Uploaded by Jed Riel Balatan

Script - PI 100

advertisement
Script
[Slide 1] Lahat siguro tayong nandito ay nakapagsulat na ng isang sulatin mula sa isang
paksa: tula, maikling kwento, nobela, repleksyon, reaksyong papel, at kung anu-ano pa
man. Marahil kung babasahin natin ang ating mga naisulat noong tayo’y nasa hayskul pa
lamang ay ang isa sa mgaa unang papasok sa ating isip ay: “Ano kayang pumasok sa isip ko
bakit ko ito naisulat?” o Matatawa na lamang tayo dahil sa laki ng pinagbago natin mula
noong isinulat natin iyon at ngayong binabasa na natin.
Magandang araw sa inyong lahat, ngayon, tatalakayin natin ang mga nailathalang tula ni Dr.
Jose Rizal noong panahong nag-aaral pa siya sa Ateneo Municipal de Manila. Bago pa man
siya maging bayaning ating mas kilala ngayon, siya’y naging isang estudyante rin tulad
natin. Itong panahon ng kaniyang buhay ang magiging bida sa leksyon natin ngayong araw.
[Slide 2] Balangkas ng presentasyon. Magsisimula sa maikling introduksyon, susundan ng
maikling impormasyon mula sa lahat ng tulang naisulat ni Rizal sa Ateneo, pagkatapos, apat
na tula ang mapipili mula sa lahat ng mga tulang nabanggit na bibigyang pokus at amin
ding ipababasa sa inyo. Huli, ay ang konklusyon, kung saan masasagot ng tanong kung sino
nga ba si Dr. Jose Rizal sa Ateneo?
[Slide 3] Upang masagot ang nasabing tanong. Isa sa mga paraan na ating gagamitin ngayon
ay ang pagkilatis sa mga paksa o tema ng mga tulang naisulat niya sa panahong ito.
Partikular na mula noong 1874 hanggang 1877.
[Slide 4] 1874, labing-apat na taong gulang si Jose Rizal noong taong ito. Ikatlong
Akademikong Taon niya at ang naging paksa niya ay may patungkol sa kaniyang ina at
relihiyong Katoliko. Hindi siya sumulat ng mga tula sa nakaraang mga akademikong taon
dahil nalulumbay ang puso niya sa pagkakapiit ng kaniyang ina na si Teodora [Alonso
Realonda]. Kaya noong nakalaya ang kaniyang ina, isinulat niya ang tulang Mi Primera
Inspiraction (Aking Unang Inspirasyon, My First Inspiration) biglang handog sa kaarawan
niya. Isa pa sa naisulat niya ay ang isang relihiyong tula na Al Niño Jesus, ito’y kabilang sa
apat na napiling tulang ating mababasa at pagpopokusan mamaya.
[Slide 5] 1875, para mag-aral ng mabuti, makakuha ng mga medalya’t mataas na marka, at
mas magsulat pa ng maraming mga tula, ang naging inspirasyon ni Rizal ay ang kanyang
propesor na si Padre Francisco de Paula Sanchez. Para sa kanya ito ang pinakamagaling sa
lahat ng mga propesor ng Ateneo.
Mapapansin agad ang pagiging family-oriented o mapagmahal ni Rizal sa kaniyang pamilya
tulad na lamang ng kaniyang ginawang tula dahil sa kahilinginan ng kanyang mga kapatid
na batiin ang kanilang bayaw na saiAntonio Lopez, asawa ni Narcisa, na kaniyang kapatid.
Bilang pagsasanay sa pagsulat ng tula, isinulat niya ang mga tula ng kabayanihan na Y Es
Español : Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo, na isa rin sa apat na tulang ating
mababasa mamaya. Isa pa ang The Departure: Hymn to Magellan's Fleet na patungol sa
pagsasakripisyo upang maglakbay at tahakin ang mapanganib na karagatan at pagtuklas ng
mga bagong kaalaman . Dagdag pa ditto ang The Battle: Urbiztondo, Terror of Jolo tampok
si Urbiztondo, kung saan sa buong kasaysayan ng mga Moro sa Pilipinas, si Uzbitondo
lamang ang nakapagpatumba sa isang bayan ng mga Moro.
[Slide 6] 1876, mas makikita na natin ang pagpapakita ni Jose Rizal sa pagmamahal sa
kaniyang bayan gamit ang kaniyang mga ala-ala noong kabataan, masasayang araw na
kaniyang binabalikan sa pamamagitan ng pagsulat ng Isang Alaala Ng Aking Bayan.
Bukod sa relihiyosong tula na To the Virgin Mary o Para sa Birheng Maria, tampok din ang
kahalagahan ng relihiyon sa edukasyon at ng edukasyon sa bayan sa dalawang tulang
kaniyang naisulat na atin ding mababasa mamaya.
[Slide 7] Tampok din sa mga tula ng kabayanihan, ang mga matatagumpay na pagsakop at
mga pakikipaglaban na nag-iwan ng marka kay Jose Rizal. Tulad na lamang ng Ang
Pagkakabigo at ang Tagumpay: Ang Labanan ng Lucena at ang Pagkakakulong ng Boadbil
kung saan ipinakita ang pagtatagumpay ni Don Diego at pagkatalo at pagkabihag ng
Muslim na si Boadbil, huling Moorish sultan ng Dranada. Sunod naman ang “Ang
Matagumpay na Pagpasok ng Katolikong Monarkita sa Granada” kung saan bida ang
matagumpay na pagpasok ni Haring Ferdinand at Reyna Isabel patungo sa Granada, ang
huling Moorish na kuta sa Espanya.
[Slide 8] 1877, tampok sa taong ito ang mga istorya patungkol kay Colombus, ang
tagapagtuklas ng Amerika. Mula sa mga kabayanihan niya, El Heroismo de Colon, ang hindi
pagpondo ni Haring Juan II ng Portugal sa kaniyang ekspedisyon, Colon y Juan II, at pati na
rin ang trahedya sa buhay ni niya, Gran Consuelo en la Mayor Desdicha. Sa taong rin ito
naisulat ni Rizal ang Isang Dialogo ng Pamamaalam ng mga Mag-aaral, huling tulang
isinulat niya sa Ateneo, ito’y makabagbag-damdaming tula kung saan siya ay namamaalam
sa kanyang mga kaklase.
[Slide 9] Ang apat na napiling tulang pagpopokusan ay ang mga nakikita niyo sa inyong
mga iskrin, maaari niyo silang basahin habang kami ay nagdidiskas.
[Slide 10] At Siya ay Espanyol: Elcano, Ang Unang Nakaikot sa Mundo
[Slide 11] Bigyan ko muna kayo ng ilang segundo para basahin. Ikinumpara ni Rizal sa
Higante ng Pirene ang karakter sa tulang ito na hindi niya pa ipinakikilala, na kaya daw
lagpasan ang anumang hagupit ng bagyo kapag humadlang ito sa kanya. Makikita rin sa
unang dalawang estansa ang paghanga ni Rizal dahil noong panahon na iyon katapangan
talaga ang paglalayag upang makatapak sa mga bagong lupain, bansa, o kontinente dahil
limitado pa lamang ang makinarya at kaalaman, at napakamisteryoso ng karagatan para sa
karamihan.
[Slide 12] Ipinakilala niya na dito si Juan Sebastián Elcano, kahit gaano raw kahirap,
kalawak at katagal ang ipinangako niyang tungkulin, tulad ng isang red-tailed eagle kaya
nitong gumalaw at tawirin ang anumang lakbayin. Anumang kakila-kilabot na unos, bagyo,
o nakabibinging kidlat ang madaanan niya, siguradong malalampasan niya ito.
[Slide 13] Dito nabanggit na matapos malampasan ang hagupit ng mga alon ay
matagumpay na nasukat at nalaman ng mundo kay Elcano kung gaano ba kalawak ang
mundo. Mapapansin rin dito ang lawak ng kaalaman ni Rizal, halimbawa sa paggamit niya
ng metapora sa kultura ng mga Griyego sa paglagay ng laurel bilang pagbibigay parangal sa
mga bayani.
Kahalagahan sa mag-aaral
- Ang gusto lamang ipunto dito ni Rizal na marahil ay magagamit ng iba’t ibang magaaral ngayon ay ang pagtahak natin sa anumang tungkulin na ating ginagampanan
sa araw-araw gaano man kahirap, kabago, at kamisteryoso ay hindi tayo dapat
matakot na tahakin ito dahil hindi matatawag na “tagumpay” ang anumang
pagsubok na ating pinagdaanan kung hindi natin ito pinagpaguran.
[Slide 14] Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon
[Slide 15] Ikinumpara sa baging at puno ang relihiyon at edukasyon. Kung saan ang
existence o pag-iral ng isa ay mahalaga upang mapayabong ang isa. Mapapabayaan at
maaalis daw sa isipan ng mga tao relihiyon kapag ito ay hindi sinama sa edukasyon.
[Slide 16] Kung papayag naman daw ang edukasyon na maging kaagapay ang relihiyon, ang
edukasyon ay hahantong sa mas luntiang pastulan at magbubunga ng matamis na resulta.
Ibig sabihin sa tulong ng relihiyon, ang edukasyon ay magreresulta hindi lamang sa
intelektwal kundi pati na rin sa solidong espiritwal na paniniwala. Kung wala rin daw ang
relihiyon, ang edukasyon ay parang barkong nawala sa mabagyong dagat dahil naniniwala
si Rizal na ang totoong edukasyon ay yung kasama ang Panginoon o si God, maliligaw at
magiging magulo ang iyong landas kung hindi mo siya kasama.
[Slide 17] Ang gusto lamang sabihin dito na sa tulong daw ng relihiyon, ang edukasyon ay
hahantong at magreresulta sa taong mayroong magandang asal at mabuting saloobin.
Kahalagahan sa mag-aaral
- Ang gusto lamang ipunto dito ni Rizal na marahil ay magagamit natin ngayon ay ang
paggamit ng edukasyon o mga kaalaman natin sa tama. Hindi lamang sapat na tayo’y
isang punong patuloy na yumayabong ng kaalaman, dapat pinauusbong din natin
ang kabutihan sa ating puso at gamitin ito upang magserbisyo sa bayan.
Download