan na si Minyong
sapagkat hindi ito makasabay sa kanilang klase at hindi abot ang
pamantayan ng paaralan. Sila’y bibigyan ng bagsak na grado dahil sa
pinapakita at dahil sa uri ng pamumuhay meron sila. Samantalang
pinapaburan nila ang may pera at magalang at maaalalahaning mag aaral
kahit sila ay may bagsak na grado. Pagkatapos sabihin ang gusting
sabihin ng guro ay pinag usapan ng magbabarkada kung paano hindi
pantay ang pakikitungo ng mga guro sakanila. Tinawanan nalang nila ang
mga nangyari sakanila. Sinabi ng pangunahing tauhan ang iba’t ibang
personalidad ng mga mag aaral pero hindi kita ng mga guro dahilan ng
kanilang panlabas at pisikal anyo. Naisip ni Jojo kung makakapasa siya
sakanilang paaralan dahil labag sa kanilang pamantayan ang kanyang
ginagawa. Ngunit sa bandang huli ay dapat kailangan niyang magsalita
sapagkat hindi ito paghubog ng katauhan at kakayahan ng mga mag aaral
ang ginagawa ng mga guro dito. Mas nawawalan ng gana ang mga maag
aaral sa mga pinapakita nila at kailangan na itong matapos sa
pagbubunyag ng kanyang saloobin.
Ang realidad ng pagiging estudyante ay makikita sa maikling
kwentong ito. Nais ipahiwatig ng akdang ito ang mga salaoobin at
hinanakit ng mga estudyanteng nasasakal sa maling trato ng kanilang
mga guro. Pinapakita dito ang diskriminasyon na nagaganap sa loob ng
paaralan. Pinapakita rin dito kung paano kontrolado ng mga guro ang
proseso ng paaralan. Ikinumpara ng pangunahing tauhan ang mga
kalagayan ng mga linelebela ng mga guro na mabababang estudyante at
matataas na estudyante. Ang tinutukoy na mabababang estudyante ay
mga hindi sumusunod sa mga gusto ng mga guro, mga cultural minority,
at mga mga estudyanteng dukkha, samantala ang mga matataas na
estudyante ay ang mga sumusunod sa gusto nila, may talinong nais ng
mga guro at mga mayayamang estudyante.
Tinatalakay ng akdang ito kung paano naaapektuhan ang mga mag
aaral sa proseso ng ganitong paaralan. Nakakasira ito sa larawan ng ating
lipunan sapagkat pinapairal nila ang favoritism at pagiging sipsip ng mga
estudyante. Gustong iparating ng akdang ito na dapat pantay at huwag
nilang hayaang sila mismo ang dahilan sa pagkawala ng gana ng isang
estudyanteng mag aral.
E. PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN
Sa pagsusuri sa maikling kwentong ito, nais ipamulat ng may akda
ang mga ang nangyayaring nagaganap sa loob ng paaralan. Ang totoong
kalagayan ng mga estudyanteng nahihirapan at napapasama sa tingin ng
ibang tao dahil sa mga pinagsasabi ng kanilang mga guro. Malaking
epekto ito sa buhay ng isang mag aaral sapagkat nagiiba rin ang paningin
ng ibang tao sakanila, pati na rin sa mismong pamilya ng estudyante.
Sapagkat ang mga guro ay pinagkakatiwalaan ng mga tao sapagkat sila
ay respetadong mamamayan.
Nailahad din dito ang saloobin at hinanakit ng mga mag aaral dahil
sa maling trato sa paaralan. Pinakita ng may akda kung gaano katapang
si Jojo sa pakikipagharap sa kanyang guro at sabihin ng nais niyang
ipaabot. Binigyang pansin niya ang pagiging sunod sunuran ng mga
estudyante para lang makakuha ng mataas na grado.
Ipinakita rin ng may akda ang favoritism kagaya sa nangyari kay
Minyong at Armando. Parehong cultural minority ngunit si Armando isang
mayaman at anak ng doctor. Samantalang si Minyong ay pinadala para
mag aral ngunit sinabihang bobo at baliw dahil hindi makasunod sa
pamantayan ng paaralan.
Ang pagpapahayag ng may akda sa mga mahahalagang
impormasyon ay hindi gaano maayos at malinaw sapagkat may mga
emosyon at pangyayaring hindi naipaliwanag ng maayos.
Nauunawaan ng kaagad ang nais ipahatid ng may akda sa mga
mambabasa. Ang mga detalye ay organisado at mga salitang ginamit ay
madaling maunawaan. Madaling matukoy ang mga importanteng
impormasyon na gustong ibahagi ng may akda sa mga mambabasa.
Makikita rin dito ang di kanais nais na gawain ng mga guro. Ito ay
magsisilbing aral sa mga guro na pareho ang pakikitungo sa kanilang mga
estudyante. Kailangang pantay at natuturuan ng maayos ang mga mag
aaral at mahubog ng husto ang kayang gawin ng mga mag aaral.
Tulungan silang tuklasin ang kanilangsariling kakayahan, hindi yung mas
hihilahin sila pababa.
Ang ideya at impormasyon ay madaling basahin. Pinadali ng
manunulat ang pagtukoy ng mga mambabasa ang kanilang nais nilang
ipahiwatig. Ngunit may nga salitang bawal sa mga mambabasang
kabataan.
Ang gustong ipahatid ng may akda ay mamulat ang lahat sa
realidad na kinakaharap ng bawat estudyante. Hindi porke’t di kanais nais
ang pagpapahayag ng isang guro sakanila ay ganun na rin ang pagtingin
sakanila. Huwag manghusga kung hindi kilala ang isang tao sapagkat
nakakasira ito ng kinabukasan,
F. PAGPAPAHALAGA
a.
Sa kabuuan, ang paksa ay patungkol sa realidad o katotohanang
kinakaharap ng mga mag aaral. Ang mga hindi patas na pangyayari sa
sistema ng institusyon. Ito ay mahalaga sapagkat nakakatulong ito para
mamulat ang mga mambabasa sa mga saloobin ng mga nahihirapag mag
aaral dahil sa hindi patas o pantay na pamantayan ng paaralan. Ang pag iral
ng diskriminasyon sa isang paaralan ay hindi dapat gawin. Ang pangunahing
tauhan ay inihalintulad ang kanyang sarili sa isang sintas na nakakabit sa
sapatos ng kanyang guro. Sapagkat nararamdaman niyang nakabase sa
tinatahak ng guro ang kinabukasan niya. Kulong siya sa isang sistemang
kontrolado ang proseso ng kanyang pagkatuto.
b.
Mabuting Aspekto
Makikita ang pagdidisiplina sa mga mag aaral sa maikling
kwentong ito. Ito ay magandang aspekto na pwedeng matutunan sa akdang
ito. Hindi din nila pinapabayaan ang mga mag aaral na wala silang matutunan
at pinagsasabihan nila ito.
c.
Mahinang Aspekto
Ang mahinang aspekto ng akda ay ang pagpapa iral nila ng
diskriminasyon at favoritism sa kanilang intitusyon. Kinokontrol nila ang mga
mag aaral na parang isang mga robot. Pinapakita dito ang saloobin at
hinanakit ng mag aaral dahil sila ay nakakulong sa patakaran ng intitusyon.
Hinuhusgahan nilang ang bawat estudyante sa kanilang pamumuhay at pisikal
na anyo na hindi dapat Gawain ng isang respetadong tao. Mahinang aspekto
rin ang paghahambing ng pangunahing tauhan sa Ama sapagkat walang
sinuman ang pwedeng ihambing sa Kanya, bagay man o tao.
MGA SIMBOLISMO:
Pulang ballpen – sinisimbolo nito ang mababang o bagsak na grado
Jojo – sinisimbolo ang mga estudyanteng nakakulong sa Sistema ng
intitusyon at kontrolado ng mga guro.
Minyong – sinisimbolo niya ang mga estudyanteng biktima ng diskriminasyon
sa loob ng paaralan,
Mrs. Moral Character – sinisimbolo niya ang mga gurong kumukontrol at
nangingialam sa buhay ng estudyante
Sapatos – simbolo ito ng mga gurong gabay sa landas na ating tatahakin
Sintas ng sapatos – sinisimbolo nito ang sistemang kontrolado ng mga guro
na kung saan ay nakakulong ang mga estudyante.
G. PAGPAPALAWAK
NATUKLASAN
Natuklasan ko sa akdang ito na marami palang mga mag aaral ang
nahihirapan dahil sa kanilang mga guro. Maraming mga guro ang nagpapa iral
sa diskriminasyon at masamang ehemplo sa ating lipunan. Akin ring natuklasan
na ang mga mismong guro ang humahadlang sa magandang kinabukasan ng
mga estudyante dahil sa hindi pantay na pagtrato nila sakanila.
REAKSYON
Ako ay nalulungkot sapagkat hindi kaaya aya ang ipinakitang ugali ng
mga guro sa akdang ito. Ginagamit nila ang kanilang kakayahan sa pagkontrol
sa mga estudyante. Nagagalit rin ako sapagkat tinatakot nila ang mga
estudyante para lang makuha ang kanilang kagustuhan at pinapa iral nila ang
diskrominasyon na hindi dapat Gawain ng isang guro.
REKOMENDASYON
Sa mga gurong nag papa iral sa mga gawaing ito, dapat ay magbago na
sila. Imulat ang kanilangmga mata sapagkat ang bawat estudyante ay may
kanya kanyang paraan para matuto. Dapat nilang gabayan ng wasto at huwag
sila mismo ang magbababa sa mga ito. Huwag nilang husgahan ang mga mag
aaral sa pisikal na kaanyuhan. Para naman sa mga estudyante, alamin ang
kanilang kahalagahan at ibuka ang bibig kapag may mga bagay na hindi ka aya
ayang ginawa ng mga guro sa kanila.
Download